Ayradel's Side
"Hindi ko kilala talaga yung Santiago na yan huh, pero naririnig-rinig ko na... gwapo daw yun eh?" pag-iintriga ni besty at nagtaas-baba pa ng kilay niya.
"Ha?" medyo nagtaka si Ella. "Ano eh... I can say na gwapo at attractive nga yung si Santiago pero-"
"I'm glad that you find me attractive, Louella."
Napatigil kaming tatlo sa pag-uusap at napatingin sa taong nagsalita. Halos malaglag naman ang panga ko pagkakita ko sa taong yon, na ngayo'y may dalawang lalaking kasama sa likuran niya.
Si... at si...? Napansin ko agad yung pasa sa gilid ng labi nung lalaki sa harapan namin.
"A-anong- Bakit ka nandito?" dinuro ni Ella yung lalaki habang nakatingala siya dito.
Nag-smirk ito saglit pero bumalik agad sa pagiging straight ang mukha niya.
"I can't remember that you owned this school."
Umawang ang bibig ni Ella. "Aba huh."
"At baka nakalimutan mo na," napatigil sa pagsasalita si Ella at medyo napaatras nang yumuko yung Santiago para maging magkalevel ang mga mukha nila. "You owe me. Bigtime." dugtong nito bago umayos ng tayo ulit. "Sumama ka sa amin. I need you in school this time."
Tumalikod yung tatlo pero nagsalita ulit si Ella.
"Ikaw nakakainis ka na ha! Stalker ba kita?! Pano mo ako nasundan dito?!!"
Tinitigan muna siya nung Santiago. Kami naman ni besty nakatanga lang dito habang nagtititigan sila don.
Katulad noong una kong nakita ang lalaking 'to, talagang straight na talaga ang mukha niya.
"Are you stupid?" sabi ni Santiago kay Ella, bago ito parang may dinukot sa bulsa niya. Nilabas niya yung cellphone niya tas nagbrowse saglit at hinagis ito kay Ella.
"Wah!" nanlaki ang mata ni Ella at muntik pang di masalo yung cellphone.
"My tracker was still on you, and guess what?" aniya, na nagpakunot ng noo sa aming lahat. "The red light in that screen represents you. Hindi yan tumitigil kasi napaka-gala mo. Dora."
Halos mabulunan kami ni besty, pati na yung dalawang lalaki sa likod ni Santi, sa narinig namin. DORA? Pfft.
Kitang-kita ko ngayon kung gano kapula ang pisngi ni Ella.
"And you're much much more explorer than Dora." sabi ni Santi bago tumalikod ulit.
Hindi na nakapagsalita ulit si Ella.
"Tara na Karl, Lei." naglakad na palayo yung tatlo pero tumigil nanaman saglit si Santi. Humarap ito samin, at nabigla ako dahil sa direksyon ko sya nakatingin ngayon.
"And you. Nice to see you again." nalaglag ang panga at kumunot ang noo ko, kasabay ng paglalakad na nila ng tuluyan palayo.
"Besty..." hinawakan ako ni besty sa balikat habang tinatanaw parin ng tingin yung tatlo. "Kilala mo yung Santiago?" tsaka siya tumingin sakin.
Umupo ulit sa harapan namin si Ella na tulala.
"Uh-hm." tumango-tango ako bilang sagot. "Nagkita na kami dati sa mall, tsaka recently dyan sa harap ng bahay namin. Tsaka, Ella, siya rin 'yung..."
"WAAAAAAAAH!!!" nagulat ako sa pagsigaw ni Ella at natigilan din si besty sa pagsasalita. Nakatayo pa siya na parang nagsuper saiyan ang pose. "Nakakainis talaga 'yong Santiago na 'yon! Bakit mo ba kasi pinahiram sa akin yung jacket na yon, Ayra eh!"
"Sana maintindihan ko kayo noh?" sambit ni Besty.
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang nakatayo nang si Ella ngayon. "Huh? Ano namang kinalaman ng jacket sa inyong dalawa?"
"Yung tracker kasi..." umupo na siya sa wakas. "Nakuha ko yon sa jacket na bigay mo nung nang-hiram ako ng payong sa inyo dati."
"Ay weh?"
Yung pinahiram din na jacket ni Santi dati nung nasa mall kami, na binigay ko kay Ella kasi wala akong mapahiram na payong sa kanya dati.
"Eto oh." pinakita ni Ella yung keychain na nakasabit sa phone niya.
"Tracker pala yan? Parang simpleng heart-shape keychain lang." komento ni besty. "Pano ka naman nagkautang sa kanya? Huh? Like, you owe me bigtime Louella." ginaya pa ni besty yung boses ni Santi na malalim.
"Wala... Nasapak ko kasi yun eh."
"NASAPAK?!" sabi ni besty.
"Tsk." sumimangot si Ella. "Oo. Hays. Mahabang kwento eh, tsaka ko na lang ikukwento sa inyo. Sa ngayon, babalik na muna ako sa L.U. baka pag-initan pa ako ng Santi-gago na yun eh. Sige."
"S-sige... Ingat..." sabi ko.
"Bye bye." tsaka na naglakad palayo si Ella.
Napaisip ako...
Did I just...
play the role of a cupid?