webnovel

Immortal Destroyer [Volume 8]

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
40 Chs

Chapter 2.1

Nagising na lamang si Wong Ming sa isang pamilyar na silid nang inimulat nito ang kaniyang mga mata habang nilibot-libot ang paningin nito sa paligid niya.

Malabo ngunit unti-unting naging malinaw ang paningin ni Wong Ming nang siyasatin niya ang kaniyang sariling kapaligiran lalo na at masasabi niyang naging masaklap ang sinapit niya sa bakal na kamay ng nasabing binatang nakalaban niya na si Wong Xianliang.

Makikitang parang wala lamang sa mukha ni Wong Ming ang sakit na nararamdaman niya at sa halip ay napangisi na lamang siya ng malademonyo lalo na at tila ba umaayon sa kaniya ang lahat.

Ang lahat ng mga pangyayari lalo na ang insidenteng nagawa niya kanina ay upang hindi magtangka ang mag-amang Wong Xianliang at Wong Jianguo sa pwesto ng ama-amahan niyang si Wong Bengwin. Hindi niya gugustuhing mangyari na mapasakanay ng mag-amang kaaway ng ama niya ang kagustuhan ng mga ito na mapatalsik ito.

He really remembers two years ago na ang ama niya at si Wong Jianguo ay nagkaroon ng alitan sa buong Wong Family at naging mainit na balita ito sa lahat ng mga naninirahan sa Wong Family maging sa buong Golden Crane City dahil na rin sa agawan ng pwesto.

Anak ng dating Head Chief sina Wong Bengwin at Wong Jianguo. Yun nga lang ay mas matimbang pa rin sa mata ng lahat ang anak ng Head Chief at ang unang asawa nito na si Wong Bengwin kaya ito ang pinili ng lahat na maging susunod na Head Chief upang pamunuan ang Wong Family sa hinaharap. Si Wong Jianguo? Anak lang naman siya ng concubine ngunit naging susi din nito ang dugong nananalaytay ng Head Chief na siyang nais nitong mamuno sa Wong Family ngunit hindi umayon ang tadhana sa kaniya.

Later on, Wong Jianguo didn't back down at pinili nitong labanan ang ama-amahan niyang si Wong Bengwin sa kahit na anong pamamaraan na gusto nito, mapa-pisikal man o palakasan ng abilidad sa martial arts. Ngunit lahat ng iyon ay bigo siyang mapatumba o matalo ang ama-amahan niya sa kahit na anong pamamaraan na gustuhin nitong planuhin.

Kaya nga ingat na ingat at pinag-iingat siya ng tumatayong ama niyang si Wong Bengwin sa mag-amang sina Wong Jianguo at Wong Xianliang dahil baka muling mangyari ang kinatatakutan ng lahat at iyon ay ang hamunin siya ni Wong Xianliang na makipagtuos upang patunayan kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa.

Hindi naman sila nabigo dahil inaasahan nila lalo na niya mismo na mangyayari ang kaganapang ito. May pinagsisisihan ba siya sa pangyayaring ito? Kung siya ang tatanungin ay wala dahil planado ang lahat ng ito. His father's story about his life and how he became the Head Chief of Wong Family really inspired him to not be a loser to those individuals lalo na sa anak ng mortal na kumakaaway sa ama niyang si Wong Bengwin lalo na sa iniingatan nitong tungkulin sa buong Wong Family maging sa katayuan nila sa Golden Crane City.

Mabilis na isinandal ni Wong Ming ang kaniyang sariling ulo sa higaan niya upang pansamantalang ibangon ang sarili niya mula sa pagkakatulog niya maging sa natamo niyang sugat maging ang mga malalaking pasa nito sa katawan.

Gustuhin niya mang lumaban noong naglalaban sila ni Wong Xianliang ngunit hindi niya ginawa lalo na at hindi niya gugustuhing madungisan ang pangalan ng ama niyang si Wong Bengwin dahil lamang sa sarili niyang inis laban kay Wong Xianliang at sa ama nito. Ipinangako niya sa tumatayong ama-amahan niya na tutulungan niya itong ingatan ang tungkuling sinumpaan nito.

