webnovel

I Married A Stranger (Tagalog)

He is a billionaire who used to get what he wants by hook or by crook. He is Kier Sandoval- my husband. Warning: This is a tear-jerking story.

Luckyzero · General
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 2

                                                                                                                                                                                                                                                                     

"Mrs. Sandoval," Panimula ng secretary kong si Alex.

Napahinto ako sa sinusulat ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It still felt surreal that I married a complete stranger. Mag dadalawang linggo na akong kasal kay Kier. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyong ginawa ko. 

Pakiramdam ko ay sinadya ni Alex na tawagin ako sa gano'ng apelyido. The feeling was just- strange. Siguro ay dahil hindi naman iyon ang apelyidong inaasahan kong durugtong sa pangalan ko.

"Nasa labas po si Ms. Chan."

Tiniklop ko ang folder sa harap ko at tinabi iyon sa isang gilid.

"Tell her to come in."

She nodded, "Sige ho, Ma'am."

Pinanood ko siya lumabas ng office ko. Nakatingin lang din ako sa pinto hanggang sa pumasok ang best friend kong si Chantal.

"Bal!" She exclaimed excitedly.

"Hey," Mahinang bigkas ko.

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi pagkatapos ay umupo sa isang silya sa harap ng table ko.

"How are you?" Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala.

I faked a smile, "Good."

Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. She could read me. For more than 20 years na mag-best friends kami kilala niya na ang kadulu-dulohan ng ugali ko. Ganun din si Hailey. But of course, I would always say na okay ako dahil sabi nga, wala namang taong umaamin na hindi sila okay.

Napatingin ako sa brown envelope na nilapag niya sa mesa ko.

"A little bit late, but I guess this could help." She said looking so worried.

"What's that?" Kunot noong tanong ko.

Muli siyang bumuntong hininga at binuksan ang envelope. Kinuha niya ang mga papel sa loob and handed me a piece of paper.

Kumunot agad ang noo ko nang makita kung anong nakalagay sa papel.

"Kier Joyve Schmidt Sandoval..." Bigkas niya sa buong pangalan ni Kier na nakikita ko nga sa papel na binigay niya sa akin.

Tiningnan ko ang 2x2 sized photo ni Kier sa isang gilid, then I read silently some personal information about him.

Kier Joyve, Schmidt, Sandoval

Born on October 5, 1990

Age: 27

Height: 6'1

Eyes color: Dark brown

Hair color: Black

Tinigil ko na iyon doon.

Nag-angat ako ng tingin, "Where did you get this information?"

"You know, connections."

I slowly tilted my head. Minsan napapaisip ako kung may plano siyang pumasok sa NBI sa galing niyang kumuha ng mga information.

"He's rich as in super rich. I mean, you know... multi-billionaire." Muli siyang nag-abot ng papel sa akin.

"List 'yan ng mga properties nila dito and abroad. Hindi pa 'yan kompleto."

I heaved a sigh, "Bal, I don't need this."

Muli itong nag-abot sa akin ng papel, "What about this one?"

Tiningnan ko siya saglit bago kuhanin ang papel na inabot niya. Namilog ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa nakita ko. It was a mug shot of him.

I looked at her.

"Drugs." She said.

Napaawang ang mga labi ko. Drugs?

"Is this... is this even legit?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

She nodded, "Hmm-hmm, ang sabi ng source ko, na-rehab na siya. Good news, wala siyang kaso ng murder."

Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko sa narinig ko sa kanya.

"Here," Muli siyang nag-abot ng papel sa akin. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko, ganun pa man, kinuha ko iyon, "pictures nang nangyaring aksidente 20 years ago."

Napalunok ako habang isa-isa kong nilipat ang mga papel na may mga larawan ng sasakyang sinusubukan nilang kuhanin sa ilalim ng tubig.

"Bumangga yung sinasakyan nila sa tulay at nalaglag sa tubig. He's the only one who survived. Namatay yung driver nila and his older brother."

Nagsimulang lumalim ang paghinga ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa mga sinasabi ni Chan.

