webnovel

Unbreak My Heart

Nhel's  Point of View

ILANG oras na ang lumipas simula nung mag-text ako kay Laine pero hindi talaga sya nag-reply.Kahit simpleng sorry lang dahil nakalimutan nya ang anniversary namin ay wala akong natanggap.

I heaved a deep sigh..

Sabagay ganoon naman si Laine kahit nung mga bata pa kami.Ilang buwan nya akong iniwasan dahil kay Lovie.Ganun din ang ginawa nya nung si Peachy naman ang na-involved at itong huli nga,yung kay Marga.Dito ako nahirapan ng husto hindi ko alam kung babalikan pa nya ako gaya noong mga nakaraang paghihiwalay namin,bumabalik sya sa akin.

Ganyan ang ugali ni Laine pag nasasaktan.Umiiwas at umaalis.At ako naman dahil mahal ko sya,hinihintay ko talaga sya na bumalik.

This time, hindi ko alam kung mananangan pa ba ako sa pangako nya na babalik sya.Sa pagtatalo namin kanina dahil kay Anton,parang gumuguho ang pag-asa ko na babalik pa sya.Nakikita ko kasi kung gaano nya pinapahalagahan si Anton at nasasaktan ako dun.Isa pa may anak sila, parang mas lalo akong pinanghihinaan ng loob.

Naisip ko na naman yung naging pagtatalo namin kanina.Bakit ba ayaw nyang ipaliwanag sa akin yung hindi ko raw naiintindihan? Palagi nyang sinasabi na Anton is a good man and doesn't deserve to be cheated.

F*ck! Am I not good enough for her?

How can she said that mokong is a good man? He is cheating behind her back for Pete's sake.At kapag napatunayan ko yon, I will stranggle his neck! At ako, mas mahaba yung pinagsamahan namin kumpara kay Anton pero bakit ganoon na lang ang pagbibigay nya ng importansya dito. Feeling ko si Anton na ang priority nya, hindi na ako.

S*it! Gust kong magwala dahil sa nararamdaman ko. Ang sakit, mas masakit pa kaysa nung umalis sya at iniwan ako.

Sa ngayon hahayaan ko na muna si Laine.Didistansya ako kung yun ang gusto nya.At isa pa nasasaktan lang ako sa nakikita kong pagpapahalaga nya sa mokong na yun.Maghihintay ako kagaya ng ginagawa ko noon at aasa ako na ang pagmamahalan namin ang magbabalik sa kanya sa akin.

Kung saan sya nararapat.

MAAGA akong nagising para mag-work out sa gym na malapit sa bahay namin.Gusto ko medyo maayos ang katawan ko mamaya sa fashion show namin.

Hindi ko alam mamaya kung paano aakto sa harap ni Laine, kami ang halos magkapareha sa pagrampa.Ayokong mailang baka makaapekto pa sa performance ko mamaya.Sana lang hindi ako mabwisit at magselos na naman kapag nakita ko silang magkasama nung mokong na yon.

Pag-uwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Marga.Kinukumusta si Mark.Sinabi rin nya na baka umuwi na sila sa susunod na buwan.Medyo napaaga dahil nagkaroon ng problema sa mga trabahador nila dito sa Pilipinas,aayusin muna raw pagkatapos babalik din uli ng Singapore.

Medyo nadismaya naman ako sa balitang uuwi na sya.Hindi ko pa kasi nae-enjoy masyado ang buhay na malaya tapos babalik na agad sya.

Huh talaga naman.What a life!

6 Pm nung umalis ako sa bahay papunta sa venue ng fashion show.Pagdating ko dun, hindi ko maiwasang hindi humanga sa ayos ng runway. Malawak ang lugar na punong -puno ng naggagandahang palamuti at ilaw ang runway.Mas marami ang upuan para sa mga panauhin.Masasabi ko na pinaghandaang mabuti dahil ang ibang panauhin ay galing pa sa branch ng Montreal sa ibat-ibang bansa tulad ng Switzerland na pinapatakbo ni Anton at Laine.

