webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 73

After three months...

Sa loob ng isang tatlong buwan ay mabilis na tumaas ang mga Cultivation rank ng pamilya ng batang si Li Xiaolong partikular na rito ay ang dalawang taong napakahalaga sa buhay niya na walang iba kundi ang ama nitong si Li Qide at ang butihing ina nitong si Li Wenren. Masasabing napakalakibg pagbabago ito para sa kanila. Tanging hanggang sa middle stage lamang ang kaniyang inang si Li Wenren ng Bone Forging Stage at itay nito na si Li Qide ay na-stock lamang sa Large Success ng Bone Forging Stage.

Sa mga nagdaang mga araw ay unti-unting naintindihan ng ama ng batang si Li Xiaolong na may mali nga siya sa kaniyang sariling sinabi at naisip noon dahil nga nabigla at kabigla-bigla talaga ang laaht ng rebelasyon ng kaniyang sariling anak. Nakahingi na rin siya ng patawad sa kaniyang sariling mag-ina lalo na sa kaniyang sariling anak na si Li Xiaolong na siyang nagkapatawaran naman. Bilang ama ay talaganv malaki ang pagkakamali at pagkukulang niya lalo na sa materyal na bagay lalo na sa anak nitong isa nang ganap na Xiantian Realm Expert na siyang ipinagmamalaki niya ng palihim mula sa ibang mga nilalang. Maging siya ay ayaw niyang ipahamak ang kanilang sariling anak o ang buong pamilyang binuo nila ng kaniyang butihing asawa na si Li Wenren.

Patungkol naman sa kanilang sariling Cultivation, Isa sa mga malalaking rason kung bakit naging ganito lamang ang kanilang nakamit o natapakang Cultivation Level sa kanilang edad ay dahil na rin sa kakulangan ng supply ng Cultivation Resources para sa kanilang sariling Cultivation. Masyadong masakit na paraan ang pagkaitan ng materyal na bagay idagdag pang ang lagay ng Li Clan noon pa man hanggang sa kasalukuyan ay hindi umaangat kundi patuloy pa sa pagdecline. Masasabing hindi na talaga mapipigilan ang tuluyang pagbagsak ng Li Clan dahil ang mga pillars o mga pundasyon ng angkan na ito katulad lamang ng mga malalakas na ekspertong nagmula rito ay halos andun na sa ibang mga kaharian samantalang ang mga kaangkan nila ay naghihirap dito ay kabaliktaran naman ang kalagayan ng mga ito na nasa karangyaan o may maayos na pamumuhay at titulo sa lupang kanilang tinitirhan.

Masyado mang masakit na pangyayari ito sa angkan ng Li Clan ay masasabing parang normal na lamang ito para sa kanila. Sino ba naman kasing malalakas na eksperto ang mananatili rito at maging pantubos bayad sa kaharian ng Sky Flame Kingdom at protektahan ang malaking angkan na ito? Masyadong tuso at vulgar ang nasabing kaharian ng Sky Flame Kingdom para sa mga Li Clan at iba pang angkan na nagtitiis sa panggigipit ng mga opisyales na bumubuo sa malaking pwersa ng Sky Flame Kingdom. Sino ang maaaring kumalaban sa kanila? Ang angkan ng Li Clan at ang iba pang maliliit na angkan na halos mga normal na tao na lamang dahil sa kahirapan at maralitang buhay? Hindi natatakot ang kaharian sa mga ito dahil unang-una pa lamang ay wala ng pakialam ang mga ito kung sakaling maghimagsik o mag-alsa ang mga ito laban sa kanilang pamamahala dahil tingin lamang sa kanila ng mga ito ay mga insektong kayang-kaya nilang pisain anumang oras nila gugustuhin.

Pero sa kasalukuyan ay mayroon pa ring alitan ang Sky Flame Kingdom sa kaharian ng Sky Flame Kingdom kung saan ay hindi man ito hayagan ngunit nagkakagitgitan ang mga ito. Patungkol sa Li Clan? Hindi naman nila iyon magagawa sa ngayon dahil marami silang narecruit na mga batang henerasyon ng Li Clan na mayroong talento para maging malakas na martial artists o Cultivators sa hinaharap. Kung lulusob lang basta-basta lamang ang mga ito sa Li Clan at hayagang maghamon ng away o giyera ay masyado naman nilang pinapababa ang kanilang estado at baka maging dahilan pa ito na magalit ang tatlo pang malalapit na kaharian na hindi naman gugustuhing mangyari ng Sky Flame Kingdom. Alam rin ng mga opisyales ang dapat at hindi dapat gawin dahil sila rin mismo ang higit na maaapektuhan at mapapahiya sila. Hindi lang Li Clan ang pinoproblema nila kundi ang iba pang mga angkan na hindi nila kasundo ngunit hindi naman ito lumalaban ng hayagan dahil pinagbabantaan din sila ng mga opisyales ng Sky Flame Kingdom o binabayaran, kung hindi pa tinigilan ay pinapaslang ng mga ito ng pasikreto ang sinumang lumalaban sa mga ito.

Sa nagdaang tatlong buwan ay parang normal lamang ito sa mga angkan ng Li Clan ang paglipas ng panahong ito at masasabing hindi naman ito normal sa pamilya ng batang si Li Xiaolong sa Loob ng Li Clan.

PENG! PENG! PENG!

