Paano kong mapadpad ka sa isang mundo kong saan nabubuhay sa katawan ng tao ang kapangyarihan, ngunit balot naman ang mundong iyon ng walang humpay na hiwaga at taglay ang ibat ibang di maipaliwanag na mga halimaw at nilalang, mabubuhay ka kaya!?
Si Celin sa kasalukuyang taon sa petsa na 2029 March 15, hapon na noon sa oras na 3:45pm, pauwi si "Celin" galing sa isang convenience store matapos bumili ng pagkaing kakainin niya sa gabi habang pinapanood ang paborito nyang palabas.
Nang malapit nang makauwi si Celin ay nasilaw siya sa isang liwanag na hindi matukoy kong saan namumula, dahil sa liwanag ay nawalan ng malay itong si Celin at nagising na lamang sa isang madilim na kagubatan.
Nang magising ay lubos siyang nagtaka na normal lang na maging reaksyon ng tulad nyang walang alam sa nangyayare.
Pinakiramdaman ni Celin ang sarili kong may roon ba syang pinsala sa katawan o kahit anong sugat o galos na maging tanda ng pag dala sakanya sa lugar na iyon.
Ngunit walang nahanap si Celin at pinipilit nya ding alalahanin kong ano ang nangyari para mapadpad siya sa lugar na iyon.
Kahit anong lalim ng kanyang pag-iisip sa pusibleng nangyari ay wala siyang maalala na pupwedeng dahilan para dalahin sya sa lugar na iyon.
Naisip rin niya na marahil ay may gumahasa sakanya pero wala syang mararamdamang masakit sa kanyang ari gayung birhen(virgin) pa sya at wala rin tanda ng pagkatali sa kamay o paa nya at maging mga punit ng damit niya ay wala.
Pero tila napahinto sa pag iisip si Celin matapos makita ang kanyang suot, hindi iyon ang damit niya at lalong wala syang maalala na may ganoon siyang damit.
Sa itsura ng suot suot nyang damit ay makaluma ito at gawa sa purong balat ng hayop.
Ang laki ng pagtataka ni Celin sa suot suot nyang iyon, bukod pa roon ay napansin nya rin na tila wala pala syang suot na kahit na anong panloob.
Sa mga bagay na kanyang sinisita at nasita sa sariling katawan ay tila nakalimutan na ni Celin ang totoong sitwasyon sa paligid nya.
Nakaramdam narin si Celin ng panlalamig kaya tumayo na ito at naglakad.
Masyadong madilim sa gubat na iyon at dahil din sa walang sapin ang mga paa ni Celin ay damang dama nya ay mga tuyong dahon na kanyang natatapakan na sya rin na naglilikha ng ingay sa paglalakad ni Celin.
Sa paglalakad ay nakatapak si Celin ng isang sanga ng puno dahilan para sya ay magulat.
Sa inis ay sinipa ni Celin ang sanga na iyon at sa pagsipa nyang iyon ay napatingala si Celin at dito napansin nya ang pag galaw ng mga ulap sa kalangitan, dahilan para dahan dahang lumabas ang liwanag ng buwan na syang nagtatago sa likod ng mga ulap.
Dahil sa lumiliwanag na ang paligid ay na aninag na ni celin ang daang kanyang tinatahak bukod roon ay napansin narin ni celin ang mga bahid ng tila mga dugo sa mga puno.
Ikinataka iyon ni celin at sa tuluyang pag labas ng buwan mula sa likod ng mga ulap ay sinabayan ito ng isang napaka lakas at napaka banayad na alulong ng isang lobo na syang nagbago rin sa isipan ni Celin at tila sinasabi ng kanyang pandama na ito ay hindi lamang isang normal na lobo kundi isang "Asong lobo" (ware wolf).
Dahil din sa kilabot ng alulong na kanyang naririnig ay napatakbo si Celin ng wala sa oras, dama ang pangangatog ng katawan, kaba sa dibdib at takot sa kamatayan ay napaluha itong si Celin habang tumatakbo at pinipilit na tumakas sa kong anong bagay.
Nang biglang napahinto na lamang si Celin sa pag takbo matapos madaanan at makita ang isang asong lobo na nginangata ang isang kalahating katawan ng tao na may suot na damit na tulad ng sakanya.
Sa nakita ay halos dina makagalaw si celin at matapos malanghap ang malansang amoy ng dugo na mula sa mga gutay gutay na katawan sa paligid ay dito halos bumaliktad ang sikmura ni Celin na syang dahilan para magbadya ang sikmura nya ng pagsuka.
Pero bago pa tuluyang masuka si Celin ay naudlot na ito nang humarap sakanya ang asong lobo na syang kumakain lang kanina.
Kitang kita ni Celin sa mga mata ng asong lobo na ito ang labis na pagkasabik sa pagpaslang at tila handang handa syang sugurin at pag gutay gutayin nito.
Habang nakatitig si Celin sa napaka dilaw at nanlilisik na mata ng asong lobo na iyon ay tuluyan naman na syang binalot ng kanyang takot.
Wala nang magawa si Celin kundi iiyak na lamang ang nararanasang takot at kaba, halos konti nalang din ay maiihi narin si Celin dahil sa pangangatog ng kanyang katawan dahil sa kanyang mga nararanasan sa mga oras na iyon.
Kumilos na ang asong lobo at wala nang nagawa si Celin kundi pumikit na lamang at tanggapin ang kamatayang paparating.
Sa papasugod na lobo naman ay tumama dito ang isang purong pilak na sibat na syang dahilan para tumalsik ang lobo at tumilapon pa ang kanang braso nito.
Tila sumabog ang parte ng katawan ng lobo kong saan tumama ang sibat at sa pag bagsak ng lobo ay agad na sinundan pa ito ng isa pang pag atake na mula naman sa isang lalake.
Mula sa taas tumalon ang lalake na lagpas sa mga puno habang buhat buhat ang napaka laking tipak ng bato.
Gamit ang bato pabulusok itong papatama sa asong lobo na syang ikinadurog ng katawang ng asong lobong iyon.
Hindi man nakita ni Celin ang buong nangyari ay laki ang galak sa loob nya nang makakita sya ng iba pang tao sa lugar na iyon at nabuhayan naman sya nang loob matapos syang iligtas ng mga ito.
Napaluhod na lamang si Celin dahil di na nito kinaya ang pangangatog ng katawan dala ng pagkatakot na naranasang bantang kamatayan mula sa asong lobo.
Samantala lumabas naman mula sa likod ng mga puno ang lalaking siyang nag bato ng sibat at pinulot ang kanyang pilak na sibat.
Sa nakikita ni Celin ay tila ba sadyang ginawa ang sibat na iyon para sa mga asong lobo bilang panlaban sa mga ito.
[nagka usap ang mga taong syang nagligtas kay celin]
Unang nagsalita naman ang lalaking may buhat ng malaking bato kanina na syang tumapos sa asong lobo, kinausap nito ang lalaking kumuha ng sibat.
[paguusap nila]
Lalake 1: nahuli ata tayo ng dating! May mga patay na dito. Sa nakikita ko nasa tatlong tao ang mga lamang nakakalat dito.
Lalake 2: wag munang isipin yan. Magpasalamat nalang tao at may naabutan pa tayong buhay dito kahit isa.
Lalake 1: babae ang isang yan ah. Bihira iyon! Pero sa gabing ito halos lahat ata ng nasagip natin ay babae. At teka maganda pa ang isang yan! Haha sigurado akong pagkakainteresan ang isang ito ng mga "Elder". Hindi ba Xhua!
Lalake 2 (xhua): panigurado yan! Swerte talaga ang mga elder ngayon. Balita ko kasi mga babae rin ang natagpuan ng grupo nila Adam.
Samantala dumatin naman ang isang babae at agad sinermunan ang dalawang lalake.
Babae: bakit ba ang tagal ninyo! Nakalimutan nyo naba na may mga dala tayong baguhang mga tao na napadpad sa mundong ito.
Ikaw Seco dalahin muna sa karwahe ang babaeng yan panigurado wala rin iyan sa sarili dahil sa mga naranasan nya. Teka lang! Isa nanamang babae!? Hayysstt Ewan!!
Lalake 1 (seco): Haha Oo at maganda ang isang yan.
Xhua: dalawang beses mo na syang sinabihang maganda. Wag mo sabihing tipo mo ang isang yan.
Seco: kahit naman magustuhan ko iyan ay wala rin naman akong magagawa at wala akong karapatan.
