webnovel

JANEDOUNUT's ONESHOTS

MY LIST OF ONESHOT STORIES

JaneDounut · Urban
Not enough ratings
4 Chs

SLIPPERS

SLIPPERS

•••

"Nak! Bumili ka nga dun ng tsinelas! Sira na 'tong sayo oh!"

"Oo! Wait lang!" Sigaw ko.

Binaba ko ang cellphone at bumangon sa pagkakahiga sa kama.

Kinuha ko sa wallet ni mama ang perang singkwenta. At naglakad sa may pintuan.

"Ma! Hiramin ko muna 'tong sayo!" Di ko na hinintay ang sagot at dali-daling umalis na ng bahay.

Mabilis akong tumakbo para makabili na agad. May ginagawa pa kasi ako sa cellphone at 'yun ay magbasa ng mga nobela.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo, may nahagip ng paningin ko.

Tumigil ako at kumalma na parang walang nangyaring pagtakbong ginawa.

'Andiyan siya. Andiyan siya.'

Di ko siya tinignan kahit alam kong nakatingin siya sakin.

Linagpas ko at nakahinga rin sa wakas.

----

"Ate! Pabili ng tsinelas."

Walang sumagot.

"Tao po! Hello?!"

"May tao?!" Sabi ni ateng tindera sa loob ng bahay.

"Wala! Hayop po ako!"

"Sus! Ikaw talagang bata ka!" Nagpakita na rin siya sa wakas at naghanap ng tsinelas na bibilhin ko.

"Anong kulay?" Tanong niya.

"Kahit ano po." Sagot ko.

"Oh eto! Singkwenta lang."

Inabot ko sa kanya ang singkwenta pesos at nagpasalamat bago umalis.

----

Habang naglalakad at di na tumatakbo, nakita ko na naman siya ulit.

As usual, lumagpas ako sa kanya na parang hangin lang at di nakikita.

Pero bago ako makahinga ng maluwag, nagsalita siya.

"We're same." Siya.

Huminto ako pero di humarap sa kanya. Hindi naman sa nag a-assume, pero alam kong ako ang kinausap niya.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang hangin.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad dahil hindi naman ako assuming.

"Hey stop!" Sabi niya.

Huminto ako at humarap sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mula noong nagkahiwalay kami, muling nagtama ang mga paningin namin.

At kinausap niya ako ulit.

Di ako nagsalita. Tinignan ko lang siya.

Di ko alam kung halata ba sa mukha ko ang pangungulila sa kanya, o ano. Basta, pinakita ko lang naman na seryoso ako.

Kung bakit ba kasi magkapitbahay kami. Ayan tuloy, malabong di kami magkikita ulit.

Di rin siya nagsalita. Nakatingin lang sa akin at sa tsinelas kong dala.

Nang muli niya akong tinignan, umiwas na ako.

"Pareho tayo ng tsinelas." Sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa paa niya at sa tsinelas kong dala.

'Pareho nga'

"Then? Paki mo?" Medyo sungit kong pagkasabi.

Kahit di nakatingin, alam kong may ngisi na sa kanyang labi.

"Gusto ko lang naman na malaman mo. Para parin kasi tayong mag couple." Siya.

"Eh di papalitan. Kung ayaw mo." Ako.

"Sinong nagsabi na ayaw ko?"

"Huwag ka nang magkaila, alam ko na ayaw mong isipin ng iba kung bakit tayo magkapareho ng tsinelas."

"Tingin mo, iniisip ko yun?" Sabi niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo ng kanilang marmol na hagdanan.

Kahit mga limang metro ang layo namin sa isa't-isa, nagawa parin niyang sakupin ang agwat namin at makalapit sa akin.

"Janice, hindi ako ganun. Ba't mo ba sinasabi yan?" Medyo mahinahon niyang sabi. Pero ramdam ko ang pagtitimpi sa kanya.

Di ko alam kung bakit galit siya, kasalanan rin naman niya kung bakit kami nagkahiwalay.

Apat na buwan na wala siya ay nagawa ko paring mabuhay.

Nagawa kong mag move on.

Pero ba't ngayong nakaharap ko siya ulit ay parang baliw na tumatambol itong puso ko?

Akala ko ba naka move on na?

Baka akala ko lang...

"By the way, ba't mo ko kinakausap? Akala ko ba gusto mong mapag-isa? Kaya nga tayo nagkahiwalay diba?"

Hindi siya kumibo. Kaya magandang pagkakataon ito na umalis nalang at umuwi ng bahay.

----

Ngayong nakaharap ako sa salamin, nagsusuklay ng buhok, at kumakain ng finger foods, may napagtanto ako.

Di kaya may iba siya bago pa kami nagkahiwalay?

Sa pangit kong 'to? Siguradong makakahanap siya ng iba at ipagpapalit pa sa mas magandang babae, at sopistikada na rin.

Para kasi akong lalaki. Lalaking gumalaw, lalaking magsalita, at lalaking manamit.