"Bal, I know, you chose not to inform me and Hailey, you made a decision on your own and I respect that. Pero, Bal, kilala kita, hindi ka ganito. I mean, you're very careful on deciding what to do in your life. You always thought about the possible consequences of your actions before making a big decision," tumingin ito sa suot kong singsing, she sighed before she shifted her gaze at me, "I know you're hurt, bal, but please... don't lose your self."

Pinigilan ko ang namamasang mga mata ko. I didn't want her to see how weak and destroyed I was. I felt so guilty na hindi ko sinabi sa kanila ni Hailey na magpapakasal ako. I did not even inform Mom and Dad too. Nalaman nalang nila after namin ikasal ni Kier.

Isang simpleng civil wedding lang iyon. Ang isang kaibigan at mga magulang lang nito ang nandoon.

"Bal... you've had enough," Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng table, "Kapag kailangan mo nang kausap or whatever sabihin mo lang sa amin ni Hailey, alam mo naman na nadito lang kami lagi para sayo."

I nodded and smiled a little at her, "Thanks, bal..."

"And kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon, sabihin mo agad sa akin. Be careful of trusting him. Alam ko nabigla ka lang. Subukan nating gawan ng paraan. Hmm?"

Sa totoo lang, simula nang ikasal kami hindi pa kami nagkikita sa loob ng bahay. Pag gising ko wala na siya, pag dating ko, wala pa siya. I was so thankful for that, hindi ko yata kayang makaharap siya o umuwi ng bahay after those information. But I had too.

Kailangan kong umuwi at panindigan ang desisyon ko. Kasal na ako at hindi ko iyon basta-basta pwedeng bawiin.

Argh, I had been cursing myself on my head for being impulsive and stupid. Mabuti na lang pag-uwi ko ng bahay at walang tao dahil kanina pa kumakabog ang dibdib ko.

Paano nalang kung bigla na lang niya akong saksakin from behind? Wala akong idea sa mga bagay na kaya niyang gawin. Ang alam ko sa mga drug addict hindi na matinong mag-isip. Hinayaan kong malaglag ang tubig sa mukha ko mula sa shower with that thought.

Dapat na ba akong gumawa ng letter for Mom, Dad, Hailey and Chan to bid goodbye bago ako mawalan ng hininga? God...

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng banyo. Halos mapatalon ako nang makitang may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama suot ang itim na suit niya habang hawak ang folder na binigay sa akin ni Chan kanina. 

Nabasa niya yung nasa loob ng envelope? Oh, shit...

He looked at me without any emotion in his eyes. Napalunok ako. I guess there was something in his eyes na hindi ko maalis ang tingin ko doon. Nilapag niya ang envelope sa side table pagkatapos ay tiningnan niya ako from head to toe. Then I realized na nakatapis lang ako ng tuwalya.

Muli akong napalunok. Tumingin naman siya sa ibang direksyon na parang hindi nagustuhan ang nakita niya.

Hindi ko maiwsang mapatingin sa matangos na ilong nito. Kahit pa side view ay hindi ko maitatanggi ang gandang lalaki nito. Argh, bakit ba kailangan kong isipin 'yun ngayon?

"Follow me in the living room," He said coldly and stood up. Saglit niya ako tinapunan ng tingin, "don't make me wait."

Wala akong nagawa kung hindi ang tingnan ang malapad nitong likod palabas ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang kabog. Bakit ba ako kinakabahan?

I made sure na maayos akong tingnan sa pajama at t-shirt k ko bago bumaba sa living room.

Nakatalikod siya sa akin, nakaupo siya sa couch at ulo niya lang ang nakikita ko pero kinakabahan na agad ako. Bakit ba kailangan niya pa akong pababain?

Umupo ako sa couch sa tapat niya and tried my best to look natural. Ang sama ng ekspresyon ng mukha niya, pakiramdam ko tuloy lalabas na ang puso. Natatakot ako na baka bigla nalang niya akong hampasin ng kung ano.

