webnovel

Just A Collison

Kielarine Smith, a Bio Med Student, had been ghosted for three years by his boyfriend Blake Navarro. Owen Aguilera, An Engineering Student, has a big crush on Kielarien but when he knew that his cousin Blake is Kielarine's Ex Boyfriend, could there still be a chance that things will turn out well? Find out and read it now!

Julia_Canja · Teen
Not enough ratings
3 Chs

Chapter One

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, Characters, Places, and Incidents are either used fictitiously and a resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

A/N:

Expect typographical and grammatical errors.

PLAGIARISM IS A CRIME.

2020

«~

Kielarine's POV

Nang makabalik kami mula don sa bookshoppe ay naabutan namin sila mommy sa hallway.

"Ano ba kayong apat bakit walang sumasagot sa mga phones nyo?" Alalang tanong ni mommy.

We checked our phones. Yung sakin at kay Esha lowbat, yung kay Era naman naiwan nya kasi wala syang bag na dala at yung kay Eren naman ay naka silent.

"Si Eren may kasalanan mommy" bintang ni Esha kay Eren.

"Palowbat naren po ako hehe, sorry na poo" sabi maman ni Eren kila mommy.

"Next time nga magdala na kayo ng powerbanks nyo" sabi nya at nagsipasok na kami sa rooms namin.

"Sino muna mauuna maligo?" Tanong ko at wala namang sumagot sa tatlo kasi takot sila saken WHAHAHAHA.

"Ikaw na mauna, lagi ka naman nauuna. Bilisan mo ah" sabi ni Esha. Napakavocal talaga nitong kapatid ko kahit kelan. Ewan ko ba pano nya magagawa yon.

Pumasok na ko ng cr at naligo. Hindi talaga mawala sa isip ko yung lalaki kanina, hindi ko pa naman alam pangalan non. TEKA NGA BAKIT KO BA NAIISIP YUNG BWISET NA YON?!

Pagkalabas ko ng shower ay nagskincare muna ako at nagbihis ng color blue na nighties at lumabas na ng bathroom.

"Hayy sawakas nakalabas ka na den" sabi ni Eren at pumasok na sa bathroom.

"Sa balcony lang ako ah" sabi ko sa dalawa habang nanonood ng movie sa may sala set at nagthumbs up lang silang dalawa sakin.

Kinuha ko muna yung librong binili ko kanina at kinuha ko din yung baon kong mga almonds saka dumeretso sa balcony.

Binuksan ko muna yung ilaw at nilapag ang mga dala ko saka umupo at nagbasa na ng mga libro.

Nang makaramdam ako ng antok ay tinignan ko ang wrist watch ko. 11:30 na kaya pumasok na ko sa loob.

Yung dalawa nakaligo na at nanonood padin sila ng movie sa TV kaya naman nakinood nadnn ako.

"What are you guys watching?" I asked them at tumabi kay Eren.

"Four sisters in a wedding" she said nang hindi ako tinitignan at tutok na tutok sa TV.

Habang nanonood kaming apat ay may kumatok sa pintuan namin. "I'll get it" I said, dahil baka sila mommy lang yon.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad yung lalaki kaya naman nanlaki ang mata nya at napakunot naman ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pero bago pa sya sumagot ay may tumawag na sakanya.

"Hoy Owen, anong ginagawa mo dyan?" Tanong nung lalaki at tinignan pa ko.

"Ate Arien who's that-" napatigil naman sa pananalita si Eren nang biglang bumungad sa pinto yung lalaking nagngangalang Owen.

"Uhm.. Sorry miss namali ng room tong tropa ko, pasensya na po sa istorbo" sabay hila nung lalaki kay Owen.

"OoOoh, bakit dito sya napuntaa? Hmmm I think it's MTB?" pangaasar ni Eren kaya namna sinamaan ko sya ng tingin pero tawa padin sya ng tawa.

Bumalik na kami sa may sala at agad kaming tinanong nung dalawa kaya naman chinika ni Eren yung nakita nya.

