webnovel

Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 63

Agad namang nanlaki ang mata ng batang si Li Xiaolong mang makita niya ang tumpok ng Blood Gem Crystals na nasa lupa.

"Hahaha... Limang Low Grade Blood Gem Crystals?! Nagpapatawa ka ba Fai. Paano yan, talo ka hehehe..." Nakangiting asong sambit ng batang si Li Xiaolong habang sinasambit nito ang mga katagang ito. Minsan lang naman siya mang-asar kaya lulubusin niya na.

"Hmmmp! Ang kapal mo din batang Xiaolong. Yan lang yung nakuha ko sa ilalim ng lupa eh. Ang hirap kayang dalhin ang mga iyan huhu." Sambit ng nagsasalitang quoll na tila nakabusangot.

"Hoy Fai, pagbigyan mo na ko. Minsan lang ako mang-asar eh hahaha... Tsaka kaya mo palang pumunta sa kailaliman ng lupa. Ngipin mo ba ang ginamit mo?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nasa maayos na ang kaniyang sariling ekspresyon sa mukha. Tila ba hindi naman kasi kapani-paniwala na kaya nitong makapunta sa ilalim ng lupa.

"Mukha ba kong kumakain ng lupa batang Xiaolong? Ito ba ang ginamit ko ha?! Ito ba?!" Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai sabay pakita ng nagtatalimang mga ngipin nito na tila nakangising demonyo ito.

Bigla namang nahintatakutan ang batang si Li Xiaolong. Sa lahat ng ngipin kasi na nakita niya sa mga hayop ay ang ngipin ni Fai ang mas nakakatakot. Grabeng ngipin kasi ito.

"Hayst, hindi ka naman mabiro Fai eh. Biro lang hehe pero paano nga?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na bakas sa tono ng boses nito na tila atat na atat na malaman kung paano ito nakapunta sa ilalim ng lupa.

"Isa akong quoll at ang pagpunta sa kailaliman ng lupa ay napakadali lamang. Gamit ang aking nagtatalasang mga kuko ay kayang-kaya kang humukay ng napakalalim." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai sabay palabas ng ngipin nito muli at ang nagtatalasang mga kuko nito.

"Wag mo naman ilabas yung ngipin mo Fai. Okay na yung mga matatalas mong mga kuko hahaha..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong napakamot sa kaniyang batok.

"O siya hindi ko na papatagalin pa. Hindi iyan ang aking tunay na surpresa na walang kwentang Low Grade Blood Gem Crystals dahil pinatitripan lamang kita kanina. Hukayin mo ang mga surpresa ko sa iyo." Sambit ni Fai habang nakatingin sa batang si Li Xiaolong. Tila ba parang wala lamang ito sa kaniya sa sinasabi nito.

Nangunot naman ang Kaniyang sariling noo ng batang si Li Xiaolong.

"Oh, may ganon ba? Hindi naman sa nag-------!" Sambit ng batang si Li Xiaolong ngunit mabilis siyang pinutol ng nagsasalitang quoll na si Fai.

"Hoy bata. Umayos ka nga hahaha... Mukha kang tanga diyan. Huhukayin at tutuklasin mo ba ang inihanda kong surpresa o hindi. Wag kang mag-aalala, di naman mga bomba o alinmang mga bagay-bagay na makakasakit sa iyo ang mga hinanda ko. Maghahanda pa ba ko ng trap eh gusto ko ng umuwi para makatulog ako ng maayos. Ang tagal mo kasi!" Paalalang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai. Naiinis na siya sa maraming katanungan ng batang si Li Xiaolong. Kung di nito alam na napakahirap ng ginawa niya para makuha lamang ang mga bagay na nasa kailaliman ng Blood Gem Crystal Mine ns ito. Naistorbo pa ang magandang tulog niya. May lakas pa pala itong natitira ang batang si Li Xiaolong na tila wala itong balak umuwi pa.

O siya, sige na nga. Oo na, heto na po kamahalang daga este Quoll!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na magsisismula na namang mang-aasar.

Pinandilatan naman siya ng mata ng nagsasalitang quoll na si Fai. Kung nakakamatay lamang ang tingin nitong napakatalas ay baka bumagsak na ng walang buhay ang batang si Li Xiaolong.

"Oo na, titigil ko na. Atat mo rin eh noh. Gagabi na rin pala mamaya eh." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong pinuntahan ang lupang tinutukoy ng nasabing nagsasalitang quoll na si Fai.

Hindi na siya kinibo pa ng nagsasalitang quoll na si Fai dahil hahaba pa ang senaryong ito. Napakadaldap kasi ng batang si Li Xiaolong kapag gusto nitong magbiro at biruin siya.

"Dami pang alam eh. Hmmp! Kailan lang ako nagpatalo sayo batang Xiaolong. Tingnan natin kung hindi lumabas yang mata mo sa surpresang inihanda ko sa iyo. Walang panama ang Top Grade Blood Gem Crystals sa namina ko at lalo na sa pipitsuging High Grade Blood Gem Crystals not to mention sa mga Low Grade Blood Gem Crystals. Ipapakilala ko ang sarili ko sayo na hindi ako basta-basta noh hmmp! Ang tamad mo ding humukay yan tuloy di mo man lang napansin ang nakabaong kayamanan sa malalalim na parte ng Blood Gem Crystal Mine na ito tsk!" Sambit na lamang ng nagsasalitang quoll na si Fai sa kaniyang isipan.

Agad na nilapitan ito ng batang si Li Xiaolong at mabilis na isinantabi ang nasabing limang Low Grade Blood Gem Crystals at sinimulang hukayin.

Sa paglubog pa lamang ng kananh kamay ng batang si Li Xiaolong ay nadampot agad nito ang maliliit na matigas na bagay sa lupa. Kahugis ito ng mga nakukuha niyang Blood Gem Crystals.

"Wow, mayroon ka palang Top Grade Blood Gem Crystals na nakuha at namina sa unang araw mo palang dito Fai. Talagang nakakamangha ang iyong abilidad." Manghang sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis nitong nilubog muli ang kamay nito at marami siyang nadampot na mga Top Grade Blood Gem Crystals.

Hanggang sa hindi namalayan ng batang si Li Xiaolong na napakabilis niyang kunin ang mga nadadampot niyang mga Top Grade Blood Gem Crystals sa kamay nito. Tila ba sa bawat paglubog ng kamay nito sa lupa ay napakaraming mga Top Grade Blood Gem Crystals ang nakukuha niya.

"Totoo ba ito?! Napakaraming Blood Gem Crystals?! Napakayaman ko na pala." Sambit muli ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong nilulubog ang kaniyang sariling kamay sa nasabing lupang hinuhukay nito.

Napatigil na lamang ito nang wala na itong makapa sa ilalim ng lupanghinuhukay nito.

"Hala Fai, hindi ko aakalaing napakarami ng nahukay at namina mo sa Blood Gem Crystal Mine na ito. Hindi ko aakalaing sa unang araw mo palang ay gabundok na ang nakuha mong Top Grade Blood Gem Crystals." Sambit ng batang si Li Xiaolong Tila ba walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso nito. Sa kaniyang pagkakabilang ay nasa limang daan ang isang libo ang bilang ng mga ito na siyang hindi niya lubos aakalaing makakakita siya ng ganito karaming mga tumpok ng mga Top Grade Blood Gem Crystals.