webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 95

Tila nanlaki naman ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang maging ito ay tulalang nakatingin sa direksyon ng magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya.

"Paanong nangyari iyon? Sigurado akong isang Early Xiantian Realm Expert iyon. Iyon ang nasisiguro ko." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito makapaniwala sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang Cultivation Level ng nasabing puppet na buhay na nilalang na iyon na siyang nakalaban at napaslang niya.

"Tanga ka bang talaga batang Xiaolong? Isa ako sa masasabing matagal ng nabubuhay sa mundong ito. Anong sinasabi mong di sigurado. May alam ka ba sa Puppetry? O paunang kaalaman? Kahit anong sabihin mo ay ito ang katotohanan na ang mga kalaban mo ay hindi isang Early Xiantian Realm Expert na puppet kundi isang Late Xiantian Realm Expert. Ito ang pinakaunang kaalaman na tatandaan mo. Kapag gumawa at ginawang puppet ng isang puppet expert ang kalaban niya ay kailangan na mababa ng dalawang boundary ang gagawing puppet nito kung saan ay siya namang dadagdag sa dalawang lebel ng Cultivation nang nasabing puppet expert. Kung mahina ito ay maaaring mautusan niya lamang na patayin ang nasabing tao o ang Cultivation Level na maaaring patayin nito habang Kung malakas ito ay maaaring makontrol nito ang abilidad nito at makakaya nitong mabigyan ng kakaibang abilidad ang nasabing puppet." Sambit ng babaeng nilalang kung saan ay kilalang-kilala niya ang mga puppet master o puppeter, mayroon itong iba't ibang katawagan ngunit masasabing pareho lanang ang mga ito sa nasabing propesyon, iba iba nga lang ang lebel ng kakayahan ng mga ito.

"Kung gayon ay napakalakas ko pala para matalo ang puppet na iyon na isa palang pambihirang eksperto na nasa Late Xiantian Realm Expert." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na makikita ang malaking kumpiyansa nito sa kaniyang sarili.

"Hmmmp! Sa tingin ko bata ay siniswerte ka lamang noon sa pakikipaglaban sa nasabing puppet. Masasabi kong normal lamang o ordinaryo lamang na puppet ito na may Cultivation Level na Early Xiantian Realm ngunit tumaas lamang ng dalawang lebel ang nasabing buhay na puppet ngunit walang espesyal na abilidad. Masuwerte ka at hindi isang pambihirang puppet ang nasagupa mo kung hindi ay patay ka sana dahil sa kapabayaan mo. Naku naman bata ka!" Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan na nakaharap sa batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang hindi maaaring baliwalain ang sariling mga kakayahan ng mga puppet lalo na kung isa itong pambihirang puppet na gawa ng isang talentadong puppet expert.

Napatahimik lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang narinig. Namula ang pisngi nito sa labis na hiya. Sino ba naman kasing ignoranteng nilalang ang hindi papatulan ang isang nilalang na mas mababa sa kaniya ng dalawang lebel ngunit ang lakas nito ay nasa Late Xiantian Realm Expert pala ito diba. Considering na mahina lang sa palagay nito ang puppet ay pinaslang niya na kaagad.

Ngunit nagsalita ito nang may maisip itong ideya na lubos na nagpagulo ng kaniyang isipan.

"Kung gayon ang ekspertong iyon ay mas nakakahigit pala sa Blood Warrior Realm?" Tanong ng batang lalaking si Li Xiaolong nang maisip nito ang malaking posibilidad na ito. Yung tipong ang ideyang ito ay masasabing hindi maaaring baliwalain sapagkat ang kakayahan ng puppet expert na ito ay nakakaalarma na sa pagiging ignorante o kawalan ng kaalaman nito ay maaari palang napaslang siya ng nasabing pinadalang puppet na sana'y papaslangin ang kanilang Clan Chief na si Li San.

"Malamang ay Oo ngunit di ko tukoy kung isang boundary lamang na mas mataas sa Blood Warrior Realm o mas mataas pa. Masasabing sa mababang uri ng pamumuhay ng lugar o teritoryong sinasabi mo ay hindi gaanong kaunlad kaya maaaring may edad na ito o nasa katandaan na ito. Usually kasi ay mayroong espesyal na abilidad ito ngunit masasabing hindi man Lang nito nalagyan ng espesyal na abilidad ang nasabing puppet. Rest assured na ordinaryong puppeter lamang ito at hindi sobramg delikado." Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan sa hindi kalayuan habang nakaharap pa rin ito sa batsng lalaking si Li Xiaolong. Tila ba masasabi niyang hindi naman ganoon katalentado ang nasabing puppeter na gumagawa ng nasabing puppet na ito.

Tila bagsak balikat naman ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya lamang na ilang dipa lamang ang layo nito mula sa kaniya. Masasabing hindi maaaring baliwalain ang bagay na ito lalo na at hindi pangkaraniwang bagay ang puppeter sa lugsr na ginagalawan nila.

"Hindi delikado? Nagpapatawa ka ba Binibini? Ayon sa pagkakasabi mo kanina ay napakadelikado ng puppeter na ito at ang mismong buhat na puppet na kinokontrol nito, baliw ka ba?!" Sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang nakatingin ito sa gawi ng magandang babaeng mataman lamang siyang tinitingnan nito. Makikita ang ekspresyon ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na tila nagugulumihanan ito.

Napangisi naman ang magandang babaeng walang pangalan kung saan ay mistulang nanibago sa ugaling ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Mabuti naman at nawala ang mataas na kumpiyansa mo sa sarili ng sabihin ko ang bagay na ito sa'yo. Ang suwerte mo pa rin kung tutuusin lalo na at hindi maaaring baliwalain ang mga bagay na ito sa isang puppeter. Mahihirapan kang mahanap talaga ang may gawa nito lalo pa't nasa isang close door seclusion ang mga ito o nasa underground places ang mga ito. Wag kang mag-alala batang Xiaolong dahil may ilang nakaligtas sa mga Clan Chief sa mga karatig-angkan mo at ang nasagupa mong puppet ay napaslang mo, siguradong malaking pinsala ang natamo ng puppeter na ito dahil mukhang pinasabog nito ang mga buhay na puppets na ginawa nito para walang maiwan na ebidensya." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang malawak pa itong napangiti matapso nitong sabihin ang mga bagay na ito.

Tila nanlaki ang mga pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa narinig nitong sinabi ng magandang babaeng ito.