webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Chapter 45 (2)

Chapter 45.2: PSH.

Ayradel's Side

SCIENCE QUIZ BEE

Hindi katulad ng nauna na maraming nanonood, ngayon ay nasa isang closed room na lang ginanap ang Science Quiz Bee, Oral phase. Anim na lamang kami ngayong maglalaban laban, at kaming lahat ay dadaan sa tatlong levels.

Easy. Average. And difficult level.

Lahat kami ay nakalusot sa easy, samantalang tatlo ang nalagas sa average, kaya naman tatlo na lang kaming maglalaban para sa Difficult.

Nasasagot ko ang lahat ng katanungan, pero sa pinakadulo ako nalito.

"According to this formula, the lost mass change into large amount of energy. It occupy the law of conservation of energy." Sabi ng teacher.

"Oh, gosh, I knew that!" Napatingin ako sa katapat kong contestant din, at tumaas lang ang kilay niya saka tinakpan ng maigi yung white board na hawak niya.

Napapikit ako sa kaba. This question is 10 points. Kahit pa lamang ako, kapag nakuha nila 'to e lalamang sila ng 2 points sa akin.

''I'll repeat the question,'' pinakinggan ko ulit mabuti ang sinabi ng instructor. ''Well, another clue, this equation shows that energy is equal to the product of mass and square of speed of light. Write your complete answer.''

E = mc2

E = energy

M = mass

C = speed of light

Saka ko itinaas ang white board ko. Naaalala ko ang formula na 'to pero hindi ako sigurado.

Narinig ko pa ang bulong ng babaeng nagsungit din sa akin kanina.

"Pabibo. Equation lang ang tinanong." Aniya na hindi ko na pinansin.

"Okay, let me see your answers." Tinitigan nito isa isa ang aming mga board. "As I said earlier, write your complete answer, so in this stage. Ms Bicol got the points."

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Ms Bicol got the points.

Para akong nabingi sa sinabi ng instructor.

"Congratulation Ms. Bicol, you won the first place."

Para akong binunutan ng isang daang tinik nang marinig ko ang pangalan ko. Para lang akong lumulutang habang nakatayo at kinakamayan ang mga teachers na lumalapit sa akin. Namalayan ko na lang na mayroon na akong hawak na certificate, at may isinabit nang medal si Mrs. Reyes sa leeg ko.

Hindi na nagkaroon pa na pormal na recognition dahil nga delayed na ring naganap ang quiz bee. Pagkatapos ng pakikipagpicture taking at kamayan sa AVR, agad akong lumabas upang magtungo sa room namin. Gusto kong ibalita kay besty at Richard na nanalo ako.

Hinawakan ko ang metal ng aking medal, at parang doon lang nagsink in sa akin ang lahat.

Ngiting-ngiti kong tinatahak ang hallway habang sa sahig nakatingin, nang magvibrate ang cellphone ko. Bago ko pa mabasa ang text doon ay agad na akong napaangat ng tingin sa makakasalubong ko. Hindi ko alam kung bakit biglang tumalbog ang puso ko sa kaba.

Si Jayvee.

Yumuko ako ulit hanggang sa medyo nakalagpas siya, pero mas lalo akong kinabahan n'ong tinawag niya ang pangalan ko.

''Ayra,''

Napalingon ako sa kanya.

Ngumiti lang siya ng tipid. Hindi ko alam pero ngiti ni Richard Lee ang nakikita ko sa ngiti niya. Pareho sila ng ngiti.

''Congrats,'' aniya kaya napangiti ako. ''Galing mo talaga.''

''Thank you,'' napatingin ulit ako sa medal na suot ko. Nahiya ako ng bahagya.

''Sige,'' sambit niya lang saka ngumiti ulit at tumalikod na. Nanatili lang akong nakatingin habang naglalakad siya.

I smiled.

Parang wala na akong maramdamang sakit kapag nakikita ko si Jayvee. Hindi ko na naaalala na iniwan niya akong nakabitin. Na gusto niya ako, pero hindi ko talagang naramdaman.

I inhale, pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko.

Richard<3

I wonder what makes you smiled like that 🙂

Ipagpapatuloy ko na sana ulit yung paglalakad dahil excited na akong ibalita 'to, nang agad akong napaatras sa gulat dahil sa taong unang bumungad sa akin. Naka-cross arms siya na para bang teacher na nakahuli ng nangongopyang estudyante.

''A-ano ka ba naman.''

Tumingin ulit ako sa likuran ko at kinabahan dahil tanaw ko pa rin hanggang ngayon ang likuran ni Jayvee.

''Nagulat ako s-sayo.'' Dugtong ko pa. At bakit ba ako kinakabahan?

Dahil sa text niya? Hindi naman si Jayvee ang nagpangiti sa akin e, kundi itong pagkapanalo ko sa Quiz Bee.

And why am I overthinking?!

Marahang humaba ang nguso niya, na parang batang nagtatampo, saka siya nagsimulang maglakad palapit sa akin. Tumigil siya, at marahang tumaas ang kamay papuntang ulo ko. Napapikit ako nang bigla niyang pinitik ang noo ko.

''ARAY!'' hinampas ko siya sa braso. ''Bakit ka ba namimitik?''

Umirap lang siya sa sinabi ko.

''PSH.'' aniya pa, saka inabot 'yong brown paper bag na ngayon ko lang napansing hawak niya. ''Congrats pala.''

Sinilip ko ang laman ng paper bag, milk na nasa bottle, at isang slice ng chocolate cake na nasa clear na lalagyanan.

''Pinapataba mo ba ako? Palagi mo na lang akong binibigyan ng pagkain.''

Tumango lang siya na parang inosente. ''Para ako na lang magkakagusto sa 'yo.''

Uminit ang pisngi ko pero hindi ko na lang pinahalata.

''Tch. Salamat ah.'' sabi ko.

''Nado saranghae.''

Mas lalo lang namula ang pisngi ko sa mga pinagsasabi niya.

''Huh?''

Humalakhak lang siya ng kaonti bago niya ako hinawakan sa braso para hilain ng bahagya.

''You're welcome,'' aniya. Sumimangot lang ako sa pangtitrip niya sakin. Kung hindi ko pa nalaman kay papa 'yong tunay na ibig sabihin n'on.

"Paano mo pala nalaman?"

"I've been here, bago ka pa lumabas." Aniya.

Tumalbog na naman ang puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba ba o ano. Ramdam ko pa rin 'yong kamay niya sa braso ko.

"Saka, duh, may medal kang suot." Dugtong niya kaya natawa ako dahil nagmukha lang siyang bakla sa pagarte niya.

''Tara na nga,'' napalingon ulit ako sa kanya.

"Hmm?" Sabi ko.

''Saan ka na ba pupunta? Simula ngayon sasama na ako sa'yo palagi.'' saka siya ngumiti.