webnovel

X-DEAL

Humahangos na tumakbo paakyat si Zachary pahayon sa master bedroom nag-aalala siya baka narinig ni Samarra ang pag-uusap nila ng bisita niya. Pagkapasok pa lang niya sa loob ay agad niyang inilibot ang mata, ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang hindi niya makita si Samarra. Agad niyang pinuntahan ang walk-in closet ngunit wala rin ito. Huminga muna siya ng malalim at kinatok si Samarra sa loob ng CR.

"Ara, are you there?"

Nang walang narinig na sagot si Zachary ay hinawakan niya ang seradura at akmang pipihitin ito nang biglang bumukas ang pinto.

"Oh, fuck."

Mabilis niyang niyakap si Samarra nang lumabas ito sa loob ng CR buong akala niya narinig siya nito at umalis nang walang paalam.

"What's wrong?"

Nahimasmasan si Zachary sa kilos niya at tumingin sa maamong mukha ni Samarra kita sa mukha nito ang pagtataka.

"Hindi ka ba bumaba?" Napakunot-noo si Samarra sa tinatanong ni Zachary pero kahit naguguluhan ay sinagot niya pa rin ito.

"Sabi mo 'wag akong lumabas ng kuwarto. Why? What's going on?"

Mabilis na umiling si Zachary at hinawakan ang kamay ni Samarra iginiya niya ito pahayon sa kanilang kama.

"Sit here."

Hinawakan niya pa ang balikat ni Samarra at pinaupo sa kama, mataman niya itong tiningnan at lumuhod para magpantay ang kanilang tingin.

"Kahit anong malaman mo o marinig sa iba. Gusto kong sabihin mo sa akin at sana ako ang paniwalaan mo."

Napangisi si Samarra at naiiling. "Really? At sino naman ang makakausap ko kung sakali? Look, I'm busy person. Sa tingin mo may oras pa akong makipag-usap at makinig sa mga kuwento."

"Basta, do what I say, hmm."

Huminga nang malalim si Samarra at pagkuwan ay tumango rin kay Zachary dahil wala namang saysay na magtalo pa sila sa walang kuwentang bagay. Nabigla pa siya nang kabigin siya nito payakap.

"Teka, sino nga pala ang tao sa gate?"

Bahagyang lumayo si Zachary sa pagkakayakap niya kay Samarra at mataman na tiningnan. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi, pero nanaig pa rin ang una kaya napilitan siyang sabihin kung sino 'yon.

"Anak ni…? Ah, never mind sumunod ka na lang sa ibaba."

"Ah, okay."

"Magbihis ka na bago ka lumabas. Ara, magsuot ka ng mahabang short at mag-t-shirt ka rin ng mahaba."

"Tsk. Oo na. sige na, lumabas ka na at susunod ako sa'yo." Walang nagawa si Zachary kundi ang sundin si Samarra dahil lantaran ang pagtataboy nito sa kaniya palabas ng kuwarto.

Nang makalabas si Zachary sa kuwarto saka lang nakahinga nang maayos si Samarra at tumayo para hayunin ang walk-in closet at makapagbihis.

Nang matapos makapagbihis si Samarra hindi na niya inabala ang sarili na magsuklay basta na nilang niya ipinulupot pataas ang buhok at lumabas ng kuwarto.

"Hi!" bungad na bati ng bisita kay Samarra, tumango siya at umupo kung saan malayo sa bisita.

"Nilinis ni Zachary 'yong nabasag na vase,"

"Vase? Nabasag?"

"Yeah." Tumango-tango si Samarra at kinuha ang isang box na pizza at inalok sa bisita na agad naman kumuha.

"So, you're Mr. Escaler's son?" Tumango ito at pagkuwan ay kumagat ng pizza.

Hindi na nasundan ni Samarra ang tanong dahil biglang dumating si Zachary at umupo sa tabi niya.

"Ara, I'd like you to meet my friend Vince."

"Hello, Travis, it's a pleasure to meet you, and thank you ulit. 'Yong jacket mo pala kunin mo na mamaya." Tumango lang ito at patuloy na kumakain lang ng pizza.

Tahimik lang si Samarra na nakikinig sa dalawang lalaki habang nagkukuwentuhan ang mga ito ayon sa kaniyang narinig ay magkababata na ito at may lima pa silang kaibigan. Ang isa ay nasa hospital at hanggang ngayon ay comatose pa rin.

"Sabi nga ni Tito Jay mukhang matatagalan pa raw magising si Ivo," ani ni Travis.

"Gusto mo bang sumama sa akin bukas para makilala mo pa ang isa naming kaibigan?"

Napaangat ng tingin si Samarra dahil first time na ayain siya ni Zachary na umalis. Tumango na lang siya at pagkuwan ay uminom ng water.

"After natin sa hospital mag-grocery tayo."

Tumango na lang uli siya at kumagat sa pizza na hawak wala naman maisip si Samarra kung ano ang sasabihin.

Hanggang sa makaalis si Travis ay hindi umiimik si Samarra na ikinabahala nang husto ni Zachary.

"Hey, are you alright?" Agad na tumingin si Samarra at pilit na ngumiti kay Zachary bago tumango.

