"Alright, it's almost time. You can go home. Cleaners stay. Enjoy your weekend guys!" Inanunsyo ng guro sa harapan namin matapos tanggalin ang manila paper na sinabit niya sa pisara.
Parang saglit lang din dumaan ang sumunod na oras pagkatapos ng meeting kanina sa SSG room. Siguro dahil pagod na ako kaya para lang akong timba na may butas sa ilalim na sinusubukang magsalok ng tubig. Pasok ang lesson sa isa, labas din kaagad sa kabila.
Pero, tsaka ko na poproblemahin yung Diagnostic Tests na gagawin next week. Isasantabi ko na rin muna ang mga gagawin ko bilang SSG Assistant Secretary. Ilalagay ko rin muna ang mga responsibilidad ko sa Nutrition Month sa likod. Dahil ang importante ay tapos na ang school time.
Hallelujah! Tao na ulit ang tingin ko sa sarili ko.
"JM! Nagugutom na ako. Kain muna tayo ng isaw." Tinawag ako ni Renzo habang busy din magligpit ng kanyang notebook at ballpen sa kanyang bag.
Minsan talaga hanga ako sa butihin kong kaibigan sa tabi ko. Lakas naman pala maglabas ng gamit, pero wala pa ngang dungis ng sulat yung notebook mo. Noong Grade 6 pa yan ah. Collector's item yarn?
"Sige sige, pero kailangan ko umuwi agad. Hindi muna ako makakalaro ngayon." Nagpaalam ako sa kanya habang nasa isip ko ang mangyayari kinabukasan.
"Hala! Paano yan? Diba may bagong event ngayon sa DoL?" Nanlaki ang mga mata nito bago tinanong sa akin, nakakunot ang noo. Huwag mo na paalala sa akin. Gusto ko nga din umpisahan yun eh!
"Yun nga eh. Nakakainis kasi kailangan ako sa SSG ng Sabado, kaya magpapahinga ako ng maaga." Nagpaliwanag ako sa kanya. Although masarap isipin na buong araw lang ako tatambay sa computer shop nila Renzo, mas nangingibabaw sense of responsibility ko sa SSG, kaya okay lang sa akin.
...
...
...
Shet, hindi ko kaya magsinungaling sa sarili ko! Naiinis parin ako!
"... Baka makikipagdate ka lang doon kay Han eh." Nanahimik ng saglit si Renzo bago ito bumanat sa akin, malaking ngiti ang nakapinta sa kanyang mukha.
Oh, my dear, dear friend Renzo. Napupuno ka ng grasya at talino, kaya parang agos ang pagtulo nito palabas ng ulo mo hanggang sa walang natira. Isa lang ang masasabi ko sayo:
"PAKYU!"
Tumawa lang ang batugan kong kaibigan sa akin habang nagumpisa siyang lumabas ng silid. Hindi man lang ako inantay ng kupal na ito, diba? Daig mo pa si Jamiel minsan pagdating sa galing mambwisit sa akin eh!
"Bilisan mo JM! Nagugutom na talaga ako eh." Sumigaw ito sa akin mula sa bintana habang kumakaway ang kamay nito.
Tse! Magintay ka diyan.
Hindi rin naman ako natagalan dahil ilang saglit lang at lumabas na rin ako ng silid. Kulay kahel na ang kalangitan kaya hindi na siya yung naglalagablab na init tulad ng kanina, pero kailangan pa rin magbaon ng bimpo dahil tagatak parin ang maggiging pawis mo.
"Oo nga pala, hindi ka na dumadaan sa CHS. Tinatanong ni Sir kung kailan ka makakabalik." Inumpisahan ni Renzo ang magkwento tungkol sa kanilang elective class.
"Nagpaalam na ako kanina na next week pwede ako bumalik. Tatapusin ko lang itong proposal ko." Buti na lang at mabait ang advisor namin kaya nang nagpaalam ako noong break time, agad agad niya naman ito tinanggap.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon, sir!
"Ang sipag naman. Parang nagpapakitang-gilas ka kay kwan ah." Parang alon ang mga kilay ni Renzo matapos mangantyaw.
At ikaw naman ang hindi maliligtas sa tukso!
