webnovel

REMOTE

Nang maibaba si Samarra sa isang stool ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Agad na sumunod ang kaniyang tingin ng makita niyang binuksan ni Zachary ang refrigerator, yumuko ito na tila may hinahanap. Pagkuwan ay tumayo at binuksan ang mga kitchen cabinet nila bago ito humarap sa kaniya na tila may malaking suliranin.

"We have a big problem?" Napakunot-noo si Samarra sa sinabi ni Zachary sa kaniya, bakas kasi sa guwapong mukha nito na may problema nga silang kakaharapin.

"What is it?"

"We're running out of stock." Nakahinga nang maluwag si Samarra akala pa naman niya kung ano na, napangiti siya at tumingala kay Zachary.

"We can buy,"

"How?"

"In the supermarket,"

"Yes, but we have a problem?"

"Problem like?"

"It's raining outside." Napasapo si Samarra ng kaniyang ulo pakiramdam niya sasakit 'yon dahil sa walang tigil na ka-OA-han ni Zachary.

"I call Mommy," pagkuwan ni Zachary na akmang aalis para kunin ang cellphone nito na agad naman pinigilan ni Samarra.

"Cadden, calm down. Okay! Magpa-deliver na lang tayo bukas na tayo mag-grocery. Simple problema lang itatawag mo pa kay Mommy Lorraine at nakakahiya bakit kailangan siya umasikaso nun para sa atin."

"So, ano kakainin natin?"

"Bahala ka na, tutal ikaw naman ang may idea na kumain tayo." Inis na tinalikuran ni Samarra si Zachary at hinayon ang kanilang living room. Kung hindi siya ginising nito 'di sana tulog pa siya ng mga sandali na 'yon.

Maang na sinundan ni Zachary si Samarra kitang-kita niya kung paano ito nagpapad'yak sa living room at ibinagsak ang katawan sa mahabang sofa nila. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil kahit kailan lagi na lang siya pinag-iisip nito kung ano ang kanilang kakainin. Napabuntong-hininga na lang si Zachary at umupo sa tabi ni Samarra.

"Here." Tinapik ni Zachary ang hita para i-offer kay Samarra na higaan ito na hindi naman nagpatumpik-tumpik si Samarra.

"Cadden,"

"Hmm." Tiningnan ni Zachary si Samarra habang ang isang kamay ay humahaplos-haplos sa buhok nito.

"Can you turn on the TV." Agad na hinanap ng mata ni Zachary ang remote kung saan nakalagay, ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang makita niya na nasa paanan lang ito ni Samarra.

"Ara, nasa paanan mo lang ang remote kunin mo na."

Gulat na napasandal sa pagkakaupo si Zachary sa biglaang na paglipat ni Samarra sa kabila niya.

"'Yan, mas malapit ka na." Maang na napatingin si Zachary kay Samarra bago binalingan ang remote. Napabuga na lang siya sa hangin bago napilitan na lumapit at kunin ang remote.

"O, ang lapit na lang sa'yo talagang lumipat ka pa para ako ang kumuha," aniya at inabot ang remote kay Samarra na nangingiti lang sa gilid.

"Cadden, ayaw mag-open, check mo nga kung naka-plug-in." Napabaling si Zachary kay Samarra bago humugot ng paghinga. Hindi na niya malaman kung ano ang trip ni Samarra kung bakit panay ang utos nito. Parang gusto na niyang pagsisihan na hindi sila kumuha ng stay-in na katulong. Agad niyang sinilip kung naka-plug-in ng makita niyang hindi ay agad niyang pin-log-in dahil ayaw niyang iuutos na naman ni Samarra.

"Ayan, ini-on ko na rin para sa'yo may ipag-uutos ka pa ba mahal kong asawa," sarkastikong ani ni Zachary.

"Love, bakit parang galit ka?" Nakangising ani ni Samarra habang nakatingin sa hindi maipintang mukha ni Zachary, tila hindi nito nagugustuhan ang ginagawa niyang pang-iinis at pag-uutos dito.

"Ako? Hindi. Bakit naman ako magagalit sa pag-uutos mo," ani ni Zachary at pilit ang ngiti na binalingan niya si Samarra.

"Ang cute mo." Gigil na pinisil ni Samarra ang pisngi ni Zachary, alam niyang naiinis ito dahil obvious naman sa kinikilos nito.

Wala sa sarili na nasapo ni Zachary ang pisngi kung saan siya pinisil ni Samarra, napakagat siya ng labi para pigilan ang ngiti na gustong sumilay.

