54 Chapter 51 - Drugs Syndrome Pills

***

Tahimik ang paligid tanging mga kuliglig lamang ang maririnig sa gitna ng katahimikan ng gabi. Ngunit may isang estranghero ang lakas loob na pumasok sa Teretoryo  ng Black Dragon sugatan man subalit disidido ang estranghero, upang makapag tago tanging ayon lamang ang paraan upang matakasan ang mga humahabol rito.

Luminga muna siya  sa paligid tiniyak niya na walang kahit na sinong bantay ang makakapansin sa kanya.

Napa igik siya, at napa ngiwi iikaikang lumakad, naghanap nang mas mapapagtaguan pa at hindi inaasahan napadpad siya sa isang silid matapos niyang pumuslit sa isang bintana at nakita  na tanging Iisang ilaw lamang ang nag sisilbing liwanag sa silid, hirap na binuksan ang siraduhan ng  Pinto.

Napasalampak siya at napasandal sa pinto. Matapos makapasok.

Hakaw ang isang bagay na nais makuha mula sa kanya ng mga Mabster ang Drugs Syndrome Pills, isang kimekal na siya mismo ang  Gumawa, kakaibang lakas kasi ang ipekto nito  sa tao' mas magiging mas malakas kapa kaysa sa iba laluna sa pakikipag laban' ngunit walang katiyakan nga kung ligtas nga ba talaga iyon gamitin kapag na itinurok sa isang tao, lalunat kakaibang Drugs ang ginawa niya, ang huling Drugs na nais makuha sa kanya ni Esmael.

Dahil sa pagkalas niya sa Organization, target siya ngayon ng mga Mobster, maging ang hawak niyang Drugs Syndrome Pills. Na itinakas niya ' ayaw niyang makapahamak pa ng mas marami pang taong matuturukan nito. Dahil sabi nga niya walang kasiguraduhan ang kanyang ginawa kung ipektibo nga ba talaga iyon dahil mas na iiba ang ginawa niya ngayon.

Si Esmael Ang Leader ng Mobster. At nais pagkakitaan  ito at mag bayad ng mas malaking halaga. Ngunit ayaw na niyang mangyari ang nangyari Apat taon na ang nakalipas ilang beses na rin siyang sumubok na gumawa ng Drugs at ilang beses na rin na may namatay dahil sa ginawa niya at ayaw na niyang ma ulit iyon ng malaman ni Esmael na gumagawa siya ng Drugs Pill, pinag bantaan siya nitong papatayin at ituloy ang paggawa.

Labag man sa loob niya simunod siya subalit mas lalo lamang lumala ang nangyari mas maraming mga namatay na mga tao dahil sa paggamit nito, at ngayon pinag hahanap siya nang ilan, upang patayin at kunin mula sa kanya' ang Drugs Syndrome Pills, dahil maraming nag hahangad sa ginawa niya'  ang iilan ay nag babayad ng mas malaking halaga.

At ang hawak niya ngayon ay nag iisa na lamang, kailangan na niyang itapon iyon ayaw na niyang mag trabaho kay Esmael lalunat Eligal ang ginagawa ng Mga ito.

Laluna kung ang Drugs Syndrome Pills ang tanging pag-asa nito upang mag hakot ng mas maraming salapi, kung ang kapalit naman no'n ay ang pagkamatay ng ilang mga taong gumagamit sa Drugs na ito upang libangin ang sarili ngunit hindi alam ng ilan ay lubha itong mapanganib kapag ginamit ng isang tao. 

"Fuck."

Mas gugustuhin niya na lang mamatay kaysa mapakinabangan pa ng ilan ang kakayahan niya at ang Drugs Syndrome Pill na hawak niya.

Mariing siyang natawa ng mapakla, at kahit na hihirapan tumayo siya, iikang ikang lumakad pagawi sa malaking bintana na natatakpan ng malaking Kurtina.

Subalit noon lamang niya na pansin ang isang taong nakaratay sa Malaking kama, kita niya ang mga aparatong mga nakakabit rito.

Noon lamang din niya napansin na isa itong babae. Nawala ang atensyon niya sa mga humahabol sa kanya, bagkos lumapit siya sa babaeng nakaratay sa kama' mariing niyang pinagmasda ito may ilan pang mga sugat siyang nakita sa ilang bahagi ng katawan nito ang sariwa pa.

Hindi niya alam ngunit napatingin siya sa kanyang hawak. Ilang beses pa siyang napa lunok at muling pinagmasdan ang babae at sa hawak niyang Drugs.

"Shit. "

Nang lalaki ang mga mata niya ng makarinig siya ng mga Putokan, mula sa labas na titiyak niyang nalaman na ng Leader ng Black Dragon ang ginawang pag pasok ng ilang mga kasama niya sa Teretoryo ng mga ito.

Mabilis ang kabog ng puso niya kinakabahan na siya na nginginig na mahigpit ang paghawak sa Drugs, at mas lumapit pa sa babae na halos parang patay na dahil makina na lamang ang nag papagalaw sa paghinga nito. Kung tutuusin wala na talaga  itong buhay matapos niyang masuri kanina

Napalingon siya sa malaking bintana ng makarinig siya ng mga nabasag na salamin.

"Shit! " Wala na siyang oras.

Pumaling siya muli sa babae pikit matang hinakawan niya ito sa braso. May panginginig pa ang paghawak niya rito.

"P-patawarin mo ako, sa gagawin ko ito lang kasi ang paraan para hindi nila makuha ito, sana umipekto sayo, Patawad. "

Hingin pa umanhin niya rito at wala ng pag aalinlangan na itinurok na niya iyon rito.

Sana maging successful ang pag turok niya rito, Dahil iyon na ang pinaka kakaibang huling ginawa niya sa lahat. At huling gagawin niya. gayon sa tingin niya  rin ay katapusan na rin niya.

©Rayven_26

_________________________________________________

A/n : Gawa gawa ko kang ho, ang Drugs syndrome pills na iyan, 😅 wala kasi akong maisip kaya iniba ko na lang, Baka kasi may magtaka kung mayganyan ba. Sempre katangisip lang naman yan. Para mapaiba naman. Sana maintindihan niyo.

avataravatar
Next chapter