webnovel

CIVIL WEDDING

Mahihinang tapik sa pisngi ni Samarra ang nagpagising sa kaniya, hindi niya namalayan naka-idlip na pala siya habang inaayusan.

Nakangiting mukha ni Tita Lucille ang bumungad sa kaniyang pagmulat. "Napakaganda mo iha, bagay na bagay sa'yo ang ayos mo," nasisiyahang wika ni tita Lucille sa kaniya. Ang mata nito nagniningning sa saya. "Halika ka na sa kabilang kuwarto may napili na rin ako ng isusuot mo."

Tinulungan siya nitong tumayo at pumasok sila sa isa pang kuwarto kung saan nakalagay ang kaniyang damit. Isang off-white na mermaid cut ang susuotin niya, simple lang ang disenyo pero napaka-eleganteng tingnan. Nang matapos niyang isuot ang damit saka niya lang nakita ang sarili. Bumagay ang kaniyang no make-up fresh look sa damit na isinuot niya.

"Mukha kang buhay na barbie doll." Napapalakpak si Tita Lucille na tila nasisiyahang sa nakikita niya. Saka niya lang napansin na nakasuot din ito ng isang cocktail dress na kulay old rose.

"Tara na, kanina ka pa inaantay ng guwapo mong groom." Pag-aaya nito at panabay silang naglakad palabas, nakita niya si Zachary prenteng nakaupo sa pang-isahan na upuan at nagbubuklat ito ng magazine.

"Zacky," mahinang pagtawag ni Tita Lucille kay Zachary. Dahan-dahan nitong ibinababa ang magazine na tumatabing sa mukha nito. Tila pa ito nagulat nang makita sila ilang beses nagpakurap-kurap ito ng mata bago tumayo.

Pinasadahan niya agad ng isang mabilis na tingin si Zachary habang naglalakad papalapit sa kanila. Bumagay rito ang suot na tuxedo na midnight blue at brown men's alligator shoes. Hinawakan ang kaniyang siko at iginiya na siya palabas ng boutique habang si Tita Lucille nakasunod sa kanila.

Inis na siniko nang malakas ni Samarra ang kaniyang katabi. Na walang tigil kakahaplos ng kaniyang braso pero imbes magalit at lumayo ito. Mas lalo pa siyang hinapit sa baywang at mabilis na hinalikan ang kaniyang labi.

Galit na tiningala niya ito na sinalubong din ang kaniyang tingin kaya kitang-kita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi nito. Inis niyang inirapan ito at ibinaling sa labas ang kaniyang tingin. Pinasimplehan niya ng pinong kurot ang kamay nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito at hinawakan ang kaniyang baba at hinagkan uli ang kaniyang labi. Sinamaan na niya ito ng tingin parang hindi titigil ito kakahalik at kakahaplos sa kaniya.

"What are you doing?" inis niyang tanong kay Zachary.

"Kada siko, sampal, kurot at sipa na matatangap ko sa'yo hahalikan kita nang hahalikan." Anito at kumindat pa sa kaniya.

Inis niyang tingnan si Zachary pero ang loko hinila siya uli at hinagkan ang kaniyang labi. Pinandilatan niya ito ng mata.

"Hindi naman kita kinurot at siniko. Ah," inis niyang reklamo sa ginawa nitong pang hahalik.

"Love, let's pretend that we're in love," mahinang bulong nito sa kaniya. Ngumuso pa ito para ituro ang driver na nasa harapan nila.

Pretend? Mataman niyang tiningnan si Zachary bakit mukhang hindi ito nagpre-pretend o baka magaling lang itong umaarte.

"Pretend pala ang gusto nito, huh? Puwes humanda ka mamaya dahil magpre-pretend tayo," sa isip-isip ni Samarra.

"Love, what are you thinking?" tanong nito at hinalikan pa uli ang kaniyang buhok.

Ngumiti siya ng ubod ng tamis at pinagsiklop niya ang kanilang kamay. Nakita niyang natigilan ito na tila hindi makapaniwala. Shocks registered on Zachary's face kaya lalo siyang napangisi.

"Love, are you okay?" tanong niya na na-off guard na naman sa kaniyang endearment.

"O, ano ka ngayon? May pa-pretend ka pang nalalaman," anya sa kaniyang isip habang nakatingin kay Zachary. Naputol ang kanilang pagtitinginan nang magsalita ang driver sa kanilang unahan.

"Ma'am, Sir. Nandito na po tayo," anang nito.

