webnovel

It's Still You | Ken Suson AU | Book II

WalkingBanana · Celebrities
Not enough ratings
6 Chs

Roadtrip

May nag doorbell kaya bumaba ako, hala ngayon ko lang na realized na yung suot ko sobrang ikli na short tas naka sando lang ako buti nalang naka bra ako, walangya kung sino man to nakakahiya naman itsura ko. Kabukas ko ng pinto si Ken pala tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Oo na, asa bahay lang kasi ako eh, di ako nakapag bihis HAHAHA." Sabi ko pero pinapasok ko siya

"Napadalaw ka?" Tanong ko tas umupo siya sa sofa

"Yayain sana kita." Aya niya tas tinignan ko siya

"Saan?" Tanong ko

"Kahit saan." Sabi niya tas tinaasan ko siya ng kilay

"Saan kaya yang Kahit saan mo?" Tanong ko

"Kahit saan mo gusto." Sabi niya tas tumango ako

"Day tour lang ba?" Tanong ko tas tumango siya "Osige, may lakad kasi ako bukas eh." Sabi ko tas tumango siya

"Sige... Tara na." Aya niya tas tinignan ko siya na gulat na gulat

"Tange di pa ako nakabihis." Sabi ko

"Okay na yan maganda kana." Sabi niya tas pinalo ko yung braso niya

"Bopols! Maliligo muna ako. Wala naman theme yan? Di naman formal or what?" Tanong ko tas umiling siya

"Casual lang." Sabi niya tas tumango ako

Pumunta nako sa taas para maligo, tas ni ready ko na yung isusuot ko, Nilabas ko yung ripped jeans ko tas fitted white crop top ko, tas sun glasses tas yung slingbag ko, syempre with white shoes. Katapos kong maligo agad akong nagbihis at nag make up ng very very light lang naman tas nagpabango tas inayos yung buhok ko, nilagay ko sa slingbag yung mga kailangan ko tas bumaba nako nakita kong naglalaro si Ken kaya tumayo ako sa harap niya at nilagay yung kamay ko sa bewang ko.

"Tara na." aya ko tas tinignan niya ako

"Ang tagal mo." Sabi niya sabay tayo at tago sa phone niya

"Wow, Anong expect mo five minutes lang?" Tanong ko tas tumango siya

"Di kasi ako katulad mo Suson na wisik wisik lang eh." Sabi ko tas tumawa kami

"Wow ah." Sagot ni Ken tas sumakay na kami sa kotse niya

"Daan muna tayo sa malapit na Kainan, mag baon tayo kahit konti lang." Sabi ko tas tumango siya

"Saan mo ba gusto?" Tanong niya

"Sa may... KFC." Sabi ko tas tumango siya

"Drive thru ba?" Tanong niya tas tumango ako

"Oo para di na tayo bumaba." Sabi ko tas nag 'Hmm' siya

"San pala punta mo bukas?" Tanong niya

"Bibili akong kotse bukas." Sabi ko tas tumango siya

"Bat di pa ngayon? May kakilala ako." Sabi niya tas tinignan ko siya

"Eh aalis tayo." Sabi ko

"Mamaya kase, text ko na ba?" Tanong niya tas tumango ako

"Sige." Sabi ko

"Sige." Sabi din niya nakarating na kami sa KFC

"Bali bukas nalang ako maghahanap ng trabaho." Sabi ko tas tumingin siya

"Anong gusto mo?" Tanong niya tas tinignan ko yung menu

"Yung bucket nalang tas dagdagan mo ng burger." Sabi ko tas tumango siya at sinabi

"Hahanap ka ng trabaho bukas?" Tanong niya tas tumango ako

"Pag maganda kita dito o kaya ayos na mag stay nalang ako dito." Sabi ko tas tumango siya at pinaandar na yung kotse

"Maganda yun mahirap din magisap sa New york." Sabi niya tas tumango ako

"Sobraaaa." Sabi ko tas inabot ko yung bayad

"Mahirap bang mag fit in?" Tanong niya

"Di naman. May mga Pilipino naman kaso madalang." Sabi ko tas inabot na yung order namin

"San na tayo niyan?" Tanong niya

"Balita ko may garden daw sa may Tarlac." Sabi ko tas tinignan niya ko

"Edi Tarlac na?" Tanong niya tas tumango ako

"Oo, daan din tayo sa Starbuck's medyo malayo byahe baka antukin ka." Sabi ko tas tumango siya

