webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · Urban
Not enough ratings
60 Chs

Question

LUMILIPAD ang isip ko habang humihigop ng gatas na nasa tasa. Iniisip ko kasi ang sinabi sa akin ni Damien at aaminin kong ginugulo ako no'n.

Ang mata niyang puno ng lungkot at luha. Ang matang niyang napapalooban ng maraming emosyon. At ang salitang binitiwan niya.

Napabuntong hininga ako at ibinaba ang tasa sa lamesa.

"Si Damien ang iniisip mo, 'no?" sulpot ni Kyrine at kumagat sa slice bread na may palaman na strawberry jam. Umupo siya sa kaharap na upuan ko at kumain kain do'n.

"Hindi ako nakapunta sa usapan namin kagabi," sambit ko sa kanya at ramdam ko ang konsesya sa dibdib ko. Ang lakas ko pumayag sa kanya tapos hindi ko man lang siya sinipot.

"Alam ko. Si Josiah ang kasama mo, e. Ano pa bang ini-expect ko?" sabi niya sa akin ng puno ng sarkasmo at pagkagalit. "Kapag kasi nakaharap mo na si Josiah, nakakalimutan mo ng umiikot ang mundo. Ganon ka karupok pagdating sa kanya," madiin na sabi niya.

"Kyrine," may pagbabanta na sabi ko sa pangalan niya subalit hindi man lang siya natakot at mas tumapang pa ang itsura niya.

"Hindi ako nagagalit sa pagiging marupok mo kay Josiah," nagpapaintinding sabi niya. "Ang kinaiinis ko lang sayo, pinahintay mo si Damien sa wala habang pinapasasa mo ang karupukan mo kay Josiah. May usapan na kayo ng tao, pero nong tumawag si Josiah sayo, nakalimutan mo na ang usapan niyo."

"So, anong gusto mong gawin ko? Ibalik ang oras para mapuntahan ko si Damien sa usapan namin?" pigil na galit na sabi ko sa kanya. Timping-timpi na ako sa kanya.

"Sige, i-try mo. Maganda 'yan, pwedeng maging fantasy story," nakangiwing sabi niya at sinubo ang tinapay na natira.

Lumingon ako sa gilid ko at huminga nang malalim pagkatapos ay hinarap ko ulit siya.

"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?" untag ko sa kanya.

Napataas ang kilay niya at kalaunan ay napansin ko ang tinatagong ngisi sa labi niya.

KINUHA ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Damien. Sa totoo lang, nahihiya pa akong kausapin siya pero kailangan ko itong kainin dahil hindi mangyayari ang plano kung mahihiya na lang ako.

Nakagat ko ang labi ko nang sagutin na niya ang tawag ko.

Hinintay kong magsalita siya sa kabilang linya ngunit wala man lang akong narinig mula sa kanya.

Napatikhim ako.

"H-Hello," sambit ko pagkaraan.

"H-Hi?" Hindi siguradong sagot niya.

Huminga ako malalim at inipon ang lakas ng loob ko para sabihin na ang dahilan ng tawag ko.

"I want you to meet me here. I'll send you the address. Nandito na ako ngayon. Hinhintayin kita," marahan at pormal na sabi ko subalit sa loob ko ay nakakaramdam ako ng kaba. Ang hirap naman nitong pinasukan ko.

Muli, wala akong narinig na sagot sa kanya.

"Aasahan kita," huling sambit ko at pinatay na ang tawag.

Binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko at diretsong napatingin ako sa eco bag na dala ko.

Napailing-iling ako at nagpatuloy na sa paglalakad dahil kailangan ko pa itong ayusin bago dumating si Damien.

***

NANONOOD kami ni Abram ng isang action movie ngunit hindi ko naiintindihan ang pinapanood namin dahil okupado ang isip ko.

"Damien, ano gustong mong panoorin?" narinig kong tanong sa akin ni Abram. Napalingon ako sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Ayaw ko na. Ikaw na lang manood," usal ko sa kanya at napakunot ang noo niya.

