webnovel

INSULT

Hindi magawang umalis ni Samarra sa kinakatayuan dahil iba ang kutob niya sa taong lumapit kay Zachary. Napaangat pa ang kaniyang kilay nang preskong tinapik nito ang balikat ni Zachary at tumingin ito from head-to-toe na tilang sinusuri ang buong pagkatao ni Zachary. Hindi niya rin naibigan ang pagngisi nito na tila pinagkakatuwaan si Zachary. Naghihintay lang siya sa isang tabi at nakikinig.

"What are you doing here, Zach? Oh, I see, you're going to buy some stock in a house? Househusband? Tsk, bakit naman kasi naisipan mo pang mamili gayun na marami naman kayong katulong? Ahh... Alam ko na, dahil si Samarra ang nagtatrabaho para sa inyo kaya naman ikaw ang gumagawa ng gawaing bahay?" Kitang-kita ni Samarra kung papaano nag-alanganin na ngumiti si Zachary sa kausap.

"I'm trying to understand why Ms. O' Harra chose you as her husband. That's not a bad thing. But look at yourself. In comparison to your wife, you are nothing."

Napasinghap si Samarra sa narinig. Kita niya kung papaano yumuko at lumaylay ang balikat ni Zachary tila bang tinanggap lang nito ang pang-iinsulto na ibinabato ng kausap. Nakaramdam ng inis si Samarra hindi lang sa kausap ni Zachary kundi kay Zachary mismo. Hindi man lang ito sumagot sa mga pang-iinsulto ng kausap.

"You know what, Zach? Hiwalayan mo na lang siya kaysa naman masira lang siya dahil sa'yo. Alam mo ba kung gaano siya kagaling at kaganda para lang itali mo siya dahil sa arrange marriage na 'yan? Of course, we know. Na nagpakasal lang kayo dahil sa kasunduan ng mga magulang niyo."

Kita niya na humigpit ang hawak ni Zachary sa cart ngunit nanatili lang itong tahimik at hindi nagsasalita. Hindi mabasa ni Samarra ang nasa isip ni Zachary dahil nakayuko ito. Tila isa itong bata na pinagagalitan.

"'Wag kang magulat kung alam ko ang tungkol sa arrange marriage niyo, dahil hindi naman biglaan na magpapakasal ka sa iba gayun na may girlfriend ka. At hindi rin maganda kung ipagsasabay mo silang dalawa. A true man can only love one woman. I'll give you some advice. 'Wag mong itali si Samarra sa isang kasal na walang pagmamahal, ang bagay sa tulad ni Samarra ay isang lalaki na successful at magaling sa business."

Nang hindi na nakayanan ni Samarra ang mga naririnig kaya tinanggal niya ang mask at eyeglasses na suot niya pagkuwan ay lumapit sa dalawa.

"Mr. Ventura, how are you doing? Isn't it strange to see you here?" Kita niya kung papaano pinagpawisan si Xander Ventura nang makita siya. Alanganin itong ngumiti at pagkuwan ay umakbay pa kay Zachary.

"Ms. O' Harr-"

"Mrs. Buenavista," pagputol niya sa ano mang sasabihin ni Xander. Kahit kailan hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Mas lalo na ngayon na ininsulto na lang nito si Zachary ng ganoon lalo na nasa ibang lugar sila. What if may makarinig sa mga sinabi nito?

"Y-yeah, Mrs. Buenavis-"

Naputol ang ano mang sasabihin ni Xander sa biglaan niyang paglapit dito. Hinawakan niya ang cart at tiningala niya ito.

"I strongly advise you not to insult my husband because if I find out you've done it again, I'll ruin your life and your company," mahina at ay may diin ang pagkakasabi niya, sapat lang na si Xander lang ang makarinig. Kitang-kita niya na napalunok ito at kung papaano ito natigilan sa sinabi niya.