"Sa may NLEX na." Sabi niya tas tumango ako

"Sige ikaw bahala." Sabi ko "Kain na tayo." Aya ko

"Mamaya nako nagda drive pako." Sabi niya tas nag eye roll ako

"Oh." Tinapat ko sakanya yung burger para kagatin niya tas tinignan niya ko "Ang mata sa daan mababangga tayo sa ginagawa mo eh, subuan nalang kita para makakain ka din." Sabi ko tas kinagat na niya at nakatingin nadin siya sa daan nag smile lang siya "Baket ka nakangiti?" Tanong ko sakanya habang ngumunguya

"Wala namiss ko lang mag roadtrip kasama ka." Sabi niya tas ngumiti ako

"Edi wow Suson." Sagot ko Natawa lang ako sa sinabi niya

"Di ka padin nagbabago." Sabi niya tas tinignan ko siya ng may halong pagtataka

"Weh?" Tanong ko clueless ako sa sinasabi niya eh

"Yung upo mo kase ganyan paden, naka indian seat kapadin." Sabi niya sabay turo sa pag upo ko

"Ah wala eh komportable eh." Sabi ko sabay kain

"Kumain ka nalang kaya? gutom lang yan." Sabi ko sabay kagat sa burger ko

"Subuan moko." Sabi niya tas inirapan ko siya

"May kamay ka naman." Sabi ko

"Nag da drive ako eh." Sabi niya tas inirapan ko siya pero nag smile ako

"Oh kain na baby oh." Sabi ko tas tinawanan niya ko "Pag ikaw nabilaukan." Sabi ko kasi tawa siya ng tawa sa ginawa ko

"Kasalanan mo pag nabilaukan ako." Sabi niya tas tumawa ako

"Wow ako pa ah? Ikaw tumatawa eh." Sabi ko

Nagbyahe lang kami na maraming pinagkwentuhan at naglolokohan, bumili kami ng inumin sa Starbucks tapos tumuloy na kami sa pagbabyahe papuntang Tarlac, Nagsoundtrip kami, tas lokohan tas kwentuhan umiikot lang dun yung mga nangyayare sa loob ng kotse, nakakamiss din yung ganito kami ni Ken, last na ganito namin nung nag baguio kami nung Christmas way way back. Buti we're matured enough na close padin kami kahit medyo lumabo dahil sa mga nangyare before.

"Bagay mo yung buhok mo." Sabi niya tas napatingin ako sakanya

"Ahhh, ang dami ngang nagsasabi na pumuti nga daw ako sa Blonde kong buhok." Sabi ko tas tumango siya

"Oo ganyan pala resulta ng galing sa New York ano? Gumaganda." Sabi niya tas natawa ako

"Talaga ba? Parang ganun din eh." Sabi ko tas tinignan niya ko saglit tas balik sa daan

"Bumagay yung buhok mo sa suot mo ngayon." Sabi niya tas tumango ako

"Oo nga ang ganda lang nung suot ko. Ikaw di parin nagbabago yung taste mo sa damit, loose lahat." Sabi ko tas tumango ka dyan

"Tama ka dyan." Sabi niya tas tumawa ako

"Signature style mo kase very Ken, very weird ganun." Sabi ko tas tumawa siya

After 30 minutes nakarating na kami ng Tarlac nag waze na kami kung san papunta dun, after ng ilang minuto nakarating na kami papasok palang kami dun wow, ang ganda na niyang tignan, bumaba agad ako tas tinitignan ko lahat ng bulaklak dun ang ganda shet! Ang ganda at ang colorful kaso medyo mainit pero di mo naman mararamdaman kase na ke carried away ako sa ganda ng view. Naramdaman kong katabi ko na si Ken kaya humarap ako sakanya.

"Tara punta tayo dun." Aya ko sabay hila sakanya papunta sa gitna ng garden

"Hoyyyy ang gaganda ng bulaklak." Sabi ko medyo nagtatalon ako

"Oo nga." Sabi niya tas ikot ikot ako sa lugar ko

"Luhhhh, ang gagandaaaa." Excited kong sabi sabay hawak sa lahat ng bulaklak

Nararamdaman kong nakatingin lang si Ken sakin tas katingin ko sakanya pinipicturan niya na pala ako.

