webnovel

Chapter 2: Meet Darwin

"This is our son, Darwin Bonifant" pag papakilala ni mr. Bonifant sa anak nila and nag bow naman as a respect si Darwin ng ipakilala sya.

"Good morning" ani nya na nasa 'kin ang paningin kaya binigyan ko nalang sya ng tipid na ngiti.

'Problema neto?'

"She's Jamaica Reigne villa Min our daughter" ani ni mom na itinuro ako " That's Shine Keith Bloom and their brother Dexter bloom" sina ate naman ang tinukoy ni mom."I'm Lani Sharl Bloom and my husband Liam Bloom."

After ng pagpapakilala ay nag yaya na si mrs. Bonifant na magsi-upo kaya umupo na kami. Nagsimula na rin silang mag kwentuhan habang kumakain, ako na man ay walang alam sa pinagsasabi nila kaya kumain nalang ako. Sinadya kong bilisan ang pagtapos sa pagkain ko para lumabas at mag pahangin.

"Sa labas lang ako mom" paalam ko. Hindi 'ko na hinintay 'yung response nila at agad na akong lumabas para pumunta sa nadaanan kong hardin kanina bago kami pumasok sa resto. Umupo ako sa swing saka mabagal na itinutulak gamit ang mga paa ko para gumalaw ito.

Nakakapayapa ng isip ang mga bulaklak na namamasdan ko. Di ko ren maiwasang mapangiti ng makita ko 'yung mga butterfly na malayang lumilipad.

'I wish sana ganyan din ang buhay ko. Parang butterfly, malaya at walang sumasakal, wala ding pumipilit sa mga ayaw ko.'

Agad 'ding nawawala ang mga ngiti ko ng maalala ko ang sitwasyon namin ngayon.

Naghahalo yung inis ko sa sarili pati kila mom at awang nararamdaman ko tuwing maisip ko sina mr. Bonifant. Inis kina mom kasi lagi nalang nila akong ipinapakilala not knowing kung ano ba yung nararamdaman ko dahil sa ginagawa nila and inis rin sa sarili ko dahil wala man lang akong lakas ng loob para sabihin 'yung nasa loob ko, yung nararamdaman ko. Nakakaramdam naman ako ng awa kina mr. and mrs. Dahil isa na naman sila sa mga nadamay sa kalokohan ni mom.

"Hi" gulat akong napalingon sa gilid ko ng may magsalita

"Hello?" Nag aalinlangan na bati ko pabalik kay darwin! Oo, si darwin. Si darwin ang umakupa sa isang swing na katabi ng inuupuan ko

"Bakit ka umalis?"

"E bat andito ka?" Tanong ko pabalik

"sagutin mo muna 'yung tanong 'ko" natatawang ani nya saka sumeryoso ulet."Bakit ka umalis?"

'Kasi 'di 'ko kayang tagalan yung scenario kanina. 'Di ko kayang tagalan na makita kayo ng pamilya mo na nadadamay sa plano ni mom. Naawa ako sa inyo and in the same time, naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong lakas ng loob na lumaban at sabihin yung saloobin ko about dito'

Gusto 'ko sana sabihin sa kanya ang nasa isip 'ko kaso merong part sakin na sinasabing 'wag sabihin kaya i choose to lie.

"Wala kasi akong alam sa pinag-uusapan nila kaya lumabas nalang ako at pumunta dito." Humarap ako sa mga bulaklak ng sabihin ko ang linyang yan. Ayoko kasing malaman nya na nagsisinungaling lang ako. "E ikaw? 'Bat andito ka?" Tanong ko ng 'di parin sya nililingon.

"Kasi andito ka" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya at nagtama ang mga mata namin.

"Ano ngayon kung andito ako?" Medyo nakakunot noong tanong ko.

"Sinundan kasi kita kaya andito ako dahil andito ka" ngumiti sya saka inalis ang paningin sakin."Nag-alala kasi ako kung bakit ka biglang nag paalam e hahaha"

'Ahh, kaya pala'

"Sorry ah" ginaya ko ang ginawa nya, tumingin din ako sa nga bulaklak.

"For?"

"Kasi pinag-alala kita, akala ko kasi pag lumabas ako walang mag-aalala kasi di na man kita ka close, Sila mama busy sa pakikipag-usap, same as your parents."

"Pwede ba 'yon?"

"Oo naman" puno ng kasiguraduhang sagot ko.

"Ah, Jamaica" tawag nya sakin kaya nilingon ko sya.

"Mmm?"

"are you free tomorrow? Gusto kong magkaroon tayo ng date--friendly date. I want to know more about you." Napatitig talaga ako sa kanya saka inisip kung free ba ako.

"Wala naman akong gagawen and i'm sure mabo bored lang ako sa bahay. Sige."

"Then i'll see you tomorrow morning"

"Ok"

"We need to leave, marami pa kasi kaming gagawin e. Kita nalng tayo bukas ah"tumango nalang ako at sinamahan sya pabalik sa resto.

Pagbalik namin sa resto ay naabutan naming nagpapaalam na si mrs. And mr. Bonifant kila mom.

"Mauuna na kami at marami pa kaming gagawin, salamat sa breakfast" ani ni mrs. Bonifant saka sila yumuko. Yumuko din kami saka sila sinamahan palabas ng resto.

Sumakay na kami pabalik sa bahay at tulad ng kanina ay walang nagtangkang magsalita para basagin ang katahimikan.

~To be continued~