webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 92

Napaisip ng malalim ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabing ang kaalaman nito ay far exceeded sa mga sinabi ng nagsasalitang quoll na si Fai na siyang kaibigan niya. Napagtanto niya nga na malamang ay oo dahil dalawang bilyong taon na itong nabubuhay at ano nga ba sila sa tinutukoy nitong Tang Empire na isa sa napakalaki at napakalakas na emperyo sa kasaysayan. Ano nga ba sila? Siya? Ang Li Clan? Ang Kaharian ng Sky Flame Kingdom? Ang apat na kaharian? Ang Dou City? Sa katotohanan ay walang kwenta, mga insignificant one. All this time iniisip niyang ang Dou City at ang Apat na kaharian ay isang malaking balakid at mayroong mga mapangahas na kalakalan sa pamumuhay ng isang Cultivator ngunit mali pala siya. Mas higit na nakakatakot na mundo pala ng Cultivators na katulad niya ang nasa labas ng mga lugar na inaakala niyang sobrang lawak na. Yung tipong mapapagod lang siyang mag-isip kung gaano ba talaga kalawak ang mundong kinaroroonan nila? Ang mundo ng Cultivation.

Nakakaramdam ba siya ng takot at mga pangamba sa posibleng mangyari sa labas. Kapag naiisip niya ito ngayon ay pagak siyang napatawa na lamang. Iisipin niya pa ba kung gaano kalawak ang mundong ito kung ang sariling mundong ginagalawan niya na mula sa angkang kinamulatan niya na Li Clan ay kumakaharap sa napakadelikadong mga sitwasyong ito.Hindi maaaring hindi niya problemahin ito dahil silang mga miyembro mismo ng angkan ng mga Li ang punterya ng kalaban at ang buong Green Valley. Kahit anong pag-iisip niya kung sino ang magiging kalaban nila o ang nakaambang panganib na nagsimulang manggulo sa lugar na kinabibilangan niya ay mayroong mabigat na rason at matinding galit sa buong Green Valley.

Sino lang ba ang nag-provoke sa awtoridad ng Kaharian ng Sky Flame Kingdom? Ang Li Clan lang naman hindi ba. Bakit mangdadamay ng iba? Malamang ay upang palabasin na hindi ang Kaharian ng Sky Flame Kingdom ang may salarin. Makakakuha lamang ng light problems ang Kaharian ng Sky Flame Kingdom mula sa iabng mga kapwa nito kaharian tapos okay na ang lahat. Behind those conspiracies na nangyayari ay malamang sa malamang ay mayroong malaking involved rito. Sky Flame Kingdom? They cannot come up with this aggressive and decisive ideas na paslangin ang mga nilalang na nakatira sa Green Valley kundi ay may mga makapangyarihan at matatalinong mga nilalang na sumali sa sigalot sa pagigan ng Kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng away niyo laban sa angkan ng mga Li. Sino ba naman kasing maniniwala na wala, Sky Flame Kingdom is one of the kingdom na nakatayo na noon pa rito, ang kanilang ugat kasama ng mga kaharian ng Sky lce Kingdom, Hollow Earth Kingdom at ng Wind Fury Kingdom ay masasabing they run harmoniously at nasa balanse ang lahat.

Ang nakakapagtaka pa rito ay napakahigpit ngayon ng tatlong kaharian sa kaharian ng Sky Flame Kingdom dahil sa sunod-sunod na kabulastugan na ginagawa nito lalo na ang Sky Ice Kingdom na noon pang sampong taon ang tuloy-tuloy na sama ng loob ng kaharian mula sa Sky Flame Kingdom. Sigurado siyang hindi maaaring gumawa ng move ang Sky Flame Kingdom sa maliit na angkan ng mga Li dahil mayroon itong sariling katapat na problema na walang iba kundi ang Sky Ice Kingdom na sa maling galaw muli ng Sky Flame Kingdom ay sisiklab muli ang kinatatakutan ng lahat na digmaan. Sa actuality ay walang background ang batang lalaking si Li Xiaolong sa Sky lce Kingdom pero kung gaano ito kalakas na hamunin sa matinding giyera ang Sky Flame Kingdom ay malamang sa malamang ay hindi ito mangingiming bombahin at padalhan ng mga bata-batalyong mga Cultivators at mga gamit pandigma ang Sky Flame Kingdom. Dahil lamang sa kasunduan ay hindi naisasapuboiko ang lahat ng mga bagay na ito ngunit mainit sa mata ng lahat ang Sky Flame Kingdom.

Kung sino man ang mga nilalang o mga grupo ng indibiduwal na gumagawa ng gulo sa kanilang lugar ay malamang sa malamang ay hindi ito pangkaraniwang dahilan upang lusubin sila o gawan ng kakaibang gulong ito ay nangangahulugan na hindi lamang simpleng gulo ang nais nilang gawin.

Sigurado bang malakas ang mga ito? Malamang ay oo, hindi tanga ang batang lalaking si Li Xiaolong kung gaano kalakas ang isang Xiantian Realm Expert ngunit ginawa lamang mga walang pag:iisip o galamay ng mga gustong puksain ang Kanilang Clan Chief at ng iba pang Clan Chiefs na karatig-angkan nila. Nakakaalarma ito but knowing na alam na ito sa ngayon ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom ay hindi man lang silang nangiming tulungan sila kahit katiting na tulong man lang.

Maya-maya pa ay nagwikang muli ang batang si Li Xiaolong na siynag ikinalingon naman ng magandang babaeng nasa harapan niya.

"Malakas po ba ang isang Martial Artists na eksperto sa Puppetry?" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang matamang nakatingin sa magandang babaeng nasa harapan niya. Makikitang pabis itong nagtataka kung gaano kalakas ang kalaban niyang tila ba ay napagtagpi-tagpi niya ang lahat ng mga clues o ideya na alam niya.

"Puppetry? Malamang ay oo. Kahit sabihing mababang lebel na puppet masters o puppet experts ay masasabing ang kanilang control sa kanilang abilidad ay kapangyarihan ay nakahihigit sa kaparehas na lebel nila." Sambit ng magandang babaeng nasa harapan lamang ng batang si Li Xiaolong habang tila naningkit ang mata nito na animo'y may pagtataka sa biglaang pagkakasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila gumuhit naman ang gulat sa mukha ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng nasabing magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo sa kaniya.

Maya-maya pa ay tila namuti ang balat ng pisngi ng batang si Li Xiaolong at tila ba masasabing pinagpapawisan siya ngunit wala man lang pawis sa kaniyang sariling mga kamay.

"Sigurado ka po ba doon Binibini?" Hindi naman maaaring tama ka sa iyong sinasabi hindi ba?!" Magalang na sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila gusto nitong masigurado ang maaaaring pagbaliktad ng siansabi nito.

Mas lalong naningkit ang mata ng magandang babae habang nakatingin ito sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong.