webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Let You Go

Nakalabas ako ng bahay dahil pinayagan ako ni Papa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman... Sakit, lungkot, takot, excitement. Habang palapit ako ng palapit sa park ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

Ayokong isipin ang mga susunod na mangyayari. Ayokong isipin ang reaksyon niya, kung ngingiti ba siya katulad ng pagngiti niya sakin noon o kakamuhian niya na ako sa pagiging duwag ko?

Nadama ko ang lamig ng hangin... inilibot ko ang aking mga mata. Payapa ang buong paligid... mga magkarelasyong magkahawak ang kamay habang naglalakad... mga batang naglalaro...

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi nga ako nabigo...

I always watched over you from a far

Because you seemed like my love

I thought you felt the same way

Although you were looking somewhere else...

Agad akong tumakbo sa pinakamalapit na puno para magtago. Sumandal ako doon upang pakiramdaman ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito na para bang hindi ko kakayanin kapag nakaharap ko na siya mismo.

Ngunit sadyang hindi nagkasundo ang utak at katawan ko. Namalayan ko na lang na unti-unti kong sinisilip ang lalaking mahal ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Richard... nakatayo at dinadama ang hangin.

Agad akong napangiti...

Nakatalikod siya mula sa akin pero tanaw ko ang tamis ng ngiti niya.

Like the wind, like the dust

I can't catch you,

I can't see you

Sana ganito na lang siya palagi. Sana sa lahat ng nangyari, palagi lang siyang nakangiti.

Remember love you

I love you

I believed it was love

I called it destiny

Remember love you

I love you

In your eyes

I'm living in there

Richard Lee... lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari, ikaw ang taong hindi ko bibitawan.

Ngumiti ako at hinanda ang sariling humarap sa kanya.

Handa na akong isugal ang lahat. Handa na akong suwayin ulit ang lahat.

I only answer to you

Hold on to me while I'm swaying

My love my love

Down my heart's window

...pero bago pa ako makahakbang ay naramdaman ko na ang pagpigil sa akin ng isang braso. Sumalubong sa akin ang galit na mata ni Mama...

Agad akong tumingin sa iyo... sa payapa mong ngiti. Sa huling pagkakataon ay gusto kong hawakan mo ang kamay ko.

Tears fall

They answer me

You're someone

who I can not have...

Mahal na mahal pa rin kita. Araw araw. Sana alam mo yan.

A person I have to forget

My love is getting further away

I need to let you go...

...

"Hindi ka talaga makikinig?!"

Itinulak ako ni mama papasok ng bahay. Sumalampak ako sa sahig pero tumayo lang ako ng walang gana. Para bang naging manhid na ako sa paulit-ulit niyang paghadlang.

Nakita ko sa isang gilid sina besty at Ella na nakatayo at nakatungo. Kasabay ang pagbaba ni Papa mula sa itaas.

Muli akong tumungo.

"Bakit ba ang kulit mo?! Hindi ka na nakakaintindi?! Hindi mo na ako nirerespeto?!"

"Tita... kasalanan ko p-"

"Kayong dalawa!" natigil si Besty sa pagsasalita nang sumigaw si Mama. "Umalis na kayo! Kahit kailan hindi na kayo pwedeng lumapit sa anak ko!"

"MA!" tumaas ang tinig ko. "Bakit pati sila?! Hindi ako papayag! Hindi na ako papayag na control-in mo ang buhay ko! Anak mo lang ako pero hindi mo ako pag-aari Ma-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nadama ko na ang malakas na sampal ni Mama sa pisngi ko. Tumulo ang luha ko hindi dahil sa lakas nito, kundi dahil sa sakit ng puso ko.

Nadagdagan pa iyon ng sampalin ulit ako ni Mama sa ikalawang beses. Para bang wala na akong lakas para magsalita pa. Narinig ko na lang ang pagsigaw ni Papa.

Saka ako nabingi dahil sa lakas ng sampal ni Papa kay Mama.

Halos hindi ako makapaniwala... si Papa na palaging nanahimik. Ni hindi niya kailanman sinaktan si Mama.

Ngayon ko lang nakita na galit na galit si Papa kay Mama. Muling tumulo ang luha ko.

"Matagal na akong nanahimik... dahil mahal na mahal ko kayo ng anak mo. Kahit kailan hindi kita sinaktan... alam mong palagi lang akong nasa tabi mo... pero hindi ko na kayang tignan to. Hindi ko na kayang tignan na parang hindi mo anak ang sinasaktan mo!"

Nanatiling nasa gilid lang ang tingin ni Mama.

"Myra alam ko kung bakit mo ginagawa to, at naiintindihan ko! Sa lahat ng tao ako ang pinakanakakaintindi sayo!! Pero... walang kasalanan ang mga bata... Pano mo natitiis makita sila na hindi masaya?"

Sa katahimikan ay pumangibabaw ang hikbi ng Papa ko. Tumingala siya para pigilan ang iyak niya. He's always been this kind of man... mukhang matikas, maskulado, pero malambot ang puso at mapagmahal. Alam kong sobrang nilaksan niya ang loob niya para ipagtanggol ako mula sa babaeng pinakamamahal niya... kay Mama.

Lumapit si Papa sa akin para hawakan ako sa dalawang balikat. Hinaplos niya ang buhok ko at tinitigan ako sa mata habang puno pa ito ng luha.

"Sorry, anak." saka siya muling umakyat sa itaas ng bahay.

...