Di ako girly. Di rin ako mahilig sa pink. Iyong tsinelas na binili ko nga ay panlalaki pa. Kaya siguro nagkapareha kami ni Austin. Pero katakataka lang, ba't yun pa pinili ni ateng tindera? Marami namang ibang brand pero iyon pang kagaya ni Austin? But never mind. Di ko na dapat iniisip ang manlolokong iyon.

"Nak! Sira na naman tsinelas mo! Ayus ayusin mo nga naman ang iyang paglalakad mo! Para kang abno!"

Gulat ako sa binulyaw ni mama galing sa labas. Mga ilang segundo siguro akong tulala na nakatingin sa salamin habang hawak parin ang suklay.

Pero di nga?!

Nasira?!

" Ma! Hindi ko naman yan sinira ah!" Sigaw ko.

"Manahimik ka! Bumili ka ulit! Pera mo naman gamitin mo at sa susunod, maglakad ka nga na mukhang babae! Para kang adik sa kanto kung gumalaw! Umayos kang bata ka!"

Ouch.

Ang sakit magsalita ni mother.

"Ok! Chill lang ma! Iyang bad energy mo, kumakalat sa buong bahay!" Medyo galit ko naring sabi.

E sa hindi naman ako ang sumira ng tsinelas ah!

Baka nga iyun pang mga bata na lumalaro sa labas!

Kainis! Di ko pa kayang humarap ulit sa lalaking iyon!

----

"Tsinelas ulit ate." Tamlay kong sabi sa tindera.

"Na naman?!" Gulat niyang sabi. Di siguro makapaniwala na kahapon lang nabili pero nasira agad.

"Oo.." sabi kong hindi tumitingin sa kanya.

Sa kanyang mapanuring mga mata, alam ko na agad kung ano ang nasa isip niya.

"Oh heto Janice! Ayusin mo naman yang paglalakad mo ha?"

Tumango lang ako at umalis na.

Habang naglalakad, nasa isip ko parin ang sirang tsinelas.

Hindi ako ang may gawa no'n kaya posibleng ibang tao ito. Isang taong may galit sa akin o nangtitrip lang. Kung bata man, pwede narin. Naglalaro lang at ginawang laruan ang tsine—

"Nice one!"

That voice.

Tumingin ako sa nagsalita at inirapan na lang.

"Ano na naman ba?!" Sabi ko.

"Wala lang, nakakatuwang isipin na sa dinadaraming mga tsinelas, ay gaya ng akin pa ang pinili mo." Ngisi niyang sabi.

Tumingin ako sa dala ko at kagat labing tumingin sa kanya ulit. Dammit.

"So what? Hindi ko na yan problema, mag tanong ka sa tindera baka siya ang may sagot sa problema mo. Huwag mo na sana akong pansinin at pwede ba?! Huwag ka nang magpakita pa!"

Tumalikod ako at handa na sanang umalis kung di lang ako pinigilan ng kamay niya.

I still didn't look at him baka kasi iiyak lang ako sa harapan niya at nagmukha akong tanga.

Hawak parin ang braso ko, nagsalita siya.

"I'm sorry Janice. Sorry kasi ngayon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob at sorry rin kasi iniwan kita. I didn't tell you the reason kasi mabigat sa loob ko at alam ko na magagalit ka. Pero huwag kang mag-alala, naayos ko na ang problema. Kaya ngayong may lakas na loob ako para kausapin ka, sana pakinggan mo ulit ako at bigyan ulit ng pagkakataon na mahalin ka at manligaw sayo. Janice please... Pagbigyan mo ako... Mahal parin kita."

My tears drop. Maraming nahuhulog sa lupa at di na'ko nakakakita.

Humarap ako sa kanya at humikbi ng makita ang lumuluhang mga mata niya.

Di na'ko nakapagpigil at mahigpit na yumakap sa kanya. Matagal ko na tong gusto. Gustong mangyari. Ang mayakap siya ulit at marinig ang katagang 'I love you' niya.

It's really hard to move on huh?

I thought I'm done to him. But tignan niyo na ngayon, andito ako nakayakap sa kanya at binibigyan ulit siya ng pagkakataon.

Tumawa siya pagkatapos ng mga minuto naming pagyayakapan.

Taka ko siyang tinignan. At tumawa ulit ng makita ang nagtatanong kong mukha.

"You didn't thought that I'm the one who's killing your slippers?" Tawang-tawa niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at sa isang iglap lang, naghahabulan na kami. I just never thought that this day will going to happened. My true and the one I love is back to me.

----

"Kasali rin ba si ateng tindera sa mga pakulo mo?"

"Oo."

"What?! Kaya pala parehong pareho sa tsinelas mo ang pinipili niya!"

"Hahaha! Oo. Naaawa na nga ako sayo dahil kita sa mukha mo ang banas."

"Ah! so now I know... Hoy! Bayarin mo ang ginastos ko sa pagbili ng tsinelas na suot ko! Walang hiya ka!"

"Hahahahah opo mahal..."

—END—