"Baliw! Medyo hapit nga yung schedule ng SSG kasi yung PTA meeting next week tapos yung kasunod naman yung Nutrition Month. Hindi pa nga naaannounce ni Sir Dom kung anong gagawin doon eh"
"For sure kaya mo yan. Hindi ka naman tatawaging Joemarie Labastida kung susuko ka kaagad." Sinubukan niyang pagaanin ang pakiramdam ko. Now, kahit marami na kaagad akong nakikitang mali sa kanya, ang alam kong hindi magbabago ay ang turing ko sa kanya bilang totoong kaibigan.
Actually, parang kapatid na nga tingin ko eh! Pero...
PAK!
Kailangan ba talaga malakas yung hampas mo sa balikat ko? Parang madudurog na mga buto ko sa bigat ng kamay mo!
"GAGO! ANSAKIT! TANGINA MO!" Napasigaw ako sa inis bago bumagsak ang kamay ko sa kanyang likuran. Nang mapahiyaw siya sa sakit, bigla kong naalala yung isang pusa sa cartoon na pinapanood ko dati. Kaboses niya eh.
"Ang lakas naman nun, gago! Madaya, mahina lang sa akin. Paganti!" Nagreklamo si Renzo bago hinanda ang kanyang kamay para hampasin ulit ako. Madali ko naman naiwasan ang atake niya, Sinangga ko ang aking kamay at dineflect paiwas sa akin.
"Bobo, ambigat kaya ng kamay mo! Halos makalas na yung balikat ko sayo." Rumesbak ako sa bintang niya at sinubukan din gumanti, pero imbes na katawan ang naramdaman ko, hangin lang ang naabot ko.
"Tara, gusto mo tapusin na natin to ngayon, Uzumaki Joemarie! Chidori!" Binaba niya ang kanyang bag sa tabi at ginawang ninja headband ang kanyang panyo. Mas mukha kang goons kaysa sa ninja, boy.
"Uchiha Renzo! Bumalik ka na sa bayan ng Konoha! Rasengan!" Wala akong bimpo, kaya yung ID lace na lang ang ginawa kong headband. Tangina, mas mukha akong may saltik ngayon!
"JOEMARIE!"
"RENZO!"
Sa isipan namin, iniimagine ko na ang pinakamadugong labanan na magyayanig sa buong mundo, nagsisigawan ng mga atake at palakihan ng pasabog na kaya namin gawin. Which reminds me:
Diba ninja nga sila. Bakit napakaingay at pasabog mga atake nila?
Pagtingin mula sa realidad, samantala, mukha kaming mga nalutong noodles na nabilad sa araw. Pero kahit mukha na kaming sintu-sinto, hindi ko kaya ipagsawalang-bahala ito. It's a matter of an otaku's pride, dammit!
"Tignan mo sila oh. Laptrip yung mga bata." May isang boses ang pumukaw sa mga atensyon namin.
May isang grupo ng mga dalaga na nakatingin sa amin. Base sa kulay ng kanilang mga ID lace, 4th year na silang lahat. Sa totoo lang, proud ako kasi may napansin pa akong detalye tungkol sa kanila kasi nang makita ko ang mga mukha nila, ito agad ang nasa isipan ko.
...
...
...
CHICKS! AWOOOOOOOOOOOOOOO!
...
...
...
Sorry, nawala yung composure ko ng saglit.
"Pst, JM." Kahit na hindi lumapit si Renzo sa tabi ko, dinig na dinig ko ang pabulong niyang tawag sa akin. Alam ko na ang naiisip niya.
It's showtime!
Inayos ko ang damit at ang ID lace na nakasabit sa ulo ko na singbilis ng kidlat, Pinunas ko ang kaunting pawis sa likod ng polo ko bago ngumiti at sumenyas sa kanila "Hi, ladies."
"Hello~" Mala-rosas ang tinig nila nang bumati sila sa akin. Para akong napadpad sa Baguio sa gitna ng Panagbenga. Holy shit! Ito na ba ang chance ko?