Xhua: nga pala Winn. May nag bigay utos naba para bumalik tayo sa kaharian?
Babae (winn): oo meron na kaya nga pinuntahan kona kayo dito e.
Matapos ng maikling usapan nila ay inakay na ng lalaking nagngangalang Seco si Celin at isinakay na ito sa kanilang karwahe.
[Sa karwahe]
Sa loob ng karwahe nakita ni Celin ang iba pa na may suot din ng tulad sakanya.
Ang iba ay may malalalim na sugat na halatang natamo mula sa mga asong lobo.
Ang iba naman ay wala nang malay at sa nakikita ni Celin ay nasa labing lima silang naroon at lahat sila dito ay mga babae.
Maraming katanungan si celin pero tila wala pa sa gana ang katawan nya at hindi nya pa kayang magsalita.
Tulad ng iba ay tahimik na lamang si Celin sa karwahe. Hinihintay nalang na makarating sila sa narinig nyang kaharian kanina base sa pag uusap ng mga nagligtas sakanila.
Sa totoo lang ay hindi alam ni Celin kong tama o dapat ba syang sumama sa mga ito. Pero wala syang magagawa dahil kamatayan mula sa mga asong lobo ang naghihintay sakanya kapag tumakas pa siya sa karwaheng iyong.
Samantala dahil din sa nadamang pagod ni celin ay di niya namalayan ang antok at nakatulog na sya.
Nagising na lamang si Celin ng mapadaan sa mabatong daan ang karwahe dahilan para umuga sa loob at magka untugan silang magkakatabi.
Dito nagising silang lahat bukod sa mga wala na talagang malay. Nakakatitigan ni celin ang iba at nakikita nya sa mga mata ng mga ito na tila nagtatanong at naguguluhan din sa mga nangyayare.
Bigla namang sumilip sa isang bintana ang babaeng nag ngangalang "Winn" at sinabi sakanina na:
Winn: mamaya lamang ay makakarating na tayo sa kaharian. Doon gagamutin ang mga sugatan at pakakainin ang kong sino man ang nagugutom. Wala kayong dapat ipag alala, walang mangmamaltrato sainyo pero bibigyan kayong lahat ng trabaho bilang malaking tulong sa pag usad at pag unlad ng kaharihan natin laban sa iba pang kaharian. May kalayaan din naman kayong mamili kong anong trabaho ang maibigan ninyo.
Matapos naman magsalita ni winn ay napatanong si Celin na agad namang sinagot ni winn:
Celin: maaari ko bang malaman ang oras ngayon.
Winn: oras! Hmm walang orasan dito pero base sa lamig ng hangin at posisyon ng buwan ay tansya ko ay nasa pagitan ng "3:30am to 4:00am" ang oras.
Celin: ganun po ba maraming salamat.
Winn: walang ano man. Alam mo maganda ang tinig ng boses mo. Nawawala tuloy ang pagka babae ko parang magugustuhan na tuloy kita hahaha.
Napangitin si celin sa sinabing iyon ni winn pero tila ang babae sa harap ni Celin ay nagtanong din at sinagot din ito ni winn ng totoo.
Babae: may katanungan din ako. Pasensya na pero may pagdududa kasi ako. Sa nakita namin ay mahahalintulad kayo sa mga hunter dahil sanay kayong lumaban sa mga asong lobo na iyon. Paano kami maniniwala na walang mangyayaring masama samin at paano mo mapapatunayan ang lahat ng sinabi mo. Parang hindi kapanipaniwala iyon na malugod nyo kaming tatanggapin samantalang nagising nga kami sa madilim na gubat na iyon kong saan nandoon ang mga halimaw na syang pumatay at kumain sa ibang tulad namin.
Winn: oy teka teka! Mag hulos dili ka. Hindi mo kelangan sumigaw. Sa totoo lang nakakapag duda nga pero kong tutuosin ay labag din samin ang ginagawa naming ito. Ang pag buwis ng buhay namin para sa mga tulad ninyo na wala namang kasiguraduhan kong may maitutulong ba kayo sa hari.
Hindi ko na hihingiin ang pasasalamat nyo sa pag ligtas namin ng buhay nyo. Pero kong may masama man kaming balak sainyo at nagagawa pa naming ibuwis ang buhay namin para lumaban sa mga lobong iyon para lang sa tulad nyo ay hindi namin kayo isasama sa ganyang kalagayan.
