webnovel

I Don't Want To Be Your GF, I Want To Be Your Friend [Tagalog]

Say, a lazy perfectionist in somewhat. She lacks in love experiences, she didn't even know how to act LOVE in front of her friends BUT Asian drama series' teaches her how to love. Like every person wants to changed, say is still under construction so she can't make it through the end perfectly. When her friend felt extremely mad 'bout her habits, friendship got troubled. Then, nick entered and comfort her and then say felt lightened. Then, another guy entered her life and these men are perfectly matched on what she dreamed for. Her fate rushing her to chose to those two. What will say do? What will she act?

Chim_Lin · Teen
Not enough ratings
33 Chs

Achy Day

Say's POV

Ngayong araw ginaganahan ako pumasok haha, 6:21 am palang kasi gising na ako, hindi ko alam basta sinasabi ng isip ko gumising na ako haha siguro nga nababaliw na ako pero ngayon, may nararamdaman ako...

Masakit ngipin ko! huhu! Pumunta agad ako kay Mama at sinabi kong "Ma, ang sakit ngipin ko huhuhu" sabi naman ni Mama "Ah sige pero 'di ko alam kung bukas na yung Dental ngayon, magbihis ka na pala at pupunta tayo..." so yun, kung kailan ako sinipag pumasok saka naman sumakit  ngipin ko dahilan para di ako makapasok. Nagbihis ako kaagad, mga wala pang minuto kasi naman sino ba namang hindi gustong mapadali na ipatingin yung ngipin na sumasakit. At umalis na nga kami para ipatingin itong ngipin kong sumasakit, at pagdating namin doon gamit ang sasakyan ni Papa, pero hindi namin kasama si Papa kasi mahimbing siyang natutulog bago kami umalia kanina. Ngayon, sa labas ng Dental Clinic may tumawag kay Mama sinasabing "Ma'am A., may emergency po tayo now dito sa kompanya, medyo nagmamadali niyang sinabi blah blah blah yun at hindi ko na naintindihan.

Sabi ni Mama " Ah sige, sabihin mo wait niya lang ako there. I'll be there asap. ", sinabi ni Mama "Nako Surhay! magpapacheck ka siguro ng mag-isa ngayon...

"Ma!! huhu, hindi ko alam pano magpacheck up. Ma, *nakahawak ako sa pisngi ko* hindi ko nga kayang magsalita ng maayos ih, oh! Ma!  huhu"

"17 ka na Surhay at tsaka lagi naman tayo pumupunta dito, tawagan mo lang ako kapag may hindi ka alam, basta sagutin mo lang lahat ng itatanong nila sa iyo huh? Nagmamadali ako eh. Intindihin mo sana Say..."

"Okay Ma, basta kapag may hindi ako maintindihan, Ma, tatawag ako sa'yo huh?"

"Yes of course, sasagot ako kaagad... pumasok ka na, wag ka na matakot. Umalis na siya *ngumiti at kumaway* bye! fighting!!!"

Pumasok na agad ako at umupo sa gilid. Tinawag ako para mag sign ng mga requirements.

[After 30 minutes, 7:05 in the

morning na]

Excuse me, sino po si Surhay Abarson?

"Dito po, ako po yun..."

"Pwede na po kayong pumasok..."

"Ahh okay po" sinabi ko at pumasok kaagad at humiga. Nilagyan ako ng malaking pa-box na tissue at sinimulan na ng Dentista ang pagsusuri sa aking ngipin.

Ah, okay, yung wisdom tooth mo is damaged na.

Tinuktok nya yung pinakadulo kong ngipin tapos tinanong nya kung sobrang sakit ba, ang sabi ko naman may time na tumitibok at minsan sumasakit sakit pero minsan lang naman pero ngayong araw sobrang sakit talaga as in, tapos sabi ko ngayong araw sumakit. Sabi ko Ma'am pwede po bang ipabunot nalang? nung bata po kasi ako ayaw kong magpabunot talaga ng ngipin kasi natatakot po ako sa injection pero ang lagi naman pong sinasabi ni Mama "Kung hindi mo ipapabunot iyan ngayon, kailan pa? Gusto mo ba ng araw-araw na sakit o isahang sakit nalang? " "Isahang sakit po... " ang sinabi ko.

Pero bakit ngayon gustong gusto mo ng magpabunot?

Hindi na po ako takot ngayon kasi ayaw ko na po ng araw-araw na sakit hehe.

"Pero Ineng, iba kasi ang situation ngayon, wisdom tooth yan. Kapag magaaply ka ng trabaho someday, may mga ibang trabaho kasi na hindi tumatanggap ng hindi kumpleto ang ngipin dapat ayos at kumpleto lahat. I suggest na ipapasta na lang natin yan tapos kapag nakapasok ka na sa trabaho dun mo na lang ipabunot kasi baka hindi ka makapasok sa gusto mong trabaho kasi nawala na yung permanent mong ngipin."

"Ah ganon po ba, ah sige po..."sabi ko.