"For sure naaliw kayo sa performance namin. If you want, pwede tayo kumain sa labas. Doon sa may nagluluto sa harapan mo." I can't believe I'm saying this, pero damn Renzo, ang smooth naman ng segue na yun. Alam mo, dapat pala nagtanong na ako sayo kung paano pu-
"At saan naman yun?" May isang dalaga mula sa grupo ang nagtanong. Mukhang napukaw ni Renzo ang interes niya. Hindi talaga ako makapaniwala. Mas mauuna pa talaga magkakajowa si Renzo kaysa sa akin?
NAPAKAUNFAIR NAMAN NITO!
"Doon kay Aling Kikay. Gusto ko kumain ng isaw. Wanna join?"
...
...
...
At sa isang iglap, bumulwak sa tawa ang mga babae sa harapan namin. Tangina, kulelat na naman ako. Oh well, GG, Report Renzo. Feeder.
"HAHAHAHA! Laptrip nga talaga sila." Grabe naman yang halakhak mo ate girl. Wagas na wagas yang tawa niyong lahat.
AAAAAAAAAAAAAAAAAA! Kunin niyo na ako!
"Kaya niyo yan boys. Laban lang." Nagsalita yung babaeng nagtanong kanina habang nagumpisa na sila ulit maglakad palayo sa amin at palabas ng eskwelahan. For sure kami ang pinaguusapan nila, and tataya ako na hindi maganda ang naiisip nila ngayon.
Mission failed, boys. Better luck next time.
Welp, ganyan talaga ang buhay. Sadyang hindi pa ito ang tamang panahon, kaya sa ngayon susunod muna ako sa mga pangaral ni Lola Nidora. Paglingon ko pabalik kay Renzo, inaasahan ko na malulugmok siya, pero nagulat ako ng bahagya nang iba ang bumungad sa akin.
"Gutom na ako. Tara na nga JM!" Masaya nitong batid sa akin bago siya nagumpisang maglakad palabas ng paaralan. Hindi na rin ako nagpahuli at sumunod, pero habang gumagalaw ang mga paa ko, isa lang ang naiisip ko sa kanya ngayon.
Sana ganyan din yung kumpyansa ko sa sarili ko.
As usual, maraming mga tindero at tindera ang nakapwesto sa magkabilang bangketa ng kalsada. Nakita ko ulit yung paresan at napansin ko na iba na ang pinaglalagyan niya ng mga sandok niya.
That is what I call Quality of Life improvement!
"Pogi, bili na kayo ng chicharon! Masarap, bagong gawa lang sa Bulacan." May isang ale na nagaalok ng chicharon sa amin.
Please naman ate, I know I am handsome, kaya no need na ipagsigawan yan. Kung maggiging babae ako maiinlove din ako sa sarili ko eh.
"Ate, pabili nga ng dalawa!" Nagabot naman ng pera si Renzo at kumuha ng dalawang supot. Teka, diba pupunta nga tayo sa isawan?
"Akala ko ba isaw yung hinahanap mo?" Tinanong ko sa kanya.
"Para sa bahay ito mamaya. Magiisaw pa rin tayo." Sagot niya sa akin matapos magpasalamat sa tindera. Hindi na ako nagtanong pa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Fortunately, wala na masyadong stopover si Renzo dahil hindi na kami nagaksaya ng oras para maabutan ang shed na pinagiintayan namin ng jeep pauwi. Dahil Biyernes ngayon, medyo marami ang nagiintay. Shet, pabilisan na talaga na makasakay ngayon.
Pero okay lang, dahil hindi pa muna ako sasakay. Ang pakay namin ay si Aling Kikay na nagtitinda ng barbecue sa gilid nito. Naaamoy ko na ang nagbabagang uling at ang laway na malamang naiwan mula sa taong sawsaw ng sawsaw kada subo.
Natatakam na ako sa amoy ng smoked na germs. Yes!
"Ate! May Isaw ng Baboy ka pa diyan?" Masayang tinanong ng kaibigan ko sa matandang ale na panay paypay sa kanyang ihawan.
"Syempre meron pa! Salang ko na kaagad yung tatlo." Tinapatan naman ni Aling Kikay ang bungisngis niya at naglagay agad ng tatlong stick ng isaw ng baboy sa ibabaw ng grill.