Nang makumpleto kami ay pinapunta na agad kami sa dressing room para ayusan.Nakita kong magkasama sina Anton at Laine pero hindi ko na lang pinansin.Aminado ako na umuusbong na naman ang selos sa akin pagkakita sa kanila pero binalewala ko muna. Hindi ngayon ang panahon para dun.

Nung finally magsimula na ang program. Narinig na namin na nag speech muna ang bigboss tapos in-acknowledge ang mga guest.Nagsalita ang emcee at binanggit ang mga bagong produktong irarampa. Undergarments at swimwear.

Ang Montreal Bare Essentials.

Pinatay ang ilang ilaw at yung nasa runway lang ang tanging maliwanag.Tumugtog na ang malamyos na musika mula sa sound system, hudyat na para lumabas na kami sa stage.

Nung lumabas ako na tanging underwear lang ang suot,naghiyawan na ang mga tao.Grabe gusto kong matunaw sa hiya. Sa loob ng halos walong taon ko sa pagiging modelo,ngayon lang ako lumabas ng ganito lang ang suot.Pero dahil mahal ko na ang trabaho kong ito,maayos ko namang nagawa at kahit paano naman proud ako sa katawan ko dahil alaga rin ito sa workout.

Nung palabas na ako ay si Laine naman ang susunod,magtatagpo kami sa gitna tapos mag~exit na ako at sya naman ang rarampa.

Wet look.

Sobrang humanga ako ng makita ko sya sa two piece swimsuit na suot nya.Parang hindi sya nagbuntis at nanganak. Lalo pa yatang naging sexy.Kahit madalas ko sya na makita na walang saplot pag may session kami,iba pa rin pala kapag rumarampa sya,iba ang dating at sobrang hot nya.Ang problema, gusto kong tusukin isa~isa ang mga mata na halos lumuwa na sa paghanga sa kanya.

Nang matapos si Laine ay sumunod naman si Anton at Pia sa runway.Nakita ko pa ang pagkindat ng mokong kay Laine ng magsalubong sila.

Sarap tusukin ng mata!

Yung finale ay kaming dalawa na.Awkward. Hindi kami nagpapansinan. Iniiwasan ko na lang tumingin sa kanya lalo na sa sexy nyang katawan, mahirap na baka biglang mag-react si noynoy, nakakahiya naman.

Nang patapos na kami ni Laine sa pagrampa, pumasok na ang lahat ng modelo suot ang ibat~ibang bagong produkto.Malakas ang palakpakan ng mga tao hudyat na tagumpay ang fashion show namin.Nag~ bow na kami kasama ang mga designers at si bigboss na nagpasalamat sa lahat ng dumalo.

Successful ang fashion show at gaya ng inaasahan,dagsa ang mga umorder ng mga produkto.

Nung pauwi na kami ay binati kaming lahat ng bigboss.Nagpasalamat sya sa aming dalawa ni Laine dahil dumagsa ang mga orders nung mga produktong inirampa naming dalawa.

Pumunta na ako sa dressing room para magbihis at kunin ang mga gamit ko.Nagmamadali sa pagbibihis ang mga kasama ko ang inabutan ko nang makapasok ako. Nag-anyaya kasi si bigboss na mag-celebrate para sa tagumpay ng fashion show sa isang mamahaling restaurant na pag-aari din ng isa nitong anak.

Napadako ang tingin ko sa may dulong bahagi ng dressing room. Sana pala hindi ko na tinignan dahil kumirot lang ang puso ko sa tanawing nakita ko.

Si Laine na nakapag-palit na ng damit at pagkatapos masuyong pinupunasan ang likod ni Anton na basa ng pawis at sa isang kamay ay hawak naman nya ang damit na pamalit nito. Nagpupuyos ako sa inis sa eksenang nakita ko. Ako dapat yun eh, dati ako yun at ako lang dapat.

Sa inis ko, nagmamadali akong nagbihis at sininop ang mga gamit ko.

Padabog na binuksan ko ang pinto ng dressing room para lumabas na at pabalibag ko ring isinara na ikinataka ng mga kasama ko na papasok naman sa loob.

" Pards,anyare sayo? Init yata ng ulo mo?"  tanong ni Clark na isa sa mga papasok ng dressing room.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad papalabas patungo sa parking lot. Nagdadalawang isip ako kung sasama pa ba ako sa paanyaya ng matandang Montreal. Kapag sumama ako malamang mabwisit lang ako kapag nakita ko na naman na magkasama si Anton at Laine. Ngunit kapag hindi naman ako sumama, tiyak na magagalit naman sa akin ang bigboss. Ayoko naman din na mangyari yung magalit ang big boss sa akin dahil sa tagal ko ng naninilbihan sa kanya bilang modelo, maganda ang ipinakita nito sa akin. Malaki ang naitulong ng malaking talent fee na nakukuha ko sa kanila sa pagbabayad ko ng bahay namin ni Laine.

I sighed..Bahala na nga! Hindi ko na lang sila titingnan na alam kong imposible naman mangyari.

Pasakay na ako ng sasakyan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.

" Nielsen!" ayaw ko sanang lumingon pero hinawakan nya ako sa braso kaya doon natuon ang pansin ko.

" What is it Alyanna? Spill it out, I'm in a hurry!" sabi ko kunwari,gusto kong maramdaman nya na nagtatampo at naiinis ako sa kanya.

" I just wanna say, I'm sorry...I- uhm.."

" Sorry for what? putol ko sa sinasabi nya. Sorry for choosing Anton over me? Don't worry Laine, I understand, I clearly understand.Naiintindihan ko rin na sya na ang mahal mo ngayon dahil may anak kayo.Huwag mo akong alalahanin, sanay naman ako na iniiwan mo at maghintay lagi sa pagbabalik mo."

" Nhel naman.Hindi ganon, hindi mo kasi naiintindihan."

" Paano ko nga maiintindihan ang mga bagay na wala akong alam.Huwag kang mag-alala hindi na kita gagambalain pa at pipilitin ko na wag ng umasa na magbabalik ka pa sa akin.Actually, sinisimulan ko na nga eh and I'm getting there.Soon." hindi ako seryoso sa huling tinuran ko dahil hindi ko naman yun talaga kaya.Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar.Hindi ko na inintindi yung pagtawag nya sa akin.Hindi na lang ako sasama sa celebration namin.

Tama na.Gusto ko na munang ipahinga ang puso ko sa mga sakit na nararanasan ko sa sobrang pagmamahal ko kay Laine.

Masakit ang mabalewala.Masakit, nasasaktan ako sa ginagawa at ipinaparamdam ni Laine sa akin ngayon.Oo nga mahal nya ako, at nararamdaman ko naman yun pero nararamdaman ko rin na parang may pag-aalinlangan sya. Hindi nya maibigay sa akin ng buo katulad noon.

I drew a deep breath.Marahil marami na nga ang nagbago sa loob ng limang taon na magkahiwalay kami. At aaminin ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala na nga sya sa akin ng tuluyan. At hindi na sya lumaban para sa aming dalawa. At hindi ko rin alam kung kaya ko ba yung sinabi ko na hindi na ako aasa pa sa pagbabalik nya.

Hindi ko alam at hindi ko yata kaya.

Laine mahal na mahal kita..hanggang ngayon ikaw lang at walang iba.Sayo ko lang ibinigay ang puso ko maging ang katawan ko, walang iba kahit kay Marga pa.

Yes never in five years na nakuha ako ni Marga.She never had me..heart and body.

Hala paano nangyari yung sinasabi ni Nhel na hindi niya binigay kay Marga ang katawan nya eh may anak sila? Find out soon guys.

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter