11 Chapter 08: Questions

Summer's Outlook

Pagkatapos ilibing ni Walts ay bumalik kagaad ako sa pag ta-trabaho.

Kahit na wala na akong kasama dahil nga sa lahat ng kapwa ko inventor ay pinatay na ni R- man. At wala nading gustong makipag trabaho sa akin dahil nga sa balitang mamamatay tao ako.

Yung mga tao. Inuusig parin ako. Pero dahil nga sa si tito Leonard ang presidente ng bansa at alam naman niya ang nangyari ay binigyan niya ako ng proteksiyon. At siya nadin ang nagpaliwanag sa mga nangyari.

Pero yung iba, hindi talaga naniniwala. Ako talaga ang sinisisi nila.

Pero wala na akong pake alam.

At hanggang ngayon nga eh hindi pa nagagamot ang kamay ko. Ramdam ko na ang sakit at pamamaga nito pero kailangan ko munang gawin ang bagay na kailangan ko para sa susunod na mangyayari.

Kailangan ko kasing mag madali. Gusto ko bago mag isang buwan ang pagkamatay ni Walts ay matatapos ko na si R- man.

At alam kong sa bagong invention kong ito, ay kaya ng tapatan ang kapangyarihan ng halimaw na iyon.

Mataman kong pinag mamasdan ang mga detalye ng aking ginagawa dahil nga sa ayaw ko na muling magkamali ng masagi ng aking paningin ang isang bagay.

Ang silver dagger.

Ang huling natatandaan ko noon ay naiwan ko ito sa palasyo ng sinaksak ko ito doon sa lalaki.

Paanong nakarating ang bagay na ito dito sa bago kong laboratory?

"Summer. Itago mo itong silver dagger. Maari mo itong magamit kung saka sakali, po protektahan ka nito sa kahit na sino! Wag na wag mong hahayaan na maagaw ito ng iba!" Hinawakan niya ang aking kamay saka nilagay dito ang dagger. Silver dagger!

Ewan ko pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Walts tungkol sa Dagger na ito.

Tama! Pinapaingatan ito sa akin ni Walts. Dapat ko itong ingatan dahil ito nalang ang nag iisang bagay na alala sa akin ni Walts.

Hindi ko na inisip kung saan o sino ang nagdala nito dito sa laboratory ko pero salamat nadin.

Hawak ko ang silver dagger ng mapatingin ako sa aking ginagawa.

Tama! Ito nalang ang tanging bagay na alala ala sa akin ni Walts kaya dapat hindi ko ito alisin sa aking katawan.

Kaya naman tinunaw ko ang dagger saka sinama sa ginagawa kong invention.

Sa pagkakatong ito R- man. Matatalo na kita dahil alam ko sa sarili ko kahit anong mangyari kasama ko si Walts.

Kahit na anong laban ang aking harapin. Kasama ko siya.

Mapangiti ako ng makita kong maayos na ang aking ginagawa.

Buo na ang bago kong invention. Ang kailangan ko nalang gawin ay subukan bago ito ilagay sa akin katawan.

Gumawa pa ako ng iba't ibang sample saka sinubukan ko ito kung ano ang kaya pa nitong gawin.

At habang ginagawa ko iyon. Isang scenario nanaman ang pumasok sa aking isipan.

"Ahhhhh!" Sigaw niya habang hawak ang kanyang ulo.

"Ahhhh! Ano ba?" Sigaw niya saka napa upo.

Ilang sigundo pa ang lumipas at natigil siya sa pag sigaw.

Para siyang hinang hina na hindi ko alam kung bakit. Mabilis na hinahabol ang kanyang pag hinga.

What? Paghinga? Kaylan pa siya natutuong huminga?

"Summer!" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ni R- man pero kinilabutan ako.

Yung boses na iyon. Yung boses na iyon. Parang, parang si Walts.

Pero imposible, pinatay niya palang ngayon si Walts. Pinatay niya si Walts. Pinatay niya ang taong mahal na mahal ko.

"Summer!" Lalapit sana siya sa akin pero umiling ako. Hindi ko kayang dumikit sa nilalang na kagaya niya.

Napakunot noo naman siya saka napatigil. Tumulo ang luha sa kanyang mukha na akin namang kinagulat.

Kaylan pa siya natutulong umiyak? Kaylan siya nagkaroon ng emosiyon?

Napabuntong hininga ako saka napatigil sa aking ginagawa.

Nag aalinlangan sa aking iniisip.

Ayaw kong paniwalaan pero paano kung totoo?

Paano kung si R- man ay naging si Walts?

Imposible. Alam ko! Pero sa mga nangyayari sa amin ngayon may imposible pa ba?

At yung mga kasama ni Walts. Hindi din sila normal.

Naalala ko pa.

Tinawag ni Walts ang isa sa mga taong nakikipaglaban sa mga naka suot ng itim na damit at lumapit ito sa amin.

"Exx! Ikaw munang bahala kay Summer. Wag na wag mo siyang tatanggalin sa iyong paningin. Papasok lang ako sa lumang palasyo para hanapin si R- man!" Tumango naman si Exx, yung taong tinawag ni Walts kanina.

Tumingin yung Exx sa akin saka binalik ang kanyang tingin kay Walts.

"Cge master. Ako ang bahala sa kanya!" Tumango din si Walts saka ngumiti sa akin.

"Dito kalang Summer. Hindi ka niya papabayaan!" Mag aapila pa sana ako kay Walts pero mabilis na siyang umalis.

Nagulat naman ako sa bilis ni Walts dahil sa isag iglap ay nasa pinto na siya ng palasyo.

Tatawagin ko pa sana siya pero napatigil ako ng may isang babae ang sumugod sa amin.

Sa subrang bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang yung babae na tumilapon sa sahig. Babangon pa sana ito ng sumugod yung Exx at dinukot ang puso ng babae at tinapon sa kung saan.

Fuck! Fuck! Anong nangyayari? Bakit may ganito?

Tumingin sa akin si Exx at nakita kong pula na ang kanyang mata at may pangil din ito kagaya ng mga makasuot ng itim na kagaya ng kay R- man.

At kung iisiping mabuti halos wala lang ding pinag kaiba ang mga kasama ni Walts sa mga nakita kong mga kalaban nila. Ang kaibahan lang eh ang mga kalaban ay nakasuot ng itim.

Pare parehong mapuputla ang balat, mapula ang mata saka ang labi at may matutulis na pangil.

Hindi kaya iisang klase lang sila ng mga halimaw? Pero ano iyon?

Ano ba ang nilalang na mapuputla,merong pangil at pulang mata?

Wait. Hindi kaya!

Isa silang,

BAMPIRA?

Itutuloy....

avataravatar
Next chapter