webnovel

ASSISTANT

Araw ng sabado pero heto si Samarra abala sa pagpili ng kaniyang maisusuot para sa meeting na dadaluhan niya. Ngayon, kasi siya ipapakilala ni Daddy Calvin sa mga executives and board members ng company bilang CAO chief administrative officer. Kaya umagang-umaga aligaga siya kakahanap ng maisusuot. Marami naman siyang damit pero ewan ba niya kung bakit wala siyang mapili. Darn!

"Love, sa bahay pala tayo pinagdi-dinner nila Mom." Tumango lang si Samarra sa sinabi ni Zachary nang hindi niya ito nililingon. Alam na rin naman niya ang tungkol sa dinner mamaya, nasabi na sa kaniya ni Ezekiel kahapon.

"Love, aalis ka ba?" Ramdam niya sa tono ng boses ni Zachary ang pagkadisgusto kaya nilingon niya ito. Nagtama ang kanilang paningin bakas sa guwapong mukha nito ang tila pagkainip.

She chuckled. "Yeah, I have important to do."

Tumatango-tango si Zachary at sumandal sa hamba ng pintuan ng kanilang walk-in closet. Ang tingin nito tila tumatagos sa kaniyang kaluluwa.

"Can I come with you?" seryosong tanong ni Zachary habang nakahalukipkip at inaantay ang kaniyang sagot. Ano raw? Sasama? Kahit kailan hindi naman siya sumama kay Zachary bakit ngayon, gusto nito sumama sa kaniya?

Napabuga siya ng hangin sa kaniyang bibig. Nakakaramdam siya ng pagkainis kung kailan naman kasi siya nagmamadali ngayon pa talaga naisipan ni Zachary na kulitin at tanungin siya.

"Okay."

Natigilan siya nang hagkan ni Zachary ang kaniyang pisngi bago ito naglakad patungo sa CR. Wala sa sariling nasapo niya ang kaniyang pisngi at sinundan ng tingin si Zachary. Biglang lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

Samarra! Come on. Stop thinking. Kailangan mong magmadali at may meeting ka pa, aniya sa kaniyang isipan.

Ipinilig niya ang sarili bago kumuha ng three-piece suit na kulay gray pinarisan niya ng four-inch black stiletto shoes. Ang kaniyang buhok na alon-alon ay itinali niya ng mataas at ikinulot ang dulo. Nag-apply rin siya ng light make-up.

Nang malapit na siyang matapos nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niyang si Jameson ang tumatawag sa kaniya.

"Hello," bungad niya ng sagutin niya ang cellphone.

"Good morning, Lady Summer. I'm outside." Tumango-tango siya kahit hindi siya nito nakikita. Actually, kanina pa naman siya ready. Inaantay na lang niyang lumabas si Zachary sa CR.

"Okay, give me thirty minutes, James." Hindi na niya inantay ang sagot nito agad niyang ini-off ang cellphone at hinayon ang pintuan ng CR. Akmang kakatukin na niya 'yon ay iniluwa na si Zachary. Wala sa sarili na napalunok siya habang nakatingin sa katawan nito. Nakatapis ito ng towel. Mula sa buhok na basa hanggang sa malapad at matigas na dibdib. Bumaba ang kaniyang tingin sa V-line abs nito. Hindi niya magawang iakyat uli ang kaniyang tingin.

"Are you done checking me out? Do you like what you see?" Traidor ang kaniyang mata na ipinagkanulo siya kay Zachary. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at humugot ng hininga.

"Hurry up! mali-late ako sa'yo." Agad niyang tinalikuran si Zachary at hinayon ang pintuan palabas ng kanilang kuwarto.

"You had ten minutes to get ready and wear on something formal. I'll wait for you downstairs." Walang lingon-likod si Samarra na hinawakan ang seradura ng pintuan. Dinig niya ang mapanuyang halakhak ni Zachary nang lumabas siya ng pintuan.

Nasa kalagitnaan na ng staircase si Samarra nang maalala niya ang kaniyang bag at cellphone na nasa loob ng kuwarto. Ayaw man niyang bumalik sa loob pero wala siyang pagpipilian.

Hay! Bakit naman kasi naiwan mo pa Samarra, aniya habang sapo ang sentido for sure siya kung babalik siya sa loob aasarin siya ni Zachary. Napabuga siya ng hangin sa bibig bago hinayon ang hagdanan paakyat.