Mabilis na tumayo at lumabas si Zachary ng sasakyan. Pumunta sa kabilang pinto para pagbuksan siya. Parang 'yong ngiti niya naka-plaster na sa kaniyang mukha na hindi naman umabot sa kaniyang mata. Pagbaba pa lang niya nasa tapat sila ng Buenavista Hotel and Resort. Isa itong beach resort na malayo ito sa city ng San Carlos. Habang binabaybay nila patungo sa hotel hindi maiwasan ni Samarra ang kabahan, sinalubong agad sila ng isang staff at isang garden wedding ang set up. Hindi niya alam na kaya nilang gawin ang ganitong kaganda na wedding set up sa sandaling oras.

Sinalubong siya nina Tito Calvin at Tita Lorraine habang si Zachary mabilis siyang hinagkan sa labi at nagmamadaling pumunta na sa harap kung saan ito maghihintay sa kaniya. Tumingin siya sa palagid hindi niya kilala ang mga taong naroon at palinga-linga ang kaniyang ginawa walang Kiel siyang nakita.

"Let's go Samarra," bulong ni Tito Calvin sa kaniya. Napilitan siyang ngumiti kahit ang totoo parang gusto na niyang umiyak ng mga sandaling 'yon.

Isang civil wedding pero parang bongga pa ito sa kaniyang inaasahan akala niya haharap lang siya sa judge tapos pipirma ba't may ganito pa? Marami rin ang tao halos hindi niya naman kilala. Marahil mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng Buenavista ang naroon.

Napakagat siya ng kaniyang labi at pinilit ngumiti habang naglalakad patungo sa harapan kung saan naghihintay sa kaniya si Zachary hindi niya maramdaman ang kaniyang paa habang hinahakbang papalapit dito.

"Wear your sweetest smile," bulong sa kaniya ni Zachary. Dumukot ito ng panyo at iniabot sa kaniya. Astonishment was written all over her face na tila nahuhulaan ni Zachary ang kaniyang pagtataka. Kaya ito na mismo nagpunas ng kaniyang luha. Luha? Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kaniyang luha na kanina niya pinipigilan. Kaya pala pinisil siya ni Zachary at binigyan ng warning look.

Buong seremonya ata wala na siyang naiintindihan basta nakarinig na lang siya ng palakpakan at iginiya siya ni Zachary para magkaharap sila.

Nakangiti ito katulad niya hindi umabot ang saya sa mata nito kaya napilitan na rin siyang ngumiti nang matapos siyang hagkan sa labi. Pagpihit nila para humarap sa mga tao. Napalunok siya at nakita niya si Kiel mataman lang nakatingin ito sa kanila. Parang hinalukay ang kaniyang t'yan at pinagtutusok ng maraming karayom ang kaniyang puso. Lumapit sa kanila sina Tita Lorraine at Tito Calvin. "Welcome to our family," nakangiting ani ni Tita Lorraine nang humiwalay sa kaniyang pagkakayakap. Ganoon din si Tito Calvin sa kaniya niyakap at winel-come siya.

Nagpatianod na lang siya sa mga nangyayari kahit sa picture taking hindi lumalapit si Ezekiel sa kanila parang mas gusto nito na makipag-usap sa mga babaing nandoon. Hindi rin siyang kinakausap nito.

"What's wrong?" bulong na tanong sa kaniya ni Zachary. Nang ikinawit niya ang kaniyang kamay sa braso nito.

"I can't breathe properly," bulong niya.

"W-what happened? Wait, tara umupo ka muna." Natatarantang inalalayan siyang umupo sa upuan na malapit sa kanilang kinaroroonan.

"Dito ka lang, papahanda ko lang 'yong sasakyan." Anito at nagmamadaling umalis.

Kanina pa siya pinaninikipan ng dibdib halo-halo ang kaniyang emosyon baka kung hindi pa sila umalis baka bumigay na siya.

"Samarra, iha!" Napalingon siya sa kaniyang likuran. Nakangiting naglalakad palapit sa kaniya sina tito Calvin at tita Lorraine.

Napilitan siyang tumayo kahit na nahihilo pa siya. "Yes, Tita-"

Tinapik siya sa balikat ni Tito Calvin. "It's Mom and Dad," paalala nito sa kaniya.

Napangiti si Samarra. "Ano po 'yon ti-I mean Dad?"

"Antayin lang natin si Zachary," ani ni Mommy Lorraine.

"O, andito na pala si Zachary," anito nang makalapit si Zachary sa kanilang puwesto.

"Mom, ano po ba 'yon?" tanong ni Zachary.

Pareho silang nakatingin ni Zachary sa envelop na inabot sa kanila.

