webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasy
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 2

           Agad na nagbihis si Arianne pagkadating sa kanyang inuupahang apartment. Magluluto pa siya ng pagkain para sa gabihan. Sobrang busy niya ngayong araw na ito.

          Habang naghahanda, ay sinasabayan niya ang kanta na galing sa kanyang mobile phone. Kahit gaano pa man siya ka busy ay masaya parin siya sa bawat araw na umuuwi siya. Nagluto siya ng ginisang gulay na may kasamang alamang. Paborito niya kasi yon. Nagluto din siya ng adobong baboy.

          Habang hawak hawak ang sandok ay pamaya't maya ay sumisipol siya dahil sa tugtog. Sa edad na 25 ay masasabi ni Arianne na swerte parin siya kahit na maaga man binawi sa kanya ang kanyang mga magulang. Alam naman niyang kahit hindi man sila nito nakakasama ay sigurado siyang binabantayan naman nila siya sa bawat oras.

          Nang matapos ang niluluto ay mabilis na nagsandok ng pagkain si Arianne. Magana siyang kumain dahil lahat paborito niya ang mga niluluto niya. Hindi niya namalayan na nakaubos pala siya ng dalawang platong kanin. Sobrang busog siya ng tumayo sa mesa. Hinimas himas pa niya ang kanyang tiyan sa pagbabaka sakaling mabawasan ang kabusugan niya.

          Nag stay muna siya sa sala ng kanyang apartment ng isang oras at nanuod ng tv bago siya nagpasyang pumasok sa kanyang kwarto para maligo at makatulog. 

**********

          Kinabukasan ay maaga na namang pumasok si Arianne. Kinaugalian na kasi niya ang gumising ng maaga para daw hindi siya lagi gagahulin sa oras. Pagkadating sa building ay tanging si Manong Gurad palang ang nakita niya doon.

"Good morning po Ma'am". Bati sa kanya ni Manong Guard.

"Good morning po". Ganting bati naman niya sa guard.

          Mahigit limang taon na din nagtatrabaho si Manong Guard dito sa kompanyang ito. Ang totoo niyang pangalan ay si Crisostomo Sandoval, 45 years old. Sa pagkaka alam niya ay siya lang ang guard na nagtagal ng limang taon dito sa kompanyang ito. Ang dating mga nasisibak na mga taga bantay usually natatanggal daw sila dahil hindi ginagawa ng maayos ang serbisyo. Minsan pa nga daw nagka problema noon dahil naabutang natutulog pala ang guard sa pwesto habang nakatayo at nakapikit pala. Akala mo nga daw eh nakatayo at nagbabantay, yun pala eh pikit ang mata.

          Pagkadating sa kanyang pwesto ay agad niyang kinuha ang kanyang tasa para kumuha ng mainit na tubig ng makapag kape habang hindi pa naman oras ang trabaho. Maganda dahil lagi siyang nagbabaon ng 3 in 1 coffee kapag pumapasok.  Lalabas pa siya ng kanilang opisina para pumunta sa kitchen para doon kumuha ng mainit na tubig. May malaking kitchen kasi ang building na iyon. At allowed naman sila magpunta doon para magkape etc. Nang kumulo ang pinapainit niyang tubig sa electric kettle ay mabilis siyang nagsalin sa kanyang tasa at nilagay ang kanyang kape. Ilalapag na sana niya ang kettle sa lagayan nito ng makarinig siya ng tikhim sa baritonong tinig. 

"Hhhmmmm!"

          Sa gulat ni Arianne ng may nagsalita sa likuran niya ay bigla niyang natabig ang kanyang tasa, dahilan para mabuhusan ng mainit na kape ang kanyang kamay. Ang kanyang big boss pala.

"Ouch!".Tanging nasambit nalang niya habang pinipigilang pumatak ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mata.

"Good morning po Sir!'

          Imbes na sagutin siya ay agad siyang dinaluhan ng kanyang boss. Pinaupo siya nito sa isa sa mga upuan doon at mabilis na nilagyan ng yelo ang kanyang kamay na natapunan ng mainit ng tubig. Nagsimula ng mamula ang kanyang kanang kamay. Hindi alintana ni Arianne ang sakit na nararamdaman dulot ng pagkakapaso ng mainit na kape. Ang kanyang presensiya ay nasa lalaking abala sa pagpapakalma sa kanyang napasong kamay. Maya maya pa ay tumayo na ito.

Tatalikod na sana ito ng biglang magsalita.

"If the pain will not go away in a few minutes, you can go home first and ask for leave". Yun lang at mabilis na ito naglaho sa kanyang harapan.

          Hindi na nagawa pang magpasalamat ni Arianne sa amo. Tinanaw nalang niya itong lumalabas  sa papasaradong pintuan ng kitchen. Sa nangyari ay hindi na nakapag kape tuloy ni Arianne dahil wala na siyang dalang kape.

