webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantasy
Not enough ratings
31 Chs

Stories

"Okay, fine. But i think wala namang ganun ka-exciting sa buhay ko." Medyo nalungkot si Bea nang alalahanin nya ang mag alaala nya noong bata pa sya.

"Bakit naman? Never ka pa bang nagkaboyfriend? Or nagcutting classes? Or something? Yung tingin mo exciting na nangyari sa buhay mo?"

Napangiti si Bea ng maalala nya ang panahon na nasa highschool pa sya, "Hmm, yeah... meron pero mangilan-ngilan lang. Naalala ko yung time na pinag-gawa kami nang love letter noong valentines day nung art teacher namin, after daw nya mabigyan ito ng grade kailangan ibigay na daw namin sa taong pinagsulatan namin."

"Binigay mo sa crush mo yung letter?"

Natawa si Bea, "Hindi. Wala kasi akong crush noong panahon na yun, puro aral lang ako dahil kailangan ko makakuha ng scholarship pagdating sa college."

"Nerd! Isa kang nerd."

"Nerd naman talaga ako eh, nerd na maganda." Napa-flip pa ng hair si Bea.

"Hangiiiin!"

"Sabihin nating nahawa lang ako sa pagiging mahangin mo."

Ngumisi si Dawn, "Pero totoo naman na gwapo ako."

"Oo na lang. Basta manahimik ka na lang."

"So ano nangyari sa love letter mo?" Curious na tanong ni Dawn.

"Uhm, pinamigay ko na lang sa iba. Sa hindi ko kilala."

"WHAT!? Para kang ewan Bea."

"Pero alam mo, yung pinagbigyan ko ng love letter noon... binigyan nya din ako ng love letter, at para sa akin talaga yung love letter na ginawa nya." Kinikilig pa si Bea ng alalahanin nya yun.

Nanlaki mata ni Dawn, "Hindi nga? Totoo yun?"

"Yeah, and it was also my first time to receive a love letter like that. Ang gwapo din nung guy!" Napahagikgik amp. Medyo nairita naman si Dawn ng makitang kinikilig si Bea dahil sa ibang lalaki. Napa-irap lang sya at kumuha ng papel at ballpen sa bag nya.

"And you know, somehow parang parehas kayo nung guy ng mata. Ang ganda tingnan ng eyes nya." Biglang banggit ni Bea, napataas kilay ni Dawn sa kanya.

"I'm sure mas gwapo pa rin ako kaysa dun." Bulong na lang ni Dawn sa sarili nya. "Nga pala, kung binigyan ka nun ng love letter, niligawan ka ba nun? Naging kayo?" Pang-iimbestiga pa nito.

"Hmm, hindi eh. Nung next day, hinanap ko yung guy na yun pero nawala na sya eh."

"Hahahaha! Kawawa ka naman, hahahaha!" Pang-aasar ni Dawn. Nabatukan tuloy sya ni Bea.

"Gago ka din noh?"

"Yeah, gago talaga ako." Then binigay na ni Dawn yung papel na sinusulatan nya habang nag-uusap silang dalawa. "Heto oh."

Napakunot ang noo ni Bea, "Ano naman ito Dawn?"

"Kung basahin mo kaya at nang malaman mo." Pambabara nito. Napa-ikot lang mata ni Bea at binasa ang sulat ni Dawn.

Celia Beatrix Montemayor

A girl that i can't help but to adore

Have someone told her she's beautiful?

She gave color to my life that was dull.

Even if we just met two days ago,

I just don't want to let my feelings show

That i feel like i've known her forever

It feels like were meant to be together

Would i have a chance if she knows?

Would she stay or let me go?

Would she be happy if i ask her,

"Would you be with me forever?"

Natulala si Bea ng mabasa nya ang nilalaman ng sulat ni Dawn para sa kanya. Natawa si Dawn at tinanong sya, "Ano? Kinilig ka noh? Di hamak na mas magaling ako magsulat ng love letter noh?"

Parang may part na umasa si Bea na totoo sana ang nilalaman ng sulat ni Dawn sa kanya. Pero pinigilan nya ang sarili nya, parang labag sa loob nya na magkaroon ng feelings kay Dawn. "Tse, tapon mo na nga 'to."

"Ay grabe lang ah, sasayangin mo effort ko ng ganun-ganun lang?" Mapaklang natawa si Dawn, medyo nasaktan sya sa sinabi ni Bea.