webnovel

Immortal Destroyer [Volume 8]

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
40 Chs

Chapter 3.2

Shrrieeeeecckkkkk!!!!

Isang malakas na atungal ang bigla na lamang narinig ni Wong Ming habang sumusugod ang naturang dambuhalang gagamba patungo sa direksyon niya.

Weeessshhh! Weeessshhh! Weeessshhh!

Napakaraming mga kulay berdeng likido ang nakita niyang ibinuga ng Illusion Weaving Arachnid na halatang galit na galit ito lalo na at nabuking siya ng isang nilalang dahilan upang ibahin nito ang taktika ng pagpaslang nito sa katulad niyang isa lamang biktima bito sa mga mata nito.

Nakita ni Wong Ming ang tila umuulang mga berdeng likido na siyang nakita niyang tumama sa batuhan at sa mga damuhan ngunit umusok ang mga ito at parang nalusaw na bagay.

Alam agad ni Wong Ming na iyon ay dulot ng mala-asidong tumutunaw ng bagay-bagay kapag natamaan ng nasabing berdeng likido na kailangan niyang iwasan.

Hindi naman nagpasindak si Wong Ming at mabilis niyang iginalaw ang katawan niya upang iwasan ang umuulang mga atake ng Illusion Weaving Arachnid.

Sa galaw ng nasabing halimaw ay alam ni Wong Ming na hindi ganoon karami ang maaaring gawingg ilusyon ng halimaw dahil kahit ang atake nito ay hindi nito magawang ikubli sa ilusyon nito liban na lamang sa paunang ilusyon na ginawa nito kani-kanina lamang.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Wong Ming at mabilis nitong pinaulanan ng sword attacks ang nasabing halimaw na Illusion Weaving Arachnid.

Myriad of Sword Attacks!

Napakaraming sword attacks ang tumama sa direksyon ng nasabing halimaw ngunit nagulat na lamang si Wong Ming nang mapansin niyang tila naging iba ang inaasahan nitong resulta ng laban.

Isang kakaibang itim na bagay ang lumitaw sa direksyon ng halimaw kung saan tatama ang mga atake ng nasabing binata ngunit nilamon lamang ito ng nasabing itim na malapad na kadilimang lumitaw sa pagitan ng halimaw na Illusion Weaving Arachnid.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa nasabing pangyayaring ito dahil hindi niya aakalaing makakagawa ng ilusyon ang nasabing halimaw dahil na rin sa mga bagay na sumusunod.

Tila ba ang atake niyang napakamapaminsala ay nagawa nitong ipawalang bisa.

Nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming dahil sa kaganapang ito na hindi niya inaasahan.

"Hindi ako naniniwalang naglaho lamang ang aking mga atake. Ramdam ko pa ring may pag-asa akong matalo ang mapanganib na halimaw na ito!" Sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang habang pinapakiramdaman ang kaniyang spiritual energies sa mga hindi mabilang na sword attacks.

Tcchhh!

Agad na napaluhod si Wong Ming nang maramdaman nitong tila pangahas na naputol ang koneksyon ng kaniyang sariling spiritual energies sa mga espadang pinakawalan niya.

Ahhhh!

Napadaing na lamang si Wong Ming nang maramdaman nito ang sakit sa kaniyang dalawang tenga dahilan upang mapahandusay siya sa damuhang parte na kinaroroonan niya.

Kitang-kita ang pag-agos ng dugo sa dalawang tenga niya tandang napinsala nga ang kaniyang sariling katawan dahil sa spiritual back fire dahil na rin sa marahas na pamamaraan ng halimaw.

Shrrieeeeecckkkkk!

Magkagayon pa man ay hindi na nagpaawat pa ang Illusion Weaving Arachnid upang tapusin ang nasabing binatang dumadaing sa mapangahas nitong pamamaraan.

Pinilit ni Wong Ming na tumayo na siyang napagtagumpayan niya namang gawin. Kahit na may pinsalang natamo ang katawan niya ay agad na Nagliwanag ang palapulsuhan ni Wong Ming at isang kakaiba ngunit nakakasilaw na liwanag ang umalpas sa mahabang espadang unti-unting lumulutang sa ere.

Namangha naman si Wong Ming sa kaniyang sariling spiritual weapon na siyang dahilan kung bakit kampante siyang malalabanan niya ang nasabing halimaw na Illusion Weaving Arachnid maging sa kasalukuyan niyang laban rito.

Shrrieeeeecckkkkk!

Nagpakawala muli ng malakas na atungal ang Illusion Weaving Arachnid na animo'y hindi ito nasisindak sa anumang gagawin ng isang lahing tao sa katulad niya na halatang kampante na ito sa maaari nitong gawin.