Ngayon ay nagtagumpay siya at hindi lamang iyon dahil mukhang hindi na makakabangon muli ang mag-amang Wong Xianliang at Wong Jianguo sa kanilang sariling kapalaluan dahil sila mismo ang gumawa ng ikasisira nila sa Wong Family maging sa buong Golden Crane City.

Ngunit ang mga ngiti ni Wong Ming ay biglang nawala ng maalala nito ang mga kakaibang bagay at pangyayari na biglang naalala nito ang kakatwang pangyayaring nangyari mula ng mangyari ang mahimbing pagkakatulog niya. He feels like he a dream ngunit batid niyang hindi iyon panaginip.

Ramdam na ramdam niya kasi ang emosyong namutawi sa nakaputing bestida na mala-diyosang babae na ngayon lamang niya nakita. Kahit sino namang lalaki ay hahanga sa kagandahang taglay nito. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay pamilyar ang anyo nito ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita o nakilala. His instinct says that she's good pero hindi niya maiwasang mabahala.

Pakiramdam niya kasi ay may itinatago ito at mas lalong nakakapagtaka ang presensya nitong tila sumasabog sa enerhiya.

Mabilis na kinuha ni Wong Ming ang isang makapal na aklat sa ilalim ng unan niya at mabilis na dinama ang pabalat nito.

Asura Art of Divinity, ito ang unang makikita sa harap ng pabalat ng nasabing makapal na libro. Sabi ng ama niya noon na ito ang kaisa-isang bagay na nakita niyang dala-dala niya noong matagpuan siya nito sa masukal na kagubatan.

Pinagmasdan ni Wong Ming ang nasabing librong ito at pansin niyang ito ang kauna-unahang bagay na tumulong sa kaniya upang maging malakas at makapangyarihan kumpara sa ibang mga kaedaran niya lamang.

Dahil sa pambihirang cultivation manual na ito ay natuto siyang lumakas sa mabuting pamamaraan. He really knows that this kind of cultivation manual didn't even exist in whole Golden Crane City. Kahit isang bolyum lamang ito ng libro ng nasabing cultivation manual ay kakaiba ang nilalaman ng librong ito. No one ever read this book not even his father. Ewan ba niya, parang ginawa lamang ang librong ito para sa kaniya.

Sa huli ay nalaman nilang kaniya pala talaga ito bago siya nawalan ng memorya dahil sa tila trahedyang nangyari sa kaniya ngunit wala naman siyang matandaan kung ano ang eksaktong nangyari sa kaniya.

Ngunit isa lamang ang maaaring sigurado siya at iyon ay ang mas lumakas pa lalo. He didn't want his father suffers from any humiliation o pagkababa sa pwesto dahil sa kaniya o sa mga malalakas nitong mga kaaway.

Napangisi siya ng malademonyo nang maalala nitong hindi na magiging madali para sa mag-amang Wong Xianliang at Wong Jianguo na mapabagsak ang ama niyang si Wong Bengwin dahil sa insidenteng nangyari at nasaksihan pa ito ng mga Elders.

Tiyak siyang mainit ang mga mata ng lahat sa kilos ng mag-amang sina Wong Jianguo at Wong Xianliang dahil sa kapalaluan ng mga ito. Tiyak siyang for the mean time ay hindi ito gagawa ng hakbang laban sa ama nitong si Wong Bengwin. Tanga lamang ang mag-iisip na harap-harapan silang hamunin ng mga tusong mag-amang ito kung ayaw nilang mismong ang mamamayan ng Wong Family at buong Golden Crane City ang magpapatalsik sa kanila dahil sa maaari nilang gawin. Wong Ming is really sure na hindi uulit ang mag-amang ito upang gumawa pa ng susunod na gulo.