Say's POV
3 weeks after. Bumagon na ko at sinabing "Huoyyyy!" nakita ko kasi yung sarili ko sa salamin.
"Ang galingggg hahaha! May black eye ako"
"Ay! Eye bags pala hahahaha hehe."
Tinuro ko yung sarili niya sa salamin at sinabing "Uy, wag ka! pinagpuyatan ko yan kakanood ng Thai series, hahahaha!
This is the product of satisfaction and happiness kahit 1 hour lang tulog ko hehe. 'Cause pretty parin is meeee!"
"Surhay! Sinong kinakausap mo diyaan? May lalaki ka bang tinatago sa kwarto mo hahaha.", malakas na sinabi ng Nanay ni Say.
Sumagot si Say "Maaa! kinakausap ko po sarili ko."
Pumunta siya sa kwarto ng Mama at Papa niya at sinabing "Maaa, bakit ba pinangalanan ninyo akong Surhayyy? huhuhu. Kaya nga kapag aakyat ako ng stage nakakahiya yung pangalan ko tapos ang lakas lakas pa nilang sinabi", she said it like she is suffering for carrying the name Surhay.
"Ayaw mo non? 'Surhay Abarson' bagay kaya.", sabi ng Mama niya at tumatawa naman si Papa niya."
"Anak gumising ka! tinatawag ka lang sa stage kapag kukunin mo diploma mo", sabi ng tatay niya.
"Pa, at least umakyat parin ako ng 3 times hehe hahaha."
Sabi ng Papa niya "Noong bata ka naman hindi ka nagrereklamo sa pangalan mo tapos ngayong tumanda ka na parang diring diri ka na sa pangalang ibinigay namin sa'yo. Noong bata ka kasi wala kaming maisip na pangalan sa iyo kaya pinangalanan ka nalang namin ng Surhay.
"Paaaa, totoo ba iyan!! huhu naman talaga. Napagtripan lang yung pangalan ko."
Hinde, biro lang may Doctor kasi kaming nakilala sa Hospital kung saan ka ipinanganak...
"Tapos ano pa?"
"Taposss, gustom na ako. Kumain muna tayo hahaha."
"Pa namannn! nang bibitin ka naman! Bakit dimo nalang ikwento dito po?? hehe"
"Eh gutom na ako eh"
"Halika na at kumain na tayo", sabi ng Mama ni Say.
Nasa hapag kainan na sila at habang kumakain si Papa niya ay lumunok muna eto ng tubig at nag kwentong muli. "tapos ang paangalan niya Saydi, mabait siya at palakaibigan sa lahat, kaya naman naging kaibigan namin siya ng Mama mo. At dahil sa katangian niyang iyon gusto naming maging katulad mo siya, kaya ang Saydi talaga ang pinagmulan ng pangalan mong Surhay, dahil ang Mama mo ay mahilig mag hay, parang pinaghalo halo nalang namin yon tapos may sinama din kaming ibang letra kaya naging Surhay.
May iniisip si Say na pangalan ding Saydi na nakilala niya sa Dental Clinic, at ang sabi niya ng pabulong "hindi pwede, hindi naman siya Doctor eh, Dentista siya. Baka kapangalan lang niya."
"Surhay! sino nanamang kinakausap mo? Malapit na naming isipin ng papa mo na may imaginary friend ka.", sabi ng Mama niya.
"Hindi nga Ma talaga. Kinakausap ko lang talaga yung sarili ko.
"Ma and Pa you can call me SAY po", nakangiti niyang sinabi."
Sige po aalis na po ako...
"Bakit? 7:59 palang naman ah? haha", sabi ni Mama niya.
"Arai na?"
"Ano? anong sinasabi mo?"
"Minumura mo ba kami ng Papa?"
"At aba! gumamit ka pa ng ibang lenggwahe!", galit na galit na sabi ng Nanay niya.
"Ma hindiii, anu bayan 8 na late na ako huhu. "Alaina" Ma, ibigsabihin "Ano ulit" hayy, sige na ma bye na po."
"Shia!", reaksiyon ni Say nung nakita niya sa cellphone niya na 8:01 na.
"Ano ulit yon???!!?", galit na sinabi nanaman ng Mama niya.
"Ma, pabayaan mo na si Say, baka naman reaksiyon lang yung mga sinasabi niya nahayaan natin siyang magexplaine.", sabi ni Papa ni Say.
"Ahh... Opo! Tama ka Pa! Oo nga Ma ang sabi ko po 'hAy nakO namAn siyA na yan! talaga naman oo! anong oras na. Ma, babyeee', dali dali na kinuha yung bag at mga gamit at agad na siyang lumabas ng bahay.
"Ano daw???", sabi ng Mama niya.
"Ahhhhhhh!" alam ko na, diba ayon yung lagi kong sinasabi? Yung 'Ay siyA naman talaga' naalala mo? hahaha", sabi ni Papa ni Say.