"Here, naiwan mo. Sinagot ko rin ang tawag mo." Napaangat ng tingin si Samarra kita niya ang mukha ni Zachary na walang kabakas-bakas n ngiti. Problema nito? Inismiran niya bago niya kinuha ng bag at cellphone niya.

"I already safe my digit," patuloy ni Zachary at hinawakan ang kaniyang baywang. Nahigit niya ang kaniyang paghinga habang iginigiya siya ni Zachary pababa ng staircase. Rinig niya ang marahas na paghinga nito. At sa pagkakataon ngayon hindi na niya nagawang umimik dahil ramdam niya na galit ito.

Napasinghap siya nang higitin siya ni Zachary sa braso nang makalabas sila sa gate kung saan naghihintay si Jameson sa kaniya.

"What are you doing here?" hindi niya makita ang mukha ni Zachary pero based sa tono ng boses nito galit ito.

"I'm here for Samarra," maiksing tugon ni Jameson dahil nakaharap ito sa gawi niya. Kaya kita niya sa mukha nito na kampante lang at tila hindi nababahala sa tono ng boses ni Zachary.

"What?" Akmang susugurin na ni Zachary si Jameson mabilis siyang pumagitna sa dalawa.

"Umalis ka d'yan." Matalim siyang tiningnan ni Zachary habang ang kamay ay nakakuyom.

"Oh, gosh! Zachary! Ang aga-aga. At puwede ba tigilan mo ang pagiging isip bata," hindi na maiwasan ni Samarra na mainis sa ginagawa ni Zachary sa kaniyang assistant.

Natigilan si Zachary sa narinig. Fuck! What the F? Siya pa talaga ang isip bata? Napahilamos siya ng kaniyang mukha. Irritation was written all over his face. Ramdam niyang sasabog na siya. Kanina nang sagutin niya ang tawag sa cellphone ni Samarra nakapagtimpi pa siya. Pero mas masakit pala 'yong mismong harapan niya pinagtatanggol nito ang ibang lalaki.

"Cadden, please... don't be childish. Jameson is my bodyguard and my assistant." Napatingala siya sa langit at napabuga ng hangin. Siya pa ang childish. Fuck! Talaga.

"What?"

"Cadden, si Jameson bodyguard at assistant ko, kaya please ayoko ng gulo."

"Kailan pa?"

"Matagal na, kaya tigilan mo na 'yan at tigilan mo si James. Kung gusto mong sumama pumasok ka na, ayokong ma-late ng dahil sa'yo." Padabog na pumasok si Samarra sa loob ng sasakyan.

Naiwan siyang natulala sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam kung papasok ba siya sa loob ng sasakyan o mananatiling sa labas lamang. Napabuga siya ng hangin sa bibig bago napilitan na sumunod kay Samarra kung saan ito nakasakay.

"Buti naman naisipan mo ng pumasok," bungad na wika ni Samarra sa kaniya. Mataman niyang tiningnan si Samarra at iniwas ang tingin. Ayaw niyang patulan ito dahil alam niyang mali siya. Hindi dapat siya umasta ng hindi maganda lalo pa't nasa may ibang taong nakaharap sa kanila. Pero fuck! Naiinis siya to the fact na ngayon niya lang nalaman na magkakilala ang dalawa at matagal na. Damn! Parang gusto niyang magwala sa sobrang inis.

Habang nasa daan panaka-nakang sinusulyapan ni Jameson ang dalawa sa likod. Walang imikan parehong nakatingin sa labas ng bintana. Naiiling siya at masaya siya sa para kay Samarra, hindi man nito aminin alam niya na may malaking pagbabago na naganap kay Samarra at alam niyang dahil kay Zachary 'yon. Knowing Samarra hindi ito basta na nanahimik kung alam nitong tama ito.

"Lady Summer, andito na po tayo," pagpukaw ni Jameson.

Mabilis na kumilos si Samarra at tinapik ang binti ni Zachary. Sinalubong niya ang tingin ni Zachary na tila nagtatanong kung ano ang ginagawa nila sa Buenavista Corporation. Wala na siyang oras magpaliwanag kung bakit at ano ang gagawin nila.

"Let's go." At hinawakan na niya ang kamay nito palabas ng sasakyan. Habang si Jameson ay ibinigay ang susi sa valet na nakaabang sa tapat ng entrance.