"Cadden,"

"Hmm,"

"Magpa-deliver ka na ng food natin, mag-movie marathon tayo." Tumango at ngumiti si Zachary sa suhestiyon ni Samarra dahil wala naman silang puwedeng gawin kundi ang manonood. Hindi rin sila makaalis gawa ng malakas na ulan.

Agad na tumayo si Zachary at kinuha ang wireless phone nila na nasa living room habang nagda-dial ay hindi maiwasan ni Zachary na pagmasdan si Samarra na humiga sa mahabang sofa nila. Hinila nito ang laylayan ng t-shirt na suot at namaluktot. Naiilang na lang siya, sure siya na nalalamigan ito pero dahil sa katamaran ayaw pa nitong kumuha ng kumot para may magamit ito.

Nang matapos makapag-order si Zachary ay agad siyang tumayo para pumunta sa kuwarto nila at kumuha ng pera.

"Cadden, saan ka pupunta?"

"Sa itaas."

Tumango lang si Samarra at ibinalik ang tingin sa pinapanood. Nang makaalis si Zachary napatayo si Samarra nang may nag-buzzer sa gate. Napakunot-noo siya dahil kakababa lang ng telepono. Impossible naman na dumating na agad ang pina-deliver ni Zachary. Bagaman nagtataka ay nagawa pa rin hayunin ni Samarra ang pintuan para makita sa maliit nilang CCTV kung sino ang nag-ba-buzzer sa labas ng gate.

Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo dahil hindi niya makita ang mukha ng taong nasa labas. Nakasuot ito ng isang black na kapote at naka-black cap bahagya itong nakayuko. Biglang kinabahan si Samarra, iniisip niya na baka may masamang gagawin ito sa kanila.

"Love,"

"Oh, my gosh!" Napasapo sa dibdib si Samarra ng tapikin siya sa balikat ni Zachary na tila nagulat din sa ginawa niya.

"What's wrong?" Hindi na nagawang magsalita ni Samarra basta na lang niya naituro ang CCTV bagaman naguguluhan si Zachary ay agad siyang tumalima sa itinuturo ni Samarra. Maski siya ay napakunot-noo dahil may nakatayo sa harapan ng gate nila. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakayuko ito.

"Umakyat ka sa kuwarto, 'wag kang lalabas hangga't 'di ko sinasabi sa'yo." Agad na hinila ni Samarra si Zachary ng akmang lalabas pa ito sa pintuan.

"W-wait, 'wag ka ng lumabas. Paano kung masamang tao 'yan?"

"Relax, kaya nga kita pinapasok sa loob. Kapag hindi ako nakaakyat sa itaas. Tumawag ka ng police.

"What? No, ayoko. Hayaan na natin 'yan magpapunta na lang tayo ng security rito." Napangiti si Zachary at ginulo ang buhok ni Samarra.

"Walang makakapasok na masamang tao rito sa Villa Escaler dahil masyadong mahigpit ang security pero ayoko na may mangyari sa'yo ng masama kaya umakyat ka na sa itaas at mag-lock ka ng pinto."

"No, I'll stay here."

"Ara, please. Do what I say?" Napabuntong-hininga si Samarra bago marahan na tumango.

"Sige na, umakyat ka muna sa itaas."

"W-wait wala kang payong, baka mabasa ka." Napangiti si Zachary at niyakap si Samarra bago hinalikan ang noo nito.

"Masyado ka naman nag-aalala sa akin," panunudyo niya dahil obvious sa kilos nito na nag-aalala ito sa kaniya.

"Stop, Cadden. Hindi ito ang oras para makipagbiruan ka sa akin."

Ngumiti si Zachary at pinisil ang pisngi ni Samarra. "Relax, walang mangyayari sa atin na masama. At hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo na masama. Okay, kaya umakyat ka na sa itaas bago ako lumabas."

Napabuntong-hininga si Samarra na tila wala siyang pagpipilian ng mga sandaling 'yon. Ayaw man niyang iwanan si Zachary pero ito mismo nagbigay sa kaniya ng assurance na walang mangyayari sa kanila ng masama.

"Ara, sige na, umakyat ka na sa itaas. Ako na bahala." Hindi magawang maihakbang ni Samarra ang mga paa pahayon sa itaas dahil sa possibleng mangyari sa kanila ni Zachary.

"Cadden." Naputol ang lahat ng sasabihin ni Samarra nang buhatin na siya ni Zachary at nagsimula nang maglakad pahayon sa kanilang staircase. Wala na siyang nagawa kundi ang kumapit sa leeg nito at pumikit nang mariin.