"WHAHAHA SABI NA MTB TALAGA KAYO E" sigaw ni Esha saken.

"Kaylangan mo ba talagang sumigaw ha?" Iritang sabi ko sakanya.

"Pero seriously pano naman sya napadpad dito kung alam nya talaga yung room number nila? Malinaw naman ang sign dyan na 302 tayo" sabi naman ni Era.

"Namali nga lang daw ng room, malay mo naman diba magkatabi yung rooms naten" pagtanggi ko sa mga MTB na sinasabi nila.

"Well sige, yan ang sabi mo e" sabi ni Esha habang umiinom ng tubig.

"Nagorder pala ako ng pizza guys, ano pa gusto nyo?" tanong ni Era.

"Chicken wings!" sabay na sambit ni Esha at Eren.

"Doughnuts lang saken" sabi ko naman at tumango lang si Era.

Saaming apat ako ang pinakamatipid, ang pinaka galante naman ay si Era at ang dalawa ay ang pinakamatipid samin.

Pagtapos namin manood ng movie ng The Four Sisters In A Wedding ay saka lang dumating yung mga inorder namin kaya namili pa kami ng movie.

"Oh anong movie next?" tanong ko sa kanilang tatlo.

"Uhmm, parang bet ko yung... Alone Together ng Lizquen!" excited na sabi ni Era nang makita ang movie.

Nanood lang kami hanggang mag ala una na at nagkwentuhan magdamag.

"Era, totoo bang nililigawan ka na ni Corin?" tanong ni Esha, since sya naman ang pinakachismosa samen.

"Ang OA mo naman ate, friends lang kami nun" pagtanggi naman ni Era.

"Suus dyan nagsisimula ang lahat, minsan nga enemies e diba Ate Arien?" pangaasar naman ni Eren.

"Pero sigurado akong liligawan ka non!" sabi naman ni Esha sabay kuha ng wings.

"Pero crush mo sya?" tanong ni Eren na may halong panunukso

"Hindi noh! Friends nga lang kami!FRIENDS! F-R-I-E-N-D-S, friends!" defensive na sabi nya

"Hindi daw pero nagbublush" panunukso ng dalawa kay Era kaya naman mas namula pa sya.

Nginisian ko nalang sya at napailing, dumaan naden ako sa ganyang stage kaya hindi ko den sya masisisi.

"Ok fine, crush ko sya ok na?" pagamin nya kaya naman natawa kaming tatlo sakanya.

"Alam mo kase, hindi pwedeng maging bestfriends ang babae at lalaki alam mo kung bakit?" tanong ni Esha kay Era.

"Kasi hindi maiiwasan na isa sakanila ay mainlove sa isa, tapos pag may nainlove na sakanila idedeny pa nila yung feelings nila sa sarili nila kahit alam na nila yung totoo. Alam mo kung bakit?"

"Kasi ayaw nilang masira yung friendship na meron sila, at kapag once na nalaman ng isa yon pwedeng lumayo yung isa or maging mas malapit pa sila sa isa't isa." pageexplain naman nya.

"Pero kung patatagalin mo yan, mawawalan ka ng chance sakanya" sabi naman ni Eren.

"Hayaan nyo na, bata pa naman yan. Puppy love palang yan eto naman tong mga to kung makapagpayo akala nyo kayo yung mga experience" sabi ko sakanila.

"Oo ate may experience na kami noh!" sabay hair flip na sabi ni Esha.

Inirapan ko nalang sya at kumagat sa huling doughnut ko. Pagtapos ay nagtoothbrush na kami at natulog.

Si Eren at Ako ang magkatabi sa isang king size bed tapos sina Esha at Era naman sa isang bed.

The next day...

Nagising ako dahil sa isang matining na sigaw ni Esha kaya naman binato ko sya ng unan dahil sa ingay nya.

"Ang aga aga nagiingay ka!" reklamo ko sakanya at nilakihan nya ko ng mata.