Mystic Sword of Lotus!

Sa pangalawang pagkakataon ay isinagawang muli ni Wong Ming ang kakaibang sword skill na natutunan niya sa apat na taong nakalilipas sa loob ng Golden Crane City.

Naniniwala siyang magagawa niyang mapalabas ang 24 swords formation na bumubuo sa perpektong bilang ng nasabing sword skill.

TCCCHHH! TCCCHHH! TCCHHH!

Napakasakit sa tenga ng tila gumagalaw na dalawampu't-isang naghahabaang espada ang nakita ni Wong Ming na kahugis ng orihinal na espadang hawak-hawak niya.

Naniniwala siyang matatalo niya ang halimaw na ito ngunit hindi niya inaasahang napakaliksi pala ng dambuhalang halimaw na ito kahit na sobrang laki ng tiyan at mga galamay nito.

Halos natawid na ng Illusion Weaving Arachnid ang kalahating bahagi ng namamagitan sa kanilang distansya ngunit walang bakas ng anumang pag-activate ng atake niya.

Hindi na alam ni Wong Ming ang gagawin niya ngunit pinipilit niyang ituon ang atensyon niya sa mga bagay na sumusunod alinsunod sa tamang hakbang ng pagsasagawa ng martial arts skill njya.

Oras at timing ang kalaban niya rito at maaari niyang ikapahamak ang pagsagawa ng napakalakas na sword skill. Hindi nito magagawang ikansela ang kaniyang sariling sword skill.

*Crack *Crack *Crack

Tunog ng nangawasak na mga batuhan ang maririnig sa mga natatapakan ng maliksing halimaw na Illusion Weaving Arachnid at hindi inaasahang tatalon ito ng napakataas dahilan upang sobrang lapit na nito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Tuloy pa rin ang konsentrasyon ni Wong Ming sa kaniyang sariling sword skill na nakalutang sa ere ngunit hindi ila hindi man lang mababakasan ng pagkompleto upang pinsalaing lubos ang nasabing halimaw.

Gamit ang kaalaman nu Wong Ming ay sinubukan nitong baguhin ang daloy ng spiritual energies niya at ilagay na lamang ang kabuuang enerhiya sa orihinal na espadang bumubuo sa Sword skill niya.

Ramdam na ramdam na ni Wong Ming ang sobrang lapit na panganib na naghihintay sa kaniya. Hindi maaaring hindi niya magawang maactivate ito dahil maaari siyang mapaslang sa lugar na ito.

Eeeccckkkk!

Ngunit bigla na lamang tumalon ng napakataas ang Illusion Weaving Arachnid patungo mismo sa kinaroroonan ni Wong Ming dahilan upang binilisan ni Wong Ming ang pagbibigay ng napakaraming mga spiritual energies sa loob ng katawan niya.

Woo.....Whhhhooo.... Whoooshhh!

Bigla na lamang naactivate ang nasabing pambihirang sword skill dahilan upang biglaang lumiwanag ang lotus-shaped na binubuo ng mga naghahabaan at nagtatalasang mga espadang kahawig ng orihinal na espadang nasa gitna ng nasabing sword formation.

Huli na upang umatras ang tumalong Illusion Weaving Arachnid na siyang ikinangising demonyo ng binatang si Wong Ming.

"Hahahaha, katapusan mo na higanteng gagamba!" Malakas na  sigaw ni Wong Ming at mabilis na ipinawala ang pambihirang atakeng magagawa ng Mystic Sword Lotus.

Sa isang iglap ay isang nakakasilaw na liwanag ang umalpas sa buong kalupaan habang lumalaki ng lumalaki ang nasabing pambihirang Sword Skill dahilan upang magkatagpo sa itaas ng ere ang mabagsik na mga espadang mabilis na umiikot-ikot at ang Illusion Weaving Arachnid.

Lumitaw muli ang malaking kulay itim na bagay na humigop sa mga atakeng isinagawa ni Wong Ming ngunit napangiti na lamang ang nasabing binata dahil sa katangahang ginawa ng dambuhalang halimaw na gagamba.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagsabog sa ere ang narinig ni Wong Wong Ming na tila ba nagbabanggaan ang nagtitibayang mga bagay sa ere.

Shrrieeeeecckkkkk!

Sa huli ay narinig na lamang ni Wong Ming ang huling sigaw ng Illusion Weaving Arachnid sa itaas ng himpapawid at nakita niya ang mga pira-pirasong parte ng katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na naglalaglagan patungo sa kalupaang kinaroroonan niya.