webnovel

Chapter 28

Mayo 19 - Biyernes

Dumating ako sa classroom nang wala siya kasi misa nila. Tapos nung dumating na sila hindi naman siya pumansin. Pero nung oras na ng English, hanap ako ng hanap sa module ko na para akong tanga e yun naman pala e nasa kaniya! Tsaka niya lang ako pinansin nung ibinalik na niya sa 'kin. Tapos nung lumabas kami para sa MAPEH siya yung bumitbit ng bag ko at ganun ang ginawa niya hanggang sa matapos yung subject. Tapos nung Filipino na naman hanggang AP, hay naku, hindi ko na siya masyadong pinansin.