webnovel

Chapter 10

Idinial ko agad ang number nya ngunit di nya sinasagot. After 5 rings ay nagdecide nakong mag-ayos dahil di nya parin sinasagot, plano kong puntahan na sya.

After kong mag-ayos ay nakalabas agad ako ng bahay, wala kasi sila mom e may pinuntahan na naman sila. Sinabi ko agad sa personal driver namin ang address ng bahay ni darwin, maya maya lang ay nakarating na kami.

Agad akong pinapasok ng guardia na naka duty ngayon, minsan na din kasi akong dinala ni darwin dito kaya pamilyar na sila saken. Yung isa pa ngang made nakakwentuhan ko pa e hahah.

"I'm looking for Darwin Bonifant" pormal kong ani sa maid, bago lang ata sya dahil ngayon ko lang sya nakita.

Tinaasan nya naman ako ng kilay "Who are you?" Mataray na tanong nya, napataas din ako ng kilay. Aba! Palaban ah. Dont she know that i'm Jamica Reigne Villamin..

"I'm Jamaica" pakilala ko

"I don't care who the hell you are" pagmamataray nya ulet, aba! Tinatanong tanong nya pa kung sino ako tas gaganyan sya.

Gusto nya na bang ma fired?

Sarkastika akong ngumiti "Gusto mo na bang umuwi at hindi na makabalik pa sa trabaho mo?" Pananakot ko, syempre di ko sya kayang i fired dahil di naman namin sya maid pero pwede ko naman syang ipa tanggal kay Darwin dahil sa ugali nya. Kahit na pinagbantaan ko sya, di parin sya nagpatinag.

"As if you can" may himig ng panghahamong saad nya. Magsasalita pa sana ako ng biglang may lumapit na isa pang maid samin.

"Ma'am Jamaica!? Bakit po kayo andito?" Gulat na ani ni kristel, sya yung sinasabi ko na nakakwentuhan ko nung pinasyal ako ni Darwin dito.

I genuinly smile" Andito sana ako para puntahan si Darwin, ang kaso.." lumingon ako sa maid na tinarayan ako "Nagtatanong lang ako tas bigla akong tinarayan." Naging sarkastika ang ngiti ko ng humarap ako sa maid nato, im just asking of where is Darwin Bonifant pero imbes na sabihin nalang kung ano ano pa yung sinabi. Tsh, nakakainis!

Di makapaniwalang nilingon ni kristel si mataray na maid.

"Ginawa mo talaga yon!?" Medyo napalakas ang boses ni kristel kaya napatakip ako sa tenga ko, grabe parang megaphone talaga yung bibig nya!

Tinignan naman sya ni Mataray na maid na parang naaasiwa "Sino ba sya?" Mataray na tanong ni mataray na maid, guys pigilan nyoko masasapak ko tong maid nato..

Charot haha, good girl kaya ako.

"She's Jamaica Reigne Villamin, the youngest daughter of Bloom Family." pagpapakilala sakin ni kristel pero mukhang di sya natakot.

Baka di sya updated haha. Wait parang ansama ko na tuloy

"The time is running, can i know where is Darwin now?" Yumuko naman si kristel sakin saka nag sorry.

"I'm so sorry Ma'am if your time was wasted, nasa kwarto po si Ser Darwin ngayon" ani kristel. Ngumiti nalang ako saka nagpasalamat, dumiretso nako sa kwarto nya dahil gaya nga ng sabi ko masyadong nasyang ang oras ko sa mataray na maid nayon.

Kung gusto nya ng ma fired, dapat sinabi nya nalang para pinatanggal ko na sya. Sinasayang nya lang oras ko e, psh.

Papasok na sana ako sa kwarto ni Darwin ang kaso merong lumapit na maid

Maid again..

Meron syang dalang tray ng pagkain, nilingon ko sya saka pinagtakhan ng tingin. Yumuko sya as sign of respect saka nagsalita.

"Para po ito kay Ser Darwin, di pa po sya kumakain simula nung umalis po sya dito kanina e. Nung mga nakaraang araw din po, tuwing aalis po sya ay kakain sya pero pag balik nya hindi na po." Pagkukwento ng maid, gosh! Feeling ko ako ang dahilan kung bakit ganyan yung ginagawa ni darwin huhu.

Kinuha ko nalang ang tray sa kanya  "ako nalang ang magbibigay" ani ko, parang ayaw nya pa kasing ibigay saken e.

Di nako kumatok sa pintuan ng room nya and besides di naman naka lock e.

~To Be Continued~