webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 9

"Total ay tapos naman ang pa------" masayang sambit ni Li Jianxin ng matigilan siya ng makarinig siya ng malakas na boses sa grupo ng mga manonood.

"Sandali lang Miss Jianxin, hindi niyo pa natatawag ang aking anak!" Malakas na pagkakasabi ni Li Wenren habang hinawakan siya ng kaniyang asawang si Li Qide sa kamay na mabilis na tinampal nito. Medyo may kalayuan kasi at maraming tao sa lugar nila kaya kailangan niyang lakasan ang kaniyang boses. Tila nanuyot naman ang lalamunan niya sa pagsigaw.

"Ah yun pala, masyado siguro akong naexcited kaya nakalimutan ko. Pasensya na po Ate...Matanong ko po Ate, Ano po ba yung pangalan ng iyong anak?" Sambit ni Li Jianxin habang namumula dahil parang may nakalimutan siya ay masyadong hindi bebentang palusot kaya excitement ang ginamit niyang word. Nakakahiya kasi kung bakit nakalimutan niya iyon dahil may photographic memory naman silang mga cultivator.

"Uhm, pasensya na rin sa aking pagtaas ng boses pero hindi pa kasi nakakapunta ang aking anak na si Li Xiaolong sa entablado at hindi pa namin nalalaman kung ano ang Martial Talent ng aking anak. Maaari bang paki-check kung andiyan siya sa listahan?!" Sambit ni Li Wenren habang medyo maluha-luha na rin. Bilang magulang ay hindi talaga matutumbasan ang kaniyang pagmamahal sa anak kaya nagiging emosyunal siya. Alam niya kasing pangarap ng anak niya ang maging isang cultivator kahit hindi niya man nakikita pero nararamdaman niya ito kahit ayaw niyang dumating ang araw na kinatatakutan niya, ang mawalay si Li Xiaolong sa kanila upang maglakbay at maging malakas na cultivator. Ewan niya pero parang may mangyayaring kakaiba ngayon yung parang gusto niyang umalis na lamang sila rito pero hindi niya ipagdadamot itong pagkakataon na ito para sa kaniyang anak.

Agad namang in-check ni Li Jianxin ang nakarolyong papel na nasa kaniyang kamay at hinanap ang pangalan ni Li Xiaolong at naroon nga. Masyado rin kasing maraming pangalan na magkakatulad rito kagaya na lamang ng pangalan ng Li Xiaomu, Li Xiao, Li Xian at Li Xianing kaya siguro nalimutan niyang tawagin ang pangalan nito na siyang kasalanan niya rin.

"Uhm... Pasensya po sa aking pagkakamali hayaan niyo at tatanggapin ko ang anumang parusang nakalaan sa akin mamaya. Pasensya rin po sa inyo ate... Maaari mo ng paakyatin rito ang inyong anak Ate!" Sambit ni Li Jianxin sa malakas na boses upang marinig ng lahat ng kaniyang sinasabi. Bilang cultivator ay walang lugar ang pagkakamali kahit na simple lamang ito. Pinalaki at sinanay silang maging malakas at matalino kaya disiplinado sila sa kanilang sarili. Ang kasalanan niyang ito ay hindi man sobrang malala pero bilang baguhang host ay hindi ito pwedeng i-tolerate dahil paano na lamang kung magho-host siya ng malaki at engradeng events? Paano kung makalimutan niya ang pangalan ng mga napakaimportanteng tao? That's the big questions here dahil hindi lamang ito kasiraan niya kundi ng buong nag-organize ng event. Mas nakakahiya iyon pero naranasan niya ito ngayon dahil mabuti na lamang at Martial Talent Trial lamang ito ng Li Clan. Pero ano na lamang ang iisipin ng apat na kaharian sa kanila? It's not an excuse for that kahit na bisita ito sy kailangan pa rin niyang mag-public apology. Isa pa ay nabibilang siya sa Sky Flame Kingdom na isa sa tumulong sa kaniyang upang lumakas siya at kung ano siya ngayon. Medyo nakakahiya rin kasi ito lalo pa't nandirito din ang isang Elder ng Sky Flame Kingdom kaya medyo hindi rin siya komportable sa kaniyang kinatatayuan sa entablado.

Agad namang umugong ang palakpakan lalo na sa lugar ng mga manonood kung saan ay mga mukha ng mga manonood lalo na ang mga kalalakihan.

"Hindi lang maganda si Li Jianxin kundi isa rin siyang responsableng cultivator. Walang dudang ang malaki ang potensyal nitong mas maging malakas sa hinaharap."sambit ng isang medyo may edad na babae na miyembro ng Li Clan.

