webnovel

Chapter 1

'kringgggggg!!!'

Hay salamat tapos na rin ang klase makakauwi na rin ako.

Habang naglalakad ako tumitingin sila saakin, Hindi ko nalang sila pinansin, pero hindi ako mapakali Ang sasama ng tingin nila saakin. Kaya naalala ko kanina Kung ano ang nangyari.

"shit"bulong ko sa sarili ko

FLASHBACK

"OK Class so siya ang bago niyong classmate, magpakilala kana"

Shit Ang gwapo Niya sana sa tabi ko siya umupo.

Hoy ashley wag Kang mangarap Ang pangit pangit mo tapos uupo siya sa tabi mo aishhhh.

"Shown"

Nag sibulungan silang lahat

"Shet Ang gwapo Niya"Girl 1

"Akin ka nalang"Girl 2

" Kala mo Naman Kung Sino gwapo tsk" Boy 1

"Mas gwapo ba ako dyan" boy 2

"wow mas gwapo kaya siya not you dahhh" Girl 3

"Shii Tahimik umupo kana" Sabi ni sir at umalis na

Papunta siya saaking direction, shit wag mong sabihin uupo ka dito

"Tanggalin mo nga Yung bag mo sa tabi mong upuan tks"Sabi ni shown

"Dito ka nalang umupo wag na dyan sa panget na yan Shown"Sabi ni Cheska ang muse namin sa classroom.

"Oo nga sa tabi nalang ni Cheska ka umupo may bakante pa sa tabi ni Cheska" Sabi ni Lia kaibigan ni Cheska

"H-ha?"Sabi ko Kay Shown

"Bingi ka ba o nag bibingian ka!Tsk"sigaw ni shown

Tinanggal ko na lang Yung bag ko sa upuan at umupo na siya.

Nag sibulungan nanaman sila hayss, malamang ibubully na yan nila ako mamaya hayss.

END OF THE FLASHBACK

Aishhhh kaya pala sila nakatingin saakin hayss, yumuko nalang ako habang nag lalakad.

May papalapit saakin Alam ko naman na sila Crystal yon hayss.

"Hoy Ashley pangit, Nabalitaan ko na umupo sa tabi mo si shown, Aishhh Ang panget panget mo tapos sayo tatabi si shown, hoy tandaan mo akin lang si shown" Sabi ni Crystal at tinulak ako napaupo ako sa semento tumawa naman sila at umalis na, Ang daming nakatingin saakin at tumatawa pa sila hayss

Naglakad nalang ako papauwi.

Nandito na ko sa bahay namin at pumasok na ko sa kwarto ko hayss.

Wala pa si mama dahil nag tratrabaho pa siya, ang kulit Kasi ni mama sabi ko sakanya wag na siya mag trabaho baka lalo pa siyang magkasakit ehh hayss.

Nagbihis nako at pumunta nako sa Pizza Restaurant dahil doon ako nag tratrabaho.

"Hoy besh ang tagal mo naman Alam mo naman na meron akong blind date ehhh sige alis nako bye ikaw na bahala diyan" Sabi ni Kerny(A/N:Bakla po siya hahaha)

Kami lang ni Kerny,Criza,Leo, Miguel at Mina Ang nagtratrabaho dito dahil maliit lang na restaurant to at tyaka minsan lang may pumupunta dito. At kila Kerny itong restaurant, at namatay na ang kanyang Tatay at lasingera naman Ang kanyang nanay kaya siya nalang Ang nag bantay sa restaurant na ginawa ng Tatay Niya.

Nag simula nakong mag trabaho at may mga customer na din, Waiter ako dito kaya maliit lang Ang sweldo ko pero ok na din para makatulong ako Kay mama, hays kamusta na kaya si mama ok lang ba siya haysss.

"Hahahahahahaha" tawa ng papasok na customer

" Dito ka pala nag tratrabaho pangit hahahahaha"Sabi ng familiar na boses

tumingin ako para makita Kung Sino Yung at Alam ko na nasila Crystal yon.

"Hoy pangit pa order nga ng pizza Yung malaki ha at dapat ikaw mag luto para matikman namin Yung luto mong pangit hahahahaha" Sabi ni Mika at tumawa sila nag sialisan na Ang mga customer dahil Ang ingay nila.

Pumunta na ko sa kusina at sinabi ko na Kay leo Ang order nila, Si leo Kasi Ang naka assign na mag luto ng pizza ehh.

" Huy te sino sila" Sabi ni Mina

"Ahhhh wala wag mo nalang sila pansinin " Sabi ko sakanya hindi Kasi nila alam Ang buhay ko hnd ko sinasabi sa kanila Kay Kerny ko lang sinasabi.

"Hoy pangit na san na Yung order namin Ang tagal naman at tyaka Ang init dito anubayan anong klaseng restaurant toh like dahhhh" Maarteng Sabi ni Crystal at tumawa sila.

Pumunta nako sa kusina at tinanong ko Kung tapos na.

"Oh tapos na. sino ba Ang nag order nang ganito bakit ganto Yung order Niya at wala namang ganto sa meno?" Tanong saakin ni Leo

"Ahh maarte lang Yung customer at gusto niyang malaki Yung pizza"

"ok"-Leo

Pumunta nako Kung saan umupo sila Crystal at ibinigay Ang kanilang order

" Ano bayan bakit ganito umalis na nga Tayo dito Ang pangit ng lasa pwe!!" Sabi ni Rea, papatayo na Sana sila ng pumasok si Kerny

" Hoy mga makakapal na mukha Kung ayaw niyo dito sa restaurant ko edi Sana umalis kayo pwe Ang kakapal ng mukha niyo kala niyo Kung Sino kayo umalis na nga kayo sa restaurant ko!!!"Sigaw ni Kerny kila Crystal

" Ikaw bang may ari nito baklang chokoy hahahahaha" Sabi ni Crystal at tumawa silang tatlo

"Oo bakit!?"Sabi ni Kerny at umirap

Nakatingin na saamin Ang mga tao sa Labas

"Ang pangit Kasi ng lasa ng pizza niyo at tingnan niyo o may uod like kadiri!"Sabi ni Crystal

Tiningnan ko Ang order nilang pizza at may nakita akong mga uod

"Tingnan niyo guys o may mga uod kaya wag na tayong pumunta dito sa pangit na restaurant"Malakas na Sabi ni Rea

Nag sialisan Naman Ang mga customer at may nag vivideo na rin

"Letcheng yawa ka put*ang I#a mo m#m#tay kana bwiset!!!!"Mura ni Kerny at sinabunutan Niya si crystal at nagsiguluhan na.

Inaawat ko na si Kerny pero hindi Niya ko pinapansin

"Miguel, Leo Tulungan mo nga kami dito" Sabi ko sakanila dahil naka Tayo lang sila at nanonood.

Inaawat na namin sila pero hindi pa sila tumitigil umiiyak na sila Criza, Hindi nila Kasi alam Ang nangyayare pati ako papaiyak na si Kerny Kasi ehhh

Ang dami nang nag vivideo at nanonood saamin at nakita ko rin Ang mga class mate ko.

Aisssh Kerny tumigil kana parang awa muna plsssss

"Kerny tumigil kana!!!"sigaw ko sakanya

CONTINUE

(A/N: Sorry po sa bad word)