"ATE ANO KA BA NAMAN ANONG ANG AGA AGA?! ALAS DOSE NA MGBEBEACH PA TAYO!" sabay hampas sakin ng unan.

"Alam mo ba kung anong oras tayong natulog kagabe?" inis na tanong ko sakanya.

"Alas kwatro"

"Oh tapos gigisingin mo ko?" inis na sabi ko sakanya.

"Ikaw nalang kasi hindi pa nakakapagayos tapos kapag iniwan ka sasabihin mo kami may kasalanan" sabi nya kaya naman wala akong nagawa kundi magayos ng sarili ko.

Naligo muna ako at saka nag sunblock sabay bihis.

Im wearing a black blouse then short shorts tapos messy bun at eco bag para sa mga cellphones ng mga babaitang to, syempre nagbaon den sila ng pang cover up nila.

Eren is wearing her pink tube top terno sa pink high waisted shorts then white cardigan at naka lugay lang sya tas nakaglasses.

Ang suot naman ni Esha ay white floral design tube top then shorts at may pa hat si mayora at nilugay ang maiksing buhok nya.

Si Era naman ay naka navy blue na sando terno sa navy blue nyang shorts then naka ponytail at naka sunglasses den.

Lumabas na kami habang ang tatlo naglalagay palang ng sunblock.

Actually hindi talaga ako maliligo kasi magbabasa lang ako ng librong hindi ko natapos basahin kagabe.

"Let's go girls" bungad ni mommy nang makalabas kami.

Ang suot nya ay blue floral long dress at naka hat den tapos si daddy naman ay naka blue den na polo at tatlong bukas na butones then shorts.

Nang makarating kami sa beach ay nakita ko na naman yung pinakabwiset na lalaki na nagvovolley ball.

Nakangiti sya kaya mas gumwapo pa sya- OO INAAMIN KO NA GWAPO SYA! Isang side ng net ay puro babae at sa isang side naman ay puro lalaki, kaya mas marami ang sumasaling mga babae dahil sila daw ang kalaban.

Mga haliparot!

Inirapan ko nalang sila at umupo sa may upuan na may silong at nagbasa ng libro.

"Ate nakita ko yung irap mo WHAHAHAHA" pangaasar naman sakin ni Esha kaya inirapan ko nalang din sya.

Si Eren nalang ang kasama ko dito habang nagbabasa kasi yung dalawa naligo na at sila mommy naman gusto na naman ng quality time together.

Habang nagbabasa ay biglang may bolang tumama sa paanan ni Eren kaya napatigil sya sa pagbabasa dahil don.

Napatingin naman ako sa lalaking lumapit sakanya.

Napatigil den ako sa pagbabasa nang magsalita ang lalaki.

"Ayy sorry miss, pasensya na po sa- " di natuloy ng lalaki yung sasabihin nya ng makita si Eren kaya naman nagtaka ako.

Nakatitig paden sya kay Eren kaya naman tinignan ko si Eren at kita ko sa mukha nyang nacoconfuse den sya dahil sa lalaki.

"Uhmm, sorry do I know you?" tanong ni Eren sakanya kaya naman parang natauhan ang lalaki at napaiwas ng tingin sakanya.

"Uhmm hindi ata pero ang ganda mo kase- I mean yung bola po. Pasensya na" sabay takbo.

"Well that was unexpected sis, feeling ko kilala ka nun" I said at inirapan nya lang ako.

"Sya yung kasama nung lalaki na kumatok kagabi right?" sabi nya kaya naman tumango ako nang makilala ko den sya.

Tumingin ako sa mga nagvovolley ball at nakita kong nakatingin padin yung lalaki kay Eren.

"His stare is freaking bothering me" sabi nya kaya naman pumunta nalang sya sa tubig at nakipaglaro sa dalawa.

"Sus" I said at bumalik sa pagbabasa ng libro.

Bumalik na den sila mommy after an hour at umahon na din yung tatlo sa dagat. Napansin ko naman na wala nang nagvovolley ball kaya naman niligpit ko na ang libro ko para makakain na kami ng meryenda.

