Kabanata 1: Tungkol Kay James
Abril 20, 2023 - Huwebes
Bakit ganun ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang malungkot? Gaya na lang kanina nung napansin ko siyang naluluha dahil sa kasalanan niya dun sa phone ni Aldren kahit na alam ko namang hindi niya yun sinasadya. Nakita ko naman kung paano talaga nahulog yung bag ni Aldren. Nabubwisit lang ako sa sarili ko. Hindi ko man lang siya nacomfort. Hindi ko man lang napagaan ang loob niya.