"As expected sa isang dalagang biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan. Pagpalain siya nawa ng ating mahabaging bathala!" Sambit ng isang matandang babae habang may ngiti sa labi. Sigurado siyang magpapatuloy pa ang angkang ito ng matagal pa.

Habang ang mga kalalakihan ay mas napahanga kay Li Jianxin.

"Wohhhooo, hindi lang sobrang ganda ang ating diyosa kundi sobrang bait pa, Ito talaga ang gusto kong mapangasawa!" Sambit ng binatang payat habang malakas na isinigaw ito.

Agad naman siyang kinwelyuhan ng isang lalaki.

"Ano'ng sabi mo? Sa tingin mo ba ay papatulan niya ang patpating katulad mo eh wala ka namang ibinatbat sa amin!" Sambit ng maskuladong lalaki habang nakatingin ito ng masama sa patpating binata.

"Oo nga, masyado kang nangangarap ng gising. Ang nararapat sa kaniya ay yung malakas, yung kaya siyang ipagtanggol kaya ako dapat ang nararapat sa kaniya!"

"Ulol kayo, ako ang mas dapat sa kaniya!"

Halos nagkaroon ng mga pagtatalo ang mga grupo ng mga binata sa isang lugar na halos mauwi na sa rambulan ngunit mabilis silang pinaghahampas ng isang matabang babae na mag-kwakwarenta na siguro ang edad.

"Umayos nga kayo mga balasubas kayo! May bisita tayo ngayon kaya wag kayong mga asal hayop ha kundi pagpapaluin ko kayo diyan!" Sambit ng matabang ale habang pinakita nito ang napakalaking patolang bagong pitas lamang sa kaniyang bakuran. Masyado kasing exciting ang nangyayari rito sa bulana ng kanilang angkan ng Li kaya nagpunta siya rito upang maki-usyuso. Ayaw niyang maging kill joy at gusto niya ring ilibang ang kaniyang sarili lalo na sa mga okasyon. Aba, aba kung sisirain lang ng mga binata ang imahe ng kanilang angkan. Di bale ng magkalasog-lasog ang kaniyang mga panindang gulay ay wag lang masira ang kanilang reputasyon.

Agad naman solang pinaghahampas ng isang matandang ale habang pinagsisisigawan ang mga ito

Bago pa magkaroon ng pag-aaway sa grupo ng mga kabinataan at ng iba pang manonood ay bigla na lamang pumunta sa tabi ni Li Jianxin si Clan Chief Li Sandro. Nakakahiya na kasi ang inaasal ng kaniyang mga kaangkan. Okay lang sana kung sila-sila lang rito pero may mahahalagang bisita sila at ayaw niyang maging kahiya-hiya ang araw ng pagdalo nila.

Alam niyang kahit tahimik ang apat na elders at mga kawal na dala ng mga ito ay nag-uusap rin ang mga ito gamit ang kanilang mga divine sense. Bilang Clan Chief ay responsibilidad niyang ikontrol ang mga di kanais-nais na gawain ng kaniyang kaangkan.

Nakita nilang lumakad na ang isang batang lalaki papunta sa entablado ngunit nakita niyang sira na pala ang malaking Boulder na ginagamit nila upang isagawa ang Martial Talent Trial noon pa man pero sira na sa kasalukuyan. Sigurado naman siyang makakagawa siya sa susunod na taon ng bagong Boulder pero napangiwi na lamang siya ng lihim dahil sa kasalukuyan nilang suliranin.

"Uhm, pasensya na kayo Li Wenren at Li Qide dahil wala ng magagamit upang ma-itest ang Martial Talent ng anak niyo si Li Xiaolong dahil sira na ang kaisa-isang Boulder ng ating angkan idagdag pang wala pa tayong budget sa kasalukuyan." Sambit ni Clan Chief Li Sandro habang makikita ang lungkot nito sa kaniyang boses. Halatang wala siyang pagpipilian ngayon dahil walang anuman siyang magagawa rito.

Agad namang nagimbal ang lahat nang may nagsalita sa grupo ng Apat na kaharian.

"As expected sa kaharian ng Sky Flame. Hindi ko aakalaing naghihirap na pala ang kaharian niyo noon pa man. Maski Boulder sa nasasakupan niyo ay hindi niyo man lang naasikaso. How shameful!" Makamandag na sambit ni Elder Fang San ng Sky Ice Kingdom.

Agad namang napanting ang tenga ng Sky Flame Kingdom lalo na ang mga kawal na agad na napabunot ng kanilang mga sandata. Kapwa nag-aapoy ang kanilang mga mata habang nakatingin kay Elder Fang San.

Halos walang tunog ang nilikha sa mga manonood dahil sa pangyayaring ito dahil kapwa pigil-hininga ang mga ito sa nagkakainitang dalawang panig sa pagitan ng Sky Flame Kingdom at Sky Ice Kingdom.