"Kaya suki mo talaga ako eh! Padagdag narin ng tatlong isaw ng manok din." Halos pumalakpak ang tenga ni Renzo bago nagabot din ng tatlo pang stick ng paborito niyang laman-loob sa tindera.
"Sige lang! Ikaw, mijo, anong sayo?" Bumaling siya sa akin at nagtanong kung anong gusto kong iorder.
"Dalawang Isaw ng Manok pati tatlong Betamax nga po." Tinuro ko yung mga gusto ko lamunin mula sa lamesa.
Ngumiti siya sa akin at nilagay niya rin ang mga pinili ko ihawan, katabi ng order ni Renzo. Matapos makitang nakasalang na, pumunta kami sa tabi at naupo sa gilid ng kalye.
Ngayon naman, umiwas ako sa baga ng uling para langhapin ang sarap ng usok ng nasusunog na diesel.
Langhap-sarap!
"Buti na lang meron pa. Laging masarap yung isaw nila dito, no?" Inumpisahan ni Renzo habang nakatingin sa mga dumadaan na kotse sa lansangan.
"Oo nga eh. Minsan kasi doon sa computeran niyo, parang nalasahan ko pa yung patuka sa manok noong bumili ako doon." Bigla ako nakaramdam ng kilabot nang maalala ko noong umorder ako ng isaw sa ihawan malapit sa kanila.
"Si Macoy kasi hindi hinugasan ng maigi, kaya tinaggal siya matapos nun." Kahit anong paliwanag mo pa diyan, hindi na talaga ako babalik doon para bumili. Hindi ko makakalimutan yung pangyayari na yun.
"Huwag na. The damage has been done." Ito lang ang sinagot ko sa kanya. Naging malakas ang halakhak ni Renzo at hindi na pinagpatuloy ang usapan pa.
Mala-kahel na ang kulay ng kalangitan, at napangiti ako sa sarili ko. Finally, naalala ko na ang Tagalog sa kulay orange. Good job, self!
Pero bukod pa doon, parang lahat ng stress na naiipon sa loob ko ay unti-unting lumalabas sa katawan ko. Siguro ngayon lang ako nakapahinga ng todo, sinantabi muna ang mga kaisipan tungkol sa SSG o sa paaralan.
Masarap din pala yung mamahinga paminsan-minsan.
...
...
...
Basta huwag lang tuluyan at habambuhay.
...
...
...
Tangina, may intrusive thoughts talaga na pumapasok sa isipan ko.
"Bakit parang dumami yung dumadaang Toyo-Tough dito?" Nagsalita ulit si Renzo habang nakatingin pa rin sa mga dumadaang sasakyan.
Huh? Teka, parang mali yata yan. Wala naman ako napansin na mga kotse ng brand na tinutukoy niya.
"Mas marami yung Hongda." Napakunot ang noo ko at nagsalita habang pinagmamasdan ang mga kotse sa kalye.
"Sige, paramihan ng makikitang sasakyan sa loob ng 5 minutes. Ang matatalo manlilibre ng softdrinks." Kumasa si Renzo sa kanyang hamon.
Ohohohoho, are you approaching me, mortal? Sigurado ka na ba diyan? Isa akong Labastida, galing sa sinapupunan ng isa sa pinakakilabot na kapitan sa buong barangay. SIyempre, matik na ang sagot ko diyan.
"Sige. Ihanda mo na yang wallet mo."
"Game!" Wika nito habang taimtim siyang binusisi ang bawat sasakyan na dumaan sa harap namin. Total nakasalalay na ang pera ko dito, kailangan ko siya matalo, kaya nagaabang din ako.
...
...
...
Ayun, isa! May pulang sasakyan. For sure, isa ito-
"Toyo-Tough yan!" Sigaw ni Renzo habang tinuturo ang sasakyan na papalapit sa amin.
"Tanga, Hongda yan!" Bumwelta ako pabalik. Hindi ba obvious na mas curved yung itsura ng kotse? For sure Hongda yan!
"Gago, maliliit lang yung Hongda. Malapad yung kotse oh. Bulag ka ba?" Pinunto ng kaibigan ko ang laki ng sasakyan na papalapit, pero siyempre hindi ako papatalo.