"Yeah, I'm okay."

"What are you thinking?"

"About our uniform?" Napakunot-noo si Zachary sa sinabi ni Samarra.

"Uniform?"

"Yeah, uniform. Iniisip ko kasi na hindi pumunta kahapon 'yong naglaba sa atin at hindi pa nalalabhan 'yon. At isa pa sino ang magpla-plantsa nun." Napalunok si Zachary sa klase ng tingin ni Samarra sa kaniya tila hindi na niya nagugustuhan ang takbo ng kanilang usapan.

"So?"

"You know." Ngumiti pa sa kaniya si Samarra bago kumapit sa kaniyang braso. That's it. Alam na niya. Ito na 'yon, siya na naman ang maglalaba.

"Ara, 'di ba may uniform ka rin naman?"

"Hmm,"

"Ibig sabihin dalawa tayong maglalaba o mamimili ka, ako lang maglalaba pero ikaw mamamalantsa o magtulungan na tayo?" Napakalas si Samarra at tiningnan niyang maigi kung nagbibiro lang si Zachary sa kaniya pero ang mukha nito ay walang bakas na ngiti.

"Seriously?" Tumango-tango si Zachary at pigil ang ngiti dahil kita niya sa mukha ni Samarra na tila hindi makapaniwala sa sinabi.

"Yes,"

"Bakit naman ako? 'Di ba ikaw ang nagsabi sa parent's mo na 'di natin kailangan ng-" Inilagay ni Zachary ang hintuturo niya sa bibig ni Samarra dahil alam na niya ang tinatakbo ng sasabihin nito. Na siya ang umayaw na may kasamang kawaksi kaya dapat siya ang gumawa ng gawaing bahay.

"No, but let's go."

Walang nagawa si Samarra kundi ang sumunod kay Zachary dahil hila-hila ang kamay niya pahayon sa itaas ng kanilang kuwarto.

Nang makapasok ay agad na kinuha ni Zachary ang mga uniform nila at kinuha na rin ang mga under garments nila para sila na rin daw ang maglaba.

"Ara, ang hilig mo sa ganitong underwear." Napakunot-noo si Samarra sa sinabi ni Zachary na tila nahuhulaan ni Zachary kaya iniangat sa ere ang underwear na hawak. Kitang-kita niya kung papaano pamulahan ng mukha si Samarra at namilog ang mata habang nakatingin sa kaniya.

"Give it to me."

Humakbang si Samarra palapit kay Zachary na tatawa-tawa habang iniangat ang kaniyang underwear at iwinawagway pa na akala mo isang bandila kung ipagkalandakan.

"Zachary Cadden, don't wait for me when I'm furious, you know what I mean."

Ang tawa na pinakawalan ni Zachary ay unti-unting nawala at humina nang makita niya kung gaano kaseryoso ang mukha ni Samarra na tila naiinip na nakalahad ang palad. Umingos siya at ibinigay niya kay Samarra ang underwear nito.

Napangisi si Samarra. "Ayan, bibigay mo rin pala, akala ko kailangan ko pang makipag? You know what I am talking about."

Umiling si Zachary nang maalala niya kung papaanong muntikan na may nangyari sa kanila ni Samarra noong una silang nagkita. Wala sa sarili na napahawak siya sa pisngi parang kahit sa pag-alaala niya ay nararamdaman niya ang sakit ng sampal ni Samarra.

"Cadden," untag ni Samarra nang mapansin niyang natulala si Zachary.

"Yes,"

"Anong, yes? Piliin mo na 'yang mga labahin para naman makapaglaba na tayo at maplantsahan na rin. Anong oras na." Naiiling na lang si Zachary pakiramdam niya baligtad na ang nangyayari sa kanila ni Samarra. House husband, aniya at pinagpatuloy ang pamimili ng mga damit para isama na nila sa paglalaba. Some part masaya rin si Zachary sa nangyayari dahil first time niyang maglalaba.

Nang matapos makapili ay agad nilagay ni Zachary ang mga damit at uniform sa laundry basket at binuhat para ibaba niya sa laundry area.

"Ara, can you hold that one." Turo ni Zachary sa isang basket na naglalaman ng mga under garments nila ni Samarra.

"Tsk, I knew it." Agad na napalingon si Zachary nang marinig niyang may binubulong si Samarra.

"Akin na nga 'yan."

Huminto si Zachary at kinuha ang basket kay Samarra, ipinatong niya 'yon sa basket na dadalhin niya.

"Mauna ka nang bumaba, ako na lang ang magbubuhat. At buksan mo na 'yong washing"

Walang imik na binuhat na ni Zachary ang basket. Sa totoo lang hindi naman mabigat 'yon pero dahil dalawa sila ni Samarra ang maglalaba gusto niya dalawa rin sila ang magbubuhat. Naisip niya kasi na sweet 'yon, kung maaalala ni Samarra na ang unang paglalaba nito ay sila ang magkasama mula sa pagbuhat hanggang sa paglalaba. Maikukuwento pa nito sa mga magiging anak nila. Anak? Hindi napigilan ni Zachary na mapangiti habang bumababa sa staircase.