webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Hmm...

Warning: Medyo SPG!

Ayradel's Side

Hindi ako nasasanay sa mga atensyong nakukuha ko. Halos lahat talaga ng nakanood ng Miss Entrep ay kilala ako.

"Hi Ayra"

"P-pre si Ayra o! Yung Miss Entrep!"

"Qosh!"

"Hi Miss..."

Wala akong nagawa kundi ang ngumisi at bumati pabalik sa kanilang lahat, habang tinatahak ang daan papunta sa Student Council's office. Anila'y ibi-brief nila ako sa darating na Miss University sa foundation day ng UP sa darating na November.

"Congratulations again Miss Ayradel," ani ng presidente. "I knew from the start it was you."

"Thank you po." nahihiya akong ngumisi.

Umalis na rin ako agad pagkatapos n'on... medyo napayuko ako dahil may grupo ng kalalakihan ang nagtutulakan sa may pintuan ng SC office. Tumuwid sila ng tayo nang lumabas ako.

"H-h-hi Ayra..." sabi nung isa. Mukha silang mga Senior High School na basketball players base sa suot nila.

"I-Ikaw na Dave!" turo ng isa. Napakamot naman sa ulo yung pinagtutulakan nila.

"Ahm... A-ayra... Ano kaseee pwede bang... ahhh"

"Anong pakulo 'yan?" biglang lumitaw si Richard sa gitna nila, laglag ang panga n'ong tatlo. Samantalang napalundag naman ako sa gulat.

"K-kuya Richard..."

"Kaya pala hinahanap kayo ni Coach, kung anu-ano inaatupag niyo! Bumalik nga kayo d'un sa gymnasium! Ngayon na! Bilis! Tss..."

Mabilis namang nagsitakbuhan yung mga binata. Kumalabog ang dibdib ko nang tumama sa akin ang mata niya, parang galit siya na ewan kasi kunot ang noo niya at kuyom ang panga. Paatras na ako nang hinigit niya ang braso ko at hinila kung saan.

Napadpad kami sa bakanteng room malapit sa CR ng mga babae. Hingal na hingal niyang ni-lock 'yong pintuan. Walang bintana kaya naman naging madilim, tanging kaonting liwanag lang yung naibibigay ng ilaw. Masikip rin sa loob at parang storage room 'to na tinatambakan ng mga dokumentong hindi na kailangan.

Napalunok ako nang nilingon niya ako.

"A-ano bang ginagawa mo? B-baka may---" bago pa ako matapos ay hinila niya ako para yakapin. Napasinghap ako. "---makakita."

"Shhh," aniya at hinaplos haplos ang buhok ko sa likod. Nagsitindigan ang balahibo ko't sobrang lakas ng  dibdib ko. Amoy na amoy ko pa ang bango niya at damang-dama ko yung biceps niya dahil naka-jersey lang siya ngayon. "Kailangan ko lang ng inspirasyon. Shit, nahihirapan akong sumingit sa 'yo! Ang daming nakatingin. Sabi naman sa'yo huwag kang sumali ng Miss Entrep e, marami na tuloy ang nagkakagusto sa 'yo bukod sa 'kin. Tss kainis!"

Aalis sana ako sa yakap niya pero hinigit niya ulit ako pabalik. Mas humigpit pa kaysa kanina.

"R-Richard..."

Shit! Lahat ng inipon kong inis e biglang nalusaw! Kainis! Nanlambot na naman ako!

"Teka muna..." napapikit ako kasi tumindig na naman ang balahibo ko sa malambing niyang boses. "Why are you so heartless? Mamaya na ang game namin pero hindi mo man lang ako niyayakap pabalik ngayon."

Tinulak ko siya ulit palayo pero ang higpit ng yakap niya. Napasubsob pa ako lalo sa dibdib niya.

"Tss. E diba sabi mo gusto mo ng inspirasyon?!" inis kong sabi.