"Ikaw yung bulag. Tignan mo yung hubog mismo? Halatang Hongda City yan." Sumagot ako pabalik sa kanya. Hindi ba obvious sa design mismo?
"Tanga, Toyo-Tough!"
"Hongda!"
"Toyo-Tough!"
"HONGDA!"
Unti-unti na namin naririnig yung makina ng kotse kaya pareho na kaming nakatutok sa sasakyan. Hah, ayaw mo pa maniwala ah? Sige, intayin natin makalapit para makita mong tama ako.
3...
...
2...
...
1...
...
At pumarada ang pulang Michibitchy Laser sa harapan naming dalawa.
...
...
...
Scratch that. Pareho lang kaming obob.
"Luto na yung inihaw niyo." Nawala kami sa pagkatulala nang marinig namin ang tawag mula kay Aling Kikay. Alam mo, gutom lang siguro ito, kaya mas nararapat pang kumain na lang kami bago pa mas lalo maging halata sa mga leaders yung kakulangan sa pagiisip namin.
Let's set aside our differences Renzo. Peace and Love lang!
"Tara na." Yaya ng kaibigan ko, mukhang gusto na rin magmove-on mula sa laro. Tumungo ako sa kanya.
"Parating na po. Pabili na rin po ng softdrinks." Sinabi ko pabalik kay Aling Kikay habang tumayo mula kinauupuan at lumapit sa kanya. Walang libreng magaganap at ligtas ang wallet ko.
Naabutan namin ang order namin na nakalagay sa isang disposable na plato. Wow, feeling special si ale ngayon, kasi usually nasa plastic bag lang yan.
Kumuha kami ng tig-isang stick at nilublub ito sa isang garapon na puno ng tinimplahang suka. Siyempre, bilang isang responsableng Pilipino, binabad ko muna ito para hindi ko na kailangan sumawsaw ulit.
Matapos ang ilang saglit, inahon ko na ang isaw at mabilis kong sinubo ito. At nang humaplos ang lasa ng suka, sibuyas, pipino, at ang katas ng inihaw na laman sa aking dila, isa lang ang masasabi ko.
FUUUUUUUUCK, SO GOOD!
Parang biglang bumaba yung matres ko sa sobrang saya, which is ironic kasi wala naman akong matres in the first place, pero that thought's still the same!
"Oh, giliw ko, miss na miss kitaaa~" Napakanta si Renzo habang napapikit sa sarap. Kung makakanta akala mo sasabak sa Tawag ng Tanghalan.
"Sarap yarn?" Komento ko habang natatawang pinagmamasdan ang katabi ko na sobrang busy ngumuya.
"Oo, sobra. Ate, padagdag nga po ng tatlong isaw ulit!" Ngumiti ito sa akin bago niya tinawag si ate para magdagdag sa kanyang order.
Kaya masarap kasama talaga itong si Renzo eh, lalo na kapag tsibugan na. Alam kong dahil nasa kalagitnaan ako ng pagbibinata kaya malaki ang appetite ko, pero para akong malnourished na bata kapag katabi ko na ito.
At ang masama pa, hindi masyadong tabain si Renzo, kahit ilan pa kainin niya. Turuan mo ako paano maging Renzo Cerillo.
Pinanood ko na lang ang paligid ko habang nananahimik sa pagkain na pinapangas ko. At alam mo, habang lumalamyerda ako sa gilid ng kalye, payapa ang pag-iisip ko ngayon.
Hindi na ganoong kasakit sa balat yung sikat ng araw, kaya okay lang sa akin ang nasa labas. And for some odd reason, masayang pagmasdan ang mga taong pauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.
All in all, it is a comforting experience. Kaya nagpahinga ako ng saglit. Parang bumabagsak na nga yung mata ko...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"Tara na. Maggagabi na rin." Yaya ni Renzo matapos magbayad sa tindera. Ang una'y kahel ay ngayo'y lila na ang kalangitan.
Shit, nakatulog nga talaga ako. Nagseset-in na rin yung kinain ko kaya napaidlip ako. Ito na ang tanda na kailangan ko na umuwi.
