webnovel

FAKE COUGH

Plano na ni Samarra na pumasok sa loob ng silid nang bigla siyang yakapin ni Zachary, napalunok siya at bakas sa maganda niyang mukha ang pagkabigla at pagkalito. Naninibago siya sa ikinikilos ni Zachary 'yong yakap kasi ay 'yong tipong miss na miss siya.

"What's wrong?" tanong ni Samarra nang makabawi sa pagkabigla, ilang minuto na rin kasing nakayap sa kaniya si Zachary at tila ayaw siyang pakawalan nito. Hindi umimik si Zachary at mas lalong siyang niyakap nito.

"Please, I can't breathe properly." Tinapik-tapik pa ni Samarra ang likod ni Zachary para pakawalan siya nito.'

Natatawang kumalas si Zachary sa pagkakayap niya kay Samarra pero ang kaniyang tawa ay unting-unti nawala nang matingnan niya ito mula ulo hanggang paa. Awtomatikong sinapo niya ang pang upo ni Samarra. She didn't have anything else on underneath her clothes? Napalunok si Zachary at muling napadako ang kaniyang tingin sa harapan ni Samarra.

"Y-you're not wearing anything?" nauutal na tanong ni Zachary na wala sa loob ipinasok ang isang kamay sa bandang likuran ni Samarra para ma-confirm ang kaniyang hinala. Nang masiguro nga ni Zachary na tama ang kaniyang hinala, napapaso niyang tinanggal ang kamay sa loob ng t-shirt ni Samarra.

Pasimple napabuga sa hangin si Zachary at tumingala bago bumalik ang kaniyang tingin kay Samarra na may pagtataka sa mukha.

"I'm talking to you, so speak up. Why you are not wearing anything under your...your...?" hindi magawang matuloy-tuloy ni Zachary ang sasabihin niya kay Samarra kaya itinuro na lang niya.

"Gosh! Cadden, I no longer repeat wearing the bra and underwear that I used yesterday." Namumula sa inis si Samarra nang makuha niya ang ibig tukuyin ni Zachary.

"Pero hindi ka lalabas ng kuwarto ng ganiyan," matigas at may diin ang sinabi ni Zachary tila bang hindi ito nasisiyahan sa ginawa niyang pagsuot ng t-shirt at short nito na walang pang-ilalim na suot.

"Makapal ang t-shirt at short mo. kasalanan mo, kung umuwi muna tayo bago tayo pumunta rito malamang nakapagdala man lang sana tayo... ay, ako lang pala. Dahil may mga damit ka pa pala rito." Napapailing si Zachary sa katigasan ng ulo ni Samarra kahit kailan hindi puwedeng hindi sila nagtatalo kahit sa maliit na bagay.

"Don't start me with Ara, you know what I can do to you, or you miss want my punishment?" Napangisi si Zachary nang mapansin niyang pasimpleng napalunok si Samarra at yumuko.

"Now, wear at least your bra." Saka muli niyang pinasadahan ng tingin ang sout na short. Sout ni Samarra ang kaniyang short na black at t-shirt na black dahil matangkad siya kaya nagmumukhang loose ang suot nito. Wala naman makakapansin na walang suot ito na underwear dahil mahaba ang damit nito.

Huminga nang malalim si Samarra nang wala talaga siyang pagpipilian dahil kahit kailan hindi siya nag-uulit ng bra, once na naisuot na niya. Nilampasan na niya si Zachary at kinuha sa bag ang bra at nagmamadaling hinayon ang CR.

Isinara na ni Zachary ang pintuan sa balcony at umupo sa kama habang naghihintay siya kay Samarra. Ilang minuto ay lumabas na rin si Samarra, napaupo ng tuwid si Zachary at lihim na napangisi dahil sa nakasimangot na mukha ni Samarra.

"Umagang-umaga nakasimangot ka, love," ani ni Zachary at tumayo para salubungin si Samarra.

"Don't you dare, Cadden." Natatawang inakbayan ni Zachary si Samarra at iginiya na niya palabas ng kuwarto.

Nang makababa sila ni Samarra bigla silang parehong napahinto at nagkatinginan bago nagkatawanan.

"Seriously, Ara? Ganiyan kalakas ang pagkulo ng tummy mo? Ano 'yan may dragon?" Natatawang hinampas ni Samarra sa balikat si Zachary dahil sa sinabi nito. Kanina pa siya nagugutom kaya lang nahihiya siyang bumaba nang hindi kasama si Zachary.

"Huy, hindi ah, baka sa'yo 'yon," natatawang pagkakaila ni Samarra kahit pa na obvious na sa kaniya talaga galing 'yong tunog.

"Whatever Ara," natatawang wika ni Zachary. "Baka ikaw pa makain ko," dagdag pa niya na sa mahinang paraan na pagkakabulong.