Lumipas ulit ang ilang linggo na naging sobrang tahimi ng buong bahay. Gan'on pa rin, papasok ako at uuwi at matutulog. Sa school ko na lang nakakausap sina Besty at Ella. At hindi ko pa ulit nakikita si Richard Lee.

Buong linggo ay naghintay ako na baka maghintay ulit siya sa labas ng bahay, o sa Park, o sa paborito naming Science Garden... kung kailan gusto ko na siyang makita ay doon na siya hindi muling dumating.

Hindi ko na rin alam kung pano siya kakausapin.

May mga gabi na buong magdamag ko lang tinitigan ang numero niya sa cellphone ko, pati na rin ang facebook profile niya... pero palagi akong nauuwi sa pagtulog, pagkagising ay papasok ulit na parang normal na araw lang.

Gabi nang maabutan ako ni Mama na nanonood ng TV. It's Saturday afternoon kaya walang pasok. Agad naman akong tumayo para iwasan si Mama, pero bago pa ako makalayo ay hinawakan niya na ang braso ko. Agad kong binawi ito dahil sa takot na baka saktan niya ulit ako.

Nabigla rin si Mama at napatungo. Kita ko sa mata niya ang pagsisisi, kaya unti-unti kong kinalma ang sarili ko para pakinggan ang sasabihin ni Mama.

"Sorry... anak." aniya. Ramdam ko ang luha na pinipigilan niya.

Umupo siya sa sofa kaya naman umupo rin ako hindi kalayuan sa kanya. Ngumiti siya at kinuha ang isang album na nakalagay sa ilalim ng maliit na lamesa... ito yung album na iniingatan niya, ang album na naglalaman ng kabataan niya.

Nakangiti niyang binuksan iyon sa harapan ko.

"Lumaki ako ng kapos, at tanging si Nanay Mira lang ang pamilya." panimula niya, habang tinititigan ang album. "...masaya kami ni Nanay, kahit Yaya lang siya ng isang mabait na pamilya. Pero isang araw, namatay ang amo niya kaya kailangan niyang maghanap ng bagong mapapasukan para masuportahan ako. Kasa-kasama niya ako kahit saan siya magpunta, dahil wala kaming bahay."

Ngumiti siya ng malungkot.

"Hanggang sa mapadpad kami sa mansyon ng mga Marcaida."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Marcaida? Hindi ko maalala kung saan ko nabasa ang apelyidong iyon.

"Mabait naman sila, pero isa sa anak ng mag-asawang Marcaida ay masama ang ugali."

Lumaki ang mata ko habang tinititigan ang mga litrato ni Mama kasama ang tatlong bata, isang lalaki at dalawang babae... na magkamukhang-magkamukha.

"Naging matalik kaming magkaibigan ni Vivian Marcaida, samantalang ni minsan ay hindi ko nakasundo si Dianne Marcaida. Matapobre siya at para sa kanya ang anak ng yaya ay hindi bagay para maging kaibigan niya. Kahit gan'on, palagi pa rin akong pinagtatangol ni Vivian..."

Unti-unti nang nabubuo ang larawan sa isip ko at halos tumigil ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang mga susunod pang sasabihin ni Mama.

"Lumaki ako sa puder ng mga Marcaida, ngunit si Nanay ay mas lalong tumanda. Nakakitaan ko na siya noon ng senyales ng mga sakit pero wala rin naman kaming magawa dahil wala kaming pera... hindi rin naman sapat ang perang kinikita ni Nanay mula sa mga Marcaida. Pero isang gabi, kasagsagan ng bagyo, ay nagising kami dahil pinapahalughog daw ni Ricardo Marcaida ang lahat ng kwarto sa mansyon."

Kumirot ang puso ko nang mabanggit ni Mama ang pangalan ni Lolo Ricardo. Naalala ko yung mga panahon na kumakain ako kasabay sila at si Richard.

Ma, Pa.

"May nawawalang kahon ng mga alahas. Nahalughog na ang lahat ng kwarto pero sa amin ni Nanay ang hindi pa... at sa hindi inaasahan ay doon sa kwarto namin nakuha ang kahon." aniya pa, at doon na nagsimula ang luha niya. "Hindi magnanakaw si Nanay pero iyon ang lumabas para sa kanila. Nung panahon na yon, nakita kong nakangiti ang dalagitang si Dianne, kaya sigurado akong siya ang may pakana n'on."

"Pinalayas kami ng mansyon, habang bumabagyo... habang may sakit si Nanay. Dahil doon ay hindi na nagtagal pa si Nanay, binawian siya ng buhay sa kalsada."

Pinunasan ni Mama ang mata niya at muling tumingin sa akin.

"Pasensya ka na anak, kung sobra akong nagpadala sa galit-----"

Wala sa sariling kinuha ko mula sa kamay ni Mama ang album. Tinitigan kong mabuti ang litrato ng apat na bata. Ang dalawa sa kanila ay totoong magkamukhang-magkamukha. Hindi ko nahalata ito noon. Pero...

Naalala kong may pangalang nakasulat sa likuran nito kaya naman tinignan ko ito.

Dianne. Myra. Vivian. Jaynard.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"S-si V-vivian at s-si Dianne ay... magkaiba?" laglag pangang tanong ko kay Mama. Kumunot lang ang noo niya. "Mama... S-si V-vivian at s-si Dianne ba ang nasa litratong ito? Magkaibang tao s-sila?"

"Bakit?" aniya. "Oo..."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kambal sila... Ang tanging pinagkaiba nila ay ang... peklat sa binti ni Vivian."

Agad kong kinuha ang litrato mula sa album.

Isa lang ang nasa isip ko. Kailangan 'tong malaman ni Richard.