"Sige, sige, sandali lang." Nagabot ako ng bayad kay Aling Kikay bago ako sumunod sa kaibigan ko na nagaabang na ng susunod na jeep. Buti na lang at saktong may pumapasadang jeep na huminto kaya agad naman kaming sumakay.
Thank God at aircon din ang dumating!
"Salamat sa sibilisasyon at hindi mo ako binigo." Bumuntong-hininga ako habang tinapat ko ang aking sarili sa ilalim ng lagusan ng malamig na hangin.
Yes, gawin mo akong frozen na hotdog. Tsaka ko na problemahin yung natutuyong pawis sa likod ko.
"Kung kumilos ka akala mo walang aircon sa bahay nila." Nagside-comment ang butihin kong kaibigan sa tabi ko. Wow ah, kala mo siya malinis. Tinapat mo nga yung tatlong lagusan sayo.
Ano ito, may ari ng buong kooperatiba?
"Anyway, mamaya lalaruin ko yung bagong game mode sa DoL. Babalitaan na lang kita next time kung sino gagamitin natin." Banggit ni Renzo habang abala sa kanyang phone. For sure, pinapanood na niya yung mga ibang naglalaro.
"Sige lang. Manood ka lang, para hindi ka na bano maglaro." Kantyaw ko bago ako sumandal sa likuran. For sure may binabanggit siya sa akin tungkol sa laro, and under normal circumstances, papakinggan ko naman siya.
Pero ngayon, lumilipad na ulit yung kaisipan ko. Ang hinihiling ko na lang ay ang malambot at masarap na lambing ng aking kama sa bahay. Nakakain na rin naman ako kaya pwede na ako dumiretso ng tulog.
At kahit na gaano kalaki yung nais kong maglaro o manood, mas nangingibabaw yung kailangan ko magpahinga dahil bukas aalis ako kasama ang SSG.
Yung isang araw ng pahinga ko, gagamitin ko para tapusin yung trabaho ko.
Yung isang araw ng pahinga ko, magpapakahirap ako kasama si Jamiel...
...
...
...
FUCK! PATAYIN NIYO NA LANG AKO! Hindi ba sinabi ng Biblya na ang ikapitong araw ang araw ng pahinga? Napakaunfair naman nito, isusuplong ko kayo sa DOLE!
At ang mas masama pa, hindi ko kaya magpanggap na magsakit-sakitan bukas, lalo na kung kasama sina Alex at Armi. Mas magaling pa si Alexander mangilatis ng mga alibi kaysa sa mga mahistrado ng Korte Suprema. Guilty kaagad ako doon!
Si Armi naman...
...
...
...
Si Armi naman...
...
...
...
Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano ko ia-approach ang SSG Secretary. Now, alam ko na mas makapal ang mukha ko kumpara sa normal na tao, for the most part, pero judging on how I acted earlier, tiklop pa rin ako sa kanya.
Okay lang sa akin magmaang-maangan kung bakit. Naging bukambibig ko na nga yung linyang 'nakamove-on na ako at naghahanap ng bagong jowa' na parang sirang plaka, at matapos ang ilang linggo, pakiramdam ko na unti-unting naggiging totoo ito.
Pero ngayon? Matapos maramdaman na parang nilagyan ng asin yung sugat na akala ko ay naghilom at namanhid na, isang tanong ang nagpapabagabag sa akin:
"Nakamove-on na ba talaga ako sa kanya?" Hindi ko napigilang mapabulong sa ere.
Shit, oo nga pala nasa jeep pa ako. Baka mamaya iniisip nila na baliw ako at kausap ang sarili ko. Hindi pa naman nila alam na yung mga readers ng storyang ito ang sinasabihan ko.
Anyway, nang lumingon ako sa paligid ko, hindi ko na nakikita ang kaibigan ko sa tabi. Siguro bumaba na siya at hindi ko narinig yung bati niya pagbaba. Pero, hindi pa rin maalis sa isip ko ang tanong na ito.
Kaya siguro hindi ko mapigilan maging hesitant para bukas. Alam ko ang responsibilidad at bigat ng trabaho ko bilang SSG member. Tama si Renzo kanina na aware ako sa pinasukan ko, kaya hindi doon nagmumula yung pangamba ko.
