"EXCUSE ME, MISS?"
"Yes?" Sa paglingon ni Haru sa likuran niya ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita si Shady. Tumakas siya sandali para i-follow up sa canteen ang order nila. "Shady! A-Ano ang ginagawa mo rito?"
"I have work," nakangiting sabi nito at ipinakita sa kanya ang camera na nakasabit sa leeg nito.
"What work?"
"Since I started working as a photographer, naging isa sa trabaho ko ang SAGA Mags. Lahat ng mga importanteng nilalakad na pamilya ninyo sa negosyo, charities, foundation and scholarship programs ay ipini-feature ko. Kaya ako nandito." May kinuha ito sa bulsa ng sling bag nito. "Look at this one." Ibinigay nito ang magazine.
Oo nga at nasa cover page pa ang mga kapatid niya at maging ang mga magulang niya. "That's why you're here?" tanong niya at muling tiningnan ito.
"Exactly." Hiwakan nito ang camera at agad siyang kinunan ng larawan. Hinayaan niya na ito. Ito ang madalas nitong gawin kapag hawak nito ang camera nito. Ang gawing katuwaan ang pagkuha ng larawan niya mapa-stolen man o hindi. Kinausap niya muli ang tindera ng canteen. "Okay na po ba?"
"Okay na, Miss," sabi nito. "Ipapahatid ko na sa loob."
"Salamat po."
Bumalik na siya sa gym na kasama si Shady.
"Oh wow! Kumpleto ang Saga Brothers," nasabi nito habang nakatingin sa stage kung saan naka front row ang magkakapatid. Ang mga faculty and stuff ay nasa may bandang likuran. "Pupwedeng ikaw ang proxy ni Tita Arianne."
"No."
Napalingon sa kanila ang mga estudyante na nakaupo sa likurang bahagi. Napangiwi siya dahil nagsimula ng mag-ingay ang mga kababaehan pagkakita ng mga ito sa katabi niya.
"Can I start taking pictures now?" tanong nito sa kanya.
"Go ahead. Ikaw ang mas nakakaalam."
"Ba't ba napakasungit mo?" napansin siya nito.
She pouted. "I said go ahead." Pinisil pa nito ang ilong niya bago ito naglakad sa gitna patungo sa harapan. Ang atensiyon ng mga nandoon na kanina lang ay nasa Chancellor na nagsasalita sa harapan ay naibaling kay Shady. It hurts her everytime she sees him being this popular to other girls. Lalo na rin kung binibigyan nito ng pansin ang mga iyon. Para kasing nagpapahiwatig iyon na marami silang gustong magmamay-ari rito. Para bang binagsakan siya ng kometa sa realidad na iyon. Hmph! Panay rin kasi ang pagpapapansin sa iba! Mahirap ba ang maging kuntento sa isa at kailangang lahatin? Naisip niya, kung paano siya tratohin nito, ganoon rin ba sa ibang babae nito?
Wala pa ring nagbabago sa relasyon nilang dalawa. Hindi nito minsan binubuksan ang issue kung hanggang saan ba nito dadalhin ang kabaliwang ito. Kung gusto ba nitong seryosohin kung ano man ang meron sila sa ngayon ay hindi niya alam. Hindi niya nababasa kung ano man ang nasa isip nito. Pakiramdam niya, sumasabay siya sa agos ng tubig kahit walang kasiguradohan kung saan siya dadalhin. She can't leave him no more. Nahulog na ng tuluyan ang loob niya rito.
Pagkatapos ng programa ay agad ng nagpaalam ang mga kapatid dahil may kanya-kanya pa itong trabaho. Malaki ang pasasalamat niya dahil dumating ang mga ito kahit sa hectic schedule meron ang mga ito. Sa pagkakatanda niya, nitong nagdaang taon ay wala ang mga ito.
"We'll go ahead, okay?" Hinagkan siya ni Ryu sa pisngi.
"Thanks for coming," aniya.
"See you later at home, Haru." Dinampian ng halik ni Aki ang ulo niya.
Nakaalis na ang mga ito ngunit si Shady ay nanatili pa rin roon. "Bakit nandito ka pa?" baling niya rito.
"Aalis na rin ako. May iniwan pa akong trabaho sa studio."
"O-Okay."
"Excuse me. Shady!"
Sabay silang napalingon ni Shady sa babaeng papalapit sa kanila. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil nagawa nitong tawagin ito sa pangalan nito casually.