"Open it," nakangiting utos sa kanila ni Daddy Calvin. Naglalaman 'yon ng isang susi. Kinuha at iniangat sa ere ni Zachary.

"Para saan 'to Mom?" tanong ni Zachary habang inikot-ikot ang susi sa ere.

"Susi ng magiging bahay n'yo 'yan, at doon na kayo dumiretso." Nakangiting wika ni Daddy Calvin at tinapik pa ang balikat ni Zachary.

Bahay? May bahay na agad sila. Ibig sabihin magkasama sila ni Zachary natitira mula ngayon sa iisang bahay.

"Magpahatid na kayo kay Mang Dado alam niya kung saan kayo ihahatid. Samarra magpahinga ka maigi. Huh! Sabi ni Zach nahihilo ka raw kanina," ani ni Mommy Lorraine.

Tumango lang siya sa mga sinabi ni Mommy Lorraine dahil hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in sa kaniyang isip. Marami pang sinabi sina Mommy Lorraine at Daddy Calvin pero hindi na niya masyadong narinig at hinayaan na lang niya na si Zachary ang makipag-usap sa magulang nito.

Sinamaan niya ng tingin si Zachary at hinila ang kamay na hinalikan nito.

"Para saan 'yon?" takang tanong ni Zachary sa kaniya nang makita nito na pasimpleng pinunasan niya ang kamay.

Tinaasan niya ng kilay at hindi sinagot ang tanong ni Zachary sa kaniya. May gana pang magtanong sa kaniya. Samantalang kanina kausap nito ang magulang, sinabi na pauwiin ang mga katulong dahil gusto nito na dalawa lang sila sa bahay hindi man lang hiningi ang kaniyang opinyon. Hindi na rin sila pinag-drive ni Mang Dado dahil katwiran nito gusto nilang mag-solo sa bahay.

Bumukas ang isang malaking gate nang pindutin ni Zachary ang hawak nitong maliit na remote control. Two-storey contemporary house na white. May malawak na lawn at bermuda grass, well detailed ang labas ng bahay.

Pagbaba pa lang ni Samarra didiretso na sana siya papasok nang bigla siyang pagkuin ni Zach na bridal style.

"Ganito daw dapat bago pumasok sa loob ng bahay," bulong ni Zachary nang makita ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha.

Gusto niyang salungatin ang sinasabi nito, dahil ang alam niya ang gumagawa ng ganito ay 'yong totoong nagmamahalan.

"Put me down," asik niya.

Kung hindi sa sinabi nito sa kaniya kanina, baka maging masaya siya sa ginagawa nito. Pero nagpapanggap lang ito at hindi puwedeng madala siya sa kanilang pagpapanggap.

"Mahuhulog tayo 'pag naglulumiko't ka pa."

Pigil ang kaniyang hininga at ikinawit ang mga braso sa leeg ni Zachary hanggang sa makarating sila sa master bedroom.

Dahan-dahan siyang ibinababa sa kama at mabilis iniwas ang tingin sa kaniya.

"Walang lilipat ng kuwarto." mabilis na sabi ni Zachary.

Napamaang siya sa sinabi nito, sasabihin pa lang niya rito na dapat magkahiwalay silang matulog. Una hindi siya sanay na may katabi sa higaan, pangalawa nakahubad siyang matulog, pangatlo gusto niya marami ang unan na nakapaligid sa kaniya. At pang apat ayaw niyang maulit ang muntikan na mangyari sa kanila.

"Magbihis ka na muna? Wait kaya mo bang hubarin yan? I'm willing to help you, isa pa nakita ko na rin naman 'yan." Ngumiti ito nang nakakaloko sa kaniya habang humahakbang palapit.

Hindi na niya nagawang magprotesta nang pumunta na ito sa kaniyang likuran at ibinababa ang zipper ng kaniyang damit.

Kabasabay ng kaniyang pagdilat ay pagkahulog ng kaniyang suot sa sahig. Kita niya ang pagsuyod ng tingin ni Zachary sa kaniyang katawan. Tumaas ang kaniyang kilay. Wow! Ang bilis mag-fiesta ng mata.

"Uy, ang mata mo." Pinandidilatan niya ito ng mata.

Tanging tawa lang ang isinagot ni Zachary sa kaniya at mabilis na tumalikod. "Wife, pagkatapos mong magbihis magpahinga ka na muna." Anito at lumabas sa kanilang silid.

Tiningnan niya ng masama si Zachary habang palabas ng kuwarto at gigil na pagbagsak niyang isinara ang pintuan.