webnovel

CHAPTER 9

Chapter 9: babybee/babymee

_________________________

KENDRICK's P.O.V

Nagising ako nang may naramdaman akong kakaiba sa paligid ko.

Puti.

Puti ang una kong nakita. Nilibot ko ang paningin ko at gano'n na lang ang gulat ko na nasa tagiliran ko si dad, natutulog. Habang ang tatlo ay nagsiksikan sa sofa at natutulog.

Inaalala ko ulit ang huling nangyari para masagot kung bakit ako nandito sa pinaka-ayaw kong lugar

Ang hospital.

Kumunot ang nuo ko ng maalala ko na lahat ng nangyari. So, si unknown girl ang nagdala sa'kin rito? Psh.

"Gising ka na pala.." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko siyang nagsalita.

Nangunot ang nuo ko dahil kung si unknown girl nga ang nagdala sa'kin dito, Eh ba't nandito rin si dad? . Arg! Gulo!

"Ako nagdala sa'yo dito," Saad niya. Aaminin kong, may kunting panghinayang sa puso ko. Shit? Ano nangyari sa'yo kendrick.

"Okay," Tanging naisambit ko na lang at matutulog na ulit sana pero nagsalita ulit siya.

"Natatawa ako sa babaeng tumawag sa'kin. pft!" Saad ni dad na may ngiti sa mga labi. Ramdam kong matatawa sa talaga siya. Napabangon ako ulit ng dahil sa sinabi niya. Ops! Hindi ako interesado ha? gusto ko lang talaga malaman.

"Bakit?" Walang ganang saad ko pero nasa kaniya pa rin ang atensiyon ko.

"Hindi ko alam ang buong storya pero no'ng tumawag siya sa'kin ay sobrang taranta niya. Mukha ngang kung sino na lang ang tinawagan niya, buti nga't pangalan ko ang napindot niya. Hindi ba daw ako patapusin sa pagsasalita. Tas sabi pa mamatay ka na raw," Umiling-iling si dad habang sinasabi niya 'yan sa'kin.

Ang abno talaga ng babaeng 'yon. Napailing nalang ako habang iniisip ang nangyari sa'kin kanina.

Honestly, Allergic talaga ako sa bagoong. Kaya agad akong nanlaki habang nakita kong kinakain niya 'yon. Hindi ko man natikman pero naamoy ko nsmsn kaya nawalan ako ng malay.

"Do you know her name?" Napatingin ako kay dad ng itanong niya yan.

Agad naman akong umiling at napatingin sa gawi ng kaibigan ko ng maramdamang gising na sila at nag e-eavesdrop sa usapan nmin ni dad.

"Gising na nga kayo! May tatanong lang ako!" Sigaw ko sa kanila kaya agad naman silang napaupo ng maayos tsaka minulat ang mga mata.

"Ano?" Saad nilang tatlo.

"Bakit niyo alam na nandito ako sa hospital?" Nangunot ang nuo nilang tatlo na para bang nagtataka sila sa tinatanong ko.

"Syempre dahil sikat ka, kaya narinig agad namin ang usap-usapan at agad kaming napunta rito!" Saad naman ni dero at tinaasan ko lang siya ng kilay.

Tiningnan ko ang kamay niya at nakita kong nanginginig 'yon. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. I know you too well, dero.

"Liar!" Mahinang sigaw ko kaya agad namang nanlaki ang mga mata nila.

"Pinuntahan talaga kami ni unknown girl sa cafeteria kaya alam namin, Ito pala cellphone mo. Binigay niya," Saad ni jacob sabay abot ng cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan kung wala bang nawala o gasgas man lang Buti ng't wala.

"Do you know her name?" I asked them at sabay naman silang napakamot sa ulo nila

"'Yon na nga eh, nakalimutan naming itanong. hihi" Dero.

Tsk. Napailing na lang ako.

Well, Getting to know you soon, ms. unknown girl.

Marami pang sinabi sa'kin si dad. Baka rin daw mamayang hapon ay e discharged na ako, buti naman dahil ayaw ko talaga sa lugar na'to. Para akong sinsakal na ewan.

Nagpahinga at natulog na lang ako habang ang mga kaibigan ko naman ay nagpaalam na na uuwi lang daw muna dahil kailangan rin nilang pumasok.

UNKNOWN GIRL's P.O.V

"Oh ito pa, Table 14!" Saad ni jane pagkadating ko ulit sa counter

Alas 6 pa lang ngayon at alas 10 naman ang first class ko kaya minabuti ko na lang na maghanap muna ng trabaho.

Mahirap lang kasi kami, Gipit rin kaya kailangan talagang kumayod. Actually, Probinsyana ako at ako lang mag-isang pinaaaral nina nanay at tatay dahil kulang kami sa pera. At para makabawi sa kanila ay nagtratrabaho rin ako.

Kahit na childish ako at may medyo pagkamonggoloyd, seneseryoso ko pa rin buhay ko no! gusto mo seryosohin pa kita? chour lang.

"Jane, Kailan pala first class mo?" Magalang kong tanong sa kaniya dahil baka mamaya na pala first class niya pero nagtratrabaho pa rin siya. Parehas lang kami ng eskwelahan na pinapasukan.

"Pake mo?" Irap niyang saad sa'kin.

As usual. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at hindi na lang siya pinansin.

Hindi naman kasi ako ang kawawa. Sila. Dahil ako, nawalan ako ng mga taong walang pake sa'kin habang sila, nawalan sila ng taong may pake sa kanila.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagtratrabaho ko ng biglang tumunog ang mahal kong cellphoneriest!

Nokia to mga bes! hihi.

"Hello?" Sagot ko sa tawag habang nagpupunas ako ng table. Hindi ko kasi nakita kung sinong tumawag at basta-basta ko na lang sinagot.

"I miss you.." Napatigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang tinig niya.

Waaah! Magh-hysterical ata ako dittoo! ops! Alam ko na na hysterical 'yan ha! nag search ako kagabi hihi.

"Waaah! Kailan ka pupunta rito babybee?" I asked habang nakangiti.

"Hindi ko rin alam babymee eh! Basta as soon as possible Bakit? miss na miss mo na ba ako baby mee?"

Napairap na lang ako sa kawalan. Pero honestly, namiss ko na rin ang bubuyog sa buhay ko.

"Nothing! I don't missing You babybee. Not anymoriest!" Sabi ko sabay action nya na parang nakikita niya talaga.

"Bobo ka pa rin hanggang ngayon babymee!" Saad niya sabay tawa.

Waaah! Hindi ako bobo no! Ang galing ko kaya mag english. Sabj pa nga ng teacher namin no'n pinakaleast ako sa ranking sa english quiz bee. Oh diba? Nasa rank ako, meaning ang smarter smarteriest ko!

"Babye na nga babybee, nasa trabaho pa ako! mwah mwah!" Saad ko at pinatay na ang tawag kahit hindi ko pa naririnig ang sinasavbi niya.

See you soon, Aeron

TO BE CONTINUED...