❪ Month Past ❫
Hinihingal na napasandal na lamang siya mula sa sulok ng whorehouse na kanyang pinag tataguan upang makatakas sa isang tao na hindi niya kilala, maging ang lahat ng kanyang mga tauhan ay isang kisap mata lamang nitong napa tumba at pinatay.
Hindi niya alam kung papaano ito naka punta sa lungga niya, kung saan siya nag tatago mula sa mga Trinidad' at sa mga tauhan ng dalaga. Ang buong akala paman din niya nung malaman na patay na ang dalaga akala niya mag tatagumpay na siya sa plano niyang pumalit at sakupin ang kumpanya ng mga Trinidad subalit hindi rin niya agad nagawa lalunat may umiksena pa sa mga plano niya ang mga Lebis.
Isa rin sa mga gustong pamunuan ang Buong Kumpanya at sakupin ang mga pinag hirapan ng mga Trinidad.
Nag kasundo sila ni Mr. lebis na siraan ang Ama ng dalaga at pabagsakin ang mga ito subalit sadyang ma swerte lang ang Ama ni Katharra dahil mas napaangat pa nito ang kumpanya at mas napalakas pa ang kapit sa ibang mga ka sosyo nito, napa kuyom na lamang siya ng mga kamao ng malaman niya mula sa inutusan niya na ang nag papatakbo na ngayon sa Trinidad Tower ay ang pinag kakatiwalaan ng mg ito na si Lucas.
Hindi niya malaman kung may sa pusa talaga ang mga tauhan ng dalaga dahil sa tuwing gagawa siya ng hakbang upang mapataya ang mga ito laging na kakalusot. Maging ang anak anakan ng dalaga ay tinangka niya rin ipadukot uli ngunit bigo siyang makuha ito laluna mas humigpit pa ang pag babantay sa bata.
Napa lunok siya nang marinig niya ang mga yabag ng
Lalaki? O babae hindi niya mawari kung babae o lalaki, ito. sapagkat naka mascara ito na parang sa isang demonyo at nakasuot ng jacket na makapal at kulay itim.
Napapikit na lamang siya, at napa ngiwi dahil noon niya lang na malayan na may tama siya sa kanyang tagiliran nang bigla na lamang sila paulanan ng mga bala.
Buwisit!
Mas nag sumiksik pa siya upang sa gayon ay hindi siya nito makita kahit madilim sa parteng kanyang pinag kukublian, kita niya ang mga sapatos nitong kulay itim napatiim baggang siya ng huminto iyon kung saan siya nag tatago.
Inisip niya ng mga sandaling iyon kung wala siyang gagawin ay mapapatay siya nito kailangan niyang lumaban, kahit gaano pa ito kalakas' nang makita niya ang ginawa nito kani animoy nasa isang pilikula sila dahil sa brutal nitong ginawa sa kanyang mga tauhan hindi niya malaman kung tao paba ito dahil malakas talaga ito, sa dami ng tauhan niya kanina ay wala man isa sa mga tauhan niya ang nakuha upang pabagsak ito.
Ayaw niya pang mamatay, marami pa siyang mga plano kailangan niyang makaalis at matakasan ito. Inihanda na niya ang sarili mula sa likuran niya dinukot niya roon ang maliit na patalim.
Saktong pagtalikod nito, tiniympuhan niya sinakal niya ito. Subalit mas maagap at mabilis ito kayat nasiko siya, napa atras siya napahawak sa dibdib, napaangat na lamang siya ng mukha ng bigla siya nitong inambaan ng malakas na suntok sa sikmura napaigik siya dahil sa sakit' hindi siya makapaniwalang tumilapon siya ilang dipa ang layo mula rito.
Halimaw ang taong ito. Pilit siyang tumayo at napa suka nang dugo hindi niya mawari pero ang buong katawan niya ay tila nawalan ng lakas dahil sa ginawa nito.
Buwisit.
"S-sino kaba.. A-ano bang kailangan mo----"
Ang gulat niya ng walang kahirap hira siya nitong na i-angat mula sa lupa. Mas humigpit pa ang pagkakasakal nito mula sa leeg niya tila pati ang mga ugat nito sa mga kamay ay nag lalabasan.
At anomang oras ay mababali na ang buto niya sa kanyang leeg.
"A-ack.. " Pilit siyang nag pupumiglas mula sa pagkakasakal nito sa kanya pero sadyang malakas talaga ito.
