webnovel

Ulan

Magka hawak kamay sila habang naglalakad sa kabilang bakod ng eskwelahan habang pakanta kanta pa, Hindi maalis ang tingin ni Abby sa kamay na hawak hawak ng kaibigan niyang si Joshua, wala itong ka alam alam na namumula na ang mga pisngi nya, matagal na kasing may pagtingin si Abby sa kaibigan at walang lakas ng loob na sabihin dito ang feelings nya., katatapos lang nilang kumain at pabalik na sila sa paaralang kanilang pinapasukan, si Abby as isang freshmen at si Joshua naman ay nasa 3rd year na.

Habang pabalik sa eskwela as nakasabayan nila ang ilang kaibigan ni Joshua, at saka lang binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay, Habang siya naman as nahimasmasan ng biglang may tumapik sa balikat niya,

"Oh bhe, hanap ako ng hanap sayo andito ka lang pala kasama ni Josh" bulong ni James sa tenga nito, Ito kasi ang kaibigan no Josh na Patay na patay sa kanya hahahha,

"huwag mo nga akong ma bhe bhe jn bhebehin ko Yang mukha mo ehh" sabay tapik ng kamay nito.

humalakhak na lang si James at nasisiyahan pa sa sinabi nito.

Habang naglalakad sila ay bigla nalang umulan, sa una any medyo mahina lang kaya patuloy lang sila sa paglalakad ng di kalaunan as bigla itong lumakas kaya sumilong muna sila sa isang waiting shed.

Malakas ang buhos ng ulan at lahat sila ay nagsisikan sa waiting shed,

"Bhie umusog ka dito ng konti at baka mabasa ka" sabay hatak ni Josh sa kaibigan,

namumula naman ang mga pisngi ni Abby dahil magkadikit ang kanilang mga balat, at sobrang lapit nila sa isat isa,

Habang si James naman ay selos na selos sa nakitang eksena.

Isang oras na ang lumipas ngunit Hindi pa din tumila ang ulan,kaya wala silang magawa kundi magsiksikan, nang biglang may nakita silang nagtatakbuhan papunta sa direksyon nila, mukhang makikisilong din ang mga Ito.

"hi boys, pwede bang makisilong din kami dito?" medyo malanding sabi ni Nadine na patay na patay naman Kay Josh.

"sure" sabay kindat ng isang kaibigan no Josh sa kanila,

"oooppssss excuse me Abby pwede dun ka muna sa kabila kasi masikip masyado dito" sabay siksik nito ng sarili sa tabi ni Josh,,

sa sobrang sisksik nito ay bigla na lang nawalan ng balanse si Abby ,sa di nya inaasahan pinikit nya ang kanyang mga mata, nang biglang may mga kamay na pumulupot sa mga bewang nya at kinabig sya nito para di sya matumba.

nang binuksan nya ang kanyang mga mata ay si James ang bumungad sa kanya habang titig na titig Ito sa kanya.