webnovel

Chapter 1

Chapter 1

"Hello beshhhh!" lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Ysabelle na tumatakbo papalapit sa'kin.

"Hi Ysaaaaa!" tuluyan na siyang nakalapit sa'kin kaso muntik na 'kong masakal sa sobrang higpit ng yakap niya.

"I miss you besh! Grabe lalo kang pumanget HAHA," kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin tsaka tumawa ng tumawa. Okay naman. Okay lang talaga.

"Ulol ka ba?!" sigaw ko. Nang nakarecover na siya sa pagtawa niya, umupo siya ng maayos sa tabi ko at tiningnan ako.

"Hindi, ikaw ba?"

"Tsk, anong oras na ba? First day na first day tapos professor pa yung late."

Oo, first day of class ngayon. Kaya medyo nakakatamad pumasok pero keri lang. Kaso nagitla ako nung may sumigaw sa harapan ng classroom.

"What's the problem, Miss Rommel?"

Okay naman talaga 'no? Okay lang talaga ang araw ko ngayon. Bwisheet.

"Nothing, Sir. Ehehehe." inirapan lang ako ng professor naming panot tsaka niya sinabi lahat ng rules niya. Isa kasi siya sa mga strict professor ditto sa university kaya ang dami niyang batas sa buhay pero may kabaitan rin naman siya kaso bilang lang sa daliri ang mga kabaitang nagagawa niya, leche 'diba? Feeling ko rin nga, napilitan lang siya sa pagiging teacher eh. Baka ang totoo niyan eh, politician ang gusto niya. Hahaha, ang corny ko, bwiset. Psh. Nang matapos na niya i-discuss lahat ng rules niya sa buhay, dinismiss niya na kami.

"Ano ulit yung rule no. 1 ng panot kanina?" tanong ni Ysa. Si Ysabelle yung bestfriend ko since primary kaya close na close kami. Actually, kami lang ang magbestfriend. Kaya kung saan siya nagaaral, doon ako. Pati nga degree program na kukunin niya, kukunin ko rin. Parang nakabase yung future ko sakanya. Kasi sa'ming dalawa, siya na yung mas matured. Ilang beses niya na rin ako sinabihan na maging independent kasi hindi raw siya laging nasa tabi ko. Akala ko nga may taning na buhay niya nung pinangaralan niya 'ko eh. Ayun, binatukan ako.

"Bawal daw ma-late. Teka, bakit 'di ka nakikinig kanina? Bago 'yan ah?"

"Eh kasi, may gwapo kanina sa classroom kanina eh. Raine yung pangalan ehehe kaso 'di ko type."

Matalino si Ysa kaso mahilig sa gwapo. Pero medyo boyish siya kaya hindi halata. Tinry ko nga na gayahin siya noon eh kaso, epic failed. Nagmukha lang akong patawa. Ayos talaga 'no?

"Talaga? Pa'no mo nalaman yung pangalan niya?"

"Syempre Hahaha nagtanong ako, bobo."

'Na-bobo pa 'ko -_-'

"Medyo hard. Gusto mo ban—" natigil ako sa pagsasalita nung tumili si Ysa.

"Owshet! Ayun yung gwapo, besh! Kyaaaa!" tumingin ako sa itinuro niya kaso napapalibutan ng mga estudyante. Medyo matangkad naman siya kaya nakikita ko yung mukha. At oo nga, tama nga siya. Gwapo nga. Pero kapag tiningnan mo siya, para siyang galit sa mundo kasi nakakunot yung noo niya habang nakatingin sa mga estudyanteng pinapalibutan siya. Pero, gwapo pa rin talaga siya.

'Ehehehe OMG!' nakitili na rin ako kasi feeling ko, lalapitan niya 'ko at totoo nga kasi papalapit siya dito. Tumingin ako sa tabi ko kaso pagtingin ko, wala na siya. Nasaan na yun?

"Tabe." napabalik ang tingin ko sa harapan ko nung may biglang nagsalita sa harapan ko.

Shet! Si Raine o_o

"H-huh? Ah eh hehehe. Hi?"

"Tss." nagulat ako nung inirapan niya 'ko at nilagpasan. Ansabe niya? Tabe? Tumingin tingin ako sa paligid ko at lahat ng estudyanteng nasa hallway ay tinitingnan ako. Doon ko lang napansin na nasa gitna ako kung saan madalas dinadaanan papuntang canteen.

Asan na ba si Ysa?

"Beshhhh!" lumapit sa'kin si Ysa na hingal na hingal sa ppagtakbo. Saan ba nagpunta 'to?

"Saan ka nagpunta?"

Itinaas niya yung kamay niya na may hawak na papel habang yung isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa tuhod niya.

"Aanhin ko 'to?" tiningnan ko yung papel na may nakalagay na 'Music Band Club Members' at iba't ibang pangalan na nakalista.

"Kainin mo, sige. Ang bobo mo talaga. Syempre basahin mo!"

Ang sakit talaga magsalita nitong Ysa na 'to.

