webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 94

"Ano ang nais mong ipakahulugan Boss? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ano yun?" Puno ng pagtatakang saad ng nasabing miyembro ng White Falcon Gang sa mismong lider nila.

"Oo nga boss, anong klaseng surpresa iyan?" Puno ng kuryusidad na sambit pa ng isa habang makikitang iwinasiwas pa nito ang hawak nitong mahabang espada. Ganito kasi ito matuwa.

"Iyan ang malalaman niyo ngayon din mismo." Puno ng kumpiyansang turan ng mismong lider ng White Falcon Gang sa dalawang alagad nito.

Agad namang napatingin ang mga ito sa iisang direksyon. Hindi nga sila nagkamali ng inaakala dahil isang malaking surpresa ang bumungad sa kanila.

Napakaraming mga martial artists ang paparating sa kanilang direksyon habang lulan ang tatlong nilalang na nakasakay sa kaniya-kaniya nilang mga flying weapons.

Ngunit nanlaki naman ang pares ng mga mata ng mismong lider ng White Falcon Gang maging ang mga alagad nito.

Hindi nabigla ang mismong lider ng White Falcon Gang sa nasabing napakaraming martial artists upang maging mas mapadali ang paghahanap nila sa misteryosong nilalang na nakalaban niya nitong nakaraang mga araw kundi ang tatlong nilalang na bagong dating kasama ng nakararami. Hindi niya sukat aakalain na makikita at makakasama niya ito sa isang malaking misyong ito na iniatang sa kaniya.

"Boss, diba yan ang tatlong magigiting na Blade Brothers?! Hindi ako makapaniwala na makakasama natin sila!" Puno ng pagkasurpresa at pagkagulat na saad ng isang alagad nito na animo'y hindi nito mabigilang di magsalita.

"Oo nga boss. Talagang hindi kami makapaniwala. Sa Chengdu Village ay alam nating lahat na maimpluwensya ang tatlong nilalang na ito. How come they are here? Wag mong sabihin boss na makakasama natin sila?!" Nanlalaki ang mata ng isa pang alagad nito habang nagsasalita ito. Halatang alam nito at kilala rin nito ang sinasabi nitong Blade Brothers.

"Hahaha... Mabuti nga at Nandito ang Blade Brothers na siyang isang malakas na kakampi kung saka-sakaling mayroong hindi inaasahang senaryo sa loob ng Disenchanting Forest. Mas malaki ang porsyentong mahahanap natin ang pesteng nilalang na iyon sa pusod ng Disenchanting Forest." Puno ng kumpiyansang turan ng nasabing lider ng White Falcon Gang.  Pero sa totoo lang ay nangangamba siyang masapawan ng mga ito. He really knows what kind of business did this Blade Brothers go at iyon ang kinakatakutan niyang mangyari.

Hinahangaan niya ang Boade Brothers na ito sa paraan ng pakikipaglaban ngunit hindi sa maruming pamamaraan nito upang dungisan ang isang ito bagay para sa kaniya. Katulad niya ay halang din ang kaluluwa ng mga ito at mahilig sa gulo.

Sa tatlong itong paparating ay masasabing sila ang may masasabing nakaagaw ng atensyon sa lahat ng naririto lalo na sa mga ordinaryong mga martial artists na masugid na naghihintay sa dagdag na pwersa o manpower upang tugisin ang misteryosong nilalang na pinapatugis sa kanila.

Sa kaliwang bahagi sa tatlong magkakapatid na ito ay si Jīn Xin na kilala nilang isang magiting na martial arts experts sa Chengdu Village sa husay nito sa paggamit ng War Axe Blade. Patpatin man ang panlabas na anyo nito ay hindi maipagkakailang napakahusay nito sa pakikipaglaban. Kakaiba din ang mga gamit nitong skills lalo na ang signature move nito upang tapusin ang kalaban nito. Ngunit ang edad nito ay masyado pang bata na siyang tinaguriang bunso sa tatlong magkakapatid at kumpara sa dalawang nakakatandang kapatid nito ay masyado iting mahina kumpara sa mga ito but it doesn't mean na sobrang hina nito sa iba. Ito ang pinakamadaldal sa tatlong magkakapatid dahil na rin sa edad nito.

Sa kanang bahagi naman ay si Jīn Yun na isa ring blade master na ang gamit nitong espada ay tinatawag na Sky Sword Blade.  Pangalawa sa pinakamalakas sa kanilang magkakapatid na Blade Brothers. Ang lakas nito ay nakakubli sa espada nitong pinaniniwalaang nalaglag ito mula sa langit at isa rin ito sa dahilan kung bakit kinakatakutan siya ng lahat dahil sa misteryosong sandata nitong di alam ang pinagmulan. The only thing that it makes him dangerous is that he could clearly pierce his Sky Sword Blade into everything at iyon ang pinaniniwalaan ng lahat.

Ang nasa gitna naman ay si Jīn Shen. Sa kanilang tatlo ay ito ang masasabing pinakamalakas na blade master sa kanilang magkakapatid. It uses a mystical longsword. Sa kanilang tatlo ay masasabing ito ang may pinakamalakas na atake at nagsisilbing lider ng grupo ng magkakapatid na ito. Walang masyadong impormasyon ukol rito dahil kahit minsan ay hindi pa natunghayan ng iba kung paano ito makikipaglaban. Makikita ang pagiging aloof at masakit kung makatingin ito gamit ang malamig nitong mga matang walang kabuhay-buhay. This is rumoured that it even surpassed his limit in swordmanship.

Habang papalapit ang tatlong magkakapatid na Blade Brothers maging ang iba pang mga martial arts experts ay tila ba umiinit ng umiinit ang atmospera sa lugar na ito. Who knows, what kind of situation they will be when this three strong blade masters will do if they will meet finally in this kind of event.

Mabilis na napahawak ng mahigpit ang mismong lider ng White Falcon Gang sa hawak nitong espada niya na nakatago pa mismo sa sheath nito. Who knows how could they handle this kind of situation if things is going out of what he us planning to do later on.

Maya-maya pa ay lumapag na ang tatlong nilalang na di inaasahang ito pala ang ipapadala ng boss ng nasabing lider ng White Falcon Gang.

Pagkalapag na pagkalapag pa lamang ng mga ito ay itinaas na ng lider ng White Falcon Gang ang depensa nito sa sarili. Hindi niya mapagkakatiwalaan ang Blade Brothers sa kahit anumang anggulo.

"Ikaw ba ang sinasabing lider ng White Falcon Gang? Hindi ko aakalaing magkikita tayong muli, bastardong anak ng hari!" Puno ng pangmamaliit na saad ni Jīn Xin habang nakangising demonyo pa ito nang mamataan nito ang pamilyar na mukha ng lider ng White Falcon Gang.

TTCCCCHHH!

Agad namang binunot ng mismong lider ng White Falcon Gang ang sarili nitong sandatang espada at itinutok ito sa papalapit sa kaniya na miyembro ng Blade Brothers na siyang pinakabunso at walang tabas ang dila nito kung magsalita.

BANG!

Malakas na tumalsik ang espadang hawak ng mismong lider ng White Falcon Gang sa isang iglap lamang.

Nanlalaki naman ang mata ng mismong lider ng White Falcon Gang habang nakatingin sa isa pang nilalang na ngayon ay nakatindig sa likuran niya habang nakatutok mismo sa leeg niya ang isang napatalim na espadang hawak mismo ng nasabing nilalang.

Pigil hininga naman ang lahat ng mga saksi sa pangyayaring ito na mas nagpainit ng atmospera sa lugar na ito.

...

END OF VOLUME 5