"Mauuna na kami sa'yo Mr. Xander." Ngumiti siya at pagkuwan ay humawak kay Zachary na nakamaang nakatingin sa kaniya.

"Anong sinabi mo kay Xander? Bakit namutla 'yon," pag-uusisa sa kaniya ni Zachary habang nasa vegetable section sila.

Natigilan si Samarra sa akmang pagkuha niya ng apple at tumingin kay Zachary mukhang naghihintay sa sagot niya. Huminga muna siya nang malalim at pagkuwan ay pinagpatuloy ang pagkuha sa mga apple.

"Ara."

"Cadden, sa bahay na tayo mag-usap." Tinalikuran na niya ito at hinayon ang meat section, bahagya niya pang nalingunan si Zachary na tila napipilian kung susunod ba sa kaniya o mananatiling nakatayo lang. Umiling na lang siya at kinuha ang iba pa nilang kakailanganin.

Habang papauwi sina Samarra at Zachary wala ni isa sa kanila ang gustong magbasag ng katahimikan na namamagitan sa kanila. Pagkababa pa lang ni Samarra sa sasakyan ay agad siyang nagpatiuna papasok sa loob ng bahay habang si Zachary naman ay nagbitbit ng mga pinamili nila.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Zachary sa pintuan ay tila siyang natulos sa pagkakatayo at nabitawan niya ang mga bitbit na pinamili.

"Hmm... What's wrong?" pagtatakang tanong ni Zachary bagama't naguguluhan siya ay niyakap niya pa rin pabalik si Samarra. Ipinatong niya pa ang baba sa tutok ng ulo nito at sinamyo ang buhok.

"How come you let Xander insult you earlier?" Huminga nang malalim si Zachary at hinawakan ang baba ni Samarra para magsalubong ang kanilang tingin.

"Love, hindi ko naman kailangan patulan ang mga pang-iinsulto niya sa akin. At isa pa, totoo naman ang sina-" Natigilan si Zachary nang ilapat ni Samarra ang daliri sa kaniyang labi.

"Whatever happened, you are my husband, and I will not allow anyone to insult you. Please… Lumaban ka naman para sa sarili mo." Napalunok si Zachary nang makita niya ang nangingislap ang magkabilang sulok ng mga mata nito. Umiiyak ba siya para sa akin? Mahal niya ba ako?

"Ara."

"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin nang hindi ka sumasagot at lumalaban sa iba? Alam mo ba na masakit sa akin na iniinsulto ka ng iba? Cadden... I would trade my life for you, pero sana ikaw mismo lumaban ka para sa sarili mo." Kinagat ni Zachary ang labi para pigilan ang nagbabantang luha na gustong tumulo sa kaniyang mga mata. He thought Samarra was a brave woman. But now, she's crying because of him. Dahil hindi niya ipinagtanggol ang sarili sa ibang tao.

"Love, don't cry, please. Parang totoo tuloy ang sinasabi nila sa akin." Napamaang na nakatingin sa kaniya si Samarra. Nasa mukha nito ang pagtataka marahil dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya at pagkuwan ay pinunasan niya ang luha ni Samarra gamit ang kaniyang daliri.

"Love, look at me. 'Yang mga mata mo, umiiyak ng dahil sa akin. Nasisira ang mood mo dahil sa akin. Nagagalit ka dahil sa aki-"

"At nagiging masaya ako dahil sa'yo."

Tumingala si Zachary nagbabakasali siya na bumalik ang luha na lumabas sa kaniyang mata. Hindi niya aakalain na masaya rin pala sa piling niya si Samarra kahit madalas silang magtalo. Hindi niya alam na mas higit itong nasaktan sa pang-iinsulto sa kaniya ni Xander.

"Cadden."

Napapikit na lang si Samarra nang sumayad ang labi ni Zachary sa kaniyang noo at hinapit pa siya lalo sa kaniyang baywang. The next thing she knew Zachary was claiming her lips without hesitation.