webnovel

PROLOGUE

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko, i decided na aamin nako but, i'll say it in a different language that i know that he can't understand. Gusto ko lang sabihin sa kanya pero ayokong malaman nya, anggulo 'no? Basta! Hahaha

Ng makarating ako sa living room, naabutan kong naka upo si jake sa pang isahang sofa habang nagtatype sa loptop nya while si ate Thalia naman ay naka upo sa mahabaang sofa habang nakatingin sa t.v.

"Ahm, nasan si mr. Kidnapper?" Tanong ko na naka agaw pansin kay Jake pwera nalang kay ate. Huminto si Jake sa pagta type saka nag abalang tumingin saken.

"Sa pagkakaalam ko nasa kusina sya" sagot nya "Thalia nasa kusina si aezer diba?" Baling nya kay ate kaya napalingon din ako pero no response, ni hindi nya man lang kami tinignan. Para syang may malalim na iniisip and yung t.v. lang yung way nya para di namin sya mapansin.

"Thalia--"

"Wag na Jake" tatawagin pa sana nya si ate pero piniglan ko sya, ayokong maistorbo si ate Thalia ng dahil lang sa paghahanap ko kay mr. Kidnapper "Titignan ko nalang kung nando'n sya, bye." Ng tinanguan nyako ay nagpatuloy nako sa paglalakad.

Napapangiti pa ako habang nag-iisip. Ano bang language ang dapat kong sabihin para maganda? Italian ba? Mexican? Eh korea kaya? O kaya French? Whaaaa feeling ko mababaliw nako hahaha.

Agad akong pumasok sa kusina ng makita ko don ang hinahanap ko, si mr. Kidnapper, nagluluto sya. Dumiretso ako sa lamesa at umupo, i know na alam nyang nandito ako pero dahil nga nagluluto sya di nya ko malingon.

Nangalumbaba ako habang tinititigan ang likuran nya, gosh! Kahit nakatalikod ang gwapo parin talaga nya huhuness

"Mr. Kidnapper, I love you" wala sa sariling ani ko, napalingon naman sya sakin saka pinangunutan ako ng noo.

"Ha?"

Ha?hakdog charot hahaha

"Huh?" Yan nalang ang nasabi ko tas napa face palm maya maya..

Gosh! Nag-iisip ako kanina ng language na maganda para sabihin yung i love you tas di ko rin pala mata translate, buwiset!?