Due to some external forces who drive the Four Kingdoms in Chaos. What kind of danger that awaits for the people who lives in Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom, Wind Fury Kingdom and Sky Flame Kingdom especially to Green Martial Valley Union. Could he they really afford to messed this things up or they will totally face their utter destruction in different kinds of forces? What will be the plan of Li Xiaolong to escape from the danger lurking in the darkness just like a predator looking for it's prey?
Makalipas ang daalwang araw ay naging matiwasay ang buhay ng batang si Li Xiaolong habang panaka-naka namang bumibisita sa kaniya ang dalawang nilalang na walang iba kundi ang Twin Stars.
Sa loob kaso ng dalawang araw ay pinilit pa siya ng mga ito na magpunta at gumala sila sa sentral na bayan ng Dou City.
Ang rason kung bakit siya tumanggi ay dahil gusto ng mga ito na ipalaban siya sa mga kung tawagin ay street fights o mga pangkatuwaan lamang na mga labanan sa sentral na bayan.
Halos mapailing-iling siya sa kalokohan ng dalawang ito lalo na at hindi sila maaaring lumaban dahil kilala na kasi ang mga ito sa nasabing bayan. Ang tinutukoy niya ay ang bayan ng Yangshuo na kilala talaga sa pagiging palaban sa mga sports na ganito na kinagigiliwan naman ng mga dayo o karatig na mga bayan nito.
Mapabata man o matanda ay aktibomg lumalahok ang mga naririto. There's no age limit dito at wala namang pumipilit na lumaban ang sinuman kung hindi kaya. Walang patayan na nangyayari dito, psero bugbog-sarado merong napapabalita.
Magkagayon man ay sinisiguro ng mga nagpapa-event dito na ligtas ang lahat at pinaniniwalaang may malaking personalidad ang nagmamay-ari at nagpapatakbo sa mga ganitong klaseng mga okasyon na naging normal na lamang.
Kinakatakutan din ng lahat ang maaaring ipataw na parusa sa sinumang lalabag dahil hindi lamang ang mga mamamayan ng bayan ang pwedeng managot kundi maski ang mga dayo na nagpasimula ng gulo maliit man o malaki.
Woosh!
Basta-basta na lamang lumitaw ang dalawang pamilyar na pigura sa harap ng batang si Li Xiaolong habang nandirito siya sa malawak na bakuran ng sarili niyang manor. Talagang ginanahan siyang mag-ensayo ngayon lalo na at kailangan niya pa ring magdoble sikap upang magcultivate at ensayuhin ang sarili niya.
Mayaman sa natural na enerhiya ang kwebang tinutuluyan noon ni Li Xiaolong at nahihigop naman ng sariling katawan niya ang enerhiyang umuusbong sa paligid noong panahong wala siyang malay. Kaibahan sa normal na pagcucultivate ay kailangan niyang mag-ensayo upang mag-absorb ang katawan niya ng mas maraming enerhiya at patuloy ang pag-unlad niya sa paggamit ng sariling sandatang nais niyang gamitin.
Kitang-kita kung paano inilabas ng batang si Li Xiaolong ang ordinaryong espadang nakita niya lamang sa lagayan sa loob ng manor na alam niyang wala namang nagmamay-ari nito.
Sa panaka-nakang pag-eensayo niya ay ginawa niyang pansamantalang espada ito upang lalong mahasa ang glaing niya sa kaniyang swordmanship.
Alam njyang pagdating sa paggamit nito ay alam niyang daig pa siya ng kaedaran niyang si Li Gumu ngunit naniniwala siyang mas huhusay siya sa paggamit nito kahit kaninuman sa hinaharap.
Pero dahil sa marami siyang alam sa mga pagpapalakas ng atakeng galing sa mga memorya niya ay alam niyang mapapadali itong ginagawa niya.
Isa pa sa bagay na naging dahilan kung bakit humindi ang batang si Li Xiaolong sa kagustuhan nina Pollux at Adhara ay nagsinungaling ang mga ito na nitong mga araw ang simula ng pasukan ngunit nalaman niyang sa susunod na buwan pa pala ang simula ng pasukan.
