webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 87

Nang makita naman ng magandang babae ang nakayukong batang si Li Xiaolong at ang pananahimik nito ay mabilis naman itong nakaramdam ng habag rito. Tila lumambot naman ang puso nito sa kaniyang nakikita.

"O siya, sasabihin ko na. Ang Golden Rule ng mundong ito ay Survivability o yung abilidad ng isang nilalang na makaligtas sa mga delikadong sitwasyon o sa mga normal na sitwasyon." Malumanay na sambit ng magandang babaeng habang nakatingin ito sa nakayuko pa ring batang nagngangalang Li Xiaolong.

Napatingala naman ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya mismo. Makikitang hindi ito makapaniwala sa sinabing jto nv magandang babaeng walang pangalan.

"Huh? Paanong nangyari iyon eh how you can survive without Strength or power to resist your enemy?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang bakas ang labis na pagtataka rito. Sino ba maman kaso ang tangang magiging ganito ang pamamaraan hindi ba. Survivability o Ability to survive daw pero wlaang lakas? Sinong baliw ang maniniwala sa Golden Rule na ito?! He is not that hypocrite o mangmang para hindi kailangan ang lakas pero dapat ay may abilidad kang makasurvive? Paano nangyari iyon?

"Hahahaha... Masyado ka pang bata kaya hindi mo gaanong alam at naintindihan ng lubusan ang aking sinasabi. Pero tandaan mo na ang lakas ay secondary lamang. Paano nakakapamuhay ang mga maliliit na mga angkan at mga pamilya ng mundong ito kung maituturing lamang silang mahihina pagdating sa kabuuang lakas?! I guess kahit ang angkan mo ay maituturing lamang na maliit at insignificant sa lugar niyo hahahaha..." Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang si Li Xiaolong ngunit makikitang napatawa pa ito sa huling sinasabi nito. Makikita at mahahalatang nag-iinis ang magandang babaeng ito na ilang dipa lamang ang layo sa batang si Li Xiaolong. Motionless and making her presence more intimidated.

Makikitang naiinis naman ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya ngunit nang mapagtanto nito ang sinasabi ng nauna ay masasabi niyang tila may punto ito sa kaniyang sinasabi.

"Tama ka sa iyong sinasabi ngunit mas malala ang kalagayan ng angkang kinabibilangan ko. Napakaraming mga miyembro ang angkan ng mga Li ngunit napakahina ng kabuuang lakas nito. Masasabing hindi maituturing na kabilang pa ito sa kaharian dahil ang kaharian mismong kinabibilangan nito ay may galit sa angkang ito na patuloy rin ang pagdecline ng mga taong naririto." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila nahihirapang isambit ang mga bagay na ito. Tunay ngang napakahina ng angkan ng Li Clan ngunit maituturing na malakas siya pero kung siya lang? Isang Xiantian Realm Expert siya kung maituturing ngunit maraming Xiantian Realm Expert na namumuhay at namamalagi lamang sa iba't-ibang parte ng apat na kaharian. Siya ay maituturing na insignificant figure sa napakaraming bilang ng mga ito. Idagdag pang may nakatagong mga malalakas na eksperto sa iba't ibang mga kaharian na siyang nagsisilbing protector ng mga ito. Kayang-kaya siyang patayin ng mga ito sa isang kumpas lamang ng kamay nila. Ability to survive? Ito ang kailangan niya sa ngayon. Lakas? Wala pa siya nun, alam niya kung gaano kalupit ang mga malalakas na nilalang sa mga papalakas pa lamang na nilalang na galing sa mga mahihinang mga angkan. Background? Meron siya nun, ang Li Clan ngunit maaasahan niya ba ang tulong ng mga ito? Isa lamang rin siyang insignificant figure sa napakaraming mga bata rito. Walang mataas na posisyon ang mga magulang niyang sina Li Qide at ang ina nitong si Li Wenren. Napakadelikado kung may makakaalam ng kaniyang sariling sikreto sa ibang mga nilalang na gusto siyang sirain o puksain bago pa siya tuluyang lumakas.

"Hahaha... Kung gayon ay bakit ayaw mong umalis sa lugar na kinabibilangan mo? Maging Rogue Cultivator ka o kaya ay maglakbay ka sa mga lugar na hindi ka kilala kung saan ay maituturing kang estranghero. Kung mananatili ka lamang sa lugar na kinabibilangan mo ay masasabing hindi ka uunlad sa iyong sariling kakayahan at magkagayon man ay magiging mitsa pa ito na malaking kaguluhan sa angkang kinabibilangan mo." Seryosong sambit ng magandang babaeng tila nagbibigay ito ng magandang paalala at payo sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Hindi kasi nito lubos na maintindihan kung mananatili sila rito.

"Ngunit ayokong matulad sa ibang mga nilalang o ekspertong nagmula sa angkan ng mga Li katulad nila Ate Li Jianxin at ni Tito Li Mo maging ng iba pa. Masyadong napakalungkot ng desisyon nila para sa angkan at mamamayan ng Li Clan. Sigurado akong gusto lamang nilang iligtas ang mga sarili nila laban sa mga kaguluhan na babagsak sa buong angkan ng mga Li." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Masasabing hindi siya naging komportable sa desisyon ng kaniyang Ate Li Jianxin at ng kaniyang Tito Li Mo. Yung tipong nirerespeto niya ang mga desisyon ng mga ito sa pag-alis ng Li Clan ngunit hindi niya naintindihan kung bakit hindi na sila namamalagi rito at piniling manirahan sa ibang mga kaharian. Yung tipong hindi niya maintindihan ang mga ito lalo na at patuloy lamang silang pinupuri ng mga ito lalo na kung bibisita sila sa kaniyang angkang ito.

"Masyado ka pang bata Li Xiaolong. Baka may rason sila at masyadong sensitibo iyon para sa publiko. Minsan kailangan nating intindihin at igalang ang mga desisyon nila dahil wala tayo sa posisyon nila." Malumanay na sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong iniintindi niya ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Masasabing tila matalino ito at matured mag-isip ngunit alam niyang hindi pa gaanong nahubog ang pag-iisip nito.

Napanguso na lamang ang batang si Li Xiaolong. Ayaw niyang sumagot dahil tama naman at may punto ang sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya lamang. Isa pa ay wala siyang karapatang kwestiyunin ang mga desisyon ng mga ito. Sino nga ba siya? Nobody, he think.

"Matanong nga kita batang Li Xiaolong, kailan ba nag-umpisa ang hidwaan ng mga angkan niyo ng Li at ng kahariang sinasabi mo na I guess is sakop ito ng inyong Li Clan?!" Seryosong sambit ng magandang babaeng na patanong hàbang kaharap ang batang si Li Xiaolong kung saan ay makikita ang labis na pagtataka rito.