"Lindsay?"
Magkakilala sila ng babaeng 'to?
"Natatandaan mo pa pala ako."
"Siyempre naman. Kumusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkikita. How's Claudette?"
"She's doing fine."
"Ikumusta mo ako sa kanya, okay?"
"I will." May inabot ito kay Shady. "You might want to keep in touch." Nagpaalam na ito at nagtatatakbong umalis.
Tiningnan niya si Shady na noon ay nakatitig sa calling card na hawak. Sa isang iglap ay bahagyang nabahiran ng lungkot ang mukha nito. "S-Shady, sino iyon?" hindi niya napigilang itanong.
"Ha? Someone I know." Isinuksok nito ang card sa bulsa ng pantalon nito. "Aalis na ako. I'll pick you up this afternoon."
"H-Huwag na. Baka kasi matatagalan pa kami sa council."
"Ganoon ba? Sige. See you at home then."
Sumukip ang dibdib niya matapos sabihin nito iyon. Nasundan niya ng tingin si Shady na papalayo. Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Dati rati ay panay ang pangungulit nito tungkol sa pagsundo sa kanya kahit ano pa'ng idadahilan niya. Napapansin niya na rin ang panlalamig nito sa kanya minsan. He is no longer that person na bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya and would greet her with his sweet little kisses. Why am I expecting something from him? Hindi ko alam kung ano baa ng talagang gusto niya sa simula pa lang. Hindi ko alam kung ito ba ay bahagi lamang ng laro niya. Pero, gusto ko lang naman na tingnan niya ako bilang ako. Nakuyom niya ang palad. Kasabay ay ang pag-agos ng mga luha niya sa hindi malamang dahilan.
Hindi niya kinausap si Shady tungkol sa bagay na ito. Nagdaan ang mga araw na wala siyang nabanggit na kahit ano. Maging ang tungkol doon sa estudyante na lumapit sa kanya at nagbigay ng calling card ay hindi niya na inungkat pa. Hindi niya na rin kinwestiyon ang dahilan kung bakit ilang gabi na itong hindi umuuwi sa mansiyon. Sa madaling salita, nagsimula siyang huwag makialam. Kung gusto man nitong maging totoo sa kanya, ito mismo ang magsasabi ng mga bagay na gusto nitong sabihin.
Nasa terasa siya nang makatanggap ng tawag mula rito. Ano naman ang kailangan niya? "Bakit?"
"Pasensiya na, Haru," anito sa kabilang linya. "Pero nasa bahay ka ba ngayon?"
"Oo."
"May naiwan kasi akong brown envelope sa movie room. Importante kasi ang mga iyon, eh. Kung okay lang sana, baka pwede mong maidaan rito sa studio. Whenever you have time."
"Okay, ihahatid ko ngayon."
"Really? Thanks."
Napabuntong hininga siya. Mukha ngang abala ito sa trabaho nito. Napasilip siya sa oraa sa cellphone niya. Pasado alas singko na ng hapon. Sinusubsob nito ang sarili sa trabaho. Pumunta siyang movie room at hinanap ang envelope. Nang makita iyon ay nag-ayos siya para sa pag-alis niya.
Tamang pagkakataon ito para makita niya ang lalake. Aaminin niyang namimiss niya ito ng sobra. Habang tumatagal ay nagkakaroon na siya ng reality checks na convincing para masabi niyang umiibig siya sa lalake.
Pagdating niya sa studio ay ito ang agad niyang hinanap. Itinuro sa kanya ng isa sa staff kung saan ang working room nito. Habang papunta roon ay hindi maiwasang kabahan siya. Paano kapag walang ibang tao roon maliban rito? Iniisip niya pa lang ay parang lalagnatin na siya. Nasasabik rin naman siya na makita ito. They haven't seen each other for days but it feels like she haven't seen him for years.
Pero naglaho ang pananabik na iyon. Nakita niya mula sa glass window na kasama nito si Erica. He's facing the computer at itong si Erica ay panay kapit kay Shady habang hinahagod-hagod ang likuran ng lalake. Nagtagis ang bagang niya. Kusang kumilos ang mga paa niyang humakbang patungong pintuan at buong pwersang binuksan iyon.