Bumili lang kaming apat ng mango float at sila mommy naman ay buko shake at naglakad lakad lang.

Habang naglalakad nakita ko yung Owen na kumakain ng seafoods sa isang resto at tumatawa pa, gosh ang pogi nya lalo pag ngumingiti. Parang ang carefree nyang tignan yung tipong walang problema sa mundo.

"I think I want some seafoods" sabi ni mommy at pumasok sa resto kung nasaan sila Owen.

AT ETO PAA NAPILI PA NILANG SPOT IS YUNG KITANG KITA KO SI OWEN AT KITANG KITA NYA DEN AKO!!! salamat mom ah.

Nakita ko pa kung pano sya tapikin ng katabi nyang lalaki na nakasagi ng bola kay Eren kaya napatingin sya saken at ngumiti sya saken and same old inirapan ko na naman sya.

Katabi ko si Esha sa kanan at si Eren sa kaliwa at katapat ko ay si Era at katabi nya ay si mommy at daddy.

Katapat na table namin yung Owen at nasa kaliwa nya yung lalaking nakabunggo ng bola kay Eren kaya kitang kita ko sya dito.

Napatingin ako kay Esha at nginitian nya lang ako at umiling iling.

Ano na naman kaya nasa isip netong babaeng to?!

Ang weird talaga pero ang sungit sungit nya pero lagi nya 'kong nginitian pag nakikita kami. Pero masunget sya at ayoko ng ganon, pero nginitian nya ko HAY EWAN!!

Napabuntong hininga nalang ako kaya napatingin sakin si Eren.

"Huy ate problema mo?" tanong nya sakit at inilingan ko lang sya kaya hindi na sya nagtanong pa.

Napatingin na naman ako kay Owen at dahil medyo malapit sila ay kitang kita ko yung features nya. Matangos nyang ilong, perfect jaws, beautiful eyes, makapal na eyebrows at mala morenong skin pero pag ngumingiti sya ay kitang kita mo yung dimples nya. He's hella hot! I admit pero masunget!! UGH NAKAKAINIS ISIPIN!

Napailing nalang ako at napairap sa kawalan ng biglang dumating yung seafoods na inorder nila mommy at kumain na kami.

Nang matapos nilang kumain ay isa isa na silang umalis at naiwan yung dalawang lalaki na nakita namin kagabi. Tinignan ako ni Owen at nginitian bago umalis. NAKAKAINIS PERO NAIIRITA AKO S NGITI NYANG YON!!! AAARRGHHH!!

Kumain lang ako ng kumain ng hipon at uminom ng tubig. Nawiwindang ako sa ngiti nya tuwing iniisip ko pero baka nga Im being too harsh on him dahil irap lang ako ng irap sakanya. PERO wala akong pake dah masungit sya grr.

"Im full!" sabi ni Esha at uminom ng tubig.

"Same" sabi ni Era at napasandal sa upuan nya.

"C'mon, balik na tayo sa hotel para makapagpahinga at may pupuntahan pa tayong party mamaya" sabi ni mommy kaya nagkatinginan kaming apat.

"PARTY?!" sabay saby nilang sabi kila mommy kaya naman napatakip ng tenga sila mommy. I was never intrested to parties

"Yes girls, gosh no need to shout" si mommy.

"Don't worry beach party yon. Niyaya lang kami ng mga kakilala namin dito so kaylangan nating pumunta" sabi ni daddy kaya naman nakanginga kami ng maluwag.

"I though it's some kind of formal event HAHAHA" si Esha.

Tumayo na kami after ilang minutes at umuwi ng hotel para makapaghanda sa party mamayang 6pm.

Yung tatlo ay nagpapahinga ako naman ay dumeretso ng balcony at nagbasa na naman ng libro.

Tinawag nila ako nang magaalas kwatro na kaya nagbihis na kami.

I was just wearing white wavy dress with light make up then kinulot ni Esha yung buhok kong color grey then sandals

Si Eren naman ay naka Hibiscus Teal Floral Dress at naka lugay ang buhok then slippers

Si Esha naman ay naka Yellow Plain Wavy Dress at inistraight ang maiksing buhok at sandals

Si Era naman ay naka Off Shoulder top tas Navy Blue Long Skirt at slippers

Pagkatapos namin magready ay lumabas na kami at nakita nakin sila mommy. She's wearing a baby pink dress then slippers and dad is waering a purple button down polo.

Nang makapunta kami sa venue ng party, I dont like it na kaagad. Super daming tao at maingay. Sobang ingay at ayoko don. Sanay ako sa maingay dahil maingay sila Kiesha pero hindi ako sanay sa ingay ng ibang tao. Ayoko talaga sa lahat maingay, bukod kila Kiesha dahil saksakan ng ingay yon pero, ayoko talaga ng maingay sa paligid ko kaya naman nagpaalam ako sa kanila na hindi nalang ako sasama.

"Ohh, I forgot you don't like noisy places. Sige basta yung phone mo sagutin mo ah?" Sabi ni mommy at tumango ako. Tinignan ko pa si Eren dahil baka sumama sya at tumango naman sya para samahan ako.

"Mom sasama po ako kay ate" sabi nya at umalis na kami don.

Actually hindi namin alam kung saan kami pupunta pero ayoko sa maingay.

Yun lang ang gusto kong puntahan, sa tahimik na lugar.

"Ate, tambay nalang tayo sa bookshoppe" sabi nya kaya tumango ako at pumunta sa bookshoppe.

Actually may cafe dito na pwede naming tambayan kaso medyo maraming tao kaya no choice talaga kundi sa bookshoppe.

Meron din naman doong mga upuan at mga lamesa, so medyo cafe style naden sya pero konti lang ang lamesa at upuan kaya limitado lang ang mga tao don.

"Ahh una ka na don, susunod nalang ako. Papahangin muna ako dito" sabi ko kay Eren at pinanliitan nya ko ng mata.

Pero ilang saglit pa ay tumango nalang sya kaya dumeretso na sya sa bookshoppe.

Umupo ako dito sa may seaside at buti nalang at walang masyadong tao dito kundi yung mga nagmumuni muni lang.

Iniisip ko yung ex ko, paano kaya kung hindi nya ko iniwan noh? Siguro masaya padin kami.

Ilang sandali pa ay nilalamig na ko.

"Shocks nilalamig na ko" sabi ko habang hinahalpos ang magkaliwang balikat ko.

"Nilalamig ka na pala bakit hindi ka pa pumasok sa loob" sabi ng isang lalaki na katabi ko kaya ikinagulat ko.

"Ikaw?!" sabi ko at itinaas nya lang dalawa nyang kamay.

"Oh bakit? wala naman akong gagawing masama sayo ah"

"Pano ako makakasigurado?"

"Tulad nito" sabi nya sabay sukbit ng jacket nya saakin, parang tanga lang diba?

"Anong konek nung ginawa mo sa sinabe ko?"

"Kasi maginoo ako, lagi yan sinasabi ng lola ko noh"

"Ahh so naniwala ka naman?"

"Bakit hindi ba?"

"Maginoo ba yung magsosorry ka at maninisi at the same time? Maginoo ba yung inagawan ako ng libro at hindi nalang pinaubaya sakin yon? Maginoo ba tawag don?"

"Ha, sa pagkakaaalam ko ikaw yung humaharang sa daan kaya kita nabunggo, tsaka ako yung unang humawak sa librong yon hindi ikaw!" naninisi pa amputek.

"Pwede ba kung magaaway kayo huwag dito?" sabat ng kapatid kong magaling kaya napatingin kaming dalawa sakanya.

"Sya kasi nagsimula eh!" turo sakin nitong maginoong lalaki kuno.

"Anong ako? Eh ikaw tong nagsimula ako sisisihin mo? Lakas den ng amats mo eh noh!" singhal ko sakanya.