"Di man nag sabi, walangya! Edi sana maganda ako dun sa shot mo." Sabi ko sabay simangot tas kinurot niya yung pisnge ko

"Osige na ulitin ko mag pose ka na ah?" Sabi niya tas inayos ko yung sarili ko

"1...2...3... Say 'Ken'" Sabi niya tas natawa ako pero bago ako tumawa maganda smile ko

"Patinginnnnn" Sabi ko tas tinignan ko ang ganda nung shot "Gondoooooo." Sabi ko "Isa pa." Sabi ko habang nagsisitalon

"Parang bata ang buang." Sabi niya tas inirapan ko siya

Nagpa picture ako ng nagpa picture tas ganun din ginawa ko sakanya, tapos bumalik na kami dun kung saan kami galing, tas biglang may sumalubong samin na lalaki na matanda na nagta trabaho dito.

"Mam, ser picturan ko ho kayo dito." Sabi niya sabay turo dun sa may upuan tas background mo yung mga bulaklak

"Sige po." Sabi ko tas umupo nako tas di umuupo si Ken

"Sige ikaw nalang." Sabi ni Ken tas hinila ko siya

"Dito na pabebe pa eh." Sabi ko tas umupo siya sa tabi ko

Nagpicture kami dun ng marami, worth to treasure hehe, katapos nun bumalik na kami sa kotse tas umalis na.

"San susunod natin pupuntahan?" Tanong ni Ken

"Tara Pampanga? Rides tayo?" Aya ko tas tinignan niyako parang mamutla siya

"R...rides?" Tanong niya tas tumango ako

"Yes, ayaw mo ba?" Tanong ko tas umiling siya

"S...sige tara." Sabi niya ng nauutal

Nag drive na siya papuntang Pampanga, music lang yung sumasakop sa buong kotse walang nagsasalita, napagod ata kami kakalakad dun sa garden naubusan din ata ng topic.

"May unli rides akong nakuha sa metro deals nung minsan kala ko di ko magagamit." Sabi ko tas tinignan niya ko

"Unli rides, magaling." Sabi niya tas napalunok siya

"Natatakot ka ba?" Tanong ko tas tinignan niya ko

"H... hindi no." Sagot niya tas tumango lang ako ng dahan dahan

After ilang oras nakarating na kami ng Pampanga, agad mong makikita yung Skyranch kaya nag park kami sa may SM tas agad kaming pumunta sa may Ticket booth para iclaim yung unli rides namin tas nag start na kami sumakay ng rides kaso sabi ni Ken start muna namin sa easy or yung mga pambata kaya pumayag naman ako baka mabigla kami eh. Katapos namin sa mga rides ng pambata agad kaming sumakay sa loop coaster, drop tower, at Vikings. Katapos namin sa mga rides na yun hilong hilo kami nagsuka pa si Ken di na naka abot sa banyo nasuka na siya sa mismong Vikings. Nagkalat ng wala sa oras kaya binilan ko siya ng tubig.

"Okay ka lang?" Tanong ko sabay abot nung tubig

"Medyo okay na." Sabi niya tas huminga ako ng malalim

"May isa pa tayong di nasasakyan." Sabi ko tas tinignan niya ako

"Ano?" Tanong niya tas tinuro ko yung ferris wheel

"Yung Pampanga's Eye." Sabi ko

"Last na ba yan?" Tanong niya tas tumango ako

"Bakit gusto mo pa ba?" Tanong ko tas umiling siya

"Hindi na, tara na sakyan na natin yan para matapos na." Sabi niya

"Ang sayasaya mo palang kanina tas nagsuka ka na." Sabi ko tas tumawa

"Wala bully." Sabi niya sabay akbay sakin

"Hilo ka pa?" Tanong ko

"Oo." Sagot niya

"Naka aircon naman dyan." Sabi ko tas sumakay na kami

"Di kanaman takot sa heights no?" Tanong ko

"Di naman." Sagot niya tas tumango ako

"Buti naman." Sabi ko "Pahinga ka muna dyan." Sabi ko tas sumandal siya sa tabi ko at huminga ng malalim