"Ang tanga tanga mo kasi". Sisi ng dalaga sa sarili habang pabalik sa kanyang pwesto.

"Rian! Anong nangyari jan sa kamay mo?". Tanong ng kaibigan niya at kasama sa opisina na yun. 

"Ah eh dahil sa katanganan ko natapunan ng mainit na kape". nahihiya pang sabi niya sa mga kasamahan sa loob.

"At bakit naman kasi hindi ka nag-iingat." Sermon sa kanya ni Olive, yung matanda sa kanila sa opisinang yun na wala pang asawa o kung may balak paba itong mag asawa.

          Hindi nalang siya nag komento doon. At alam naman niya na kasalanan niya. Kahit masakit ay pinilit parin niyang magtrabaho. Ayaw niyang sundin ang sinabi sa kanya ng boss niya. At dahil sa computer siya nakatutok lagi ay mahirap talaga para sa kanya ang makapagtrabaho lalo na sa pagtatype. Tiniis parin niya dahil ayaw niyang umabsent din at magkaroon ng bad record sa kompanya.

          Tanghali na ng matapos niya ang pinapa encode sa kanya na data about sa sales naraang buwan. Tumayo narin siya para makakain ng tanghalian. Nauna na ang mga kasamahan kanina pa. At dahil sa may tinatapos pa siya kanina ay siya nalang naiwan doon.

          Naabutan pa niya sa canteen ang kanyang mga kasamahan na masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Agad siyang tinawag ng mga ito ng makita siyang papalapit sa kanila.

"Rian! dito!". tawag ni Anne sa kanya sabay kaway at pinaghila pa siya ng isang upuan.

"Bakit ngayon ka lang?" usisa sa kanya ni Jhon a.ka. Jane na ngayon kasi baklita ito.

"Tinapos ko muna ang pag encode eh para hindi ako gahulin sa oras at para wala ng problema. Mahirap na kapag mapagalitan ka pa bago pa naman ang boss natin at hindi pa natin masyado alam ang ugali nito". Paliwanag nalang niya sa mga ito.

          Agad narin siyang nag order at sinimulan na ang pagkain. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Paminsan minsan ay naramadaman parin niya ang hapdi ng napasong kamay kanina kapag nasasagi niya ito. Naipakita pa man din niya ang katangahan sa harap pa mismom ng bagong boss. Ilang beses pa niyang inisip ang pangyayaring iyon at napapailing nalang siya kapag ka minsan.

"Bahala na!". Ang naisatinig niya tsaka umiling.

"Anong bahala na Rian?". Nagtatakang tanong sa kanya ng kaibigan na si Anne na katabi niya sa upuan.

"Ah ehhmmm...wala, may naisip lang ako". Yun nalang ang naisagot niya sa tanong ng kaibigan.

          Tiningnann niya ang oras sa kanyang suot na relo. At nakita niya na 10 minutes nalang at matatapos na ang kanilang lunch break. Mabilis niyang tinapos ang kanyang kinakain at sumabay narin sa mga kasamahan pabalik ng opisina.

          Habang nagkakatuwaan silang magkakaibigan sa hallway ay nakasalubong nilang bigla ang kanilang bagong boss. Lahat sila ay napahinto sa pagtatawanan at agad na bumati sa nakasalubong na amo.

"Hello boss!" bati ng kanyang mga kaibigan samantalang siya ay yumuko. Pag angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatutok ang mga mata nito sa kanyang kanang kamay na napaso.

          Wala silang response na narinig mula dito at kapagkuwan ay nagpatuloy ito sa paglalakad kung saan ang punta nito. Nang makaalis ay saka palang nakahinga ng maluwag ang mga kaibigan niya. Aminin pati siya ay medyo nenerbyos din sa presensiya nito kanina.  

          Saktong pagkapasok nila sa loob ng opisina ng magring ang kanyang telepono sa kanyang mesa. Agad niyang sinagot ito, at ang head pala nila ang tumtawag.

"Ms. Arianne! you need to go home early today. No overtime for you today!". Yun ang narinig niyang turan ng kanilang Head sa Marketing Departmentt.

"Okay po Ma!am!. Pwede po magtanong kung bakit Ma!am?". nagguguluhang tanong niya sa kabilang linya.

"Napag utusan lang, sige na basta sundin mo nalang ang sinabi ko sayo!". Yun lang at agad na itong binaba ang tawag sa kabilang linya.

Naiwang palaisipan kay Arianne ang pagtawag na iyon ng kanilang head. Hindi nalang niya binigyan pansin maigi at agad na nag ayos ng mga gamit ng masiguro niya na wala naman gaano na siyang gagawin dahil tapos na naman niya ang pag eencode kanina pa. 

Nagpaalam siya sa mga kasamahan, at sinabi na ang head ang tumawag at pinapauwi daw siya ng maaga sa hindi malamang dahilan. Hindi narin nagtanong pa ang mga kasamahan doon.

______________________________________________