webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · Urban
Not enough ratings
60 Chs

Jealous

"WOW. Ang ganda. Anong ticket 'yan?" inosenteng tanong ko at mahina siyang tumawa.

"Hay. Hindi ka pa rin nagbabago," naiiling at nangingiting sambit niya. "Ito basahin mo," saka niya inabot sa akin ang ticket at kinuha ko ito.

Pormal ko lamang itong binasa nong una ngunit nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko kung anong nakasulat sa ticket.

"Yes. Makakapunta ka sa booksigning event ng favorite author mo," sambit niya at dahan dahan akong napatingin sa kanya.

"Totoo nga? Makakapunta ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko at sunod-sunod siyang tumango na may ngiti. "Gusto sana pumunta sana booksigning niya pero naubusan ako ng ticket," usal ko sa kanya.

Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito ngayon. Sa wakas, makikita ko na ang tao sa likod ng mga paboritong libro ko!

"Alam ko naman na noon pa lang pangarap mo ng pumunta sa booksigning niya kahit hindi pa siya sikat dahil gustong-gusto mo na ang libro niya. Kaya nang malaman ko na magkakaroon siya ng booksigning event, bumili ako ng ticket para makapunta ka," nakangiting sambit niya at alam kong natutuwa rin siya para sa akin. Saksi siya sa pagiging fan girl ko sa author na 'to.

Hinawakan ko ang isang kamay niya na nakapatong sa lamesa at mahina itong pinisil.

"Thank you, Josiah," pasasalamat ko sa kanya. Napansin ko ang paglunok niya at ngumiti ng maliit sa akin.

"Mamayang 5 p.m na ang event na 'yan. Kainin muna natin ang in-order ko pagkatapos pupunta na tayong Manila," sambit niya at tumango naman ako bilang sagot saka binitawan ang paghawak sa kamay niya.

Tahimik kaming umiinom kape at kumain ng cake. Kapag nagkakasalubong ang tingin namin sa isa't isa ay iiwas kami at ginagawang abala ang sarili.

"May gusto ka pa bang kainin?" tanong niya sa akin at ibinaba ko naman ang kape na iniinom ko.

"Wala naman. Busog pa naman ako."

"Ah, daan na lang tayo sa isang fast food chain mamaya para kapag nagutom ka sa biyahe, may kakainin ka," sambit niya sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni Josiah. Hindi ko nabasa ang name ng caller dahil mabilis niya itong kinuha saka siya tumayo.

"Excuse me," paalam niya at lumayo sa akin para sagutin ang tawag.

Kausap na niya ang taong tumawag sa kanya base sa pagbukas ng bibig niya. Seryoso ang mukha niya habang kausap ang caller at minsan na napapahawak siya sa noo. Inilagay na ni Josiah ang cellphone sa bulsa niya at ngumiti nang makita na nakatingin ako sa kanya. Bumalik na siya sa puwesto niya at umupo.

"C-Caelian, mukhang hindi na kita masasamahan. May emergency kasing nangyari sa bahay at kailangan kong umuwi," usal niya may pag-aalinlangan sa boses ngunit mas lamang ang paghihinayang.

Ang tuwang naramdaman ko kanina lang ay unti-unting nawala. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag ng lungkot.

"A-Ayos lang. Nandiyan naman si Kyrine para samahan ako. Actually, papunta na nga siya rito," pilit na ngiting sagot ko sa kanya. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Mas mabuti kung gano'n. Nice meeting you again, Caelian," nakangiting sambit niya at tumayo na sa kinauupuan.

"Ingat ka sa pag-uwi," paalala ko sa kanya at nakangiti siyang tumango.

"Enjoy the event. Mag-picture ka rin, para makita ko," suggest niya sa akin at tumango ako.

Kumaway ako sa kanya bilang paalam at gano'n din siya sa akin. Pinagmasdan ko siyang maglakad paalis sa coffee shop at nang hindi ko na siya makita, nawala ang pekeng ngiti ko.