"Medyo di na ako nahihilo." Sabi niya tas nag 'Hmm' Ako

"Ganda ng view, ang taas." Sabi ko tas nag 'Hmm' si Ken "Baka makatulog ka ah?" Sabi ko

"Hindi." Sabi niya

"Ang saya ng araw na to." Sabi ko

"Talaga?" Tanong niya

"Oo, Thank you sa pagyaya." Sabi ko

"Namiss mo no?" Tanong niya

"Yung alin?" Tanong ko

"Yung... Ganto..." Sagot niya

"Yung pag ro roadtrip? Oo, last na pasyal natin tayo pa nun, nung Christmas sa Baguio." Sabi ko nakangiti akong sinabi yun

"Oo nga ang tagal nadin pala." Sabi niya tas tumango ako

"Nadugtungan naman eh." Sabi ko

"Oo, kaso di na tayo." Bulong niya tas di ako sumagot, di ko alam isasagot eh

"Pababa na tayo." Sabi ko tas umupo na siya ng daretso

"San niyan tayo pupunta?" Tanong niya

"Kain tayo?" Tanong ko tas tumango siya

"Oo, gutom nako." Sabi niya tas tumawa ako

"Halata nga nailabas mo na lahat eh." Sabi ko tas tumawa kami "San tayo kakain?" Tanong ko

"Kahit saan." Sagot niya

"Apakagaleng. Walang ganun na resto dito." Sabi ko tas tumawa siya "Gutom na gutom ka ba?" Tanong ko tas tumango siya

"Oo, baket?" Tanong niya

"Kain tayo sa may Vikings." Aya ko tas parehas kaming nag agree

Naglakad na kami papuntang Vikings at kumain dun, ang takaw talaga netong si Ken puro Chicken kinuha tas ang daming platong kinuha, isang buwan atang di kumain to o isang buwan yung sinuka niya. Katapos namin kumain may binili siya sa Uniqlo na damit, dahil daw naamoy niya yung sarili niya na amoy suka arte pauwi narin naman kami. Sumakay na kami sa kotse niya tas nag drive na kami papuntang Manila ulit.

"Anong brand ng kotse gusto mong bilin?" Tanong niya

"Kahit ano basta good for fam." Sabi ko

"Gusto mo Jeep?" Tanong niya tas tinignan ko siya

"Pwede, pwede." Sabi ko tas tumango siya

Nagdrive na papuntang Manila si Ken during nung byahe nakatulog pala ako kagising ko nasa pasay kami, kung saan pwedeng bumili ng Jeep, tas pumasok na kami dun, tinignan ko yung mga kotse kung anong maganda hanggang sa nakita ko yung gusto ko pure black shet ang ganda at ang sexy lang niya myghad. After ng tingin tingin ng kotse pina test sinakyan namin yung gusto kong kotse Jeep Wrangler Unlimited 2.0 Turbo Rubicon AT shet ang ganda talaga mula malayo pati pag nasakyan na, tinuro sakin yung mga functions sa loob chaka yung mga features sakin, tas pumunta kami sa likod ng store nila para itest yung sasakyan, dinrive ko na siya tas shet myghad mama ang smooth lang idrive lalo lang akong naiinlove pag tinitignan edi lalo na ngayon dina drive ko siya. Kabalik namin dun sa store inaayos na yung papeles, tas binayaran ko na ng buo kaya wala ng problema.

"Kita nalang tayo sainyo?" Tanong ni Ken tas tumango ako "Enjoy your Jeep Wrangler, Tep." Sabi niya tas sumakay na siya sa kotse niya

Dinrive ko nadin yung kotse pauwi samin, grabe yung tuwa ko habang dinadrive to dati parang nakikita ko lang to ngayon meron nako shet, kauwi ko pinark ko na agad sa garahe namin, tas kababa ko pinuntahan ko si Ken sa tapat namin tas niyakap ko.

"Thank you." Pasasalamat ko tas niyakap niya din ako

"Welcome. Sana nag enjoy ka at na enjoy mo yang bago mong sasakyan." Sabi niya tas tumango ako

"Sobraaaaa. Thank you ng maramiiiii." Sabi ko tas ngumiti siya sakin

"Goodnight." Sabi niya tas ngumiti ako

"Goodnight din, ingat ka." Sabi ko tas pumasok nako samin hanggang sa narinig ko na nakaalis na yung sasakyan ni Ken.