Nagcu-cultivate sina Li Xiaolong kasama ang ina nitong si Li Wenren at ama nitong si Li Qide sa isang parang na siyang paboritong lugar na Cultivation Area ng batang si Li Xiaolong noon pa man nang bigla na lamang tila nagkaroon ng kakaibang pangyayari partikular na rito sa ina nitong si Li Wenren.

Nagkabasag-basag ang mga piraso ng mga Blood Gem Crystal na nasa harapan ni Li Wenren habang ang mga pulang enerhiyang nakapaloob rito ay mabilis na lumutang at humalo sa enerhiyang inilalabas ng katawaan ng ina ng batang si Li Xiaolong na si Li Wenren. Masyadong mabilis ang pangyayaring ito lalo pat

Tila naglabas ang katawan nito ng napakadense na awra na gawa sa enerhiya o qi mula sa kaniyang sariling dantian. Unti-unti nitong nasasakop ang buong katawan nito sa mabilis na pamamaraan.

Ilang segundo lamang ay mabilis na humupa ang nasabing enerhiya at bumalik sa normal ang lahat sa panig ng ina ng batang si Li Xiaolong.

Mabilis na ring napahinto sa pagcucultivate ang batang si Li Xiaolong maging ang kaniyang itay na si Li Qide.

Napatayo na lamang silang tatlo. Bumungad sa paningin ng babaeng si Li Wenren ang kaniyang sariling nag-amang nakangiti sa kaniya.

"Inay, binabati kita sa nakamit mong breakthrough, isa ka ng ganap na Early Pulse Condensation Stage Expert." Masayang sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila maiiyak siya sa labis na kasiyahan. Sa tatlong buwan kasi nito ay halos palagi silang nagcu-cultivate na siyang naging bonding nilang magpamilya. Hindi naman pinapabayaan ng magulang ni Li Xiaolong ang kanilang mga obligasyon bilang ilaw ng tahanan at haligi ng tahanan nila. Mabilis na rin nilang natatapos ang mga gawain nila sa bukid o sa loob ng bahay man.

Hindi aakalain ng batang si Li Xiaolong na sa tatlong buwan lamang ay mabilis niyang nasaksihan ang pagbreakthrough ng Kaniyang mga magulang sa nagdaang mga araw. Hindi lamang iyon sa tulong ng kaniyang mga nahuhukay na mga Blood Gem Crystals kundi sa pagsusumikap ng kaniyang mga magulang na makapagbreakthrough kaagad kasabay ng ibayong pag-iingat sa pagcucultivate.

"Oo nga asawa ko, isa ka ng ganap na Early Pulse Condensation Stage Expert. Tiyak akong matatakot na ang mga kumare mo sa'yo hahaha!" Sambit ng ama ni Li Xiaolong na si Li Qide na may kasamang pagbibiro sa huling pangungusap na sinabi nito.

"Salamat anak. Utang ko o utang namin ito lahat sa'yo kung bakit kami nagkaroon ng breakthrough sa tatlong buwan lamang na ito." Malumanay na sambit ng babaeng Cultivator na si Li Wenren na siyang ina ni Li Xiaolong. Masuwerte siya at mayroon siyang butihin at masunuring anak.

Mabilis namang tiningnan o tinapunan ng tingin ng babaeng si Li Wenren ang kaniyang sariling asawa dahil sa sinabi nito.

"Oo Early Pulse Condensation Stage Expert na ako asawa ko. Nahiya naman ako sa'yo, isa ka na ngang Late Pulse Condensation Stage Expert. Malamang matatakot na rin ang mga kumpare mo sa'yo hahahaha!!!!" Sambit ng babaeng si Li Wenren habang hindi nito mapigilang tumawa ng malakas.

Hahahahahahahahahaha!!!!!!! Napatawa na lamang rin ang batang si Li Xiaolong sa tinuran ng kaniyang sariling ina. Hindi niya aakalaing ibabalik ng kaniyang sariling ina ang sinabi ng kaniyang ama sa kaniya.

"Naman oh, pinagtulungan niyo naman ako eh." Ta sumusukong sambit ng lalaking si Li Qide habang nagkakamot ng kaniyang ulo. Feeling niya kasi pinagtulungan siya ng kaniyang sariling mag-ina.

Hahahahahahahahahaha!!!!!!

Hahahahahahahahahaha!!!!!!

Mas humagalpak pa sa kakatawa ang mag-inang si Li Wenren at ang batang si Li Xiaolong sa inasal ng kaniyang sariling ama. Naalala niya kasi noong nakaraang buwan kung paano bunutin ng kaniyang sariling ama ang isang malaking puno na tinatawag na Green Burning Tree upang ilipat sa kanilang harapang bahay. Nakita siya kasi ng mga kumapre nito habang pinapasan lang nito ng walang kahirap-hirap ang mga ito na siya namang ikinanlaki ng mga mata ng mga ito at laglag panga ang mga ito.

Malamang nagulat ang mga ito. Napakabigat kasi ng puno na ito at nakakapaso ang init ng puno na ito na masasabing hindi pinapansin ng sinuman sa mga miyembro ng Li Clan dahil para sa kanila ay walang maidudulot na mabuti ito sa kanila. Ngunit para sa pamilya ng lalaking si Li Qide ay personal nitong sinunod ang utos ng kaniyang sariling anak, hijdi niya din alam kung ano ang silbi nito.