Ang ibig kong sabihin. Malaya kayo wala kaming itinali sainyo o hindi namin kayo pinatulog.
Maaari kayong tumakas kong gugustuhin ninyo pero dina namin kayo babalikan pa para iligtas muli kayo mula sa mga halimaw na nandyan sa paligid.
Sa tingin mo kapag ba ikaw ay nakahuli ng isda at maghapon kang namingwit para lang doon hahayaan mo bang makawala pa ang isdang iyon matapos ng lahat ng paghihirap mo. okaya naman iba ang makinabang sa isdang iyon matapos mo itong paghirapan. Ibig kong sabihin hindi rin namin kayo niligtas para ipakain lang din sa halimaw.
Samantala napasabat naman sa pag uusap si Celin pero agad din naman siyang sinagot ni winn, banggit nila na:
Celin: paano kong ganoon talaga ang ginagawa nyo. Ibig kong sabihin kahit naman hindi nyo kami itali ay wala rin naman kaming pag pipilian katulad ng sinabi mo kapag bumaba at sinubukan namin umalis sa karwaheng ito ay kakainin lang kami ng mga halimaw.
Winn: alam nyo nasasainyo kasi yan kong gusto nyong mabuhay. Maaari kayong tumakas kong gusto nyo sumilip kayo sa bintana nakalabas na tayo ng gubat at nasa pampublikong daan narin tayo. Mabubuhay at makakapag tago narin kayo sa lugar na ito. Kaylangan lang talaga namin kayong dalahin sa kaharian dahil kayo ang magkukwento ng mga bagay na mula sa orihinal na mundo. Kahit kami ay napadpad lang din dito mahigit Sampong taon na ang nakakaraan. Naniniwala ang mga elder at hari na may paraan para makabalik sa totoong mundo at naniniwala din sila na ilan sa mga taong napupunta dito ay may malaking ambag sa pag labas pabalik sa totoong mundo tulad ng mga elder.
Nagtanong naman ang lahat kong ano ang mga elder at sinagot naman ito ni winn.
Winn: alam nyo sa kaharian na dapat kayo magtanong ng kong ano ano. Pero sige bibigyan kona kayo ng ideya sa kong ano ang elder tutal sila din naman ang makakaharap nyo mamaya.
[Kwento ni Winn]
Base kay winn ang mga "Elder" ang mga pinaka malalakas na tao sa isang kaharian.
Tinawag silang Elder dahil base sa mga sinaunang tribo ang mga elder o ang nakakatanda sa isang tribo ang syang nakakaalam ng lahat at nakakapagligtas sa tribo dahil sa taglay nitong talino bilang pinaka matanda sa tribo.
Ang kaharian ang maituturing na tribo at ang mga malalakas at makapangyarihan na tao ng kaharian ang tinuturing na elder dahil bukod sa sila ang tagapag ligtas ng kaharian ay sila lang din ang nakakapasok at nakakalabas ng buhay mula sa mga dungeon dahil sa taglay nilang galing at lakas.
Tanging sa dungeon lang matatagpuan ang mga pilas ng isang libro na kaylangang mabuo dahil sa libro nakasaad ang buong kwento at doon lang nakasulat kong papaano makabalik sa totoong mundo.
Kaya ang mga elder rin ang may talino para makalabas at makabalik sa totoong mundo mula sa mundong iyon.
Ang mga Elder ang pinaka magliligtas sa kaharian pero dahil sa taglay nilang lakas kaylangan nila ng mamumuno sakanila, magpapanatili ng kaayusan sa pagitan ng mga kapwa nila elder at gagabay sakanila.
Doon na papasok ang trabaho ng hari na syang mas nakakaalam ng nakalipas dahil ang hari lang ang napadpad sa mundong iyon ng nasa mahigit walumpung taon na ang nakakaraan.
Ngayon naniniwala ang hari na hanggat may mga taong napipili para mapadpad sa mundong iyon ay laging mayroon tyansa na balang araw isa sa mga baguhan ang kikilalanin ding elder na syang tutulong na mabuo ang libro at makabalik sa totoong mundo.