"What? What did you say?" Nakakunot-noong tanong ni Samarra sa kaniya na tila gusto pang ipaulit sa kaniya. Napangisi at napailing na lang si Zachary sa pagtatanong ni Samarra.

"Forget it," pagpuputol ni Zachary sa mga tanong ni Samarra, ayaw niyang ulitin pa ang sinabi niya dahil malapit na sila sa dining area baka marinig pa ng magulang niya ang kalokohan niya at malagot pa siya.

Pagpasok pa lang nila sa dining ay sila na lang ang hinihintay bago magsimula ang agahan. Agad na ipinaghila ni Zachary si Samarra ng upuan bago siya umupo sa tabi nito.

"Mukhang tinanghali ka ng gising Sam," nakangiting tanong ni Daddy Calvin kay Samarra.

"Pasensiya na po, Dad,"

"No, it's okay, minsan lang naman tayo magkakasabay kumain kaya wala namang problema, after nito, may sasabihin pala ako sa inyong dalawa."

Bigla silang nagkatinginan ni Zachary at pagkuwan ay tumingin muli kay Daddy Calvin na abala sa paghahain ng pagkain kay Mommy Lorraine.

"Love, ano sa tingin mo sasabihin sa atin," narinig ni Samarra na bulong ni Zachary nang lagyan siya ng fried rice sa plato.

"I don't know, I don't have any idea."

Habang kumakain ay pansin ni Samarra na ang tahimik ni Ezekiel at tila iniiwasan nito na magkasalubong ang kanilang mga tingin. Kinakausap lang siya ni Ezekiel 'pag nagtatanong si Daddy Calvin tungkol sa kompanya.

Nang matapos silang kumain ay agad silang pinasunod ni Daddy Calvin sa living room. Umupo si Samarra sa single couch habang si Zachary naman ay umupo sa armrest ng couch na inuupuan niya, sina Mommy Lorraine at Daddy Calvin ay nakaupo sa katapat nila at si Ezekiel ay sa katabi nilang upuan.

"Buenavista Corporation will be celebrating its 36th anniversary this coming month. So, I hope you and Zachary will be there. We have one month to be prepared."

Naramdaman ni Samarra na inakbayan siya ni Zachary kaya di niya napigilan ang sarili na tumingala rito, ganoon na lang ang pagpigil niya sa hininga nang halos gahibla lang ang pagitan ng kanilang mukha. Nagkatitigan sila ni Zachary nang may malakas na umubo sa kanilang gilid.

Kaya naman dagling napaayos nang upo si Samarra at napalingon sa katabing upuan na walang tigil sa pag-ubo.

"Zek, iho, okay ka lang ba?"

"Yeah, continue." Napakunot-noo si Samarra habang nakatingin sa mukha ni Ezekiel na hindi pa rin na tumitigil sa pag-ubo.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Daddy Calvin habang si Samarra nakatingin sa mukha ni Ezekiel, kitang-kita niya ang pagngisi at pagkindat nito sa kaniya. Fake cough, Inismiran ito ni Samarra at bumaling muli ng tingin kay Daddy Calvin.

Nang matapos magsalita si Daddy Calvin ay may inabot itong catalogue tag-iisa sila nina Ezekiel, Zachary at siya. Maang man ay binuklat ni Samarra ang catalogue, naglalaman 'yon ng mga gown and tuxedo.

"Pumili na lang kayo ng maisusuot niyo at itatawag natin kay Lucille para mapatahi ang susuotin niyo."

Agad na pumili si Samarra ng susuotin niya isang V-line na mermaid cut black ang napili niyang isuot.

"Youre not allowed to wear that," matigas at mariin na ani ni Zachary sa kaniya habang nakatingin sa napili niyang gown. Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay sa sinabi nito.

"What?"

"You're exposing too much of your body."

"Look, Cadden, it's not like that," nawawalan na ng pasensiya si Samarra habang nakatingin sa frustrated na mukha ni Zachary.

"I said, no!"

"Cadde-"

"Basta ayaw ko, that's final,"

"You decide." Ibinigay na lang ni Samarra ang catalogue kay Zachary para ito na ang pumili ng susuotin niya. Ayaw niyang sa harapan pa ng magulang nito sila magtatalo ng dahil lang sa damit.

Nangingiting kinuha ni Zachary ang catalogue na binigay niya, bakas sa mukha nito ang ngiting panalo dahil hindi na siya nakipagtalo rito. Mula sa mukha ni Zachary ay naagaw ang atensyon ni Samarra nang biglang tumayo si Ezekiel na walang pasabing umalis kahit pa tinatawag ito nina Mommy Lorraine at Daddy Calvin.