"Uhuh?" nagtataka niyang tanong.

"Ito nga e, oh,"

Nang lumuwag ang bisig niya ay umalis ako sa kanyang pagkakayakap, saka mabilis na tumingkayad para siilan ng mabilis na halik ang labi niya.

Sobrang luwang ng ngisi ko dahil sa epekto nito sa kanya. Sobrang mahal ko yata talaga ang isang 'to kaya hindi ko kayang magtanim ng inis o galit, at kahit sa simpleng pagkalaglag lang ng panga niya e ikinawawala na ng buong sistema ko.

I bit my lower lip. Bahagya akong nahiya kasi hindi siya nagsalita.

"G-goodluck sa laro niyo---" bago pa ako matapos ay kinabig niya na ako ulit upang halikan.

Naging mainit at malalim iyon, halos hindi ko na nga maramdaman ang sarili ko. Ang halik niya'y hindi na katulad noong highschool kami... mas magalaw, mas mainit, mas sabik. Ilang sandali nang maramdaman kong pumasok ang dila niya sa aking bibig.

Shiz!

Parang nanghina ang tuhod ko, mabuti na lang at agad niya akong nasalo. Niyakap niya ang bewang ko habang hindi pinuputol ang halik, saka siya gumalaw upang umupo sa isang armchair na malapit.

Automatic na napaupo ako sa kanyang hita, at napayakap sa kanyang leeg.

Gawd!

Sobrang nakakalasing! Parang nawawala ako sa ulirat at sobrang init!!! Napasabunot na ako sa buhok niya dahil sobrang nakakabaliw 'tong pinaparamdam niya.

"Sh1t Ayra! Huwag mo akong tuksuhin ng ganyan!" aniya saka na naman ako hinalikan.

"Hmm..." tanong dapat 'yon pero hindi ko alam kung ba't naging gan'on yung dating.

"Shiz!"

Mas lalo niya pang idiniin ang sarili niya sa akin, mas lalo ko rin siyang niyakap. Bumaba na rin sa leeg ko yung halik niya, samantalang ang kamay niya naman ay nagsimula nang maglakbay sa aking likuran.

Doon ko ramdamang parang may tumusok sa may bandang puwetan ko. Nakapalda lang ako samantalang naka-jersey shorts lang siya kaya naman damang-dama ko.

"Oh fudge!" napatayo siya ng hindi oras at napalayo.

Gan'on rin ako. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o mahihiya sa reaksyon niya. Nakatalikod na siya sa akin ngayon at nakasandal ang isang kamay sa pader. Ang bilis ng paghinga niya na parang hinihingal.

"K-kailangan kong mag-CR." aniya habang hindi ako tinitignan.

I swear, pulang pula na ang pisngi ko dahil ngayon lang nag-sink in sa akin ang nangyari.

"S-sige..." I bit my lower lip. Tinignan niya ako ulit pero agad ring umiwas.

"Shit!" mura niya na naman habang napapapikit. "I-ikaw na maunang lumabas. W-wala namang tao..." aniya.

Dahan-dahan pa akong lumapit sa may pintuan dahil hanggang ngayon nangangatog pa rin yung tuhod ko sa kaba at sa nangyari kanina. Hawak ko na yung doorknob nang muli niya na naman akong hinalikan...

Malalim, pero saglit lang. Nakakainis dahil mukha akong nabitin! Tsk!

Itinikom ko ang nakaawang kong bibig.

"M-mahal kita." aniya, kumalabog ng husto ang puso ko, kasabay ng pagdaan ng takot sa mata niya dahil hindi agad ako sumagot...

Hinanap ko muna ang bakas ng galit o inis sa puso ko, pero wala na akong mahagilap. Lahat ay nilusaw na ng halik niya kanina.

Ngumiti ako at pinadausdos ang palad ko sa buhok niyang magulo upang ayusin ito.

"Mahal din kita."