Gulat na napalingon ang dalawa sa kanya. "Haru!" Tumayo si Shady. "Nandito kana pal___"
Agad niyang hinampas sa mukha ni Shady ang envelope. "Heto na ang envelope mo! Isaksak mo sa baga mo iyan!" Napatingin siya kay Erica na gulat na gulat pa rin. Walang sabing sinampal niya ito. "Malandi! Magsama kayong dalawa!"
"H-Haru!"
Hindi niya na pinakinggan ang pagtawag ni Shady sa kanya at nagtatatakbong nilisan ang lugar na iyon.
"SHIT!" HINDI NIYA NA MAKITA SI HARU paglabas niya ng studio. Malamang ay nakaalis na ito at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Nagtatatakbong bumalik siya sa opisina niya. Kinuha ang cellphone niya at tinawagan ito. Hindi ito sumasagot.
"Ano ba ang problema niya, ha?" galit na tanong ni Erica sa kanya. Namumula pa rin ang mukha nito.
"Erica, I'm really sorry." Iyon lang ang alam niyang gawin para rito. Hindi niya rin naman inaasahan na gagawin ni Haru it okay Erica. Nabigla rin siya. "Are you okay?"
"I'm fine."
"Pasensiya na but I have to go now." Kinuha niya ang mga gamit niya.
"Kausapin mo siya, Shady, ha? At ipaliwanag sa kanya na hindi maganda ang humihithit ng katol gabi-gabi. Damn!"
"See you tomorrow."
Parang kidlat sa bilis na narating ni Shady ang Villa Saga. Sinundan niya si Haru kanina ngunit hindi niya na ito naabutan. Alam niyang dederetso ito rito sa mansiyon kaya naman iniwanan niya ang trabaho upang sundan ito. Kailangan niyang makausap ang dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagwala kanina sa studio.
Pagpasok na pagpasok ay mabibilis ang mga hakbang na dumeretso siya sa hagdanan. Ang magkakapatid na Ryu, Aki at Kenn na nasa living room ay nagulantang sa dramatic entrance niyang iyon.
"Shady!" tawag sa kanya ni Kenn.
Parang wala siyang narinig. Hindi niya na nilingon si Kenn at nagpatuloy lamang siya sa pagtahak ng hagdanan at dumeretso sa silid ni Haru.
"Hoy, Shady!"
Agad siyang pumasok sa kwarto ni Haru at ini-lock ang pinto. Mula sa pagkakadapa sa kama ay nahihintatakutang napatayo si Haru at patalong bumaba sa kabilang bahagi ng kama. "A-Ano ang ginagawa mo rito?"
"Shady!" tawag sa kanya ni Kenn sa labas habang malalakas ang katok sa pinto. "What is going on?"
"Leave us alone, Kenn!" aniya na nakatingin kay Haru.
"Open this goddamn door or I"ll break it!"
"Gusto kong makausap si Haru. So please, leave us alone."
"Kung may gagawin kang___"
"I won't do anything stupid. I promise." Narinig niya ang mga yabag nitong papalayo. "Well, maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung ano iyong nangyari kanina sa studio?"
Sunod-sunod ang paglunok nito. "W-Wala akong kailangang ipaliwanag. Lumabas ka na at nag-aaral ako."
"What was that, Haruhi? Ayos lang naman sa akin na ako ang saktan mo. Pero bakit maging si Erica ay sinampal mo pa?"
"Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng iyon, ha?"
"Haru, hindi sa pinagtataggol ko siya. Ang sa akin lang ay___"
"Ahhhh! I had enough!" sigaw nito. "Lagi ka na lang ganyan. Kapag nilalandi ka ng mga babae ay nilalandi mo rin sila pabalik. Palagi kang nagpapakita ng interes sa kanila. Bakit ganun, Shady? Bakit kailangang gawin mo sa akin kung ano man ang ginagawa mo sa kanila?"
"H-Haru..." Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito.
"Napakaraming bagay na hindi mo sinasabi sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip mo. Hindi ko nababasa ang bawat kilos mo. Lately, napapansin ko na ini-ignore mo ako."
"That's not true." Humakbang siya palapit rito.
"Kung may problema ka sa akin, just say so. Nasasaktan ako kapag tinatapunan mo lang ako ng ngiti mo." Umiyak na ito. "I hate how Erica flirts with you. I hate seeing her touching you. Hindi ko alam pero ayaw ko na nakikita kang malapit sa kanya o kahit na sinong babae."