Kahit sabihing mas dihamak na mas matangkad siya kumpara rito, pero walang wala naman siya sa lakas nito.
"Mr. Falcon.. " Nanglamig siya dahil sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan.
Hindi niya mawari pero mas lalo siyang kinabahan dahil sa lamig ng boses nito at tila kilalang kilala siya nito.
Sino ba siya..
Bago paman siya makapag salita muli siyang tumilapon. Hindi na niya na inda ang sakit sapagkat ramdam niya ang pamamanhid ng buong katawan niya ng mga oras na iyon, muli siyang sumuka ng dugo. Isang kisap mata lamang ay nasa harapan na niya ito at hindi niya muling napag handaan ang pag ataki nito sa kanya.
"Argh.. " Daing niya, para lamang siyang isang unan na binabalibag nito sa bawat sulok ng whorehouse.
Inagat niya ang mga kamay kahit sobra na ang pang hihina niya, at mas nag dugo pa ang sugat niya sa tagiliran na natamo kanina feeling niya sa mga oras na iyon ay ma lalagutan na siya ng hininga. Ayaw niya pang mamatay pero imbosible rin na ma bubuhay pa siya sa kamay ng taong ito.
Wala siyang ediya kung sino ba ito kung may nag utos ba rito. Dahil imposible naman na ang mga tauhan ito ng mga Trinidad, dahil wala panaman siyang na tataggap na kumikilos na ang mga ito upang balikan at gantihan siya. At mas lalong napaka imposible rin na ang mga Lebis ang nag padala ritp upang patayin siya, dahil may usapan sila ni Mr. Lebis na mag tutulungan sila para mapabagsak ang mga Trinidad. Kaya napaka imposible talaga ang mga ito ang may pakana upang patayin siya.
"P-paki usap.. W-wag mo akong patayin---"
Halos lumuwa na ang mga mata niya ng makatanggao siya muli ng isang malakas na suntok mula sa kanyang sikmura kasabay no'n ang pag dilapon niya sa pader bago siya bumagsak at sunod sunod ang pag suka ng kanyang dugo.
PutangIna!
Ito na ba ang katapusan niya, nang lalabo na ang mga paningin niya, marami nang dugo ang nawala sa kanya, ang buong katawan niya ay nang hihina na hindi na rin niya maikilos ang mga paa dahil bali na iyon, mula sa pag tilapon niya kanina.
"S-sino kaba t-talaga.. "
Nakuha pa rin niyang tanungin ito kahit alam niyang sasarili niya ay anomang oras ay malalagutan na siya ng hininga.
Lumuhod ito inangat ang kanyang mukha, titig na titig ito sa kanya, noon niya lang nakita ang mga mata nito kahit naka mascara ito ramdam niya ang lamig na titig nito walang emosyon ang mga mata nitong naka titig lamang sa kanya, baliwala ang paki usap at tinatanong niya rito.
Mariing siyang natawa ng mapakla. Wala talaga siyang ediya kung sino ito o kung ano ang atraso nito sa kanya.
"Gusto mong malaman? " Malalim ang boses nito at malamig.
Ngumisi lang siya at matapang na sumagot.
"H-hindi na, dahil papatayin rin kita. " Bago niya lakas loob na itinarak ang patalim mula sa dibdib nito.
Kayat agad itong napa tayo at napa atras may ngiting tagumpay siyang gumapang papalayo rito. Kailangan niyang maka alis nang hihina talaga siya hindi na niya kaya. Puno na ng dugo ang buong katawan niya nang lalabo na ang paningin niya. Ang buong akala niya makakaligtas na siya subalit, mas lalo siyang nang lamig ng agaran nito nahigit ang mga paa niya bago siya nito hinwakan sa buhok. Papanong nakatayo pa ito at yung patalim na itinarak niya sa dibdib nito ay walang ano anoy nasa kanya na ngayon.
How?
Pinatihaya siya nito. Bago paman siya muling sinaksak ng pa ulit-ulit.
Blanko at ilang sandali na lang tuluyan na siyang malalagutan ng hiniga. Kasabay no'n ang pagtanggal nito ng mascara.
"Bye, Mr. Falcon."
Ngiting demonyong sabi nito. Bago tuluyang pumikit ang mga mata niya hinalikan nito ang bulaklak na itim at iyon ay itinapon sa kanyang mukha. Sa isang iglap lamang na tapos na ang buhay niya ng dahil lamang sa taong ito.
Damn.
©Rayven_26