Bale kung titingnang maigi. Mga mahigit isang linggo pa bago ang nasabing pasukan kaya tila nadismaya si Li Xiaolong ngunit di siya nagtanim ng galit sa mga ito ngunit nagtampo talaga siya.
"Li Xiaolong, paumanhin na sa nagawa naming pagsisinungaling namin sa'yo. Di naman namin intensyong lokohin ka." Saad ng batang si Adhara habang nakayuko ito ngayon.
Naiilang namang tumingin si Pollux sa gawi ng batang si Li Xiaolong at nagsalita rin.
"Tama iyon Xiaolong, kailangan lang talaga naming masiguro na makakapag-aral ka pa lalo na at may potensyal talagang nakikita ang Cosmic Dragon Institute sa iyo." Seryosong saad ng batang si Pollux habang makikitang wala itong naiisip na dahilan upang magpatuloy sa pagsisinungaling dahil di naman nila intensyong ipahamak si Little Devil.
Tila napatitig naman ang magkambal nang makita nila ang seryosong ekspresyon sa mukha ng batang si Li Xiaolong.
Ngunit ganon na lamang ang gulat nila ng tumawa ng malakas ang batang si Li Xiaolong at nagwika.
"Hahahaha... Para kayong tanga diyan. Ako nga ang dapat na magpasalamat eh nang dahil sa inyo ay may pagkakataon pa akong umunlad. Hindi ba iyon din nag layunin ng Cosmic Dragon Institute na ilabas ang buong pag-unlad at buong potensyal ng bawat estudyante nito." Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang natatawa pa rin ito. Sa totoo lamang ay nagtatampo lamang siya ngunit hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito dahil masama iyon.
Umaliwalas naman ang mukha ng magkambal na kapwa nagkatinginan pa hanggang sa dumako ang mga mata ng mga ito sa kaniya mismo.
"Kung gayon ay hindi ka galit sa amin? Mabuti naman." Nakangiting sambit ng batang si Adhara habang makikitang masaya ito sa narinig niyang sinabi ni Li Xiaolong.
"Kala ko pa naman Xiaolong ay nagalit ka talaga sa amin. Hindi na mauulit ang pagsisinungaling namjn sa'yo." Masaya ding wika ng batang si Pollux habang nakatingin sa gawi ng batang si Li Xiaolong.
"Aaminin kong nagtampo ako sa inyong sinabi ngunit alam kong tunay ang inyong pag-aalala. Isa pa ngang malaking karangalan ito lalo na at hindi ako binitiwan ng Cosmic Dragon Institute magpahanggang sa ngayon." Natutuwang sambit ng batang si Li Xiaolong habang palipat-lipat ang mga tingin nito sa magkambal na sina Pollux at Adhara.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan ngunit mabilis na iniba ni Adhara ang usapan.
"Napag-isipan mo na ba Li Xiaolong na sumama sa malaking bayan malapit lamang rito? Sayang din ang malaking premyong nakahain sa tagisan ng lakas na doon mismo ang punta namin." Pahayag ng batang si Adhara habang sinabi pa nito ang bagay-bagay upang makumbinsi ang batang si Li Xiaolong.
Nakita niyang abala ito sa pag-eensayo ng ilang mga araw at hindi inaksaya ang bawat oras o minutong nakalilipas.
"Tama si Adhara, Xiaolong. Sigurado akong kukulangin ang salaping malilikom mo sa oras na mag-umpisa na ang pasukan. Mahirap na lumabas-labas o gumala sa malalayong lugar na walang permiso ng pamahalaan ng Cosmic Dragon Institute. Palalampasin mo ba ang ganitong kalaking oportunidad sa buhay mo?!" Patanong na sambit ng batang si Pollux na gusto nitong makumbinsi talaga si Li Xiaolong na sumali upang makaranas ng aktwal na labanan at masaksihan nila kung paano ito lumabang muli.