Ayradel's Side
Tiningala ko ang matayog na building sa harapan ko. Katulad ng nasa google map ay hindi ito mahirap hanapin. Nalaglag pa ang panga nang matanaw ko kaagad ang ganda ng pagka-asul ng kulay nito pagkababa ko ng jeep. Gawa sa salamin na animo'y kumikintab kapag nasisinagan ng araw. Palagay ko'y mga nasa 5 floors ito kung titignan, pero ang tayog pa rin.
May malaking hagdanang gawa sa bato ang dadaanan, nasa dulo no'n ay ang double doors kung saan nakatayo ang dalawang guard. Ginapangan agad ako ng kaba. Hindi ko alam pero sa kada tapak ko, ito na naman yung pakiramdam na maliit ka. Na halos lahat ng nakakasalamuha mo ay walang kasing yaman.
Huminga ako ng malalim at nginitian yung mga guard. Sinilip nila ang bag at I.D ko, nang makasigurado ay agad nila akong pinapasok.
"Uh, saan po ang office ni Richard Lee?"
Lumaki ang mata nila. "Yung may-ari ba kamo nito iha? Siya mismo yung hinahanap mo?"
"O-opo sana..."
"Ay naku! Subukan mo kung pwede mo siyang makausap." tinuro niya yung information desk na nasa unahan. Agad naman akong lumapit dito at nagtanong sa babae.
"Ah, good afternoon, saan po ang office ni Mr. Richard Lee?" tumunganga lamang ito sa akin bago sumagot.
"Sure ka? Kay Sir Lee ka kaagad didiretso? Ano ang pakay nila?"
"U-uh... Sponsorship po."
Tumango-tango yung babae.
"You can't speak to Mr. Lee right now, he has a lot of meetings to attend to. You should talk to his secretary and set a schedule. Ayon kasi rito ay hindi ka pa naka-scheduled."
What?! Ibig sabihin hindi ko pa siya makakausap ngayon at kailangan magpaschedule pa ako?! Langya. Pinapahirapan pa talaga ako ng lalaking 'yon!
"Ahhh... Teka lang ah?"
Tinalikuran ko ito at saka ko kinuha yung cellphone ko. I went to gmail and type "Nandito ako ngayon sa building mo. For sponsorship."
Inis na pinress ko yung send. Saka ako humarap ulit doon sa babae.
"Saan po yung secretary niya?"
"Upo ka po muna sa waiting area. Si Mr. Lee ay nasa 5th floor, pero nakita ko kanina ang secretary niya dito sa 1st floor."
"Sige po."
Naghintay ako ng mga ilang minuto bago ko natanaw ang isang babaeng matangkad, naka-high heels, at may mahabang buhok. Gumigewang ang bewang nito nang lapitan ako. Agad rin akong napatayo.
"Sinabi na sa akin ni Cally, you are a student?" tanong niya na nakataas na ang kilay. Napansin ko pa ang paghead to foot niya sa akin.
"Uh, opo..."
"Kung gan'on bakit si Mr. Lee ang hinahanap mo? You can't just ask him to see you. Alam mo ba kung gaano siyang kahalagang tao? Anak siya ng DepEd Secretary at siya mismo ang may-ari nito, alam mo yun?"
"Uh kasi---" napapikit ako sa inis dahil di niya man lang ako pinagsasalita.
"Sabagay, p'ano mo ba naman malalaman. Ha. Akala mo siguro ka-level mo siya." nalaglag ang panga ko sa bulong niyang rinig ko naman. Nilingon niya ako nang nakataas pa rin ang kilay. "Anyway, I'll give you the email address of EP's promotion manager, 'kay?"
"Wait lang," inis na sabi ko. Mukhang ang unfair ng babaeng 'to e. "Kailangan ko lang po talaga siyang makausap for this project! Magkaschoolmate po kami---"
"I know, pero hindi ka naman kliyente. Hindi ka rin special Miss para iwanan niya yung meeting sa 5th floor at babain ka dito---"
"Lara."
Natigil sa half open ang bibig niya habang nakatingin sa likuran ko. Napalingon rin ako doon at natanaw si Richard Lee na pormal na naglalakad palapit ngayon sa kinatatayuan namin. Muntik nang malaglag ang panga ko sa sobrang lakas ng dating niya, mabuti na lang at napigilan ko kaagad.
Inilagay niya ang isang kamay sa bulsa.