"Antahitahimik ng lugar na 'to dito nyo pa napiling magaway?!" medyo bakas na ang inis sa muka nya dahil nagsasalubong na kilay nya. Ganyan naman talaga magalit ang isang tao pero sya kasi madalang ko lang makitang magalit.

"Antahi tahimik dito tapos dito pa kayo masusumbatan ng mga mali nyo e parehas lang naman kayong may mali" sabi nya sabay walk out.

"Ikaw kasi eh, nagalit tuloy si ate satin" sabi nya sabay kamot ulo.

"Ate? eh mukhang mas matanda ka pa don" natatawang sambit ko.

"Muka lang pero bata pa ko noh!"

"Bakit ilang taon ka na ba?"

"Uyy, curious sya" nanunukso amputa, lakas ng amats neto oh!

"Tss, nagtatanong lang curious na?"

"Bakit ikaw? Ilang taon ka na ba?"

"Uyy, curious sya" tukso ko sakanya pabalik habang ginagaya yung malalim nyang boses.

'Ginagaya mo ko ah, idol mo ko noh?"

Confirmed, maluwag turnilyo neto sa utak.

"Alam mo kanina pa ko nakaupo dito, naubos ko na nga 'yung frappe ko eh."

"Oh? Kanina ka pa dyan?"

"Oo nga uulit pa? Masyado kasing malalim yang isip mo"

"Iniisip ko lang kung kaiwan iwan ba 'kong tao kaya ako iniwan nung boyfriend ko"

Naramdaman kong napatingin sya saken kaya napatingin den ako sakanya.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" takang tanong ko sakanya.

"Nagkaboyfriend ka sa lagay mong yan?" takang tanong din nya.

"Aba gag0gh ata toh" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin padin saknaya.

"Narinig ko yon! Anong gag0 e maginoo nga ako?"

"Magag0 ka lang hindi maginoo" natatawang sambit ko at nang tignan ko sya nakatingin sya saken ng nanliliit ang mga medyo singkit nyang mga mata.

"Whatever mega loser" sabi nya sabay lagay ng 'L' sign sa noo nya.

"Alam mo first time kong makita yung lalaking nag ganyan" sabi ko sakanya habang lumalagapak ng tawa.

"Ang ganda mo pala pag naka ngiti ka noh?" dahil sa sinabi nyang 'yon ay natigil ako sa pagtawa.

Did I heard him right? Maganda ako? galing sakanya? really?

"Tss lakas mo den mambola noh?" sabi ko sakanya habang nakatingin sa kawalan.

"Promise cross my heart maganda ka talaga at mas gumanda ka lalo na nung ngumiti ka, walang halong bola at oblong" sabi nya kaya medyo natawa ako, medyo lang. slight.

"Sus"

"Alam mo lahat naman ng babae hindi kaiwan iwan eh, sadyang may ibang hinahangad lang 'yung ibang mga lalaki kaya iniiwan sila. Yung tippong may iba pa silang hinahanap kaya hinanap nila sa iba" sabi nya kaya napatingin na naman ako sakanya dahil seryoso yung sinabe nya.

"May matino ka din naman palang sasabihin eh" bulong ko at buti nalang hindi nya narinig 'yon.

"Di nga seryoso" sabi nya sabay tingin sakin at nang agtama ang paningin namin iniwas ko agad yung tingin ko.

Nailang lang ako alaws malisya yon!

"Madalas yun yung dahilan ng ibang mga lalaki, pero sa tingin ko yung boyfriend mo may ibang dahilan" dagdag nya pa.

"You think?"

"Mhmm"

"Actually to tell you the truth, ghinost nya ko" sabi ko sabay tingin sakanya pero narealize ko nakatingin den sya saken pero this time hindi ako nailang.

"For how long?" tanong nya.

"3 years" sabi ko kaya nanlaki mga mata nyang medyo singit. cute.

