webnovel

IMMORTAL WORLD (Reckless)

Juat read the PROLOGUE :)

Yvonnie_Ferrerr · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

CHAPTER 6

"Pasalamat nalang tayo Ayesha at hindi ka kinulong ni young miss Maricar"

Kanina pa tong si Mae ah.Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa bahay niya.Natapos na namin ang buong mansyon na nilinisan.Ngayon lang ako naglinis ng ganito katagal.

Habang naglalakad kami ay may nahagip ang mata kong isang lawa.Napatigil ako sa paglalakad at tumingin dito.Ang ganda,kitang kita dito na malinaw angbkatubigan sa lawa.Naramdaman konang presensiya ni Mae sa tabi ko.

"Ayesha alalahanin mo,wag na wag kang pupunta sa lawa na iyan o kahit ano mang lawa ang makikita mo"Seryosong sabi nito kaya napatingin akonsa kaniya ng nagtataka.Hinila niya ako.

"Paparusahan ka ng heneral.Para sa mga Royalty at Elites lamang iyon.Sila lang ang maaaring makapunta sa mga lawa na andito.Hindi tayo pinapayagan na maligo sa mga karagatan"Seryosong sabi niya at deretsio sa paglakad.

Talaga lang ha!Hhhmmmm... Royalty...Elites Tss!Wala akong pake sa kanila pero dahil nga andito ako sa hindi ko malamang lugar ay kailangan kong sumunod sa mga rules nila.Wala akong magagawa kundi ang sumunod pero kapag sumusobra na sila ay hindi ako papasindak.Hindi na ako magiging gaya ng dati na maging sunodsunuran kung kanino lamang.

Pagkarating namin sa bahay ni Mae ay natulog na siya.Akala ko pa naman ay kakain kami pero hindi dahil walang pagkain.Alam kong gutom din siya pero hindi niya ito pinahalata sa akin.Akonsobrang gutom na ako.Noong umaga lang ako kumain at ang masaklam ay kaunti lang iyon.Akala ko magbibigay ng nga pera ang mga Elites kanina para sa pagtratrabaho namin.

Yun pala hindi dahil daw tungkulin namin silang pagsilbihan...I mean sila.Hindi ako alipin,wala akong kinakabilangan sa kanila dahil hindi naman ako taga dito.Hindi ko alam kung anong nangyari at andito ako sa kakaibang lugar.

Kung nananaginip lang ako sana,gumising na ako sa panaginip kong ito dahil may mas mahalaga akong gagawin.At yun ay hanapin ang aking ama.

**********

"My princess,babalik si daddy dont worry"

"Okay daddy!I trust you!Muahh"

"Thankyu princess"

------

"Hindi na babalik ama mo!"

"Iniwan ka na niya!"

"Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niya binalikan ka niya!"

"Patay na ang ama mo at hindi na siya babalik!"

"Kawawa ka naman wala kang ama AHAHAHA"

**********

"Ayesha gising nanaginip ka!"

Agad akong napabalikwas ng bangon.Hingal na hingal ako habang nakaupo.Naramdman ko ang kamay na humahagod sa likod ko.Tinignan ko siya.Hindi toh maari!Panaginip lang ito!Makakabalik ako!

"Oh etoh inom ka muna ng tubig"Sabi niya at inabot sa akin ang isang basong may laman ng tubig.

Agad ko itong iwinaksi,tumayo ako at tumakbo kung saan.Naririnig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan.Hindi toh maaari!Nasa panaginip lang ako diba!

"Ahhhhhhh"

Dahil sa galit ko ay napatigil ako sa pagtakbo at sinipa ang nasa lupa.Hindi ko matanggap!Bat hindi ako bumalik....bakit andito pa rin ako sa lugar na ito....hindi tohhh pwede....hahanapin ko pa si Dad..!!!!

"No this cant be!"

"Where the fvck Am I!!"Inis na sigaw ko at hinampas ang puno.

Napasandal ako sa puno at dahan dahan na umupo.Paano ako napunta sa lugar na ito?Totoo ba lahat ng nakita ko at nasaksihan ko?Saan ba namang lumalop ng mundo ako napadpad!Hinilot ko ang sintinido ko.