At kahit na anong takas ko, hindi ko matatanggi ang katotohanang nasa harapan ko:
...
...
...
Takot pa rin ako makita siya.
Hindi dahil may ginawa akong kababalaghan sa kanya na kailangan na akong isuplong sa Women and Children's desk ng pulisya.
Hindi rin dahil iniisip ko na isa siyang halimaw na nangangain ng mga inosenteng tao. And I am real aware na hindi ako inosente at hindi rin akong tao.
No, I would take this to my grave, pero natatakot ako na baka mahulog ulit ako sa kanya dahil kilala ko ang sarili ko, more than anyone else.
Isa akong hopeless romantic, at hanggang ngayon mataas pa rin ang pagtingin ko sa kanya. Na kahit napakasakit ng pagtanggi niya sa akin ng araw na iyon, hindi ko matanggal sa isipan ko na once upon a time, siya lang ang tanging nagpakita ng pake sa buong paaralan.
At ang bagay na yun ang hindi matitibag kahit ng masasakit na salita. I owe it to her.
Kaya nga sumunod ako sa yapak niya, at muntik na ako bumitaw matapos ang confession, kung hindi lang dahil kay Alex.
Akala ko kaya ko siya harapin matapos ang bakasyon, na malulunod ako sa trabaho para mapansin pa ang hinanakit na naisip ko'y tapos na. Pero hindi, nagkakamali ako. Hanggang ngayon, may kaunting pag-asa pa akong pinanghahawakan.
...
...
...
Mukhang hindi pa ako handa. Pero bakit ngayon ko lang ito napan-
"JM!"
At sa isang iglap, may narinig akong boses na tumatawag sa akin mula sa labas. Pagtingin ko sa gilid, nanlaki ang mga mata ko nang napansin ko ang kaisa-isang babae na kayang makipagsabayan sa tumatakbong jeep.
"Jamiel!"
"JM!" Sumigaw ulit ang babae habang pumepedal sa kanyang bisikleta. Napakalaki nitong ngumiti habang kumakaway. Sa totoo lang, kung umayos lang ng asta itong babaitang ito, pagkakaguluhan talaga siya ng mga lalaki eh.
Ngayon, mas mukha siyang Amasona! Tangina, nakakatakot! Mukhang malapit mo pa maovertake yung sasakyan! May lahing kabayo ka ba?
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napakaway lang din ako pabalik sa kanya.
Nang makita niya akong binalik ang pagbati niya, mas lalong lumapad ang mga ngiti sa labi niya. Nilagay niya ang pinangkaway niyang kamay sa gilid ng kanyang bunganga at sumigaw:
"HUMANDA KA BUKAS AH! MAGSUOT KA NG MAGANDA!"
Pagkasabi niya nito, binalik niya ang kanyang kamay sa manibela at pumadyak ng mas mabilis. Gago, talagang naovertake niya nga yung jeep! HALIMAW KANG HAYOP KA!
Take note, napakamatipuno ang core strength ni Jamiel Han, so hindi uubra ang mga body shots. Siguro haymaker na lang ang option ko. Napasandal na lang ako pabalik sa upuan ko habang iniisip kung masusurvive ko ba makatapat siya sa boxing ring.
Nasaan nga ba ulit yung iniisip ko?
...
...
...
...
...
...
Huh, nakalimutan ko na. Tanginang babae kasi iyan. Siguro tutulog ko na lang tuluyan ito pagkauwi ko. Bahala na kung anong pwedeng mangyari bukas. Que sera sera, ika nga.
At habang hinihintay ko makarating sa babaan ang jeep na sinakyan ko, hindi ko mapigilan mapangiti. At least gumaan ng kaunti pakiramdam ko. Maghahanda na lang ako bukas para makaungos sa kanya. Nakakarami na siya eh. Kaya napabulong na lang ako sa sarili ko habang lumalaki ng kaunti ang bungisngis sa bibig ko.
"Walanghiyang Jamiel yan. Parang tanga lang."
Tell me what you think of this one! Vote lang tapos pwede ka rin magcomment para sabihan mo ako kung ano suggestions or feedback sa story ko! Also, wag kalimutang ilagay ito sa library nyo! Thanks for reading!