Dahil naniniwala din ang kaharian na darating ang araw ay makakaharap ng mga elder ngayon ang kanilang sariling kamatayan habang papalapit sila sa dulo ng dungeon.
[Sa karwahe]
Sa mga nakwento ni Winn ay ang karamihan ay hindi na nagduda pa.
Isinara na lamang ni winn ang bintana at pinatay ang lampara sa loob upang mahimbing na makatulog ang iba.
Ang iba ay dahil sa antok ay natulog nalang agad at ang iba ay idinaan nalang din sa pagtulog ang gutom na kanilang nararamdaman.
Si Celin naman ay bigla nalang naalala ang pinag mulang mundo, naalala nya ang kanyang ate at maliit na kapatid ganun din ang kanyang ama at ina.
Pero wala syang magawa napunta sya sa mundong malabo pa ang kasagutan para makabalik sa totoong mundo.
Dahil sa nadaramang pangungulila at lungkot ay nakatulog si Celin na may luha sa kanyang mga mata.
[Ilang minuto ang nakalipas]
Ginising si Celin ni Winn banggit na nakarating na sila sa kaharian.
Ang mga sugatan naman ay binuhat ng mga lalake na nagaabang sa kanilang karwahe.
Sa pagbaba naman ni Celin ay nakita nyapa ang iba pang karwahe na may sakay na tulad nila.
Hindi na nagawang bilangin ni Celin ang mga karwahe dahil napatingin na sya sa laki at lawak ng kaharian at sa napakataas nitong mga pader at sa dulo ay kitang kita ang napakataas na kastilyo.
Nakapila silang pinag lakad patungo sa kastilyo at habang naglalakad naman ay kita ni celin ang mga tao sa paligid, mga lalake at babae at tila masaya ang mga ito para sakanila.
Binabati sila ng mga ito dahil sa nagawa nilang mabuhay at makaligtas matapos mapadpad sa napaka mapanganib na gubat.
Habang naglalakad, mula sa likod ay dumaan ang isang naka-kabayong lalake na tila nakasuot ng baluti itsurang isang mandirigma ng kastilyo at sinabi nito sa lahat na:
Lalake: mamaya lamang ay paparating na ang mga Elders mula sa malaki nilang misyon. Papalabas na sila ng dungeon at ang ulat mula sa mga alaga nila ay walang namatay sa mga elder at buo silang pito na babalik dito. Mula sa huling palapag ng dungeon na narating na 72 palapag, ay ang kasalukuyan nang bilang ngayon ng palapag na narating nila ay 78 na.
Magpunta ang lahat sa kastilyo para ipagdiwang ang tagumpay ng mga elders sa malaki nilang misyon. Bukod pa roon magkakaroon din ng public meeting ang mga elder dahil ngayon din natagpuan ang mga bagong tao mula sa totoong mundo."
Nagsigawan naman sa tuwa ang mga tao sa balitang narinig. Pinamadali naman sila sa paglalakad upang makapag handa rin sila bago magsi-datingan ang mga elders.
Pagkarating kasi sa kastilyo ay papakainin sila at gagamutin pa ang mga sugatan, doon bibihisan narin sila ng mas maayos na damit.
[Nang makarating na sila sa kastilyo]
Tulad ng mga sinabi ni winn lahat nga ng sugatan ay ginamot at lahat sila ay pinakain sa kastilyo at binigyan narin sila ng damit.
Pagtapos damitan ay sinabi sakanila ng mga babaeng nag aasikaso sakanila na kapag nagustuhan sila ng kahit na sinong elder ay sumama nalang sila dito.
Mababait ang mga Elders sadyang pilyo lang talaga ang ilan sakanila.
Ipinaliwanag din sakanila na kong sakaling yayain man sila ng mga ito na makipagtalik ay wag narin sila mag atubili dahil kahit anong gawin nila ay hinding hindi sila mabubuntis sa mundong iyon.
Pero kong ayaw nila ay sabihin lang pero kahit sana sa kagustuhan nalang ng elder nila idaan ang pagpapasalamat nila sa kaharian sa pagligtas sa buhay at pag pagkupkop sakanila.
Ayaw man ni Celin ay mukhang wala rin syang magagawa kundi ibigay ang hinihiling ng nagpapayo sakanila.