Hindi ko maiwasang mag-isip nang kung anu-anong bagay like baka huling gabi ko na talaga ito sa mundo.

"I told you not make me wait." Malamig na sabi nito and leaned forward. 

Wala sa loob na hinaplos ko ang kanang palad ko, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat sa presensya niya. For Pete's sake! Ganu'n ba ka-precious ang time niya for me to waste?

Bumuntong hininga ito.

"Anyway, I have some things to tell you..."

Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa makakapal niyang kilay na bahagyang naka-arko. Damn, lalo akong nakaramdam ng kaba.

"I have a set of rules that you shall follow,"

Napatingin ako sa maayos niyang buhok na parang kahit langgam ay mahihiya at matatakot na hawakan iyon.

Actually, hindi naman siya nakakatakot dahil mukha siyang multo o ano pa man. I think nakaka-intimidate is the right word. Parang hindi mo gugustuhing galitin ito.

Hindi ko talaga gugustuhing galitin siya.  Hindi ngayon na marami akong nalaman tungkol sa kanya.

"First, don't do things I hate."

His dark brown eyes looked so unemotional. Tipong iiwasan mong tingnan pero gusto mong titigan at the same time.

"I hate it when people take and touch my things or properties without my permission, also I hate people meddling with my personal life."

Ang tangos nang ilong nito. Para iyong hinulma sa pinaka magandang hulmahan sa mundo. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nito. My throat instantly went dry. Mapula ang mga labi nito na mamasa-masa.

Napalunok ako. He looked so dang perfect and I just couldn't imagine that I married an oh so good looking stranger in front of me. 

"Second, there's only one bedroom here. Monday, Wednesday, and Friday, sayo ang bed."

May dalawang bukas na butones sa puting long-sleeve na suot niya. Ngayon ko lang napansin na hindi na niya suot ang coat niya kaya mas napansin ko ang laki ng dibdib niya, ang lapad ng mga balikat niya-- he looked so mascular.

Naka-tack in iyon sa makipot niyang itim na slacks. I guess it would be too much kung ibababa ko pa ang tingin ko, but heck, I couldn't help myself. Bago pa matumbok ng mga mata ko ang destinasyon nito--

"Are you listening or you're just wasting my time here?"

Agad akong napatingin sa mga mata nito. He looked upset. Muli akong napalunok nang makita kong gumalaw ang bagang nito. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa mga gwapo at mayamang katulad niya? Naamoy ko ang pagiging arogante niya.

"May isa pa namang room, hindi ba? Maybe we can fix that for another bedroom."

He was right. Iisa lang ang bedroom pero malaki iyon, halos kasing laki ng buong living room hanggang kusina. May isang pang katabing kwarto, gusto ko sanang linisin noong nakaraan pero naka-lock iyon.

"Are we clear about the rules?" Pag-disregard nito sa suggestion ko.

"Bakit ikaw lang ang may rules? I should have my own rules too."

Bumuntong hininga ito na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Bahagyang nagsalubong ang perpekto nitong mga kilay.

"Are we clear?" He asked quite annoyed.

Napabusangot ako, mukhang wala akong ibang choice kung hindi ang sumang-ayon.

"Yes."

Kinuha niya ang ballpen sa bulsa ng sleeves niya sa gawing dibdib, "Recorded."

Bahagya napaawang ang mga labi ko. So he really took that rules seriously? Tumayo na siya at humakbang palayo, wala sa loob na napakagat ako sa ibabang labi ko nang masulyapan ko ang malapad niyang likod ang matambok niyang--

Lumingon ito sa akin. Did he see me doing that? Checking him out?

"Three, I don't like people answering my questions indirectly."

Muli siyang lumakad palayo. Kung kaya ko lang buhatin ang couch ay naibalibag ko na iyon sa kanya.

"Four, bawal ang masungit!" Inis na sabi ko.

Nakaakyat na ito sa hagdan so probably hindi niya ako narinig.

***

A/N: Five, sasampalin ang spoiler.

.

Luckyzerocreators' thoughts