Napagtagumapayan kong umalis sa mag inang iyon at sa impyernong mansyon na iyon pero bakit naging ganto?Bakit ako nandito sa kakaibang lugar na hindi ko matukoy tukoy kung nasaan!Minulat konang aking mga mata.

Doon ko napagtanto na malapit lang pala ako sa lawa na nakita ko kagabi nung pauwi kami.Ang ganda ng paligid niya.Ang payapayapang pagmasdan.Tumayo ako at napagpasiyahan na lumapit pero agad akong napatigil dahil naalala ko ang sinabi ni Mae kagabi.

Tumigil ako at napabuntong hininga.Tatalikod na sana ako nang may mahagip ang mata ko.Parang may tao sa lawa.Hindi ko ito masyadong makita kaya lumapit pa ako.Pakiramdam ko may kakaiba talaga.

Noong nakalapit na ako ay doon ko nakita ang isang lalaki na nalulunod.Hindi ko alam ang gagawin ko.Kapag lumapit pa ako sa lawa ay siguradong mapaparusahan ako pero kapag hindi ko tinulungan ang lalaking iyon ah sigurado akong mamatay iyon.

Umiling ako.I dont care about their rules.Agad akong tumakbo at lumusob sa tubig para sagipin ang lalaking nalulunod.Dahil nga sa lumalalim na siya ay kailangan ko pang lumangoy.Agad kong hinablot ang kaniyang pulsuhan at hinila pataas.

Medyo nahihirapan ako dahil parang may pumipigil sa paglangoy ko pero tinuloy ko parin hanggang sa makalabas na ang ulo ko sa tubig.Agad kong hinila pataas ang lalaki at umahon na kami.Hingal na hingal ako habang nakaupo sa lupa.Tinignan ko ang lalaki at mukhang humihinga pa naman siya.

Agad akong tumayo hinila ko ang lalaki at pinasandal siya sa isang puno.Siguro naman ay magkakaroon siya ng malay mamaya diba.Nang maisandal ko na ito ay napatingin ako sa mukha niya.Oo gwapo siya pero wala akong pake!

Dahan dahan siyang nagmulat ng mata niya.Pagmulat ng mata niya ay doon ko nakita ang kulay gray niyang mata.Agad na napakunot ang noo ko dahil sa nakita pero kalaunan ay napagtanto kong kailangan ko nang umalis sa lugar na ito.Agad akong tumayo at tumakbo papaalis.Okay naman siya kaya hindi ko na siya kailangang samahan dun.

Habang naglalakad ako pabalik ay napaisip ako.Kung maari siyang lumangot sa lawa na iyon ay maaring isa siyang Royalty o Elites.Nang malapit na ako ay napatigil ako at napakunot ang noo ko.Pinagmasdan ko ang lahat.May nga kawal na iba ang kasoutan,ngayon ko lang ito nakita.Parang may hinahanap sila kung ano.

May mga tae na nagmamakaawa na itigil na nila ang ginagawa nila dahil sinisira nila ang ibang gamit dahil sa paghahanap nila kung ano.Nakita ko pang tinutulak lang ng nga kawal ang alipin kaya nasasalampak sa lupa ang mga alipin.Ang mga bata naman ay takot na takot na nakatingin sa mga kawal.

Pinagmasdan ko lang ang kanilang pinaggagawa.Pagkatapos nila ay sinabi ng isa sa kanila na umalis na dahil wala sa kanila ang hinahanap nila.Ang halos lahat na sa mga alipin ay nakaluhod at umiiyak.Naglakad ang mga kawal.Nagsiyukuhan sila pero ako hindi ako yumuko.I bow to no one.Agad naman na napatingin sa gawi ko ang isang kawal.Walang emosyon akong tumingin sa mga mata nito.

Nang mawala na sila sa paningin namin ay agad na nagsikilos ang mga alipin na ayusin ang kanilang mga gamit.Meron pang nagalit dahil sa nasira ang ilan sa mga gamit nila.Hinanap ko si Mae at doon nakit ko siyang nakaupo sa lupa.Naglakad akonsa gawi niya.Nangmalapit na ako ay narinig ko ang pag iyak niya.

