webnovel

Chapter 3

chapter 3: punishment

________________________

Umaga na! Second day ng class at may pasabog na naman ako! awieee exciting to!

"Tol! sigurado ka ba sa gagawin na'tin? babae yon eh," Rinig kong bulong ni jacob sa'kin ngunit sinimangutan ko lang siya.

Tss. Buti pa nga yong babaeng yon at ganito lang magiging parusa niya sa pagbato niya sa'kin ng bag niya. Last year nga, may nagtapon ng juice sa damit ko pero hindi ganito kababaw ang naging punishment, pinahubad ko nga sa field 'yong nakatapon sa'kin no'n eh.

"Tss, so sa kaniya ka may concern?" Taas-kilay kong saad sa kaniya ngunit umiling lang siya.

Alam kong immature na masiyado 'tong ginagawa ko pero ,wala akong pake! Ako si kendrick zy, remember?

Nandito pala kami ngayon sa CCTV office para makita kung paano siya mapapahiya mamaya.

"Oy bro! Papasok pa lang siya ng gate oh!" Rinig kong saway sa'kin ni dero kaya tiningnan ko naman ang view. at oo nga! papasok pa lang siya ng gate.

Pagkaapak pa lang niya ng gate ay makikita mong ang bungangera niyang tingnan dahil halos lahat ng taong makakasabay niya ay sinasabihan niya ng 'Goodmorning' tss. Tingnan natin mamaya kung Good pa ba ang morning mo ms. unknown girl.

"Nasa hallway na siya!" Ani ni jacob kaya tiningnan ko ulit ang footage.

Muntanga. pft! Ang childish niyang tingnan.

"Goodmorning schoolmate!"

"oy! classmate kita ah! Goodmorning!"

"Goodmorning , teacher!"

Palagi niyang sinasabi 'pag dumadaan siya. And at last! Nasa tapat na siya ng pintuan.

Papasok na sana siya ngunit Isang apak pa lang niya ay agad na nagtawanan ang nakakita sa kaniya. Pati na rin classmates at advicer namin at pati na rin kami.

"Grabe! Ang epic! HAHAHAHAHA" Pangunguna kong saad sabay tawa ulit.

Eh pa'no ba naman kasi pagkaapak na pagka-apak niya pa lang sa room ay agad siyang napaliguan ng harina at sumunod naman ang itlog.

Zinoom ko kung ano na ang mukha niya. Ang kaninang may ngiti sa labi niya ay nawala. Naging blank rin ang emosyon sa mukha niya.

pft! Bagay lang 'yan sa'yo! hindi mo agad kinikilala ang kalaban mo, miss unknown girl. tsk tsk.

Maya-maya'y nilibot niya ang paningin ba na parang may hinahanap. Ni wala siyang pake sa mga taong pinagtatawanan niya.

Patuloy lang siya sa paglibot ng tingin niya hanggang tumingin siya sa CCTV, para kaming nagtitigan kahit na hindi niya kami personal na nakikita.

Nakita ko ang pag-buntong hininga niya ng malalim at ang pagkakunot-nuo niya habang nakatingin pa rin sa CCTV.

Maya-maya'y nagulat ako ng itinaas niya ang pinky finger niya at nagsalita.

"Good girl ako kaya imbes na middle finger, pinky finger na lang. Angel ako! kaya imbes na murahan ko kayo, Juice mother na lang senyong apat na mga feelingero!" Saad niya sabay punta sa girls room.

Ano daw? feelingero?! kingina! sinasagad talaga ako ng babaeng 'to!

UNKNOWN GIRL's P.O.V

Gusto ko na ring mag P.O.V eh! kaso pa thrill si author kaya next time na lang! I am an angeleriest! fightinger!!!

TO BE CONTINUED.....