Ibinaba niya ang mga hawak niyang DVD saka humarap sa akin.

"Ayos ka lang ba? Simula kagabi pansin ko ang pagiging matamlay mo, ah."

Napabuntong hininga ako at inalis ang tingin ko sa kanya.

"Mahal pa ni Caelian ang ex-boyfriend niya," mahinang sabi ko ngunit alam kong narinig niya ang sinabi ko.

"Ha? Hindi kita maintindihan, pre. Ano bang nangyari? Bakit nasasabi mo 'yan?" Labis ang pagtataka sa boses niya.

"Kagabi, hinintay ko siya, nakakaramdam na ako ng kaba dahil halos isang oras na siyang late sa usapan namin. Pero alam mo yong nakakalungkot?" tanong ko sa kanya at nagpatuloy. "Habang ako naghihintay sa kanya, siya naman kasama niya si Josiah," sabi ko sa kanya at ramdam ko ang kirot sa dibdib ko.

"Ibig sabihin hindi kayo nagkita kagabi?" nagdadalawang isip na tanong niya.

Dahil sa tanong niya, gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko habang bumabalik sa isipan ko ang buong pangyayari.

"Pinuntahan niya ako," sambit ko sa kanya. "Dahil sa kilos na iyon, nakaramdam ako ng konting pag-asa. Tanggap ko ng mahal niya pa rin si Josiah at sa isang katulad ko na walang puwang sa puso niya, isang pag-asa na iyon na baka isang araw…ako naman ang makita niya," gumuhit ang mapait at may halong kasiyahan na ngiti sa labi ko.

"Damien, pwede ba kitang tanungin?" untag sa akin ni Josiah at napalingon ako sa kanya.

Nabasa niya ang labi at bumubukas sara ang bibig niya na para bang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba o hindi.

"Mahal mo na ba si Caelian?" Seryoso at nakatingin ng diretso na tanong niya sa akin.

Natuptop ako sa kinauupuan ko at nagpaulit-ulit sa isip ko ang tanong niya sa akin.

Mahal ko na si Caelian?

Bago ko pa masagot ang tanong niya sa akin ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Si Caelian ang tumatawag at ilang saglit lang ay sinagot ko ito. Pinakinggan ko lang siyang magsalita sa kabilang linya at hindi ko mahanap ang boses ko para sumagot. Masyado kasi akong naokupado sa tinanong sa akin ni Abram tapos idagdag pa na bigla na lang tumawag si Caelian na pinag-uusapan namin.

"Hoy! Buhay ka pa! Huminga ka!" Bumalik ako sa huwisyo nang pumitik si Abram sa harap ko.

Ibinaba ko na ang cellphone at tiningnan si Abram.

"M-Magkikita raw kami at aasahan niya raw ako," kuwento ko sa usapan namin ni Caelian sa kanya.

Gumuhit ang nunuksong ngisi niya.

"Ano pang tinutunganga mo diyan? Kilos na!" usal niya sa akin at tinulak-tulak ako kay naman tumayo ako.

"Bilis! Sigurado makikipagbati sayo 'yon dahil hindi sa pagsipot kagabi sayo," sambit niya and this time sinipa niya na ako paalis. "Ano ba naman kayong dalawa! Hindi pa naman kayo pero kung magsuyuan kayo, para kayong may relasyon! Kilos na!" pagmamadali niya sa akin at sumunod naman ako. Dahan-dahan akong pumuntang kwarto habang may nakakunot na noo dahil sa kilos niya.

"Ang hirap maging single! Taga-support na lang sa kaibigan niyang may love life! Pahingi naman ng girlfriend diyan!" biglang sigaw niya at napailing-iling naman ako bago pumasok sa kwarto.

Hello po! Kamusta po kayong lahat?! Salamat po sa patuloy pag suporta sa kuwentong 'to!

Ano kaya ang mangyayari next chapter? Hmmm....

Abangaaan!

-shayyymacho

SHECULARcreators' thoughts