Nilapitan ko ito.Nakatingin siya sa isang litrato na nasa lupa na na punit na.Dahan dahan niyang pinulot ang litrato at pilit na inaayos ito.Tuloy tuloy ang pag agos sa luha niya pero hindi ko magawang maawa sa kaniya,hindi ko ito nararamdaman.Pero alam kong nasasaktan siya kaya siya umiiyak dahan dahan ko siyang niyakap.Napahagugol siya nang niyakap ko siya.

Nang tumahan na ito ay humiwalay ako sa yakap niya.Tinignan ko siya,pinupunasan niya ang kaniyang luha.Tumingin ito sa akin at pilit na ngumiti.Walang pasabi ay pinulot niya ang mga nakakalat sa lupa at hindi na umimik pa.Wala akong balak na tanungin siya kaya nakitulong nalang ako sa pagpupulot ng mga gamit.

Labis na labis na paghihirap siguro ang dinaranas ng mga alipin.Noon nga ay grabeh ang ginagawa sa kanila ng mga español eh.Umiling iling nalang ako.Hindi ko na dapat sila inaalala at pinapakealaman dahil hindi ako kagaya nila.Alam kong iba ako sa kanila.Hindi ko gugustuhin na maki isa sa kanila sa una palamang.Ang gusto ko lang ay makabalik na ako sa lugar na alam ko.

Sa mga lumipas na araw ay sumasama lamang ako kay Mae para maglinis ng mga bahay ng mga Elites.Hindi kami pumupunta sa bahay ng mga Royalty dahil bawal daw ang alipin doon,hindi pinapahintukutan ng reyna at mga hari.Paminsan minsan ay pinapasyal ako ni Mae sa bayan.Kahit walang pera ay gumagala pa rin kami para daw maging pamilyar ako sa lugar na ito.

Hindi ko sinabi kay Mae na hindi ako nabibilang sa kanila.Hindi ko sinabi ang mga kaganapan na nangyari sa akin kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.Hindi ako nagtanong sa kahit ano mang tungkol sa mundong ito o sa lugar na ito dahil wala akong balak na alamin.Wala akong pakealam sa kanila.

Nasasanay na rin ako sa pamumuhay na meron si Mae.Merong nakikipagkaibigan na nga alipin na kasing edad ko pero hindi ko sila pinapansin hanggang sa wala nang lumalapit sa akin.Alam kase nilang ayaw ko na may lumalapit sa akin.Kung hindi kami nagtratrabaho ni Mae ay nasa bahay niya lang ako at nagiisip isip para makaalis dito..

Nang dahil sa nga kakaibang nilalang na dumukot sa akin kaya ako na lunta dito.Doon ko din napagtanto na may nga naiwan pala akong kagaya ko sa kukungan na iyon.Wala akong magagawa dahil hindi ko alam ang daang pabalik doon sa kukungan na pinaggalingan ko.Sila lang ang pwedeng magpabalik sa akin sa mundo ko.

Kailangan ko silang mahanap pero kailangan kong magingat.Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa akin ngayon.Imbis na ang ama ko ang hinanap ko ay nadagdagan pa!

"Ayesha"Tawag sa akin ni Mae mula sa loob ng kubo.Nasa labas ako at nagpapahangin.Tanghali na at nagluluto siya ng makakain.Pumasok ako sa loob.

"bakit?"Nasanay na ako na walang emosyon na magsalita.Nasanay rin naman siya rito kaya hindi siya nagtatanong

"Pwede bang bantayan mo itong niluluto ko at bibili ako ng ilang sangkapnsa bayan"

Tinignan ko siya at napadako ang tingin ko sa niluluto niya.Napakunot ang noo ko.Hindi ko alam na lutuin iyon.Hindi pa ako nakakakita ng ganun.Isa pa hindi ako marunong magluto.Umiling ako.

"Ako nalang ang bibili"Sabi ko.Ngumiti naman ito sa akin at may inabot na tatlong piraso ng pilak.

"Magiingat ka"Sabi nito at nginitian ako.Tumango lamang ako at lumabas na.

----------------