"Binasa ko na."

"Member diyan si Raine! Leche." tiningnan ko ulit yung papel na binigay sa'kin ni Ysa at tama nga siya kasi member doon si Raine. Pero,

"Bakit may club na agad? First day palang ng klase, ah?

"Bago pa daw magsimula yung school year ngayon, kumuha na yung president ng student council ng gustong maging member ng music band. Kaso kulang ng isang vocalist kaya naghahanap pa ng isa. Sakto close ko si Wendy Haha. Isasali kita doon. Ilang oras ba yung break mo?"

"1 hour, ikaw? Sino si Wendy? At tsaka baka hindi ako matanggap doon. Mataas yung standards nila dito eh. Hindi ko mareach."

"1 hour din break ko. Si Wendy, siya yung president ng student council. Huwag kang pakasigurong hindi ka matatanggap. Ang ganda kaya ng boses mo. Wait, nasaan ba si Raine? Nakausap mo ba?" bigla akong nakaisip ng bright idea. Oo, bright idea. LOL. Mags-spy kami kay Raine. HAHAHA. Hinila ko si Ysa papasok ng canteen.

"Busog pa 'ko, Blaireeeeee!"

"Sandali lang. Huwag kang maingay." agad na hinanap ng mata ko si Raine at nahanap ko naman siya kaso may apat na haliparotang babae na nakikipagusap sakanya habang ang lagkit lagkit ng tingin.

"Si Raine yun 'diba? Bakit may mga kasamang babae?" hindi ko pinansin yung tanong ni Ysa, kasi busy ako. Oo, busy ako kasi minamanmanan ko yung table ni Raine. Hindi kasi niya pinapansin yung apat na babae na kumakausap sakanya. Wala nga siyang karea-reaksyon eh. Pero nagitla ako nung hilain ako bigla ni Ysa palapit sa table ni Raine. At nung finally, nakarating na kami sa harap ng table ni Raine, nagsalita si Ysa.

"Excuse me clowns—I mean girls, hahaha." napatingin na lahat ng estudyante na nasa canteen pati na rin yung apat na babae kay Ysa. Pero humabol ng tingin si Raine at nagtama yung paningin namin.

Sheet.

"What?" mataray na tanong ni girl no. 1.

"Dito ba kayo nakapwesto?"

"Ano sa tingin mo?" girl no. 2

"Sa tingin ko, hindi." ngumiti ng plastic si Ysa pero bigla nalang tumayo yung girl no. 3

"What's your problem?"

"What do you think? Uhm, let's just say, kami kasi yung kasama ni Raine. Kaso dumating kayo. Hindi kasi kayo marunong lumugar."

"Excuse me?" tumaas yung kilay nung girl no. 3 at lalapit na sana kaso pinigilan siya ni girl no. 4

"Dadaan ka?"

"Marunong kaming lumugar. Hindi katulad mo, warfreak." biglang nagpantig yung tenga ko sa nung narinig ko yung sinabi ng isang babae kay Ysa kaya bago pa magsalita si Ysa, inunahan ko na siya.

"Well, sayo na rin nanggaling na marunong kayong lumugar. Pero seriously, hindi kasi gubat ang canteen." nginisian ko siya.

"BURN!" nagsigawan ang lahat ng tao sa loob ng canteen dahilan para mas lalong mamula sa inis yung babae kanina.

"We're not done yet, bitch!" tsaka sila nagsialisan ng mga alipores niya. Nang tuluyan nang makaalis yung 4 clowns, umupo si Ysa sa harapan ni Raine at pumalakpak.

"Blaire, good job!"

"Leche." umupo na rin ako sa tabi ni Ysa at ibinalik ko ang tingin ko kay Raine pero nagitla ako nung nakatingin na siya sa'kin.

"Hello Raine! I'm Ysabelle and she's Blaire. Ehehe. Class 3-A din kami. Sorry kanina, ha?" Inalis ni Raine yung tingin niya sa'kin at tsaka niya hinarap si Ysa.

"Tss." ibinalik ulit niya ang tingin niya sa ginagawa niya kaya lang, nagsalita ulit si Ysa.

"Suplado mo, gwapo ka pa naman." Pareho kaming natigilan ni Ysa nung tumayo si Raine at nilayasan kami kaya pareho kaming natanga sa pwesto namin. Nang makaalis siya, nagsalita si Ysa.

"Besh, harsh ba 'ko magsalita?" tanong ni Ysa.

"Matagal na, ngayon mo lang napansin?"

"Ganun na ba 'ko ka-harsh magsalita to the point na hindi na nila kaya yung mga salita ko? Nillayasan nalang nila ako?" nakapangalumbabang tumingin sa'kin si Ysa.

"Ang mga simpleng tanong, hindi na dapat pinapansin kung obvious na ang sagot."

"Damn you!" nagkibit-balikat lang ako sakanya at um-order nalang.

Filipino Teen Fiction Story, hope y'all support it.

chaelinacreators' thoughts