"Nakaka-miss din pala ang panahon kung kailan isa ako sa priority mo," malungkot na usal ko at bumuntong hininga.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nag-dial ng number.

"Hello, are you free?"

***

HAWAK ng kamay ko ang isang litrato kung saan ang isang babae ay nasa harap habang ang lalaki ay nasa likod at nakayakap sa babae.

Napaka-sweet nilang dalawa. At sa mga mata nila, sumisigaw ito ng pagmamahal sa isa't isa.

"Ayan ang ex-boyfriend ni Caelian. Josiah ang pangalan niya. Halos tatlong taong silang magkasintahan. At hindi lang 'yon, bumalik na siya Pampanga at nararamdaman ko na makikipagbalikan siya sa kaibigan ko." Naalala kong sambit sa akin ni Kyrine nang minsan na nagkausap kami.

Ngayon napagdikit-dikit ko na ang buong pangyayari. Mula sa ugali niya, sa kilos niya, sa lungkot ng mga mata niya at sa kuwento niya dahil sa picture na 'to. Isa lang ang ibig sabihin nito, ito ang lalaking sinaktan si Caelian kaya siya naging ganito ngayon.

"Makikipagbalikan ka kay Caelian? Ikaw na ang may pinakamalakas na apog. Ikaw na talaga." Sambit ko sa litrato at tinuro-turo pa gamit ang lata ng Delmonte four seasons ko.

"Anong nginangawa mo riyan?" tanong ni Abram at umupo sa tabi ko. Nasa sala kami ngayon at nakabukas ang TV dahil may inaabangan na palabas si Abram.

"Wala," sagot ko.

"Sandali. Diba, si Caelian iyan? Sinong lalaki sa likod niya? Boyfriend niya?" sunod-sunod na tanong niya at napangiwi ako sa huling tanong niya.

"Ex-boyfriend, pare." Madiin na sabi ko.

"Pareho lang iyon," nakangiwing sambit niya at uminom ng tubig galing sa baso. "Oh, kung ex-boyfriend naman pala, bakit binagsakan ng langit at lupa ang mukha mo?" takang tanong ni Abram.

"Sabi ni Kyrine sa akin, hindi raw malabo na makipagbalikan ang ex-boyfriend ni Caelian, mas lalo ngayon na umuwi na raw ito sa Pampanga," sambit ko na hindi matago ang inis.

Inagaw niya sa akin ang litrato at pinakatitigan ito.

"Base sa picture, mukhang matagal ang relasyon ng dalawang 'to at mahal nila ang isa't isa. Na-curious tuloy ako kung ano ang dahilan ng break up nila," usal ni Abram habang ang paningin ay nasa litrato. Kinuha ko sa kanya ang litrato kaya naiwan sa ere ang kamay niya.

"Psh. Siraulo ang lalaking 'to. Hindi deserve ni Caelian ng isang lalaking katulad niya," sambit ko sa seryosong tono.

"Kasi ikaw ang deserve niya? Kadiri ka, Damien. Ang bulok ng mga galawan mo," sagot niya sa akin na may pagngiwi. "Saka akala ko ba crush mo lang siya? bakit kung umasta ka ngayon para kang boyfriend na nagseselos sa ex-boyfriend niya? Ano? Sagot!" naghahamon na sabi niya.

"Hindi ba ako pwedeng magselos sa ex-boyfriend ng crush ko?" tanong ko sa kanya.

"Pwede," mabilis na sagot niya at napangisi ako. "Pero sayo ibang level na iyan. Kung ako ang tatanungin, kapag may crush ako, magseselos lang ako kapag may pumuporma ng ibang lalaki sa kanya pero wala akong pakialam sa past niya. Naiintindihan mo? Pero sa kaso mo, 'yong past niya ang pinagseselosan mo!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Dahil wala naman akong pagseselosan maliban sa past niya," sagot ko sa kanya.

"Sus. Ang sabihin mo—"

Nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang name ng caller.

Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Tingnan mo—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Abram nang pigilan ko siya gamit ang hintuturo ko na nakalapat sa labi niya.

"Shhh…" saway ko kay Abram at ngumiti kahit hindi ako nakikita ng kausap ko. "Hello, Caelian!" Bati ko sa kanya.

"Hello, are you free?" walang paligoy-ligoy na tanong niya sa akin.

"Bakit? Yayain mo ba akong mag-date?" nakangising sambit ko sa kausap. Inaasar ko siya.

"Hmmm..." napaisip siya sa tanong ko. "Parang gano'n na nga. Ano? Pwede ka ba ngayon?"

Natigilan ako sa sinagot niya. Ako ang nanunukso dito pero bakit baligtad ang nangyari?

"Oo naman! Wala naman akong gagawin," mabilis na sagot ko sa kanya at halata ang kasabikan.

"Ano'ng wala kang gagawin? Maglalaba tay—" Kung kanina ay hintuturo ko lang ang nakatakpan sa labi ni Abram, ngayon ay buong kamay ko na.

"Ah, see you then. Text ko sayo ang address," sambit niya at pinatay na ang tawag.

"Ikaw muna ang maglaba ng damit natin, Abram." Nagmamadaling sambit ko at pumuntang kuwarto para magpalit ng damit.

PUMUNTA ako sa isang coffee shop dahil dito ang sinabing lugar sa akin ni Caelian. Dahil yata kilalang kilala ko na ang postura niya ay mabilis na napansin ko siya sa loob ng coffee shop. Seryoso lamang siya nagkakape at malalim ang iniisip. Ang damit niya ay isang long-sleeved blouse at ang pants niya ay kulay itim. Ako naman ay nakasuot ng army green bomber jacket habang sa loob ay dark blue polo shirt at black pants.

Pumasok na ako sa loob at lumapit sa table kung saan siya.

Tumigil siya sa pag-inom ng kape nang maramdaman ang presensya ko sa harap niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin at nang magtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang pagbabago ng mata niya.

Ako diba ang tinawagan niya? Sino pa ba ang ini-expect niyang darating para puntahan siya rito?

Ang ngiting binaon ko ay unti-unting naglaho.

"Saan tayo pupunta? Biglaan kasi pagyaya mo sa akin." Pagbukas ko ng topic at umupo sa upuan na nasa harap niya.

"Pupunta tayong booksigning event sa Manila. Sorry kung naabala kita. 'Yong tao kasi na dapat kasama ko, may emergency nangyari sa bahay nila," kuwento niya sa akin at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Si Josiah ba?" diretsong tanong ko sa kanya at natigilan siya ngunit mabilis lang iyon dahil napalitan iyong nakakalokong tawa.

"Kakausapin ko talaga si Kyrine kapag nagkita kami. Dami niyang oras dumaldal," sambit niya ngunit parang sarili niya lang ang kausap niya.

Mas lalo kong napatunayan na totoo ang hula ko. May gumuho na kung ano sa dibdib ko.

"Porket busy ang ex-boyfriend mo at hindi ka niya masasamahan, ako ang pinalit mo? Reserba ba ang tingin mo sa akin? Kapag wala ang isa, ako ang ipapasak mo para punan ang kakulangan niya sayo?" usal ko na hindi na natago ang hinanakit na nararamdaman.

Sa ginawa ngayon ni Caelian ay pinaramdam niya sa akin na napakababa ko. 'Yong pakiramdam na parang napilitan lang siya na isama ako dahil wala siyang kasama. Ang sakit dahil excited pa ako pumunta tapos ito ang maabutan ko.

Isa lang akong bagay na pangreserba kay Caelian. Kukunin at papabayaan niya kung kailan niya gusto.

"Saan mapupunta ang usapan na 'to? Tinanong naman kita kung hindi ka busy, diba? Bakit parang kasalanan ko pa na pumunta ka rito ngayon?" usal niya sa akin sa seryosong tono.

"I like you," sambit ko sa kanya.