webnovel

I Don't Want To Be Your GF, I Want To Be Your Friend [Tagalog]

Say, a lazy perfectionist in somewhat. She lacks in love experiences, she didn't even know how to act LOVE in front of her friends BUT Asian drama series' teaches her how to love. Like every person wants to changed, say is still under construction so she can't make it through the end perfectly. When her friend felt extremely mad 'bout her habits, friendship got troubled. Then, nick entered and comfort her and then say felt lightened. Then, another guy entered her life and these men are perfectly matched on what she dreamed for. Her fate rushing her to chose to those two. What will say do? What will she act?

Chim_Lin · Teen
Not enough ratings
33 Chs

Imagine, Act Out Again And Again

Pumasok nako sa bahay, pumunta ng kwarto. Binuksan cellphone ko. Sinearch ko na yung username ni ghie...

Wait! Sa Wattpad ba daw? Ay sige, install ko muna...

Na-install ko na at nag sign up nako. Kahit naninibago ako sa bagong app, sinearch ko username ni ghie sa search icon.

'@G_G' *lumabas si results* wala naman.

Ay, nasa STORIES, PROFILES kasi!!

Pinindot ko PROFILES. Ayun, may lumabas nga at hinanap ko na...

May dalawa siyang novels, tinignan ko, yung isa horror. Yung isa naman romance? friendship.

Okay, siguro ito na 'yon! Friendship, Romance kasi hindi wala namang ka horror horror na ganap sa buhay ko, hahaha.

In-open ko at nag start na nga akong magbasa...

Reading——

=S.S.N.H.S. School Auditorium=

"Nay! nakauwi na po ako, dala yung pancit na pinabili ninyo."

"Nay... NaAayyy..."

"Nay! takot niyang sinabi nang nakita niya ang kanyang Ina na nakahiga at walang malay.

"Woy! tumayo ako at sinabing "luma na yan! wala bang bago diyaan?!"

"Huy Surhay!"

Surhay's POV... (Whahahaha nakakainis ako diyaan hah!)

"Ay... napalakas ba 'ko ng sabi?" nahihiya kong sinabi... habang nakatingin sa sa'kin ang karamihan sa audience.

"Tara na ley!!" hinila ko si ley, my very best friend. Lab na lab ko to eh, pero diko lang alam kung paano i-express sa kanya kaya lagi ko siyang pinagt'tripan at binubully, eh hindi naman siya katulad ng iba na kung gumanti sobra sobra. Siya yung kinda friend na may pasensya at puru salita lang. Lagi kaming magkasama magmula nung lumipat ako dito ng grade 7, muka at muka niya lang yung nakikita ko tuwing pagpasok ko, tuwing recess at sa paguwi hanggang ngayong grade 11 na ako. Nagsasawa na ako sa muka niya pero joke lang baka marinig niya. Mahal ko naman siya eh, pero ngayon wala na akong pake kung masaktan sya o kaya mabugbog basta ang mas importante sa time na'to is dignidad ko at dali dali na nga kaming lumabas sa school auditorium.

"Woy ley! hahahaha! nakakahiya naman doon, okay ka lang ba? haha." tinanong ko sa kanya habang tumatakbo kami sa sa hall way. (Wow, pano? Pano niyo nalaman na nahihiya lang ako?? Omg Hahaha)

(Loved the gaiety of myself now)

(Syempre, biro lang yon, may pake ako sa kanya noh, pero lang sa pagkakataong nangyari kanina sa

pinanggalingan namin haha)

("Wow, haha loved this point of view huh, ghie" Sinabi ko silently, through her works)

"Okay lang ako hahaha baliw ka talaga! grabi kasi 'yang--

"Say!!!" sigaw na tawag sa akin ni mama kaya lumabas agad ako.

"Po, ma?"

"Yan oh...(tinuro) pagkain."

"Ah, opo ma..."

Umupo na'ko at nagsimula nang kumain. Off course sumosubo ako ng piece of food, and suddenly (eto nanaman) nagfefeeling nanaman akong artista na kunwari nasa cast ako tapos ngayon they're taking the scene of us ni Ton Thanawon.

(ehe) This is the scene of us, here we are eating then i just simply noticed his charming face.

*I'm eating, syempre ngumungoya, i slowly cut out the spoon i'm swallowing like how slowly i turn my look to him*

Wait, what? Diba supposedly, i'd just simply noticed her? Bakit haha bakit parang nagulat ako nung nandiyaan siya? whahaha. Hay tama na!

Binilisan ko nalang pagkain ko at para ma-ituloy na ang pagbabasa.

Natapos na nga ako after a minute ago. Bumalik na ako sa kwarto.

*Nagbabasa ako habang nakahiga*

Hay! Tinatamad na'ko.

Lumabas ako para manood ng tv...

Nung actong kukunin ko na yung remote naisip ko nanamang magfeeeling feelinga'ng artista.

Habang naka-upo ako dito sa sofa, naisip kong i-act yung slo-mo nang pagpikit at pagbukas ng mga mata, hahaha like sa mga thai series' na pinapanood ko, yung parang nagphophoto shoot ka pero parang nagpapacharming ka lang tignan sa video, gano'n kasi mag inarte!!

Ginawa ko na...

*Sara bukas sara bukas tapos tingin sa sa kanan at kaliwa sabay bukas ng kunti pa ng bibig*

WHAHAHAHAHA buti nalang wala dito si mama para i-interrupt nanaman ako.