"Ghinost ka nya for three years?!" malakas na sigaw nya kaya napatingin ako sa paligid at tinignan kung may tao bang nakarinig samin kaso wala naman. konti lang

"Yan mag lalaking yan may dalang malas yan eh! Yung pinaglaba mo na, pinaglutuan ng kaldereta gabi gabi, yung katawan at kaluluwa mo ibinigay mo na tapos lolokohen ka paren!" sigaw nung babaeng malapit samin na may dalang bote ng alak at naka two piece na color pink at may cardigan pa kang cover up.

Mukang lasing na si ateng.

"MGA HAYUP NA YAN! MGA HAYOOOP!" sigaw nya sabay higa sa buhanginan kaya nagpanic kami nitong lalaking kausap ko at pumunta sa ateng nahimatay.

"Ate gising! okey lang po ba kayo?" nagpapanic na tanong ko sakanya.

"HAHAHAH got yah!" sabi nya kaya natigilan kami nitong lalaking kasama ko.

"Masyado kasing malalim yang pinaguusapan nyong dalawa, kanina pa kaya ako nakikinig sainyo tsaka mukhang hindi naman kayo magkakilala pero you two get along so well" sabi nya sabay lagay ng dalawang kamao sa may baba nya na para bang nacu-cute-an saming dalawa.

"Hindi nga po kami magkakilala" sabi nya " ano nga pala name mo?" tanong nya sakin.

Nashare ko naman na problema ko sakanya kaya okey lang naman na magpakilala ako sakanya diba?

"Ahh, Kielarine. Arien nalang for short" sabi ko sabay abot ng kamay.

"Owen, owen for short" sabi nya kaya natawa muna kami bago nya abutin kamay ko at nagshake hands kami.

"Anong kinuha mong kurso?" tanong nya pa.

"Medisina, ikaw?" tanong ko naman sakanya.

"Engineering" sabi nya kaya tumango naman ako bilang sagot.

"Diba ang cute cute nila?" tanong nung ate kaya napatingin kaming dalawa sakanya.

"Oo nga po eh" sabi nung kapatid ko na nakaupo na pala sa tabi nung ate.

"Ako nga pala si Janice, jan for short" sabi nya kaya nakipagshake hands den ako sa ate- este kay Ate Janice pala.

"Pinapatawag na nga pala tayo ni mommy, alas nuebe na nandito ka paden" mataray na sabi nya. Bypolar talaga to kahit kelan.

"Uhh.. Owen una na ko ah, tinatawag na daw kami ni mommy eh"

"Ahh, sige sige. It was nice meeting you nga pala"

"Same here"

"See you around?"

"Ge see you"

At sa wakas umalis na ako don sa may sea side at hinabol si Eren para makarating kami ng sabay sa hotel.

Ansarap pala talagang makipagusap sa stranger noh?Sabi kasi sa napanood kong 'hello, love, goodbye' Hindi ka nga pala talaga i jujudge kapag sa stranger ka nakipagusap.

Hindi ko kayo ineencourage na makipagusap sa stranger ah, baka mamaya makidnap kayo dahil sa sinabe ko masisi pa ko.

"Ano, sabi sa'yo MTB kayo non eh! Kita ko yung mga titigan nyo sa isa't isa eh" sabi nya kaya napatingin ako sakanya with wide eyes.

"Nandon ka lang the whole time?"

"Well technically, yes dahil malapit lang yung pinagbabasahan ko ng libro sainyo pero hindi naman ako nakikinig promise." sabi nya sabay angat ng kanag kamay nya.

Pero alam kong may lahi kaning chismosa kaya alam kong nakinig den to eh.

Pero hindi ko paden maalis sa isip ko na sinabihan nya ko ng maganda.

Minsan kon nalang kasi marinig sa iba yung word na yon, syempre bukod sa pamilya ko at kila Alexa wala nang iba.

It's like a music to my ears.

«~»

Follow me on my social media accounts for updates!!

Instagram: _honeybutter05

Twitter: _honeybutter05

Wattpad: honeybutter05

Facebook: Julia Canja

Subscribe to my youtube!!

Channel: Lia's Life