"Haru..." Niyakap niya ito. "I'm sorry. Hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo."
"Because you don't care about me at all." Itinulak siya nito. "All you care about is making fun of me. All this crazy things, everything, hindi ko alam kung kailangan ko bang paniwalaan na maganda ang intensiyon mo! I don't like how we are right now, Shady! Sinasabi mo sa akin na espesyal ako pero pakiramdam ko it doesn't mean anything to you."
"Haru, why would you assume that? Hindi ko gusto kung paano mo binibigyan ng assumptions ang lahat ng bagay."
"Shady, n-nagseselos ako," umiiyak na sabi nito. "Kapag nakikita kitang napapaligiran ng kakabaehan, my chest hurts so much I could die. There's nothing I could do just like I can't do anything about how much I love you."
Ang makitang lumuluha ito habang ipinapahiwatig sa kanya ang nararamdam ay tuluyang nagpahina sa kanya. Hinila niya ito at inilapat ang mga labi sa mga labi nito. Haru's emotions are simple at hindi pa masyadong nahuhubog into more complex feelings. Si Haru ang tipo ng babaeng kulang sa ekspresiyon ngunit hindi nito tinatago ang totoong nararamdaman. That makes her easy to read. I admit, I'm being loved. "You are a brat," aniya nang magkaroon ng distansiya ang mga labi nila. "Who taught you say things like that?"
"S-Shady___"
Binuhat niya ito at agad na inihiga sa kama. Idinagan niya ang buong bigat niya rito. "Ang malamang nagseselos ka, made me so happy. I'd be sad if that didn't happen, kahit pa mahal mo ako."
Pinamulahan ito ng mukha. "I didn't say__"
"Say that again. Gusto kong marinig muli ang sinabi mong mahal mo ako."
"I-I didn't mean to say that."
"I want to hear you say that again."
"I-I love you."
Damn, she's cute! Kapag ganitong namumula ito ay hindi maiwasang maturn-on siya ng husto. Maalab na inangkin niya ang mga labi nito. Kung sasabihin ko sa kanya na gusto ko talaga na hawakan siya, maramdaman siya, angkinin siya, I wonder kung ano ang reaksiyong ipapakita niya?
"S-Shady..." anas nito.
He kissed her even harder. He doesn't feel anything like this when he's with another woman. Pero kapag si Haru, wala siyang magawa upang kontrolin ang pakiramdam niyang ito. His face is burning, as well as his body. Maybe I can take things a little further from here. Kumilos ang isang kamay niya. Bahagya niyang itinaas ang damit nito, tama lang upang lumantad ang tiyan nito.
"S-Shady!"
Hinawakan niya ang kamay nito ng akmang pipigilan siya na gawin ang ninanais niya. Ibinaba niya ang mga labi sa may puson nito. He can feel her shivering body the moment his lips touch her bare akin. That reaction alone makes him want to do much more. Lumakbay ang mga labi niya sa may pusod nito.
"S-Stop..." sambit ni Haru.
Itinigil niya ang ginagawa at tiningnan ito. "You want me to stop?" Dinampian niya ng halik ang gilid ng mga labi nito. Dumako siya sa tenga nito at bahagyang kinagat iyon. "Answer."
Hindi ito sumagot. Nang muli niyang tingnan ito ay nakagat nito ang pang-ibabang labi nito. Napatitig siya ng husto sa inosenteng mukha nito. She's teasing him so bad. "You..." sabi niya na lang at muling inangkin ang mga labi nito. Naiyakap ni Haru ang mga kamay sa leeg niya. I want to make a mess with her, leave my marks all over her. I want her all for me. Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang sa maputing dibdib nito. Umiral ang pagiging naughty niya at ipinasok niya ang isang kamay sa tshirt nito. Napaungol si Haru matapos sakupin ng palad niya ang isang dibdib nito. He went back kissing her lips leaving his hand to where it is. Damn! Kung siya lang talaga ang masusunod, aangkinin niya na ito rito mismo. Inalis niya ang kamay at pinakawalan ang mga labi nito.
"S-Shady..." Nababasa niya sa mga mata nito na ayaw nitong ihinto ang ginagawa.
He smiled at her and gently caress her lovely face. "Let's stop here," sabi niya. "Let's take things slowly. Darating rin tayo sa kung saan tayo tutungo."
"O-Okay," anito.
Hinagkan niya ito sa noo ito at niyakap.