Dito naisip ni celin na baka iyon ang totoong dahilan kaya sila isinama sa kahariang iyon, para ialay sila sa mga taong tinatawag nilang mga Elder.
Bukod pa roon parang hindi rin kapani-paniwalang hindi nabubuntis ang mga babae roon at baka talagang sinasabi pang sakanila ito para mapapayag silang magpagamit sa mga Elders.
Pero sa totoo lang ay marami talagang katangungang nabubuo sa isipan ni Celin at kahit anong pilit sa sarili ay ayaw nya talagang magpagamit sa kahit na sino man sa mga elder na binabanggit sakanila.
Dito na naisipan ni Celin na subukan gumawa ng plano para makatakas, tutal nabigyan naman na sya ng maayos na damit at pinakain narin sila.
Pero nag aatubili parin si Celin. Dahil tulad nila Winn ni hindi masama ang pagtingin at pagtrato sakanila kahit pa nasakaharian na sila at ni wala nga ding nagbabantay sakanila kong sila ba ay tatakas o hindi.
Nakakapagduda pero kong iisipin din ni Celin ay hindi nya rin alam kong saan sya pupunta kapag sinubukan nyang tumakas.
Sa kakaisip ay muli tinawag na sila ng isa pang babae para sumunod dito at ipakilala sakanila ang hari.
Naisip ni Celin na kong tatakas sya sa oras na iyon ay baka doon na may gawing masama sakanya na maaari nyang pagsisihan kaya kumpara sa pakikipagtalik o sa pagpaparusa sakanya ay baka mas piliin nalang nga nyang makipagtalik sa mga elder na magugustuhan sya.
[Mula sa silid kong saan sila binihisan ay dinala na sila sa pinaka sentro ng kaharian kong saan nandoon ang karamihan at manunood sa pag dating ng mga Elders.]
Pag-baba nila mula sa ikalawang palapag ng palasyo galing sa silid kong saan sila nag bihis ng damit ay pinaupo muna sila Celin sa sahig sa gilid.
Dito lumabas na ang hari mula sa likod ng malaking pulang kurtina.
Nakita ni Celin na tila bata pa ang hari at malayo sa iniisip nyang matandang lalake.
Sa tansya ni Celin ay kasing edad nya lang ito na nasa edad na 26 na taong gulang lang.
Umupo ang hari sa trono nito sa gitna pagtapos ay itinaas nito ang kanang kamay na bukas ang palad at sabay isinara ang palad.
Kasunod noon ang katahimikan ng lahat at dito nag salita na ang hari na:
Hari: ang umagang ito ang isa sa magiging masayang umaga nating lahat. Dahil pabalik na dito sa kaharian ang mga elders na silang may dala ng mga bagong piraso ng libro. Muli ay madadagdagan ang ating kaalaman para makabalik sa totoong mundo.
Bukod pa rito ay natagpuan na ang mga bagong tao na napadpad sa mundong ito. Sila ang mga napili para tulungan tayo. May mga hindi pinalad na nasawi sa pinaka unang araw nila dito sa mundo dahil sa mga halimaw sa labas. Marahil sila na ang mga maagang alay para sa mga paparating nating tagumpay. Nawa'y sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa at gabayan tayo para makabalik sa totoong mundo.
Matapos marinig ni Celin ang boses ng hari ay tila nadama nya ang pag-asa.
Sa boses nito naramdaman nya at naintindihan kong bakit ganun nalang manalig ang mga tao sa lugar na iyon para sa kagustuhan nilang makabalik sa totoong mundo.
Bukod pa roon hindi nya pa nakikita ang mga tinatawag na Elder ng kaharian na silang magliligtas sakanilang lahat.
Naunawaan ngayon ni Celin kong bakit ganun nalang din sila kabait, marahil ay may mabuting dahilan nga ang lahat ng bagay na ginagawa sakanila na kanila namang pinagdududahan.
Hanggang sa tumunog na ang isang malakas na trumpeta at kasunod nito ang pag bukas ng pinaka-malaking pintuan ng kastilyo na iyon at doon isa isang nagsilabasan mula sa silaw ng liwanag sa labas ang pitong mga Elders.
Ano nga ba ang mga Elders at sino sino sila?
Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.
.
Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.
.
You may see the characters of Internal Sin on Instagram.
IG:@nammemmy
.
Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).